(Pretend Wife) 7

20.3K 427 15
                                    

"Mrs. Forto!" alanganing ngumiti si Czarina sa matandang kasambahay ni Harland. Ayon kay Luigi, stay out daw ang matanda at pumupunta lang tuwing umaga upang maglinis, magluto at maglaba para kay Harland. Nakilala niya ito si Aling Rosario. Bahagya pang yumukod sa kanyang harapan ang matanda nang ilapag ang mango juice bago nagpaalam na babalik sa kusina. 

Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Kaya naman pala ng makita niya ito noong araw na nagpunta siya dito sa building na 'to, naka-suot ito ng pang-jogging, nasa 62nd floor pala ang unit nito. Nalaman din niya kanina na ang elevator na kanyang sinakyan ay exclusive lang para kay Harland, thus the weird look she got from all the employee that day. Kaya din pala walang nangahas na sumabay sa kanya. 

Napansin niya ang picture frame na nasa side table. Umisod siya ng kaunti at dinampot iyon. Si Harland yun, nasa gitna ng dalawang medyo may edad ng babae. Sa tingin niya mama at lola nito ang mga yon. Sa tingin niya ang mama nito ay nasa late 40's. Napakaganda nito, easy to tell where Harland got his good looks. Ang mas nakakatanda naman na babae sa tingin niya ay nasa late 60's naman. Sa kabila ng katandaan, makikita pa rin na napakaganda nito noong kabataan nito. 

"Yan ang mama at lola ko!" muntik mabitawan ni Czarina ang hawak na picture frame ng mula sa kung saan ay sumulpot si Harland. Nang lingunin niya ito ay naka-suot na ito ng itim na shorts at puting sando. He looks younger now that his real age, he looks more relax. Halata din na nakapag-shower na ito. Napasimangot si Czarina. Napaka-ungentleman talaga. Nakaligo na pala, hindi man lang inalala na galing din siya sa mahabang biyahe. 

"Masarap ba maligo?" sarcastic na tanong niya dito. Kumunot ang noo nito na  nagtataka sa kanyang tanong, pagkaraan ng ilang segundo ay nakakalokong ngumiti ng tila na-gets na ang kanyang ibig sabihin. 

"Oo naman! The hot water is so good. You should have joined me in the shower." humalukipkip ito at sumandal sa mini-bar. 

"Ang bastos talaga nito! Hoy, mas gugustuhin ko nang wag maligo isang taon kaysa sumabay sa pervert na katulad mo." inis niyang sabi sa lalaki. Tumawa ng mahina si Harland na parang aliw na aliw sa nakikitang pagkainis niya. 

"Ooops, be careful what you wish for cause you might just get it! Pero sabagay, parang di ka naman ganun ka-vain kaya I won't be surprised if gawin mo talagang di maligo nang isang taon! HAHAHAHAH!" 

"Bastos ka talaga eh, nu?" sinugod niya ito at muling pinagpapalo. Natatawa itong sinasalagsalag ang kanyang pag-atake, at tumakbo pa paikot sa bar na parang bata na nagtatago mula sa kanya. 

Naabutan niya 'to sa malapit sa veranda. Pinagpapalo niya si Harland na patuloy sa pagtawa at pag-ilag sa kanya. Dahil na rin sa pag-iwas nito sa kanya, na-out of balance ang lalaki at bumagsak sa sahig, kasama si Czarina. She collapsed above him. 

Nagtama ang kanilang mga mata. Napalunok si Harland as he stares at Czarina's lips. Kanina ng magkalapit ang kanilang mga mukha sa kotse, hindi niya maiwasang hindi titigan ang mga labi nito. Something invited him to kissed those lips, pero ng makita niyang pumikit ito kanina, he found the urge to stop his self from kissing her. Pero ngayon, muli na naman niyang nararamdaman ang malakas na pwersang yun. He can smell her natural scent, it's so feminine. Nagsinungaling din siya kanina ng sabihin niyang amoy agiw ang buhok nito. Sa katunayan, when he buried his nose on her head earlier, her hair reminds him of summer dew; of flowers and candies. 

Pero hindi ito dapat. He can't take advantage of this woman. Hindi ba't kaya nga niya pinili ito ay dahil sigurado siya na hindi siya ma-a-attract dito? Mariing pumikit si Harland, pagkatapos ay biglang tinulak sa magkabilang balikat ang babae. 

"Umalis ka nga sa ibabaw ko, retard! Ang kulit mo kasi eh!" agad siyang tumayo at tinungo ang mini-bar. Nagsalin siya ng brandy sa isa sa baso, and drink it straight. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon