(Pretend Wife) 29

19.6K 380 13
                                    

"Ayaw mo ba talagang pag-usapan, Czari?" concern na tanong sa kanya ni Teacher Miles. Nang umalis siya sa unit ng asawa, napagpasiyahan niya na dito muna sa kaibigan makituloy. Natatakot kasi siya na baka mag-usisa pa ang kanyang itay sa kung ano ang talagang dahilan ng kanyang pag-alis, at di niya kaya na muli pang magsinungaling dito. 

"O-okay lang ako, Miles! Pero thank you talaga na pumayag ka na dito muna ako ha!" pilit niya na pinasaya ang sarili. How she wish kaya niyang ibahagi sa kaibigan ang lahat, but there are things that she can't just share to anyone. 

Kanina ay tumawag si Harland sa kanya, but she ignored his calls. Masama pa din kasi ang kanyang loob, and besides, ayaw niyang mag-alala ang asawa dahil alam niya na abala ito sa meeting nito sa ibang bansa. 

"Ano ka ba? Magkaibigan tayo, di ba? Eh, sige kung ayaw mong pag-usapan, papasok muna ako sa loob ha, para mag-prepare ng lunch natin." tinapik siya nito sa balikat. Ngumiti na lamang si Czarina sa kaibigan na agad na din pumasok na sa loob. 

Napakunot ang noo ni Czarina nang tumunog ang kanyang cellphone mga ilang minuto ng makapasok sa loob si Teacher Miles. Numero lang ang rumehistro sa screen. Hindi niya muna ito pinansin, inisip niya na baka si Harland lang na gumamit ng ibang number. But the caller seems so persistent. Nang muling mag-ring ang kanyang cellphone ng pang-limang beses, she was obliged to pick-up her phone. 

"Hello?" 

"Hello, this is Czarina Forto, di ba?" tanong sa kanya ng nasa kabilang linya, at base sa tinig, lalaki ito. 

"Y-yes! S-sino 'to?" 

"Di na mahalaga kung sino ako! Makinig ka sa akin. Hawak ko ang Mother-in-law mo, si Marissa, ang mama ng asawa mo. Gusto kong mag-withdraw ka ng 100 million pesos, ilagay mo sa isang itim na bag pagkatapos ay hintayin mo ang kotseng itim na titigil sa harap mo sa tapat ng Quiapo Church."

"Anoooo? Teka, adik ka ba? Anong pinagsasabi mo? San ako kukuha ng 100 million pesos?" nabibigla na bulalas ni Czarina sa sinabi ng nasa kabilang linya. 

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Mrs. Forto. Alam kong may kapangyarihan ka sa lahat ng kayamanan ng hayup mong asawa. Pumunta ka sa Quiapo Church ng alas-tres ng hapon. Tatawag ulit ako pagkatapos ng bente minutos. Binabalaan kita, wag kang magsusumbong kahit kanino, lalong-lalo na sa asawa mo." may sasabihin pa sana si Czarina ngunit agad itong nawala sa linya. Pakiramdam ng babae ay nanlalaki ang kanyang ulo. Sino ba ang tumawag sa kanya? Paano napunta dito ang mama ni Harland? 

Mabilis na gumana ang kanyang utak. She has to be sure kung talaga bang nasa kamay nito si Mama Marissa. Mabilis niyang tinawagan si Lola Carmela. Tatlong ring bago iyon sinagot ng matanda. 

"Hello, Czarina! How are you, sweetheart?" masayang tanong nito sa kabilang linya. Pilit niyang pinakalma ang sarili, hindi dapat makahalata ang matanda dahil kung totoong nasa kamay ng tumawag si Mama Marissa, maaring itong mapahamak. 

"O-okay lang po, Lola! Kamusta po k-kayo? S-si M-mama M-marissa po, kamusta?" she stammered, she could only wish she doesn't sound so suspicious. 

"Awwww. You're so sweet! Okay naman kami, iha. Marissa will be flying to Hongkong today. Kaninang umaga pa siya umalis from here, di pa ba kayo nagkita? Sabi niya dadalawin ka daw niya diyan sa unit nyo." 

"G-ganon po ba? Ahh, hindi pa po eh! P-pauwi pa lang po ako. Sige po, Lola Carmela. Mag-iingat po kayo ha! O-opo, sige po. I-i love you, too." aniya. Pagkatapos tapusin ang tawag kay Lola Carmela ay agad naman niyang tinawagan ang landline sa kanilang unit ni Harland. Si Aling Rosario ang sumagot, na nagulat sa bigla niyang pag-alis. Sinabi na lang niya na saka na magpapaliwanag, at agad na tinanong kung naroroon ba ang mama ni Harland. Bumaha ang kaba sa kanyang dibdib ng sabihin nito na hindi pa nagagawi doon si Mama Marissa. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon