(Pretend Wife) 14

17.1K 356 9
                                    

Isang malakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang nagpabalikwas ng bangon kay Harland. And then he realized, he was just dreaming dahil nakita niya si Czarina na payapa pa ring natutulog sa kanyang kama. 

Napailing ang lalaki. Ano ba yung napanaginipan niya? Siguro dahil na rin sa ayos ng babae kanina na nakatapis lamang ng tuwalya. Well, kahit sino naman sigurong lalaki ay makakaramdam ng kakaiba when you see a girl na ganon ang ayon not unless that guy isn't a real man, di ba? pagbibigay niya ng rason sa kanyang naisip. 

Hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha bago tumayo dahil narinig muli ang malakas na pagkatok sa pinto. 

"Sandali lang!" antok pa niyang sabi sa kung sino man ang kumakatok sa if maririnig siya nito-- eh sound proof kaya ang kwarto niya. Napamulagat siya ng ang kanyang Mama at Lola ang makita sa labas ng pinto. 

"Iho, lunch time na! Nasaan si--" he automatically shut the door even before his grandmother can take a peek inside. Mabilis niyang tinakbo ang sofa, kinuha ang mga unan, comforter at pabalya yung hinagis sa kama. Tumama pa ang isang unan kay Czarina na agad nagising. 

"Huy, anong bang problema mo?" kinusot-kusot pa ng babae ang mata habang puno ng pagtataka na tinitingnan ang ginagawa na Harland na tila natataranta  habang pilit na ginugulo ang maayos na bahagi ng kama nito. "Teka lang, bakit mo ba ginugulo yan? Ano bang ginagawa mo?" 

"Nasa labas sila mama at lola." 

"And so?"

"Tsssss! Pag nakita nila na may unan sa couch, at maayos itong side na 'to-- ano sa tingin mo ang iisipin nila?" 

Napatango si Czarina when she finally gets what he meant. Oo nga naman, malalaman nito na hindi sila magkatabi sa isang higaan, na pwedeng maging dahilan ng paghihinala nito sa kanilang "kasal". 

"Come! Hinihintay na nila tayo." tatanggi sana ang dalaga dahil halos hindi pa siya nakakapag-ayos ng sarili, ngunit hinila na siya agad ni Harland. Nagulat pa siya ng akbayan siya nito like he doesn't want her to go anywhere. Czarina feels like heart beats abnormally na mas lalong tumindi ng buksan na nang lalaki ang pinto at makita niya roon ang mama at lola nito na ang laki ng pagkakangiti. 

"Naku, I am very sorry, iha! We didn't mean to intrude your siesta, we thought lang na baka gutom na kayo. But if you two are still busy, go on with that you're doing. Hintayin na lang namin kayo sa ibaba." a playful smile form on Marissa's lips. Tinapunan pa nito ng tila nasisiyahang tingin ang si Lola Carmela na katulad nito ay may ngiti din na parang nanunukso pagkatapos ay tinanguan si Harland. She looked at him, and she notice that he is blushing. Ano bang nangyayari? Wala siyang maintindihan! 

Tinangka niyang pigilan ang dalawang babae, pero dahil nga sa nakayakap pa sa kanya ang lalaki ay hindi niya nagawa iyon. Nakita pa niya na tila nagbubulungan ang dalawa pababa ng hagdan pagkatapos ay naghigikgikan na parang may pinag-uusapan na nakakatuwa. 

"Anong ibig sabihin nila? Di ko gets! Ang weird ng mom saka lola mo."  aniya. Imbis na sumagot ay hinila siya ng lalaki sa harap ng life size mirror na nasa labas ng walk-in closet nito, at hinarap siya dito. Nakita niya na gulo-gulo ang kanyang buhok, gusot ang kanyang suot na blouse at bukas ang unang dalawang butones nito, labas din ang isang strap ng bra niya marahil na rin dahil sa kanyang pagkakahiga. Ngayon niya na-gets kung bakit ganon na lang ang reaksiyon ng dalawang mas nakakatandang babae. 

"Did they thought that we....?" awtomatiko siyang humarap kay Harland. Marahan itong tumango upang kumpirmahin ang kanyang iniisip. Natampal tuloy ni Czarina ang noo. Kasalanan ito ng lalaking 'to eh. Hindi man lang muna kasi siya pinag-ayos ng sarili. Sabi niya sa isip. Pero teka, kaya din ba ito namumula kanina ay dahil sa inisip ng mama at lola nito? A teasing smile form into her lips. "Were you blushing earlier?" nanunukso niyang tinuro-turo pa ang mukha ng lalaki. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon