(Pretend Wife)16

16.9K 356 10
                                    

"Mrs. Czarina Forto, laya na po kayo!" mula sa pagkakayuko ay mabilis na nag-angat ng ulo si Czarina ng marinig ang pangalan. Halos may isang oras na siyang nakakulong sa piitan na iyon.

Kanina ng dalhin nila si Raf-raf sa Ospital ay kinailangan ni Harland na sumama sa ilang DSWD officials upang magpaliwanag nga kung ano ang nangyari sa bata. She decided to just stay para siyang magbantay dito habang di pa nagigising. Kinailangan kasi itong turukan ng pampatulog pagkatapos ma-CT Scan dahil nanginginig sa takot ang bata. Ang sabi ng psychiatrist ay mukhang nagka-trauma ito sa kung ano man ang nangyari base na din sa reaksiyon nito.

Dumating ang babae na nalaman nilang nanay nito; may kasama itong mga pulis at kinasuhan siya ng kidnapping. Napagpasiyahan na lamang ni Czarina na sumama ng matiwasay sa pangamba na magising si Raf-raf dahil sa paghihisterekal ng ina nito. The kid had enough, kaya naman ayaw niyang ma-istorbo ang pagpapahinga nito.

"M-mam, p-pasensiya na po kayo! H-hindi po namin a-alam na k-kayo po a-ang a-asawa n-ni M-mr. Forto." utal na paghingi ng paumanhin ng isa sa mga Pulis na humuli sa kanya sa Ospital. Mababakas sa tinig nito ang takot. 

"Don't worry, Sir! I know that you were just doing your job." Czarina gave him and the other policies her tired smile. Gustuhin man niya na bigyan sila nang mas magandang ngiti, hindi na talaga niya kaya. She is tired, famished, idagdag pa na pakiramdam niya ay sobrang dumi at baho na niya dahil halos yata ng buhangin at alikabok sa hacienda ay nasagap na niya sa pagpapatakbo ng mabilis sa bisikleta na hiniram. 

Napalatak ang dalaga, oo nga pala! Yung bike na hiniram niya. Naiwan niya dun sa malapit sa bahay nila Raf-raf. Tatakbo na sana siya palabas upang balikan ang bisikleta ng biglang may humila sa kanyang braso. 

"Retard, san ka na naman pupunta?" nawala ang pagkagulat sa kanyang mukha ng si Harland ang kanyang malingunan. She exhale a sigh of relief!

"Ikaw lang pala! Anong ginagawa mo dito?" 

"Ano pa bang gagawin ko dito? Magpaparty? Tsssss!" inis na sagot ni Harland sa babae. Kahit ang totoo ay lubha siyang nag-alala ng hindi niya madatnan sa ospital ito, bagkus ang ina ng bata na sinagip nito ang naroroon. Nagalit pa nga ito ng makita siya, at kahit nalaman pa nito na siya si Harland Forto-- hindi man lamang ito nasindak. Nagbanta pa ito na isasama siya sa kasong kindapping kung hindi siya magbibigay ng danyos na isang milyong piso. Obviously, mukhang pera ang babae. Sinabi pa nito sa kanya na nasa kulungan na si Czarina at sisiguraduhin daw nitong mabubulok doon ang babae. 

That got into his nerves! He called his legal counsel to deal with the woman. Ang kanyang lawyer din ang kumausap sa DSWD upang sampahan ng kasong child abuse ang ina ng batang si Raf-raf. In the end, she was begging to him na wag na siyang ipakulong, pero hindi pumayag ang lalaki. 

"Ang sunget mo naman! Teka, ikaw ang nagpiyansa sa akin, ano?" nakangiting tanong ni Czarina dito. Yumakap siya sa braso ng lalaki at inihilig ang ulo. 

"Tssss! Stupid talaga. Sino pa ba? Saka lumayo ka nga sa akin. Ang baho mo! Chuu chuu chuu!" kunwa ay tinulak-tulak niya palayo ang babae. 

 "Hahahahah! Ang selan mo naman. Wag ka ngang maarte." mas lalo niyang niyakap ng mahigpit ang braso nito. And then she close her eyes; her safe place. 

Si Harland naman ay hindi napigilang mapangiti. Sobra siyang nag-alala para sa babae, but seeing her now safe and sound-- nakaramdam na din siya ng relief. 

"Hindi ka ba natakot kanina?" tanong niya kay Czarina nang nasa loob ng sila ng 4x4 owner niya. Dumilat ito at umayos ng upo mula sa pagkakasandal sa passenger seat. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon