(Pretend Wife) 8

18.3K 394 7
                                    

"H-harland!?" Czarina stammered. Bakit 'to nandito? Di ba't sabi nito kanina sa kanya ay lubhang magiging abala ito sa opisina? Anong ginagawa nito ngayong dito?

Madilim pa rin ang mukha ng lalaki na lumapit sa kinaroroonan nila ni Enzo. 

"M-mr. Forto! M-magandang umaga po." bati ng kanyang ama nang tila maramdaman ang tensiyon na biglang pumagitna sa dalawang lalaki. Nang marinig naman ni Harland ang tinig ni Mang Caloy ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Pinilit nitong pakalmahin ang sarili. 

"Tay, Harland na lang po. Mano po!" may ngiting sumungaw sa mga labi ng lalaki na inabot ang kamay ni Mang Caloy at nagmano. Czarina was stunned, maging ang kanyang itay sa ginawa ni Harland. Talaga bang nagmano ito sa kanyang ama? She can't believe it! All this time, convinced na talaga siya na walang manners sa buto ang "asawa" but this act of courtesy coming from him really surprised her. 

Alanganin siyang tiningnan ng kanyang Itay na parang nahihiya dito. She gave her father a smile! Parang mahahalikan niya pag-uwi si Harland sa sobrang tuwa sa kabaitan na ipinakita nito sa kanyang ama, kahit pa sa palagay niya, what he did was still part of their "show".

Saka lang niya napansin na kasama din pala nito si Luigi na may dalang basket ng prutas, groceries, mamahaling alak at iba pang mga paper bag na hindi niya alam kung ano ang mga laman. Inilapag iyon lahat ng lalaki sa ibabaw ng kanilang kahoy na lamesa, pagkatapos ay yumukod ng bahagya sa kanilang lahat bago lumabas.  

"Eh, i-iho, ano 'tong mga 'to?" takang tanong ni Mang Caloy na itinuro ang mga bagay na pinasok ng assistant nito. 

"Mga regalo ko po para inyo, Tay! Hindi ko po sigurado ang size ng pantalon nyo pati t-shirts nyo, hinulaan ko na lang po. Sana po magkasya sa inyo. And I've heard from Czarina that you suffered a stroke 2 years ago, kaya po I bought fruits din para sa inyo, and some groceries and multivitamins. Binilihan ko din po kayo ng Red Wine. It's good for the heart!" nakangiting sabi ni Harland. Nag-aalalang binalingan ni Czarina ng tingin ang kanyang ama. Kilala niya ito, he won't be impressed with gifts. And true enough, parang medyo nagdilim ang mukha ng kanyang itay. 

"Mr. For-- ahh, Harland, pwede ka bang makausap ng sarilinan?" seryoso ang mukha ng kanyang ama, at sigurado siya, hindi nito nagustuhan ang ginawa ng lalaki. Lumapit siya kay Harland at kumapit sa braso nito. 

"Tay, baka po busy si H-harland. Mara--"

"No! It's okay. I'm never busy for you, Sir." pigil ni Harland sa tangka niyang pagpigil sa gustong mangyari ng kanyang itay. Nag-aalala niya itong tiningnan, pero tinanguan lang siya ng asawa at pagkatapos ay tinungo na ang daan na itinuturo ni Mang Caloy. Sa kanilang likod bahay! 

"Whew!! Seloso pala ang mister mo?" napalingon siya sa kaibigan na si Enzo. Oo nga pala, kasama pa pala nila ito! Muntik na niyang makalimutan na naririto pa ang lalaki. Ganon kalakas ang dating ni Harland. He can oustand any men around just be his mere present. 

"Ba't mo naman kasi ginawa yun? Ano bang pumasok sa isip mo, Enzo?" taas ang kanyang isang kilay na tanong sa kaibigan nang maalala ang ginawa nitong paghalik sa kanyang kamay. 

"K-kasi, hmm, Czari..." bigla itong nautal, at tinapunan siya ng guilty na tingin. "Kasi Czari, matagal na kitang gusto..." 

"Eh gusto din naman kita! We're friends, di ba?" aniya. Tumabi pa siya ng upo sa lalaki at inakbayan ito. 

"You don't understand eh! I-i like you soo much. I like you more than friends..." pag-amin nito sa kanya. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Czarina! Gusto siya ni Enzo ng higit pa sa kaibigan? At sa pinakaunang pagkakataon, nakaramdam siya ng pagkailang sa lalaki. "Czari? Please say something!!" nag-aalala ang tinig ni Enzo ng mapansin ang kanyang pananahimik. Tumayo ito at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Please say something..." 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon