(Pretend Wife) 20

18.7K 392 10
                                    

"Kailangan ko ba po talagang sumali sa beauty contest na yan, Lola Carmela?" may alinlangan na tanong ni Czarina sa matandang babae. Kaninang umaga ay dumalaw ang Vice Mayor ng bayan maging ang mga konsehal at iba pang opisyales upang ipaalala na mamayang gabi na ang gaganaping patimpalak para sa Ginang Santillan. Ayon kay Lola Carmela, charity event yun na ginagawa taon-taon para makalikom ng pera na ido-donate sa mga mas mahihirap na mamayang ng kanilang bayan. Dinadaluhan iyon ng mga matataas at pinakamayayamang tao ng Batangas. At ang mga kalahok ay ang mga Misis ng mga kilalang personalidad. 

"Of course, iha! Kung pwede pa nga ako eh, bakit hindi? Pero hindi na pwede ang senior citizen. And besides, your Mama Marissa here was the longest reigning Queen before. Di na lang nga siya sumali muli dahil wala na yatang nakakatalo sa kagandahan niya." may fondness sa tinig ng matandang babae na binalingan pa ang manugang na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Napangiti si Czarina, it's obvious that Lola Carmela loves Mama Marissa more than just a daughter-in-law. 

"Pero kung ayaw naman ni Czarina, pwedeng ako na lang, Mama! Hindi nyo po naitatanong, lagi din akong nananalo sa mga beauty contest nung college ako. Maging sa amin--" 

"Oh, please, Cynthia! Ginang Santillan ang hinahanap, which means, you should be a MISSUS. Eh anong sasabihin mo pag tinanong ka nila kung kasal ka?" pigil ni Lola Carmela sa sasabihin pa ni Cynthia. The poor woman just bit her lower lip. Parang gusto tuloy makaramdam ng awa ni Czarina para dito. Kung malalaman kaya ng lola ni Harland na contract marriage lang ang kasal nila, mamahalin pa rin kaya siya nito katulad ngayon? Ahh, she shook her head! Saka na niya haharapin yun. For now, she is Mrs. Harland Forto, and she isn't planning to fail the name. 

"H-hindi pa po k-kasi ako nakakasali sa mga ganyan. Saka I don't know what to expect." aniya. Ginagap ni Marissa ang kanyang kamay, and gently caress it. 

"Czarina, just be yourself! Wag kang ma-pressure. Just remember that this is just for the spirit of fun and helping. Pag ikaw ang nanalo, makakapili ka ng charity, magdo-donate ang council doon sa mapipili mo. It's like beauty with a cause!" spoken like a true beauty queen, Czarina somehow feels at ease dahil sa mga salitang iyon ni Mama Marissa. 

"S-sige na nga p-po! P-pero d-di ba po k-kailangan naka-gown diyan? Saka may talent portion?" 

"Ahh! Don't worry about the gown, Iha! And for the talent portion, uhmm, I think diyan tayo magkaka-problema!" ngayon naman ay ang mukha ni Lola Carmela ang may pag-aalinlangan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sige na naman, YOUR HIGHNESS!" pangungulit ni Czarina sa lalaki na ngayon ay abalang nakatutok ang mga mata sa laptop. 

"NO! Pag sinabi kong hindi, hindi."  tigas na tanggi ni Harland na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa. 

"Eh, k-kasi, p-paano yan? Kailangan daw duet tayo eh! Yun daw ang rules sa contest." naupo siya sa study table nito. Problema niya ngayon kung paano mapapayag si Harland na kumanta kasama siya para sa talent portion ng Ginang Santillan. Ayon kasi kay Lola Carmela, kailangan daw kasama ang asawa sa gagawing talent ng kalahok na kandidata. They could dance, they could sing, basta kailangan daw na maipakita na suportado ng asawang lalaki ang kanilang mga Misis. 

"Then, back out! Besides, nag-donate na naman ako sa kanila, so you don't have to join. Umalis ka nga diyan sa lamesa ko!" tinulak niya palayo ng bahagya ang babae. Agad naman itong bumaba mula sa pagkakaupo sa lamesa, at lumipat sa upuan na nasa harap nito. Nangalumbaba ito paharap sa kanya na parang napakabigat ng problema. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon