(Pretend Wife) 23

19.6K 400 19
                                    

"Sir, may bisita po kayo!" nag-angat ng ulo si Harland mula sa mga papeles na pinag-aaralan. Pagkatapos niyang nananghalian ay naging lubhang abala na siya kaya naman hindi na niya namalayan ang oras. He glance at his wrist watch, pasado ala-siyete na pala ng gabi. 

"Luigi, please tell them to come back tomorrow kasi late na. Tatapusin ko lang--" 

"Your Highness!!!!! Ayokong bumalik bukas!!!" napatigil siya sa pagsasalita ng ang tinig ng asawa ang marinig. Lumabas ito mula sa likod ni Luigi, looking so comfy on her white plain polo shirt, walking shorts na maong at asul na esperdilles. Ang buhok nito ay itinali pataas na halatang minadali lang. Napangiti si Harland, she's really his ray of sunshine. 

"What are you doing here, retard?" pilit niyang pinaseryoso ang tinig at ibinalik muli sa ginawaga ang tingin. At the corner of his eyes, sinusundan niya ng tingin ang babae na ngayon ay tila iniinspeksiyon ang bawat sulok ng kanyang opisina. Naupo pa ito sa isa sa mga swivel chair at pinaikot-ikot iyon na parang bata. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Luigi na agad naman tumigil ng pandilatan niya. "Hey, stop it! Ano bang ginagawa mo dito?" 

"Wala naman! Sabi kasi ni Aling Rosario, hindi ka pa daw nagdi-dinner. Invite lang sana kita for a dinner, treat kita!" sagot ni Czarina habang patuloy pa rin na pinaiikot ang sarili sa swivel chair. 

"Really? Bakit may pera ka ba?" amused niyang tanong dito. Tumigil ito sa paglalaro sa silyang de ikot, at lumapit sa kanya. Nakapameywang pa itong tumayo sa kanyang harapan. 

"Anong kala mo sa akin? May pera din naman ako, nu! Di nga lang kasing laki ng pera mo. Kaya halika na, treat na kita." 

"Busy ako, retard! Kumain ka na lang mag-isa mo. Marami pa akong ginagawa." kunwa ay taboy niya sa babae kahit pa ang totoo ay nag-uumapaw ang kanyang puso sa kakaibang saya na nararamdaman. Imagine, may isang babae na ini-invite siya na kumain at ito raw ang magbabayad? It's the first! 

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Czarina sa kanyang tabi at hinihila na ngayon ang kanyang braso para tumayo mula sa pagkakaupo. 

"Halika naaaaaaa!!! Pwede mo naman tapusin yan kahit kelan eh." 

"Ano ba? Hindi nga pwede!!" 

"Chosera ka! Ikaw kaya may-ari nitong kumpanya, pwede mong tapusin yan kahit kelan mo gusto." sukat sa sinabi ng asawa ay napatawa ng mahina si Harland. Though he doesn't always get her "street slang" such as chosera, he always find her cute. 

"Hmm, okay fine! Basta siguraduhin mo lang na sa masarap na restaurant mo ako dadalhin ha! Saka di ako kumakain sa mga fastfoods." itinabi niya ang folder na binabasa, and turned off his laptop. He instructed Luigi to bring all the paper works sa unit nila, at ihanda ang sasakyan. "Teka, ganyan ka lang?" pagkuwan ay tanong niya ng maalala ang ayos ng asawa. 

Takang tiningnan ni Czarina ang sarili. "O, anong problema sa suot ko?" 

"W-wala naman! P-pero don't you think it's too casual?" ngunit imbis na sumagot ay bigla itong yumakap sa kanyang kaliwang braso, at isinandal pa ang ulo nito doon. 

"Hayaan mo na, kasama naman kita eh! You already look too formal yourself. Ako na lang ang bodyguard mo!" sabi ng babae na pangiti-ngiti pa. 

"Tssss! Bodyguard? Ang liit mo kaya! Bahala ka nga." aniya. He smirk; the delighted kind. 

All eyes are on them na makababa na sila. His staffs are all smiling, some can't help but to get giddy seeing their President and CEO walking with his wife. Habang si Czarina naman ay panay ngiti, at bati sa lahat ng empleyado. And even the janitors and janitress, kilala ang asawa. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon