(Pretend Wife) 5

20.3K 416 10
                                    

Hindi pa rin maiwasan ni Czarina na makaramdam ng inis sa tuwing maaalala ang proposal ni Harland Forto may tatlong araw na ang nakakaraan. 

"Ang lakas ng tama sa utak nung lalaki na yun." inis na sabi niya sa kanyang sarili. Naalala pa niya ang naging usapan nila. 

"Be my wife!" sabi nito sa kanya. 

"Ha? Pardon, Sir?" ano daw sabi nito? Be my ano daw? 

"I said, Be my wife!" ulit nito sa sinabi. Aha! Tama nga siya ng narinig. Inaalok siya nito na maging asawa. 

"M-may gusto po ba kayo sa akin?" tanong niya sa lalaki. 

Amused na napatingin naman dito si Harland. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa sa tanong na iyon ng babae. Sa huli ay hindi na niya mapigilan na matawa. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito habang pinapanuod ang kanyang pagtawa. 

"Ano pong nakakatawa, Sir?" pinipigil niya ang inis na muling tanong dito na patuloy pa rin sa pagtawa. 

"Sorry! It's just you're so funny, Ms. Dela Cruz. You really assumed na may gusto ako sa'yo kaya kita inaalok na maging asawa ko?" 

"Eh, bakit nyo po akong gustong maging asawa? Hindi po ba kaya nagpapakasal ang dalawang tao ay dahil sa love?" salubong ang kilay nito. He would find her cute if only they are in different circumstances. Napilitang tumigil sa pagtawa si Harland, at inayos ang sarili. 

"Well, that's what happened when people always believe in fairy tales. You seem to look everything in your rose colored glass. But in the real life, hindi ganun yun. It's the nature of the beast we follow in this world of reality! Walang perfect, Ms. Dela Cruz! Minsan may mga taong nagpapakasal hindi dahil sa love. Some to expand their corporation, some to protect their wealth, etc. Ayun ang mundo ko, Ms. Dela Cruz." his voice is full of formality. Lalo naman naguluhan ang dalaga sa mga narinig. Ano bang pinagsasabi nito? Wala siyang maintindihan! 

"Listen, ang kasal na inaalok ko sa'yo ay isang contract. A contract that will only last for 2 to 3 years. We will marry in the US para may divorce. In return, ibibigay ko sa inyo ang mga titulo ng lupa. You will also receive a huge compensation in the event that you agree to be my "wife". You will be a rich woman after our divorce!" 

Pilit ina-absorb ni Czarina ang mga sinasabi nito. It appears to her that he is offering her a marriage for convenience. Pero ang pinagtataka niya, bakit siya? He could get any woman he wants. 

"B-bakit po ako, Sir? H-hindi ko maintindihan.." sa wakas ay naisatinig niya ang kanyang nasa isip. She can't still grasp the point of everything. Ang hirap i-process sa kanyang utak. 

Sumandal ang lalaki sa swivel chair at pinagsiklop ang dalawang palad. He looks so tall sitting on that small chair. She bet, this office can't be compared sa opisina nito sa Makati. She have seen Forto Group of Company's building, and it speaks fame and fotune. Kaya naman hindi maintindihan ni Czarina kung bakit nag-abala pa itong pumunta dito sa kanilang barangay, maupo sa maliit na swivel chair sa loob ng isang masikip na office at ayain siya na maging asawa. Everything just doesn't make sense. 

"Why you? Good question! Because your type isn't my type. And let's just say na alam kong mabigat ang pangangailangan mo that you can't turn down this offer. Come to think of it, this will be a win-win situation. We will both benefit from this." nakangiting paliwanag ni Harland sa babae. Sigurado siya na hindi nito matatanggihan ang kanyang proposal. Ano nga ba ang sabi, ang taong gipit sa patalim kumakapit? Kaya naman nagulat siya ng biglang tumayo ang babae at punitin sa harap niya ang sulat nito na nasa yellow paper. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon