(Pretend Wife) 2

28.6K 455 20
                                    

"Czari! Where have you been?" narinig ni Czarina na tawag sa kanya ng kanyang bestfriend na si Enzo. (HINT: LUKE LANDRIGAN) Mabilis niyang itinaas ang kanyang kanang kamay upang pigilan itong makalapit sa kanya. 

"Hep! Diyan ka lang! Wag kang lalapit sa akin. I'm stinky!" aniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay, kasunod naman niya si Enzo. 

"Mabaho ka nga ha! Amoy hanggang dito eh!" awtomatiko siyang muling nilingon ang kaibigan ng marinig ang mahinang pagtawa nito. Taas ang kilay niya itong hinarap. 

"Well, Quenzo Villareal, ikaw na lang nga ang nakikiamoy eh! And besides, wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo. Kaya pwede ba, chuuu! Chupi! Layas! Uwi!" pagtataboy niya dito. Bagay na lalong kinatawa ng lalaki. 

"Ang pikon mo naman ngayong araw. Di ka na tuloy cute!" patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kanya. 

"Ano ba sa wala.ako.sa.mood ang hindi mo naiintindihan?" inis pa rin niyang sabi sa kaibigan habang patuloy sa paglalakad. Natigilan siya ng makita ang ama na naghihintay sa tapat ng kanilang bakal na gate. Parang gusto na naman niyang maiyak, lalo ng makita niya na tila excited ito na malaman kung ano ang resulta ng kanyang lakad. "Mano po, Itay!" inabot niya ang kamay ng ama at dinala sa kanyang noo. 

"Good afternoon po, Mang Caloy!" narinig niyang bati ni Enzao dito. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kanilang bahay. Kinuha niya ang tuwalya, kumuha din siya ng malinis na damit pagkatapos ay tinungo ang kanilang banyo. Kailangan niya munang alisin ang amoy niyang kanin baboy bago humarap sa ama. Isa pa, makakapag-isip siya ng mas matagal kung paano sasabihin sa ama na wala siyang nagawa para makipag-diyalogo ang may-ari ng lupa sa kanila. 

The coldness of the water bring a feeling of serenity sa kanya. Parang biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Mabilis niyang shinampoo ang sarili, nagsabon, nag-conditioner at nagbanlaw. Alam niyang naghihintay ang kanyang Itay sa kanyang mga sasabihin. The thought rattle her! 

Nang lumabas siya ay naabutan niyang naglalaro ng dama ang kanyang ama at si Enzo. Nilingon siya ng kaibigan at kinindatan siya. She smiles. Ganun talaga si Enzo, kahit hindi niya sabihin, he always seems to know when something is bothering her. Kilala na nito ang likaw ng kanyang bituka! They practically grew up together, kahit pa sa kabilang barangay ito nakatira at anak ng isa sa mga konsehal ng kanilang distrito. 

Muli siyang pumasok sa kanyang silid. Inalis niya ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang ulo at isinampay iyon sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abalang suklayan ang buhok, agad na siyang lumabas sa sala kung saan naroroon ang ama at matalik na kaibigan. 

"O, anak, wala ka nang topak?" saglita siyang tinapunan ng tingin ng kanyang itay bago ibinalik ang tingin sa laro. She pout. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Enzo bilang pag sang-ayon sa sinabi ng kanyang ama. 

"Tay, naman eh! Ang baho ko lang kasi kanina kaya hindi kita muna pinansin." aniya na kunwari ay naiinis. Tumabi siya ng upo sa ama at inihilig ang ulo sa balikat nito. 

"Naku, talaga naman topakin yan, Mang Caloy! Kanina nga ako sinungitan, tinanong ko lang naman kung saan siya nanggaling!" singit naman ni Enzo. Pinandilatan niya ang matalik na kaibigan. 

"Wag ka ngang epal diyan! Kausap ka ba namin? Umuwi ka na dun sa inyo! Chuuu chuuu chuuu!" inis niyang pagtataboy dito. Inimwestra pa niya ang kanyang kamay na parang nagpapa-alis sa isang tuta. 

"O, tama na yan! Mamamayan niyan magka-pikunan na naman kayong dalawa." naiiling na awat sa kanila ng ama. "Anong nangyari pala sa lakad mo?" tanong kay Czarina nang ama habang sa chess piece pa din nakatingin. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon