(Pretend Wife) 18

17.8K 386 14
                                    

"H-harland?" atubiling nilapitan ni Czarina ang lalaki na naabutan niyang nakaupo sa sofa, nakasandal ang ulo, at nakapikit ang mga mata. He looks tired and spent. 

"Hmmm?" ungol nito bilang sagot sa pagtawag niya sa pangalan nito. Tumabi siya ng upo dito, malaya niyang napagmamasdan ang napaka-gwapo nitong mukha. "Sinaktan ka ba nung lalaking yun?" Czarina almost jumped from her seats nang biglang magsalita ito at magmulat ng mata. 

"A, a, ah, hindi naman! T-tinatanong niya kung m-mahal daw ba kita..." pakiramdam niya ay nagkanda-buhol buhol ang kanyang dila sa pagpapaliwanag. Ilang beses na ba siyang nahuhuli na nakatitig sa mukha nito tuwing nakapikit ang mga mata nito? 

"Anong sabi mo?" 

"Ha? W-wala! S-saka dumating ka, kaya di ako nakasagot eh." 

"Hmm, bakit kung hindi ba ako dumating, ano ba dapat isasagot mo?" he smiles, kaya naman nakahinga ng maluwag si Czarina. Sigurado na siya ngayon na hindi galit ang "asawa" dahil nagawa na nito na ngitian siya. 

"E-ewan ko! D-di ko pa n-naisip eh. Teka, kumain ka na ba?" pag-iiba niya ng usapan. She lean forward and rest her head on his shoulder. Hindi niya alam, pero gustong-gusto niyang ginagawa iyon. Habang si Harland naman ay napasinghap as he smells again Czarina's hair. Naroroon na naman ang calming force na malimit niyang maramdaman sa tuwing nasasamyo ang amoy na iyon ng babae. It's like easing all the burden, all the madness, all the troubles that he'd been through sa pagbalik niya sa Maynila kahapon. 

"Hmm, hindi pa nga eh." he close his eyes. Oo nga't nagugutom siya, pero para bang ayaw niyang umalis sa tabi ni Czarina, dahil sa tabi ng babae-- pakiramdam niya, pwede siyang maging mahina kahit panandalian lamang. 

Dumilat lang siya ng maramdaman niyang gumalaw ito, at inalis ang ulo mula sa pagkakasandal sa kanyang balikat. "Wait lang, ipaghahanda kita kahit tuna sandwich lang muna habang naghihintay tayo ng supper. Diyan ka lang ha!" bago pa niya sabihin na iutos na lang sa katulong ang pagkuha ng pagkain ay agad na itong nakatakbo palabas ng kanilang silid. Walang nagawa si Harland kundi sundan na lamang ng tingin ang babae. 

Mga ilang minuto ang lumipas ng muli itong makabalik. May dala na itong  tray na may tuna sandwich at pineapple juice. Inilapag nito sa maliit na lamesa na nasa gilid nang sofa ang tray. 

"Here! Kain ka na muna, YOUR HIGHNESS." biro nito sa kanya, using the term that Charle's used in referring to him. He grinned! Alam niyang ginamit iyon ng half-brother in a sarcastic way, yet pag galing kay Czarina, it sounds more like of an endearment than a sarcasm. He grabbed the tuna sandwich. Actually, gutom talaga siya, pero hindi niya magawang kumain ng mabuti sa Maynila dahil sa kakaisip sa babae. Pakiramdam niya kasi ay kasalanan niya ang lahat kung bakit nasasama ito sa ganitong klase ng intriga. Lalong tumindi ang guilt na kanyang naramdaman ng makita si Charles na tila hina-harass ito. 

Isa sa mga dahilan why he doesn't like to be close to anyone maliban sa kanyang Mama at Lola ay dahil alam niyang maraming tao ang galit sa kanya; and getting involved with a girl would only mean dragging her too to his issues. Na nangyayari na nga ngayon kay Czarina. At alam niyang, umpisa pa lamang ito! 

Nagulat pa siya ng biglang umikot ang babae sa kanyang likod at minasa-masahe ang kanyang balikat. "Kawawa ka naman! Parang pagod na pagod ka, YOUR HIGHNESS." 

"Tsssss! Stop it, retard! Wag mo nga kopyahin yung term of "endearment" nung taong yun sa akin." narinig niya ang pagtawan nito, bigla niyang naramdaman na nakapulupot na ang mga kamay nito sa kanyang leeg na parang nakayakap sa kanya. 

"Ang cute kaya! Your highness, bagay na bagay sa'yo. Para ka kasing hari." sobrang lapit na nang mukha nito sa gilid ng kanyang mukha, in fact, he can already smell her breath-- amoy na amoy niya ang mouthwash na ginamit nito. Biglang nakaramdam ng pagkailang si Harland sa ayos nila kaya mabilis niyang pinalis ang pagkakayakap nito sa kanya sa pamamagitan ng pagtayo at paglipat sa kama. Ngunit natigilan siya ng makita kung ano ang nasa ibabaw ng kama. Hindi alam ni Harland kung maiinis, matatawa o mamumula dahil itim na bra ang nakita niyang naroroon. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon