(Pretend Wife) 13

16.7K 344 13
                                    

May halong inis pang nararamdaman si Harland ng buksan ang pinto ng kanyang bathroom, only to be shocked when Czarina just fall into his arm. He is just thankful na mabilis ang kanyang reflex kaya naman mabilis niya itong nasalo before her head hits the floor.

"Are you okay?" puno ng pag-aalala na tanong niya dito. She could've been badly hurt kung hindi agad niya itong nasalo. 

"K-kasi yung shower handle nyo, b-bigla na lang bumulwak yung tubig! Hindi ko alam gagawin ko. Hinahanap ko yung patayan pero hindi ko makita." paliwanag ng babae na tila ngayon lang natatauhan. Harland could feel that she is shaking, marahil dahil na rin sa pagkabasa sa tubig at sa aircon ng kanyang silid. Nang muli niya itong tingnan, doon pa lang niya na-realized na nakatapis lang pala ito ng tuwalya. 

"Uhmm, come, baka sipunin ka!" mabilis niyang iniwas ang tingin sa katawan ng babae. He grabbed couple of dry towel na masinop na nakatupi rin sa mga shelves na nasa loob ng kanyang bathroom at ibinalot iyon kay Czarina. Pagkatapos ay inalalayan niya itong makatayo, at ipinasok sa kanyang silid. "Ano ba kasing ginagawa mo dun?" may pag-aalala pa rin ang kanyang tinig habang pinupunasan ang buhok nito ng isa pang tuwalya. 

"Maliligo kasi sana ako! Gagamitin ko kasi sana yung bath tub mo, k-kaso..." sagot naman ni Czarina, but stopped on her mid-sentence. Sasabihin ba niya na kaso hindi niya alam paano gumamit ng bath tub? Sigurado siya, katakot-takot na pang-aasar na naman ang makukuha niya sa lalaking 'to. 

"Whatever! Mamaya na tayo mag-usap, wear dry clothes baka sipunin ka." utos nito sa kanya. Wear clothes? Oh shit! napamura si Czarina sa kanyang isip. Nagtapis nga lang pala siya ng tuwalya kanina nang hindi na talaga niya alam kung paano titigil ang tubig. Maging ang kanyang mga dinalang pamalit kasi ay nabasa ng tila magwala ang shower handle sa loob ng banyo. 

Kulang na lang ay hilingin niya na kainin na lang siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. How could she be so careless kahit na alam niya na may kasama siyang lalaki sa loob ng silid na yun? Natampal niya tuloy ang kanyang noo. Buong ingat siyang kumuha ulit ng pamalit sa kanyang bag bago nakatungong muling tinungo ang bathroom. Ngunit bago siya pumasok sa loob ay muli muna niyang nilingon si Harland na nakaupo lang sa isang kahoy na silya. 

"Ahh, H-harland, magpalit ka na din ng damit. Nabasa din kita eh, baka sipunin ka din. I-i'm sorry!" mahina niyang sabi bago mabilis na pumasok sa loob ng bathroom para magpalit. 

Isang ngiti naman ang kumawala mula sa bibig ng lalaki sa narinig. He don't understand why, pero masarap pala sa pakiramdam na may isang tao na nag-aalala sa'yo. Tumayo siya at tinungo ang kanyang walk-in closet na hindi pa rin napapalis ang mga ngiti sa kanyang labi. 

Nang muli siyang lumabas ay naroroon na si Czarina. Nakaupo ito sa sofa and trying to dry her hair using the towel. Naka-pink ito na blouse at white na walking shorts. She looks waayyy younger than her real age pag ganito ang ayos niya, naisip ni Harland. Saglit siyang bumalik sa walk-in closet niya, paglabas niya ay may hawak na siyang hair dryer. He usually use a hair dryer pag gabing naligo siya at gusto na niya matulog kaagad. His mom taught him never to sleep when his hair is still not dry, dahil siguradong sisipunin siya kinabukasan. 

"Here! Use this." inabot niya iyon kay Czarina pagkatapos niyang isaksak sa outlet. 

"Naku wag na! Matutuyo din naman ito." 

"Silly! Di ba gusto mo mag-nap? Sa haba at kapal ng buhok mo, mamaya pa yan matutuyo." aniya. Nang hindi pa rin nito inabot ang hawak na hair dryer ay siya na mismo ang gumawa nun para sa babae. Kinuha niya ang hair brush at sinuklaysuklay iyon habang nakatutok ang hair dryer sa buhok nito. "Alam mo, di ka dapat natutulog na basa ang buhok mo kasi the next day, you might catch a flu." 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon