(Pretend Wife) 12

19.9K 355 7
                                    

Mahinang yugyog sa balikat ang nagpadilat kay Harland. He slowly open his eyes. Si Luigi ang kanyang nakita. Agad sana siyang tatayo ng mapagtantong nasa loob na sila ng kanilang hacienda ng maramdaman na tila may nakadaghan sa kanyang balikat. And then he realized, it was Czarina. Sandali siyang nag-isip, Oo nga pala! Kanina pala ay pinilit siya nitong makinig ng music sa MP3 nito, and she sung a song for him. Hindi na pala niya namalayan na nakatulog na siya. 

He stares at her with fondness in his eyes. Bakit ba nakakaramdam siya ng kapayapaan pag kasama niya ang babaeng 'to? A sense of peace na matagal na yata niyang hindi narararamdaman. 

Nagulat pa siya ng biglang magmulat ng mata ang babae at nahuli siyang nakatingin dito. She smiles, her eyes are still sleepy. 

"Ikaw ha, tinititigan mo ako! Nagagandahan ka sa akin, nu?" sabi nito na muling sinara ang mata. 

"Tssss! Kapal ng mukha nito! Gumising ka na nga diyan, kadiri ka, tinuluan mo pa ng laway mo 'tong polo ko." inis niyang tinabig ito kahit pa ang totoo, pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang mukha sa sobrang hiya ng mahuli nito ang pagtitig niya. 

Bumangon naman agad si Czarina na pinunas-punasan pa ang kanyang bibig. She pout when she realized na hindi naman tumulo ang kanyang laway. 

"Grabe talaga 'to! Hindi naman tumulo ang laway ko ha!" inis niya bulong sa sarili na pinagmamasdan ang lalaki na naunang bumaba. "Wait lang, hinatayin mo naman ako!" mabilis siyang sumunod kay Harland. Noon pa lang niya napansin na nasa loob na pala sila ng isang malaking lupain. And in the middle is a huge house. At sigurado siya, ngayon lang siya nakakita ng ganong kalaking bahay. She was in awe! 

"Retard, we're here in our home in Batangas. Ang mama at ang lola ko ang nakatira dito, kaya umayos ka ng mga galaw mo ha! Dito, we should act as a real married couple. Ayokong makahalata ang mama at lola ko na nagpapanggap lang tayo. Kaya please lang, cooperate, ok?" biglang nagsalita si Harland sa kanyang gilid. Nilingon niya ito. She gulp! Alam niyang mayaman ito, pero hindi niya akalain na ganito pala talaga ito kayaman. Biglang siyang nakaramdam ng kaba at panliliit. 

"H-harland, ang m-mama mo p-pati ang l-lola mo.... H-how can you be sure na magugustuhan nila ako?" halos pabulong na ang kanyang tinig. Hindi niya gusto ang nararamdaman, di ba nga't ang kabilinbilinan ng kanyang itay ay wag mahihiya kahit kanino lalo't marangal naman ang kanilang pamumuhay kasi pa mahirap lamang sila. Pero iba din pala talaga pag mismong sitwasyon na ang nagpapamukuha sa'yo. 

"Hey, my mother and my grandma are good people. They are also fair, hindi sila tumitingin sa estado ng pamumuhay ninuman. At, kahit pa sabihin na contract marriage lang itong kasal natin, I am sure magugustuhan ka nila...." she automatically glanced up sa narinig. Sinabi ba talaga nito na maari siyang magustuhan ng mama at lola nito kahit pa sabihin na hindi totoo ang kanilang kasal? "... well, of course, wag mo lang ipapakita ang pagiging retarded mo." maagap na dagdag ni Harland ng matanto niya na nagbigay siya ng papuri sa babae. He didn't mean to say that, pero bigla na lang lumabas sa kanyang bibig. 

"He he he he! Oo na, hindi kita ipapahiya, promise!" itinaas ni Czarina ang isang kamay tanda ng kanyang pangangako. "Saka sorry kanina dun sa nangyari. Nung nakita natin si Almira. I'm s-sorry kasi nagmukha akong alalay mo. I'm sorry kasi hindi ako nakinig sa'yo na magbihis ng maganda. I'm sorry kasi--" 

"Ssshhh! Tama na yan. You don't have to say sorry, wala ka naman kasalanan eh. I think she purposely do that." pigil niya sa sasabihin ng babae. Bakit ba ito humihingi ng 'sorry' sa kanya? Nakakaramdam siya ng kakaunting kirot sa kanyang dibdib knowing that he caused her to feel so little about her self. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now