A SECOND CHANCE

By buninisalazar123

533K 9.4K 265

Di akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husb... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 33
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 34
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 23
CHAPTER 44
CHAPTER 35
CHAPTER 45
CHAPTER 36
CHAPTER 46
CHAPTER 24
CHAPTER 47
CHAPTER 37
CHAPTER 48
CHAPTER 38
CHAPTER 49
CHAPTER 25
CHAPTER 50
CHAPTER 39
EPILOGUE
CHAPTER 26
Author's Note
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32

CHAPTER 13

10.1K 189 2
By buninisalazar123

Araw ng Sabado ay nasa isang disco house silang tatlo.  Niyaya siya ng magkasintahan.  Ayaw pa nga siyang payagan ng ina ng magpaalam kaso sabi niya selebrasyon daw ito ng dalawa niyang kaibigan at ayaw niyang tanggihan.  Pumayag naman ito sa isang kondisyon huwag magpagabi ng uwi.  Sa loob loob niya paano di siya gabihin eh sa pagkakaalam niya nag-uumpisa palang ang kasiyahan lalo sa isang discohan pag malalim na ang gabi.  Pero di na siya sumagot sa ina.

Napag-alaman din niya na noong nasa probinsiya siya nabuo ang pag-iibigan ng dalawa.

"See, kailangan lang pala mawala ako sa picture eh." biro pa niya sa dalawa.

"Pero my labs pa rin ang tawag ko sa iyo nik, ok lang naman dito sa honey ko eh." Sabi ni Rodel sabay akbay kay Mabel na noon ay nakangiti.

"Oo ba....basta masaya ako sa inyong dalawa, cheers! para sa inyong dalawa." sabi niya sabay taas ng kanyang baso na may lamang alak.

"Cheers...." sagot din ng dalawa.

Bigla naramdaman niya na nagvibrate ang kanyang cp.  Tumaas ang kanyang kilay ng makita ang caller at pagkatapos ay pinindot ang end button.

Nagyaya naman si Mabel papuntang dance floor.  Dala ng alak na nainom ay nakisayaw na rin siya sa mga meron.  Di na niya alintana ang oras basta ang alam niya ay nag eenjoy siya.  Kunsabagay matagal tagal na rin ng huli siyang pumasok sa ganitong klase ng lugar di na nga niya maalala.

"Hoy! kayong dalawa ha, may tama na kayo....tama ng inom, kayo na nga lang halos ang nakaubos ng isang tower." saway ni Rodel sa dalawang babae.  "Ngayon umorder ka pa ng beer." baling naman niya sa nobya na namumungay na ang mga mata.  Inagaw niya ang isang bote ng beer sa kamay nito.

"A-ano kah bah naman Rodel, ngayon nga lang tayo nagkabonding nhang ghanito eh.." mahagilay na sagot niya sa lalaki.  "Di bha frieend..." baling niya kay Mabel na noon ay nakahilig na sa balikat ng nobyo.

"Yeees...hhoney whag kha nhaman kj hik." malambing na tinampal ni Mabel ang dibdib ng nobyo.

"Anong kj, mag-ayos nga kayong dalawa wala akong balak magyayo sa inyong dalawa ha!, naiinis na ang lalaki.  Sus! ikaw ba naman hindi ka ba mainis kung may dalawang babae kang lasing na babantayan. Tuloy hindi siya makainom gustuhin man niya ay hindi pwede paano kung malasing siya mahirap na, mahina pa naman siya sa alak.

Di naman pinansin ng dalawang babae ang inis ng lalaki bagkus nag apir pa ang dalawa at pahagilay na pumunta ng dance floor.  Napakamot na lang ang lalaki sa sariling ulo at tinutok ang mga mata sa dalawang nagsasayaw.  Tinawag na niya ang waiter at kinuha ang bill kelangan na niyang ihatid ang dalawang babae.  Ng makapagbayad ay kinuha na niya ang gamit ng dalawa at pinuntahan ang mga ito sa dance floor.  Inakay na niya ang dalawa pero si Mabel ay gustong pumunta ng cr.  Kaya ala siyang choice kundi antayin ito.  Inupo muna niya si Monique sa isang bakanteng upuan.

"Nik ok ka lang?" nag ok lng ang babae at yumukyok na ng mesa.  Napamura na lang ang pobreng lalaki sa sarili.  Hindi niya alam kung anong gagawin di niya maiwan ang isang ito.  Mahirap na baka may mag advantage dito.  Pero di rin siya mapakali dahil hanggang ngayon ay ala pa rin ang nobya sabi nito ay sa cr lang pupunta.  Ng may biglang magsalita sa kanyang likuran.

"Mr. Reyes?"

Bigla naman lumingon si Rodel sa pinanggalingan ng boses.  Nagulat pa siya ng makita ang amo na noo'y nakatingin na sa babaeng nakayukyuk sa mesa.

"S-sir?"

"Any problem?" tanong nito na hindi binabawi ang tingin sa babaeng nakasubsub sa mesa.

"H-ho ahh eh."  hindi niya alam kung ano ang sasabihin naiilang siya sa presensiya nito lalo at sa ganitong sitwasyon.  Napalunok siya. Kahit nahihiya man ay naki-usap pa rin siya sa lalaki.

"Ah sir puwede po bang pakitingnan si Monique kasi nagwoworry po ako kay Mabel kanina pa kasi sa cr hanggang ngayon di pa lumalabas, hindi ko naman maiwan ang isang ito  mag-isa sa ganitong kondisyon." tukoy niya kay Monique.  Mabilis naman
na sumagot ito.

"By all means."

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib sa sinagot nito.  Akala niya tatanggihan siya ng amo.

"Thank you po sir." pasalamat niya sa lalaki at nagmamadali ng tinungo ang cr kung saan naroon ang nobya.  Kaya pala di na nakalabas ang nobya ay nakatulog na ito sa loob ng cubicle.  Ayaw pa sana siyang papasukin ng bantay doon pero sabi niya kelangan niyang mahanap ang nobya at sa kalaunay pumayag naman ito.  Wala na siyang magawa kundi buhatin ito palabas ng cr.  Hindi naman kabigatan ang nobya. Tinungo na niya ang mesa kung saan iniwan si Monique sa pangangalaga ng amo pero wala na ang mga ito doon.  Inikot niya ang tingin sa lugar pero di na niya nakita ang dalawa.  Papalabas na sana siya ng habulin siya ng isang waiter.

"Sir pinabibigay po ni Mr. Sandoval." inabot niya ang papel dito at  isinuksuk sa bulsa at nagpasalamat.  Sa loob loob ligtas naman ang kaibigan.  Mamaya na lang niya basahin ito.  At tuluyan na siyang lumabas sa lugar na iyon.  Tamang tama naman at may taxi na nakaparada pagkatapos maka-usap ang driver ay nilapag na niya si Mabel sa loob.  Ng makaayos ng upo ay binuklat niya ang kapirasong papel na inabot ng waiter at binasa ang nakasulat doon.

Don't worry about Monique, I will bring her home. Take care of miss Mabel.  Mr. S

Tiniklop niya ang papel at binalik sa bulsa at binaling ang tingin sa nobya.
'Hay buti na lang andoon si sir, kung wala di niya alam kung anong gagawin sa dalawang babae.' Bigla siyang napaupo ng tuwid ng may maalala. Tinawagan niya si Monique.  Nag ring ang cp nito pero pagkatapos ng dalawang ring ay bigla rin itong naputol, tinawagan niya ulit ito pero di na niya makontak.
'Patay na paano ihatid ni Mr. Sandoval ang babae kung di nito alam ang address.' napabuntunghininga siya sa naisip.  Paano kung may gagawing masama ang amo, pero bigla rin binawi ang naisip.  Hindi naman siguro gagawa ng masama ang lalaki lalo sa isang trabahador nito.  Ipinikit na lang niya ang mga mata at nanalangin na ok lang ang kaibigan.  Tatawagan na lang niya ulit ito bukas.

Itutuloy

Continue Reading

You'll Also Like

187K 3K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
110K 2.6K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
7.6K 264 21
Meet Vivian Alejandro, she's set to marry Alex Mondragon - a guy she only sees as a friend. To put an end and to stop the marriage she came up with a...
7.4K 191 41
stephanie is a simple woman who dreams of a simple life that is quiet and happy, but because of her illness will change the course of her life. she h...