An Infinite Masterpiece

By Melpomenelow

845 313 26

A writer with his spectacular works and an avid fan reader who loves his work. They said that time heals all... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Book Signing
Chapter 2: Mich
Chapter 3: Heather Olivar
Chapter 4: Handkerchief
Chapter 5: Ryu Evangelista
Chapter 6: Sunflower
Chapter 7: Bituin
Chapter 8: Premonition
Chapter 9: Stalker
Chapter 10: Threat
Chapter 11: Time, You and Me
Chapter 12: Culprit
Chapter 13: Reunite
Chapter 14: Hannah Olivar
Chapter 15: Conclusion
Chapter 16: Emergency
Chapter 18: Revelation
Chapter 19: Hoping
Chapter 20: Safe and Sound
Chapter 21: Lover's Fate
Epilogue

Chapter 17: Surgery

21 11 0
By Melpomenelow

Tatlong araw mula ngayon ang schedule ng operasyon namin ni Hannah, kahit na kinakabahan ay hindi parin nagbabago ang isip ko. Desidido akong ibigay kay Hannah ang isa kong kidney. Kung magiging successful at walang maging komplikasyon ang kidney transplan sa amin ni Hannah, ang sabi ng doktor ay maaaring bumalik sa dati ang katawan naming pareho, iyong parang walang nangyari at parang walang nagkasakit. Kung kaya kong ibalik sa normal ang buhay ni Hannah ay bakit ko naman 'yon ipagkakait sa kanya, besides, pwede naman kaming mabuhay nang iisa lang ang kidney.

"Ayos ka lang?" Napatingin ako sa biglang pagsasalita ni Ryu, nandito kami ngayon sa isang tindahan na malapit sa bookshop, nagme-meryenda.

"Kinakabahan ako e," pag amin ko sa kanya. Totoo na kahit ano ay kaya kong gawin para kay Hannah, hindi din naman nagbabago ang desisyon ko ngayon. Kinakabahan ako. Kahit sino naman siguro ang nasa sitwasyon ko ay kakabahan din.

"Edi, wag mo na kayang ituloy?" Mas suhestiyon 'yon kaysa tanong. Kumunot ang noo ko kay Ryu, nagtatanong kung bakit ganon ang sinabi n'ya.

"Kung natatakot ka...'wag mo ng ituloy..." Ramdam ko ang pagaalinlangan n'yang sabihing 'yon. Siguro ay nag-aalala lang s'ya sa akin kay n'ya ako pinipigilan.

"Hindi pwede... Kailangan ako ni Hannah..."

"Pwede namang maghanap ng ibang donor..." Ngayon ay nagsisimula na akong mainis sa kanya. Parang tutol na s'ya sa desisyon ko.

"Madami naman d'yan---" hindi ko na hinintay pang matapos s'ya sa sasabihin, sumagot na ako kaagad ng may halos pagka inis. "E, hindi nga match!"

"Edi maghahanap tayo ng match..." Kalmado n'yang sabi pero hindi ako.

"Hindi ganon 'yon Ryu..." Kung sabihin n'ya yon ay parang napakadali lang non na mangyari. Naka dalawang donors na si Hannah pero hindi match sa kanya. Isama mo pa ang tagal ng paghahanap ng donor, doble dobleng hirap ang aabutin namin lalong lalo na ni Hannah.

"Magpopost ako sa social media, madami akong followers—" Nakita ko kung paanong natigilan si Ryu nang marahas akong tumayo sa kinauupan ko at padabong kong ibinaba ang plastic cup na hawak. Sa lakas non ay tumapon ang kaunting sauce ng kwek kwek na kinakain ko.

Tinalikuran ko si Ryu, hindi ko s'ya tinignan. Sobra ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Oo, natatakot ako sa surgery, siguro ay pati s'ya pero hindi 'yon sapat na dahilan para ipagkait ko ang extention ng buhay ni Hannah.

Ngayon ang araw ng surgery, tatlong araw ang nakalipas pero hindi ko parin kinakausap si Ryu, ayoko na kausapin s'ya lalo na kung kokontra lang s'ya sa gagawin ko.

Hawak ko ang kamy ni Hannah, higit sa akin ay mas kailangan n'ya ng suporta, alam kong gusto n'ya 'to pero katulad ko ay natatakot din s'ya. Sino bang hindi matatakot sa scalpel at tahi?

"Mamaya, okay ka na," malambing kong sabi sa kakambal ko.

"Hindi ka ba natatakot Heather?"

"Para sa'yo, hindi"

Nadinig ko ang bahagyang pag ubo ni Mich para kunin ang atensyon ko, pero dahil kita ko si Ryu sa salamin ay hindi ko s'ya pinansin. Siguradong kinausap n'ya si Mich para makausap n'ya ako.

"Ryu..." mahinang pagpansin ni Hannah sa kanya, "...eto na si Heather." Wala na akong nagawa, lalo na at si Hannah na ang nagpahiwatig na kausapin ko si Ryu. Lumabas ako ng kwarto, humina ang mga aparato sa ngayon ay malaki ng kuwarto, nawala din ang amoy ng gamot sa paligid. Dinala ako ni Ryu sa balcony ng ospital. Nilipat kami ni Mich sa private hospital para daw siguradong maayos kami ni Hannah sa operation, nag-usap kami na babayaran nalang namin s'ya kapag nakaluwag luwag.

"Gusto mo?" Gusto kong sampalin si Ryu, nakakainis s'ya.

"Tinawag mo 'ko para alukin ng bubblegum?" Mabilis akong tumalikod sa kanya, pero mas mabilis ang pagpigil n'ya sa akin.

".007% ng living donors ang namamatay..." Naging blangko lang ang ekspresiyon ko, ayoko at sawa na ako sa usapan na 'to.

"Please... 'wag kang maging .007%...Okay?' Gusto kong ipagpatuloy ang inis sa kanya pero napawi 'yon ng makita ko ang mukha n'ya, bakas na bakas doon ang pag-aalala pero higit sa lahat ay ang takot n'ya.

"Hoy," nag-aalala kong sabi sa kanya, mabilis ang naging pag iwas n'ya ng tingin sa akin. "Hindi ako mamamatay," nakangiti kong sabi sa kanya para mawala ang pag-aalala n'ya sa akin.

"Pangako 'yan ah?"

"Pangako."

Pagkatpos naming mag-usap ni Ryu ay dumiretso na ako kay Hannah, doon ako nagpalipas ng oras sa kwarto n'ya, kahit na natatakot ay isinantabi ko lang 'yon, sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa. Sinamahan ako ni Ryu, magkasundo na ulit kaming dalawa, nagkuwento s'ya ng mga story ideas n'ya sa akin.

Mabilis na lumipas ang oras, kalaunan ay pinaghanda na kaming dalawa ni Hannah para sa surgery. Nagpalit ako ng patient's gown at saka paunang kinunsulta ng mga doktor.

Nang mahiga kami ni Hannah ay kinuha ko ang kamay n'ya, hinawakan ko'yon ng mahigpit hanggang bago ako mawalan ng malay.

Ryu's POV

Kinakabahan kaming lahat sa labas ng operating room, emosyon na makatwiran lalo na at magkapatid ang nasa loob. Lahat kami ay hawak kaming tinapay at bote ng tubig para makapaghintay kami hanggangsa matapos ang operasyon, ako, sii Mich at ang mama nila Heather at Hannah. Wala pa sa kalahating oras ang operasyon ay nagsimulang magkagulo ang mga nasa loob.

Dahil naguguluhan ay naglakas loob na magtanong ang ina ni Heather sa isang nurse, "anong nangyayari?"

"'yung isang pasyente po, may anaphylactoid reaction sa anesthesia."

Hinigit ko ang braso ng nurse para hindi s'ya makaalis, "aling pasyente?"

Pabalik balik ang tingin n'ya sa akin, nakikiusap na bitiwan ko s'ya pero hindi ako nagpatinag, "aling pasyente?!" Pasigaw kong tanong.

"'yong maiksi ang buhok..."

Si Heather...

Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
868K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
263K 6.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
42.8K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.