Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Genealogy

1.6K 110 22
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 34

"Maraming salamat, miss Jaranilla. Tawagan ka na lang po namin if may kailangan pa kami."

Binigyan ko ng maliit na ngiti yung pulis na nanghingi ng bersyon ko ng mga pangyayari kanina sa school. Tumayo na siya at hinatid ako sa labas ng presinto kung saan naghihintay sa akin si Jecko. Napalingon ako sa pulis na kausap ko kanina.

"Si Rose po?"

"Na-proseso na siya. Nakakulong na sa loob."

"Makakalabas po ba agad siya?"

Umiling yung pulis. "Mabubulok siguro siya sa kulungan sa ginawa niya."

Tumango ako at nilapitan si Jecko.

"Kumusta ka?" Tanong ni Jecko sa akin habang naglalakad kami papuntang van.

"Okay lang. Si Louisse, may balita ka ba?"

"Dinala nila sa ospital. Di pa ulit nagmemessage sa akin si Leone o sila Ron kung ano nang nangyari. Okay lang ba kung didiretso na tayo dun?"

"Sige. Gusto ko rin siya makita."

Pagsakay namin ng van ay tahimik lang kami ni Jecko sa byahe. Nakapaghugas ako ng kamay sa presinto pero may bakas pa rin ng dugo sa damit ko. Iniwasan ko na lang na tingnan yung kamay ko at pinanuod na lang ang mga tao sa labas ng van, hinihiling na katulad na lang din nila ako, inosente at walang kamalay-malay na muntik na akong mamatay kanina.

Kung hindi ba ako nagpatulong kay Louisse, hindi siya madadamay sa problema ko? Sana kasi hindi na lang ako nagpatulong sa kanila. Kung nahabol ko si Alec, wala kaming problema ngayon.

Siguro alam ni Alec na hindi nagbibiro si Rose sa mga banta niya kaya hindi niya ako pinabayaan pagkatapos nung unang beses na tinangka akong saktan ni Rose. Pero hindi ko ba nasabi kay Alec na pinagbantaan ulit ako ni Rose? Kung sinabi ko ba sa kanya, hindi niya ba ako iiwan? O baka naman nasabi ko sa kanya, hindi ko lang matandaan. Pero hindi nakakalimot si Alec. Kung nasabi ko sa kanya at iniwan niya pa rin ako, naisip niya kaya yung consequences?

Pagdating namin ng ospital, agad namin hinanap yung kwarto ni Louisse pero sabi ng nurse ay nasa surgery pa daw siya. Pinapunta niya kami sa waiting room kung saan andun din sila Leone.

Nang makita nila kami, agad na napatayo si Leone para salubungin ako ng yakap.

"Sophie, I'm so glad you're okay."

Mahigpit ang yakap ni Leone sa akin.

"Ikaw, kumusta ka?"

"I'm fine." Bumitaw siya sa yakap at tinignan ako ng buo. "Buti di kayo natagalan sa presinto?"

"Mabilis na naestablish ng mga pulis yung motibo ni Rose. Masyadong maraming witness at di rin naman sikreto na galit sa akin si Rose." Mahina kong paliwanag. "In a way, solved na kaagad yung kaso. Si Louisse, kanina pa ba siya sa surgery?"

"Diretso siya sa surgery pagkarating namin."

Bumukas yung pinto at napatingin kami sa bagong dating na nurse.

"Okay na si Ms. Louisse Zhukova. Nailipat na siya sa room niya."

"Thank you po!"

Sinundan namin yung nurse sa room ni Louisse pero nadatnan namin si Mrs. Zhukova na may kausap na doktor sa may hallway. May isang team siya ng secretaries at bodyguards na nakabantay.

Nang matapos ang paguusap ni Mrs. Zhukova at nung doktor, agad na lumapit si Leone sa kanya.

"Ma'am--"

Bago matuloy ni Leone yung sinasabi niya ay sinampal na siya ni Mrs. Zhukova.

"Ikaw, isa ka pa!"

Umamba si Mrs. Zhukova na sasampalin ako pero hinarangan siya ni Leone.

"Ako na lang sampalin niyo ulit,"

Nakinig naman si Mrs. Zhukova at sinampal muli si Leone. Napangiwi ako sa lutong ng pagkakasampal niya at kitang kita yung pamumula ng pisngi ni Leone.

"I told you to stay away from my daughter! Tingnan mo ngayon ang nangyari!" Nanggagalaiti ang boses ni Mrs. Zhukova. Siguro kung wala masyadong tao baka mas malala pa sa sampal ang ginawa niya kay Leone.

"Ma'am, wala pong kasalanan si Leone. Ako po yung target ni Rose. Niligtas po ako ni Louisse."

Nanlilisik ang mga mata ni Mrs. Zhukova. "And here I thought you were an okay friend to Louisse. Ikaw pa pala magpapahamak sa anak ko!"

"Wala naman pong may gusto nung nangyari!" Singit ni Leone.

"Oo nga po."

"Nevermind. Nangyari na ang nangyari. Sisiguraduhin kong hindi niyo na ulit masasaktan si Louisse!"

"Ni minsan hindi namin sinaktan ng sadya si Louisse!" Angal ni Leone. "Mahal ko siya!"

Natawa si Mrs. Zhukova sa deklarasyon ni Leone. "Kung mahal mo siya hindi mo siya hahayaang masaktan! Anong klaseng pagmamahal yan?"

"As if hindi nakakasakal yung pagmamahal mo sa kanya?"

Natigilan si Mrs. Zhukova. Tinitigan niya si Leone na tila nagiisip kung sasaktan ba muli ito. "You're never going to see her again."

Tumalikod na siya at pumasok ng room ni Louisse. Sumunod naman kaagad sa kanya yung team niya at may naiwang dalawang guards sa pinto. Tinangka ni Leone na sumunod sa loob pero hinarangan siya ng guard.

"Kuya naman, please. Gusto kong makausap si Louisse."

Umiling yung guard.

Lumapit kami nila Jecko sa guard at nagmakaawang papasukin kami pero hindi gumalaw yung mga guard. Napaatras na lang kaming lima. Kahit mas marami kami, hindi magandang tingnan kung gagawa kami ng gulo.

"Balik na lang siguro tayo next time," pabulong na sabi ni Ron.

Napatingin ako kay Leone at nakitang umiiyak na siya.

"Gusto ko lang naman malaman kung kumusta siya." Hagulgol ni Leone.

Niyakap ko siya. "I'm sure she's fine. Di ba sabi nung nurse okay na siya? We'll see her again."

Umiyak si Leone sa balikat ko.

"Oo nga, malakas yun si Louisse." Dagdag ni Ed. "Makikita ulit natin siya. Di pwedeng hindi."

"Alec?"

Napatingin kami sa direksyon na tinitingnan ni Ron at nakita ang henyo. Humihingal siya na tila tumakbo siya papunta dito.

Agad kong binitawan si Leone at tumakbo papunta kay Alec. Umaaray pa rin yung katawan ko pero mas malapit na siya ngayon. Kaso, nang ilang hakbang na lang ako sa kanya, napatid muli ako sa sarili kong paa. Agad niya akong sinalo. Umayos naman kaagad ako at niyakap siyang mabuti.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko alam kung relieved lang ako na hindi ako muling napahiya, naabutan ko na siya sa wakas o dahil yakap yakap ko na siya.

"Bitawan mo ako," mababa at nanginginig ang boses ni Alec.

Napatingin ako sa kanya at nakita ang nagbabagang violet eyes niya. Galit na naman siya.

"Alec,"

"Here I was, worried about you tapos maabutan kong lumalandi ka lang pala."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong lumalandi? Hindi ako lumalandi."

"Alec--"

Sinapak ni Alec si Leone at bumagsak ang rakista sa sahig. Agad kong tinulak si Alec papalayo.

"ALEC! ANO BA?"

Hinawakan niya ako sa braso. Bumaon ang daliri niya sa akin at napahiyaw ako sa sakit.

"ARAY!"

"Bakit ba--"

Nabitawan ako ni Alec dahil sinugod siya ni Leone. Natumba ang dalawa at habang sinusubukan ni Alec na sapakin muli si Leone, pinipigilan lang siya ni Leone na makatayo ulit. Mga ilang segundo ko din sila pinanuod bago ako natauhan na dapat ko silang pigilan. Ganoon din ata sila Jecko dahil agad nilang pinaghiwalay yung dalawa.

"Bakit ba galit na galit ka, ha?!" Sigaw ni Leone. "Pwede mo naman kausapin ng maayos si Sophie! Hindi mo siya kailangang saktan! Alam mo bang muntik na siyang mamatay kanina dahil sayo?!"

"WAG KA MAKIALAM SA AMIN!"

Nagpupumiglas si Alec pero mahigpit ang kapit sa kanya ni Ron.

"Maayos sana buhay namin ni Sophie kung wala ka!" Sigaw ni Alec. Sa sobrang gigil niya tumatalsik na yung laway niya. "Ikaw at ang tatay mong walang kwenta!"

"Alec," Nilapitan ko ang henyo at sinubukang pakalmahin. "Walang ginagawang masama sayo si Leone."

"Isa ka pa. Akala ko ba okay tayo? Bakit kinakampihan mo sila?"

Umiiyak na si Alec.

"Hindi ko sila kinakampihan. Nakausap ko isang beses yung tatay mo pero tinanggihan ko yung offer niya." Paliwanag ko. "Alec, trust me, I never betrayed you."

"We're only trying to help you," dagdag ni Leone. "Ikaw lang 'tong ang taas taas ng pride at ayaw tumanggap ng tulong sa pamilya mo!"

"PUTANGINA, HINDI KITA KAPATID!"

"HINDI NAMAN TALAGA!" Sigaw pabalik ni Leone.

Natigilan ang lahat sa rebelasyon ng dalawang babae. Nalilito ang tingin nila Ron, Jecko at Ron sa dalawa. At kahit may alam ako sa sikreto nila, hindi ko akalaing paguusapan na nila ito sa isang publikong lugar.

"Anak ako sa labas. Kaya ikaw ang hinahabol ni daddy kasi ikaw ang tunay na anak niya."

"Ha?" Naguguluhan na sabi ni Ron. "Akala ko ba mag-ex kayo?"

"Kayo lang naman nag-assume na may ganoong koneksyon kami." Sagot ni Leone.

Binitawan ni Jecko si Leone kasi hindi naman siya nagpupumiglas.

"You know what, Alec? I'm fine with dad's plans. Wala naman akong kagustuhang maging tagapag-mana. I don't have the brains to manage a large company like he does. But you do. Kaya nga tinutulungan kita."

"Wala naman akong sinabing kailangan ko ng tulong mo!"

"I know. But my birth caused dad to leave you and your mom. I'm sorry kung ninakaw ko yung buhay na dapat ay sayo."

Hindi makasagot si Alec. Nagbabaga pa rin ang violet eyes niya sa galit.

Hinawakan ko siya sa pisngi at pinatingin sa akin. Unti-unting lumambot ang tingin niya.

"Alec, calm down and let's talk please?"

Pumikit siya at hinilig ang mukha niya sa kamay ko. Nawala ang tensyon niya sa katawan at dahan dahan siyang binitawan ni Ron.

Napangiti ako ng kaonti sa pagkalma niya. Mas maayos ko siyang makakausap kung hindi siya galit.

"You knew." Huminga siyang malalim at nang muli niyang buksan ang mga mata niya, hindi na ito galit pero nasasaktan. Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya at tumakbo papalayo.

"ALEC!" Sinubukan ko siyang habulin pero pinigilan ako ni Leone.

"Bitiwan mo ako!" Naiiyak kong sigaw sa kaibigan ko.

Hindi ko alam kung paano ako nabasa ni Alec pero naintindihan niya agad na may ideya ako sa rebelasyon ni Leone.

"You saw her eyes,"

"Kailangan niya ako!"

"She needs time."

"Hindi! Kailangan ko magpaliwanag o lalo lang lalala yung sitwasyon!"

Tinulak ko papalayo si Leone at nawalan ng balanse. Buti na lang nasalo ako ni Jecko.

Agad kong inayos ang sarili ko at hinabol papalabas ng hospital si Alec. Pero hindi ko na siya naabutan. Tinakbuhan na naman niya ako.

**********

A/N:

Pasensya na kung masyadong maiksi. Sinubukan ko na 'tong pahabain sa lagay na yan pero wala talaga eh. Natamaan ko na yung lahat ng goals ko para sa chapter na 'to ng maaga.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
388K 14.5K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
735K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
766K 30.4K 33
[This is a GL story] Date started: December 2016 Date finished: December 15, 2017 ** Tahimik na ang buhay ko, eh. Kuntento na 'kong kasama si Kuya at...