Pretend WIFE (COMPLETED)

By MrsPurin

626K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... More

(Pretend Wife) I
(Pretend Wife) 2
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 12
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife) 15
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29
(Pretend Wife) Epilogue

(Pretend Wife) 20

18.8K 392 10
By MrsPurin

"Kailangan ko ba po talagang sumali sa beauty contest na yan, Lola Carmela?" may alinlangan na tanong ni Czarina sa matandang babae. Kaninang umaga ay dumalaw ang Vice Mayor ng bayan maging ang mga konsehal at iba pang opisyales upang ipaalala na mamayang gabi na ang gaganaping patimpalak para sa Ginang Santillan. Ayon kay Lola Carmela, charity event yun na ginagawa taon-taon para makalikom ng pera na ido-donate sa mga mas mahihirap na mamayang ng kanilang bayan. Dinadaluhan iyon ng mga matataas at pinakamayayamang tao ng Batangas. At ang mga kalahok ay ang mga Misis ng mga kilalang personalidad. 

"Of course, iha! Kung pwede pa nga ako eh, bakit hindi? Pero hindi na pwede ang senior citizen. And besides, your Mama Marissa here was the longest reigning Queen before. Di na lang nga siya sumali muli dahil wala na yatang nakakatalo sa kagandahan niya." may fondness sa tinig ng matandang babae na binalingan pa ang manugang na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Napangiti si Czarina, it's obvious that Lola Carmela loves Mama Marissa more than just a daughter-in-law. 

"Pero kung ayaw naman ni Czarina, pwedeng ako na lang, Mama! Hindi nyo po naitatanong, lagi din akong nananalo sa mga beauty contest nung college ako. Maging sa amin--" 

"Oh, please, Cynthia! Ginang Santillan ang hinahanap, which means, you should be a MISSUS. Eh anong sasabihin mo pag tinanong ka nila kung kasal ka?" pigil ni Lola Carmela sa sasabihin pa ni Cynthia. The poor woman just bit her lower lip. Parang gusto tuloy makaramdam ng awa ni Czarina para dito. Kung malalaman kaya ng lola ni Harland na contract marriage lang ang kasal nila, mamahalin pa rin kaya siya nito katulad ngayon? Ahh, she shook her head! Saka na niya haharapin yun. For now, she is Mrs. Harland Forto, and she isn't planning to fail the name. 

"H-hindi pa po k-kasi ako nakakasali sa mga ganyan. Saka I don't know what to expect." aniya. Ginagap ni Marissa ang kanyang kamay, and gently caress it. 

"Czarina, just be yourself! Wag kang ma-pressure. Just remember that this is just for the spirit of fun and helping. Pag ikaw ang nanalo, makakapili ka ng charity, magdo-donate ang council doon sa mapipili mo. It's like beauty with a cause!" spoken like a true beauty queen, Czarina somehow feels at ease dahil sa mga salitang iyon ni Mama Marissa. 

"S-sige na nga p-po! P-pero d-di ba po k-kailangan naka-gown diyan? Saka may talent portion?" 

"Ahh! Don't worry about the gown, Iha! And for the talent portion, uhmm, I think diyan tayo magkaka-problema!" ngayon naman ay ang mukha ni Lola Carmela ang may pag-aalinlangan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Sige na naman, YOUR HIGHNESS!" pangungulit ni Czarina sa lalaki na ngayon ay abalang nakatutok ang mga mata sa laptop. 

"NO! Pag sinabi kong hindi, hindi."  tigas na tanggi ni Harland na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa. 

"Eh, k-kasi, p-paano yan? Kailangan daw duet tayo eh! Yun daw ang rules sa contest." naupo siya sa study table nito. Problema niya ngayon kung paano mapapayag si Harland na kumanta kasama siya para sa talent portion ng Ginang Santillan. Ayon kasi kay Lola Carmela, kailangan daw kasama ang asawa sa gagawing talent ng kalahok na kandidata. They could dance, they could sing, basta kailangan daw na maipakita na suportado ng asawang lalaki ang kanilang mga Misis. 

"Then, back out! Besides, nag-donate na naman ako sa kanila, so you don't have to join. Umalis ka nga diyan sa lamesa ko!" tinulak niya palayo ng bahagya ang babae. Agad naman itong bumaba mula sa pagkakaupo sa lamesa, at lumipat sa upuan na nasa harap nito. Nangalumbaba ito paharap sa kanya na parang napakabigat ng problema. 

"Pero nakapangako na ako kila Lola Carmela. Saka gusto kong manalo kasi gusto kong ibigay yung pera sa DSWD kung nasaan si Raf-raf. Alam ko nag-donate ka na sa kanila, pati dun sa DSWS, pero gusto ko sana, makatulong ako sa sarili kong hirap." she said pouting. Pero sabagay, alam na din naman niya na tatanggi ang asawa. Harland isn't the type to enjoy the limelight, kahit pa mukhang artistahin ito.  "Sige na nga, tutal 20% lang naman yung talent eh. Bahala na, siguro naman hindi na nila ako papaalisin sa stage pag wala akong ka-duet. hehehe takot lang nila sa'yo! Oh, basta, kahit pumunta ka na lang ha? Pleaseee?" pinagsiklop niya ang dalawang palad na parang nagdarasal upang makiusap sa lalaki. 

"tssss! di ko alam. Titingnan ko. Marami akong inaasikaso, Retard! I don't have time for those kind of socialization." 

"Grabe naman 'to! Sige na, sumama ka na. Please? Support mo naman ang napakaganda mong misis." pinapungay-pungay pa nito ang mga mata sa harap niya. Harland can't help but to smile in her silliness. "Oh, ngumiti ka na! Sasama na yan." 

"Tssss! Sabi ko, titingnan ko. And besides, I'm sure nandon naman si Mama at Lola. Bakit kailangan mo pa ako dun?" 

"K-kasi iba pa din pag nandun ka, Harland! Mas lumalakas loob ko pag nakikita kita. K-kasi whenever you're around, I feel like I'm safe and can conquer the world, k-kaya s-sana makapunta ka. S-sige, mag-aayos na ako!" tumayo na ang babae ang lumabas sa silid. Naiwan naman si Harland na natitigilan. Did she said that she feels safe with him around? Ahhhh! No one would use the word "safe" beside his name. Di ba nga't tingin sa kanya ay mapanganib? But that retard, she said, she feels safe? Hindi namamalayan ni Harland ang pagtulo ng kanyang luha. When was the last time someone actually feels like they are safe with him? Maging ang kanyang dapat na unang anak ay hindi niya naprotektahan. Suddenly, nakaramdam siya ng pangamba, paano kung mabigo niya si Czarina? 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa backstage ay hindi mapakali si Czarina. Kanina pa nagsimula ang contest ngunit ni anino ni Harland ay hindi pa niya nakikita. Ngayon nga ay inaayusan na siya para sa evening gown competition ngunit wala pa rin ang lalaki sa dapat na kinauupuan nito. She tried calling his mobile, pero hindi nito sinasagot. 

"Well, well, well, so, you are Mrs. Harland Forto?" nag-angat siya ng tingin. Ang kapwa niya contestant ang nasa kanyang harapan, si Denise. Kanina ng magpakilala sila, napag-alaman niyang pangatlong asawa iyon ng Mayor ng Santillan. Ang sabi pa sa kanya ng kanilang kasambahay na si Mercy, halos 30 years daw ang tanda ng Mayor dito sa babae. Isa daw itong starlet sa Maynila na minsang nag-show dito, at malaman na lamang nila, pinakasalan na nang matandang Mayor. 

"Hmm, yes! Hello, I am Czarina." tumayo siya at inabot ang kamay babae. But much to her surprise, tiningnan lamang iyon ni Denise. 

"I'm sure kilala mo na ako. I'm just curious to see kung sino ang pinakasalan ni Harland. Looks like, weird pala ang taste niya." tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. She's still wearing her walking shorts and hoodie, habang ang babae ay naka-gown na, and all dolled up. "Well, see you around! And good luck, kailangan mo yan." sabi nito bago siya tinalikuran. Narinig pa niya ang paghagikgik nito at ng ibang kandidata na halata namang kaibigan ng babae. 

"Tssss! Kala mo naman sosyal, social climber kamo, Mam!" naiiling na lamang si Czarina ng bumulong sa kanya ang kanilang kasambahay na si Mercy. Hindi niya alam kung bakit maiinit ang dugo sa kanya ng babae, but she will just let it pass. She's the type of person who just carefully choose her battles, at alam niyang it's not worth her time kung papatulan pa niya ang mga patutsada ni Denise. 

"Ms. Czarina, nandito na po ang gown nyo. And, pinabibigay din po sa inyo ito." ang sabi ng baklang stylist na kinuha ni Lola Carmela para mag-ayos sa kanya. Taka niyang kinuha ang asul na paper bag. May laman iyon na isang medium size na kahon na kulay asul din, inilabas niya iyon at binuksan-- only to be stunned; pearl necklace ang laman nun with pearl earrings. Dinampot niya ang note na kasama, at hindi nga siya nagkamali ng hinala-- galing kay Harland

"To the most beautiful retard,

I may not be able to come with you, kasi hindi ako magaling sa mga bagay na gusto mong gawin ko. So, let me show you where I am good at, wear these pieces-- parang kasama mo na din ako.

YOUR HIGHNESS." 

Napangiti si Czarina. Bittersweet smiles. Oo nga, she have to remind her self that this is Harland; that this is all he could be. She touches the pieces of jewelries, sigurado siya na napakamahal ng mga iyon. A fortune for her, she assume. Pero mas gusto niya sana ang presensiya ng lalaki kaysa sa mga alahas. She sighed! Well, she shouldn't fret about what's happening, di ba alam naman niya ang pinasok niya from the start? 

Pinilit niya muling ngumiti, at tinungo na ang kinaroroonan ng baklang stylist upang maghanda na sa evening gown competition. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mrs. Denise Carlos used to be a very popular actress in showbiz, and was very promising but chose to leave the limelight to marry the man that she loves, our beloved Mayor Darius Carlos. How is that?" nagpaikot-ikot sa harap ng stage si Denise suot ang designer gown na binili pa raw sa Europe para lang sa kumpetisyon na iyon. Ang asawag Mayor naman nito ay nasa hanay ng upuan na para sa mga mister ng kalahok, at proud na proud. Why, he got himself a trophy wife! 

Si Czarina naman ay pasilip-silip pa rin sa upuan na para kay Harland. Ngunit malapit na siya tawagin ay bakante pa rin iyon. Naroroon si Lola Carmela, si Mama Marissa maging si Tita Cynthia at ang mga kasambahay nila. Sa upuan naman ng mga judges ay naroroon si Charles, dashing as ever even from a far. 

"Harland's not coming? Well, I won't din naman if I were him. Baka mapahiya lang ako." narinig niyang usapan ni Denise at kaibigan nito na kandidata din. Hindi yata siya napansin ng mga ito kaya naman narinig niya ang pag-uusap nito maging ang nakakainsultong tawanan. 

"She's so baduy! And she's not very A-List. And have you heard what Harland did because of that girl? Ipamimigay daw sa mga magsasaka ang lupa because it's his wife's request." 

"Really? Ano ba yan? Wala yatang alam sa business. Hay naku! Poor Harland. Eh kung ako na lang ang pinakasalan niya?" tinig iyon ni Denise. 

"Right, girl! Di ba you had a huge crush on him? I thought mataas ang taste niya. By the way, nakita mo yung half-brother niya? Super hot din pala!! Naku, I wish hindi ako married ngayon, he should've been a good catch." sumilip si Czarina sa maliit na butas mula sa kanyang kinauupuan. Ang asawa naman ng congressman yun, at kagaya ni Denise, bata pa rin. 

"Ha ha ha! You are so loka, girl! Di bale, your hubby naman is already old eh, wait na lang ma-paralyze siya then you can seduce Charles Forto na. Kahit anak pa siya sa labas, he is still a Forto, you know." malanding tawa ni Denise at ng mga kaibigan nito. 

Naiiling na lamang si Czarina sa mga narinig. Tama nga si Mercy kanina, social climbers and user ang mga ito. But she couldn't care less, mas iniisip pa rin niya ang hindi pagdalo ni Harland ngayong gabi. She touches the necklace na binigay nito sa kanya. Dapat na lang siguro siyang makuntento sa kung ano ang kayang ibigay ng lalaki. 

Nagulat pa siya ng biglang magkaingay sa ibaba ng stage. Narinig din niya na tila nagtakbuhan sila Denise upang silipin kung sino man ang dumating. Marahil isa na naman VIP-- pawalang gana siyang sumilip, para manlaki lang ang mga mata-- bakit hindi, si Harland ang bagong dating! Nakasuot ito ng black leather jacket, asul na kamiseta sa loob at maong pants. Gosh!! If Charles looks dashing, Harland looks so deli and salivating. Nakita niyang kumaway ito sa mga tao at naglakad papunta sa upuan nito, katabi ng Mayor. Parang gustong maiyak ni Czarina; her rock, her strength-- there looking so gorgeous and sexy, and best of all, he is hers. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Forto!" matabang na bati ni Mayor Carlos sa lalaking bagong dating. Nawala ang kaninang ngiti sa mga labi ni Harland na tinanggap ang pakikipag-kamay ng matandang Mayor. 

"Mayor Carlos!" banggit niya sa pangalan nito upang tanda ng pagbati. Naupo siya sa tabi nito at itinutok ang pansin sa kandidata na nasa harapan. 

"I've heard kasali ang Misis mo?" nilingon niya ang katabing Mayor na nagsalita ngunit sa stage pa rin nakatingin. 

"Yes!" tipid niya sagot. Sa totoo lang, ito ang ayaw niya sa mga ganitong pagtitipon. Kailangan niyang kausapin ang mga taong ni tingnan ay ayaw niyang gawin. 

"Your mother used to be the Queen. Too bad, your father put a shame to your name. Mabuti na lang nabagon mo ulit ang apelyido nyo." patuya itong ngumiti. At kahit pa pinuri siya nito, alam ni Harland na hindi iyon bukal sa loob ng Mayor. In fact, he knows that he is insulting him. 

"Thank you! Yes, nabangon ko. That's why I want to remind you kung nasaan na ako, Mayor. I'm at the peak, which means, kaya kitang tapakan. And one more insult from the past, hindi ako mangingiming ilabas lahat ng nalalaman ko, di mo naman gusto yun, di ba? Not unless gusto mo nang magpaalam sa political career mo." mahina ngunit mariin niyang sabi dito. He smirk, lalo nang makita niya ang pagkakatigalgal sa mukha nito. 

And he thinks, Mayor Carlos already got his message dahil hindi na ito muling nagsalita. Nakita nilang muling bumalik ang host sa gitna ng entablado pagkatapos ng pagrampa ng isang kandidata. 

"And the last, but definitely not the least, is Mrs. Czarina Forto." maging si Harland ay nagulat sa lakas ng hiyawan ng tawagin ang pangalan ni Czarina. And the he realized, those were the common people kung saan malapit ang kanyang asawa. Nagpunta talaga ang mga ito dito upang suportahan ang babae. 

"Wow! Ang daming fans ni Mrs. Forto, ha! Wait, one of our judge is also a Forto... Is she your wife?" tanong ng host kay Charles. Parang natigilan ang buong Santillan dahil sa tanong na iyon ng host. 

"Unfortunately, no! She isn't my wife..." narinig ni Harland na sagot ni Charles. 

"Oh? Unfortunately? Intriguing ang sagot ni Pogi!" muling sabi ng host. Harland clenches his jaw.  Parang gusto niyang sugurin at sapakin ang half-brother sa kinauupuan nito. But in the end, he chose to keep his cool. "Well, Mrs. Czarina Forto is a Pre-School teacher. Graduated Bachelor of Science in Secondary Education. She is originally from Manila, but now happily married with the country's business tycoon-- oh, hmm, " the host stammered ng mabasa ang pangalan ng asawa ng babae. Parang gusto niya tuloy magsisi sa pagbibiro kanina sa isa sa mga judge. Bakit ba niya hindi naisip na asawa ang babae ni Harland Forto? "With the business tycoon-- Mr. Harland Forto!" bakas ang pangamba sa tinig nito ng ihayag ang pangalan ng kabiyak ng susunod na kandidata. 

Harland planned to intimidate the host if only hindi niya nakita ang paglabas ni Czarina. Suddenly, his eyes only sees her. Parang biglang nawala lahat ng tao sa paligid, only him and her. 

To say that she looks lovely and beautiful aren't enough--- she's divine! Naka-itim itong gown na tube ang style at pa-balloon sa ibaba na few inches below the knee. It compliments her slim body! At bagay na bagay sa kanya ang mga alahas na ipinadala niya para dito kanina. Those pieces of pearls looks as if it was really designed for her. Her beauty and most especially her heart is as pure as the white pearls. 

Nang mapagawi ang tingin ng babae sa kanyang kinauupuan ay tila doon pa lamang natauhan si Harland. Isang napakatamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ng asawa, kaya halos lahat ng tingin ay napadako muli sa kanya. 

Napangiti naman si Charles mula sa kinauupuan. So, this woman is really a beauty! Sabagay, napapansin na niya dati iyon, pero ngayong gabi-- sa tingin niya, wala na yatang gaganda pa sa babae. She is the fairest of them all.. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Abot-abot muli ang kaba ni Czarina habang pinapanuod ang mag-asawa na ngayon ay nagpe-perform ng isang awitin. Kanina naman ay sumayaw si Denise at si Mayor Darius ng salsa at cha-cha. 

"Wow! Napaka-sweet naman nun. Ang dami tuloy langgam sa stage. Now, may we call on the crowd favorite, Mrs. Czarina Forto. And they will sing for us. A round of applause." sigaw ng host kaya naman lalong nakaramdam ng kaba si Czarina. Atubili siyang lumabas, iniiwasan niyang mapadako ang tingin sa kinaroroonan ng asawa. 

"Hello, Mrs. Forto, anong kakantahin nyo for us?" nakangiting tanong ng host sa kanya ng makalabas na siya mula sa backstage.  

"Aahh, a-ako lang mag-isa ang kakanta ngayon." alanganin siyang napangiti. 

"Ganon? Bakit naman? Eh dapat may kasama ka dito sa portion na ito." takang tanong sa kanya ng host. Pagkatapos ay lumakas ang bulung-bulungan sa paligid. Maging sila Lola Carmela at Mama Marissa ay nag-aalalang napatingin sa kanya. Suddenly, parang gusto tuloy maawa ni Czarina sa sarili. Halos lahat ng candidates ay sinuportahan ng kani-kanilang mga asawa, tanging siya lamang ang walang kasama sa stage. "Baka pwede naman nating tawagin si Sir Harland Forto?" binalingan ng host si Harland na kampante lamang na nakaupo. Doon nag-angat ng ulo si Czarina at tiningnan ang magiging reaksiyon ng lalaki, only to see him shaking his head. 

"No, no, I'm sorry! Czarina already knows." narinig niyang sabi dito habang patuloy ang pag-iling. 

"Ahh, o-opo! O-okay lang k-kasi h-hindi talaga s-siya kumakanta. Hmm, h-hindi ko na lang po s-iguro a-ako magta-talent." pautal-utal na sabi ni Czarina trying to fake a smile. Di ba nga't sabi niya dito, kahit dumating lang siya ay okay na? Kaya naman dapat ay maging masaya na siya na pumunta ito upang suportahan siya. Narinig niya ang may pag-uuyam na tawanan nila Denise at mga kaibigan nito. Sigurado siyang lalo siyang makakarinig ng pang-iinsulto mula sa mga ito. 

Akma na siyang babalik sa backstage ng biglang tumugtog ang kanta na dapat ay kanilang kakantahin ni Harland. And then she heard someone singing the male part: 

Girl you are to me

All that a woman should be

And I dedicate my life

To you always

Awtomatiko siyang napalingon. Ang buong akala niya ay nagbago ang isip ni Harland. Pero hindi ito ang nakita niyang may hawak nang mikropono kundi si Charles. Lumapit ito sa kanya, "Hi! Well, hindi ko matiis na malungkot ka eh, saka sayang yung 20%-- baka ikatalo mo pa yun!" bulong nito sa kanya. She can't help but to smile. Sa totoo lang, mahalaga sa kanya ang contest na ito, dahil kung sakaling manalo siya-- makakatulong siya sa sarili niyang hirap at pagod. 

Sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Harland. Nakamasid lamang ito sa kanila with his hard to read facial expression. Nang tumingin siya sa gawi nila Lola Carmela at Mama Marissa, maging ang mga ito ay tila nagulat sa ginawa ni Charles. Pero nang makita niya ang senyas ng matandang babae na magpatuloy lang siya, lakas loob niyang kinuha muli ang mic para kantahin ang kanyang parte sa kanta. 

A love like yours is rare

It must have been sent from up above

And I know you'll stay this way

For always


Palakpakan ang lahat ng marinig ang tinig ni Czarina. It seems like there are thousand of angels singing sa tuwing bubukas ang bibig nito. And everyone is in awe.

(Czarina and Charles)

And we both know, that our love will grow

And forever it will be, you and me (yeah)

Ooh you're like the sun, chasing all of the rain away

When you come around you bring brighter days

You're the perfect one, for me and you forever will be

And I will love you so, for always

And from where Harland is, pinipilit niyang wag ipahalata ang tunay na nararamdaman kahit pa ang totoo, may kakaibang kirot sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang dalawa. Tiny pinch, pero parang tumatagos sa kanyang kalamnan. 

Come with me my sweet, let's go make a family.

They will bring us joy, for always.

Nagtiim muli ang kanyang bagang nang ubod pa ng lambing na hawiin ni Charles ang buhok ni Czarina. May mga ibang tao pa nga na hindi na naiwasang kiligin kahit pa alam ng mga ito na siya ang asawa ng babae. Pero hindi niya inaasahan ang sunod na ginawa ni Czarina, humarap ito sa gawi niya and stares at him na tila sa kanya sinasabi ang sumunod na linya ng kanta. 

Ooh boy I love you so, I can't find enough ways

To let you know, but you can be sure I'm yours for always.

And we both know, that our love will grow

And forever it will be, you and me (yeah)

Ooh you're like the sun, chasing all of the rain away

When you come around you bring brighter days

You're the perfect one, for me and you forever will be

And I will love you so, for always

(Ooh... ooh... I will love you so for always.)

(Ooh... ooh... I will love you so for always.)

(Ooh... ooh... I will love you so for always.)

Ang kaninang kirot sa dibdib na kanyang naramdaman ay biglang nawala lahat. Napalitan iyon ng kakaibang ligaya at.... kilig.  And he realized, at 33 -- ngayon na lang siya ulit nakaramdam ng ganong pakiramdam. 

Habang si Charles naman ay nagyuko ng ulo at pilit ngumiti. Kanina ng marinig niya ang pang-uuyam ng ibang tao sa babae, he suddenly felt the urge to save her-- pero ngayon na-realized niya, she doesn't really want to be save by anyone, but Harland. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 26.9K 74
Andrea Jeniza Luna. She is the girl loved by the CEO. The girl who chose to break his heart. Tristan Salviejo. CEO of Salviejo Empire. He loves her s...
8.6K 81 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
2.2M 34.6K 56
Nyxaviera De Guzman was once rich but everything changed. Hindi nya gusto ang ginawa ng ama nya na gawin syang collateral sa sugal. She married the s...
490K 12K 29
Book1: Seducing my Fiancé (Completed) by NyllelaineNyeNight Magwork kaya ang pang-aakit ni Jazmine sa mailap na puso ng kanyang Fiancé? O susukuan n...