Pretend WIFE (COMPLETED)

By MrsPurin

626K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... More

(Pretend Wife) I
(Pretend Wife) 2
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 12
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 20
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29
(Pretend Wife) Epilogue

(Pretend Wife) 15

17.2K 373 14
By MrsPurin

"Magandang hapon sa inyong lahat! Gusto kong ipakilala sa inyo ang misis ng aking apo na si Harland." tinanguan ni Lola Carmela si Czarina upang lumapit sa kanya. Yuko ang ulo na tumalima siya habang ang mata ng ilan sa mga tauhan ng Hacienda ay nakasunod sa kanya. "This is Czarina Dela Cruz-Forto! I am expecting you to give her the same courtesy that you've been giving to me and my entire family, ok?" malumanay ngunit puno ng awtoridad na pahayag ng matandang babae sa lahat. 

Nakita niya nagtanguan ang lahat as if the old lady's words is the law. Well, sabagay, pagmamay-ari nila ang buong hacienda-- na kung gaano kalaki, di kayang masukat ng kanyang tingin. Nagpatuloy sa pagsasalita si Lola Carmela habang mataman lamang siyang nakikinig sa isang tabi, habang paminsan-minsan ay ngumingiti sa mga tao na nakakasalubong ng kanyang tingin. 

Isang batang lalaki ang nahagip ng kanyang tingin. May dala itong isang maliit na backpack na may drawing ni Spongebob sa gitna. Kung tutuusin, mukha lamang sana itong isang ordinaryong bata if not for some bruises in his tiny body. Di na tuloy masyadong naintindihan ni Czarina ang sinasabi ng Lola Carmela ni Harland because her attention is totally caught up by the young boy's presence. 

Nakita niya na dahan-dahan itong lumapit mula sa kinatatayuan ni Lola Carmela na ngayon ay abala pa rin sa pagsasalita. At dahil nga sa may kaliitan ang bata, hindi masyadong mapapansin ninuman ito maliban na lamang kung naroroon sa lugar kung saan siya kasalukuyang nakaupo. Nagulat pa siya ng biglang hablutin ng bata ang maliit na bag ni Lola Carmela na inilapag sa maliit na lamesa sa gilid. 

"Hoy, teka!" tangka niyang pigil sa bata gamit ang may di kalakasang tinig, pero sapat na para makarating sa pandinig nito. Bumalatay ang pagkagulat sa mukha ng bata nang mapagtanto na may nakakita sa kanyang ginawa. Dala na marahil ng takot ay kumaripas iyon ng takbo, ngunit dahil na rin sa pagkataranta ay naiwan ang backpack na nakasukbit sa likod nito. 

Hahabulin sana ni Czarina ang bata ngunit narinig niya na tinatawag siya ng matandang babae. Walang siyang nagawa kundi sundan na lamang ng tingin ang bata. Dinampot niya ang backpack nito at inilagay sa kanyang kinauupuan. Napagpasiyahan niya na mamaya na lamang sabihin kay Lola Carmela ang nangyari. Not that she is tolerating what he did, pero sigurado naman siya na madali lang mahanap ang bata. She is sure na kilala ng mga tao ang bawat isa sa loob ng hacienda na yun. Ayaw niya din sana mapahiya ang bata sa harap ng maraming tao. Baka kulang lang sa guidance ito, at kung mapapahiya ito, it will be harder for him to redeem his self. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"It was a good talk. The people like you, iha!" masayang sabi ni Lola Carmela ng tuluyan na silang makauwi. 

Ngumiti si Czarina sa matanda. Sasabihin ba niya dito ang kanyang nakita? Pero baka ipahuli pa nito sa mga guard ng hacienda ang bata. Napagpasiyahan niyang wag na alng sabihin, besides hindi naman nawala ang bag nito.

"Sige na, magpapahinga muna ako ha. Napagod agad ako, alam mo na pag tumatanda-- mabilis nang mapagod. Ikaw din magpahinga na."  bahagya na lamang tumango si Czarina at sinundan na lang ng tingin ang matanda habang inaalalayan ng kanyang private nurse na umkayat sa silid nito. 

Nang masigurado niyang tuluyan na itong nakapasok, naupo siya sa sofa na nasa living room. Binuksan niya ang backpack ng bata hoping na may makita siyang pagkakakilanlan. Hindi naman siya nabigo! May isang notebook na may picture at pangalan ng bata. Ralph Agustin. He is smiling on his picture, ngunit hindi abot sa mata. Meron din na parang drawing notebook na naroroon. She take a peek on what the kid drew only to be shocked. 

Mabilis niyang binuksan notebook nito na unang nakita kanina. Lalong nanlaki ang mga mata ng babae. She quickly ran outside. Nakasalubong niya ang isa sa mga tauhan ng hacienda na may dalang bisikleta. 

"Magandang hapon po, Mam!" bati nito sa kanya. 

"M-magandang hapon din po! K-kuya, pwede po bang mahiram ang bike nyo? Babalik din po ako agad!" 

"S-sige po! P-pero marunong po ba kayong mag-bisikleta?" atubiling tanong ng lalaki na tila hindi makapaniwala na kinakausap niya ito. 

"Opo, Kuya! Marunong po ako. Babalik din po ako agad, Kuya! Salamat po." Hindi na niya hinintay na muling magsalita ang lalaki. Mabilis na siyang sumakay sa bike at mabilis na pinatakbo ito. 

May nakita siyang isang kumpulan ng mga magsasaka at mga asawa nito na parang nagpapahinga, 

"Magandang hapon po!" tawag niya ng pansin sa mga ito. Bumalatay ang pagkagulat sa mukha ng mga ito ng makita siya na naka-bisikleta. 

"M-magandang hapon po, M-mam Sherina! Ano pong mapaglilingkod namin sa inyo?" may hiya sa tinig ng isa sa mga maybahay na baling sa kanya. Ang iba naman ay tila tinalulos sa kani-kanilang kinatatayuan. 

"Magtatanong lang po ako kung kilala nyo po ba si Ralph Agustin. Mga 8 to 9 yrs. old lang po siya. Mga ganito po kalaki." iminuwestra niya ang  taas ng bata pagkatapos ay ipinakita ang picture na tinanggal niya sa notebook nito. Agad iyong kinuha ng babae, at ipinakita sa mga kasamahan. 

"Ahhh! Si Raf-raf yan, Mam. Tiga doon po yan sa labasan." sagot ng isang may kabataan pa na lalaki na siyang nakakilala sa bata. 

"Ganon po ba? Paano po ba makakapunta dun?" 

"Tahakin nyo po ang daan na yan. Diretso lang po tapos po sa pangalawang kanto, kumaliwa po kayo. Tapos po diretso po ulit tapos po kumanan po kayo, doon nyo po makikita ang labasan. Sa pang-limang bahay po, doon ang bahay nyan pero po---" 

"Salamat po!!" hindi na niya hinintay pa ang iba pang sasabihin ng lalaki, mabilis na niyang pinaandar palayo ang bike. Kailangan niyang makita agad ang batang si Raf-raf. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Where's that retard?" takang tanong ni Harland sa sarili. Napansin niya na ang sasakyan na ginamit kanina nito at ng kanyang lola ay nakaparada na sa labas, which means nakauwi na ang mga ito. 

Nakita niyang lumabas mula sa silid ni Lola Carmela ang private nurse nito. Tinanong niya ang babae kung nasa loob ba ng silid si Czarina, sinabi nito na wala iyon roon at tanging ang kanyang lola lamang ang naroroon na ngayon ay nagpapahinga na. 

Kunot ang noo na naupo siya sa sofa. Saan naman yun pupunta? Wala namang kilala na iba ang babae maliban sa kanya, sa Mama niya na ngayon ay nasa prayer meeting, ang kanyang Lola na ayon nga sa nurse nito ay nagpapahinga, at si Luigi na umuwi muna sa Maynila upang asikasuhin ang maiiwan niyang trabaho. 

Nasa ganun siyang pag-iisip ng mapansin ang isang pang batang backpack. Kunot ang noo na dinampot niya iyon. 

"Kanino 'to?" tanong niya sa isa sa kanilang mga kasambahay. Nalaglag ang laman ng bag, hindi pala ito nakasarado. 

"Hindi ko po alam, Sir Harland! Pero nakita ko po na dala yan kanina ng misis nyo. Tapos po bigla na lang po siyang tumakbo palabas." sagot nito. Bahagya pa itong tumango bago bumalik sa loob ng kusina.

Dinampot niya ang isang notebook, pencil case at drawing book. Ibabalik niya sana ang mga ito sa loob ng bag ng mapansin niya ang isang larawan na nasa unahang bahagi ng drawing book. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. 

Halatang drawing iyon ng isang bata, pero mahusay ang pagkakaguhit. Ang unang larawan ay batang lalaki na umiiyak, itim ang ginamit na kulay sa background ng larawan. Nang ilipat niya sa sumunod na pahina, bata naman na pino-protektahan ang kanyang ulo mula sa isang babae na may hawak na walis tambo. Harland quickly flip the pages, only to see more drawing of physical abuse. 

May palagay siya na kaya biglang umalis si Czarina na walang paalam ay dahil sa mga nakita sa drawing book na iyon. Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba si Harland. Kinuha niya ang notebook. Nakita niyang may pangalan at picture ang bata. Mabilis niyang binuklat iyon, baka kasi makita niya kung saan nakatira ang batang lalaki. But instead, he read some writings. Parang isang diary. 

Tinakbo ni Harland ang labas. Nakita niya roon ang lalaki na hiniraman ng bike ni Czarina. Ito rin ang nagsabi sa kanya na nagmamadaling umalis ito dala ang kanyang bisikleta. 

"Retard, anong bang ginagawa mo?" puno ng pag-aalala niyang bulong sa sarili. Mabilis siya sumakay sa isa sa mga 4x4 owner nila at pinaharurot yun ng takbo. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mula sa malayo sa tagong bahagi ay nakita ni Czarina na lumabas ang isang babae mula sa bahay na tinuro sa kanya ng napagtanungan na bahay nga raw ng batang si Raf-raf. May dala itong plastic habang nakangiting pumara ng tricycle. 

Nilapag niya ang bike, at ubod ng ingat na tinungo ang bahay. Nakahinga siya ng maluwag ng malaman na hindi naka-lock ang pinto--isinabit lang dito ang padlock pero hindi naman talaga sinara. Atubili siya kung papasok o hindi sa loob-- pero sa huli ay napagpsiyahan niyang pumasok. Marahan siyang naglakad papasok, careful not to make noise. 

Walang tao sa loob. Pero sigurado siya na mag-isa lang lumabas ang babae. Hanggang sa maalala niya ang nasa drawing ni Raf-raf. Inikot niya ang paningin na parang may hinahanap. Wala. May isa pang pinto na parang siyang pinaka-silid ng bahay na iyon. Pumasok doon si Czarina-- doon niya nakita ang hinahanap. Puting aparador. May nakapulupot na alambre sa handle nito na siyang nagsisilbing parang pinaka-lock ng closet na yun. 

Mabilis niya kinalas ang alambre. At nang tuluyan niyang mabuksan ang aparador, nakita niya doon si Raf-raf na nakatungo at puno ng pasa. 

"Diyos ko!" hindi napigilan ni Czarina ang pagtulo ng luha sa nakitang ayos ng bata. Katulad na katulad kung paano iyon iginuhit nito sa drawing book niya. And in that exact moment, she instantly felt his pain. Binuhat niya ang bata na nagising at nagulat ng makita siya. Halos hindi nito maidilat ang isang mata dahil sa napakalaking pasa. 

"I-ikaw yung b-babae kanina, di ba?" narinig niyang sabi ng bata sa nahihirapang tinig. 

"Sshhh! Oo ako nga, dadalhin kita sa ospital. Kailangan mong madalas ospital!" sabi niya sa bata habang patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang luha. Nang marinig naman iyon ng batang si Raf-raf ay bigla rin itong umiyak. A cry of relief! Na para bang nakahanap ito ng kakampi sa katauhan niya. 

"Sino ka? San mo dadalhin ang anak ko?" parehas pa silang nagulat ng bata ng makarinig ng tinig ng babae. Nang lingunin iyon ni Czarina, nanlaki ang kanyang mata ng ang babae na kanina ay lumabas mula sa bahay ang naroroon. 

"I'm taking him to the hospital!" sagot niya dito at akmang lalagpasan ang babae. Ngunit hinarangan siya nito, at hinila sila pabalik. 

"Anong ospital? Walang sakit ang anak ko! Dito lang siya." ani ng babae na pilit inaagaw sa kanya ang bata, ngunit hindi nagpatalo si Czarina kahit pa mas matangkad sa kanya ito. Niyakap niya ng mahigpit si Raf-raf na ngayon ay nanginginig na sa sobrang takot. 

"Balak mo bang patayin ang anak mo? Kailangan niyang madalas sa ospital!" 

"Wag kang makelam! Dinidisiplina ko lang ang batang yan. Tamad yan, bobo, walang alam." sigaw nito na pilit pa rin nakikipag-agawan sa kanya. At dahil nga may kabigatan si Raf-raf ay na-out of balance si Czarina dahilan upang maagaw nito ang batang lalaki at tumama naman ang kaliwang bahagi ng kanyang mukha sa kanto ng kahoy na sofa ng mga ito. 

Nakaramdam ng ibayong sakit si Czarina, pero hindi niya inalintana iyon. Physical pain can easily heal, pero ang mga masasakita na salitang narinig at naririnig ni Raf-raf mula pa sa bibig ng sarili nitong ina ay mas mahirap paghilumin. Mabilis siyang tumayo at muling inagaw ang bata sa babae. She use all her physical strength to get the kid back. Naitulak niya ang babae na naging dahilan naman para matumba ito at mauntog sa pader ang ulo. Nawalan ito ng malay. Saglit na nag-isip si Czarina, napatay ba niya ito? 

But when she saw the woman move a little, she quickly grabbed Raf-raf and go out the door. Nakita niyang tumayo ang nanay ng bata at kahit pasuray-suray ay sumunod sa kanila. 

"Walang-hiya ka! Ibalik mo yang anak ko." parang groggy pa ang tinig nito. Tumakbo palabas si Czarina na sa babae pa rin nakatingin ng bigla silang bumangga sa isang tao.

Parang bigla siyang nakaramdam ng ibayong kaba. May kasama ba ang babae na iba? Bakit hindi niya naisip iyon? She slowly glanced up. Bigla ang pagtulo ng kanyang luha ng makita ang mukha ni Harland. Suddenly, she feels safe, but at the same time, naramdaman niya ang pagod mula sa pagbibisikleta. 

"Harland, yung bata..." 

"I know!" pigil nito sa sasabihin at kinuha mula sa kanya si Raf-raf. 

"Dalhin natin siya sa Ospital, please?" sumunod siya sa lalaki na agad huminto. Nagulat pa siya when he grabbed her hand, and hold it tightly. 

"I will, Dear! Hold my hand, wag kang bibitiw." mariin nitong bilin sa kanya. She nod, and right at that moment-- miski buhay niya kaya niyang ipagkatiwala sa lalaki. 

Continue Reading

You'll Also Like

609K 16.1K 42
When things look like falling to their proper places, their fate is not that kind enough. Enjoy reading! BurningRain's Originals.
354K 8.7K 34
Makakalimot man ang isip pero hindi kailanman ang puso. Isang trahedya ang sisira sa maganda na sanang takbo ng relasyon ng dalawang taong nagmamahal...
1.3M 5.1K 7
Ang buong akala ko siya na talaga. - Alliah Mercado (09-26-2016)
11K 628 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...