Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Broken Treaties

1.5K 126 18
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 33

Sa sobrang pagod ko, di ko na matandaang humiga ako. Basta ang alam ko, nagising na lang ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

"Good morning,"

Nalungkot ako nang makita ko si Louisse sa paahan ng kama at naalala kung bakit sa kanila ako natulog. "Good morning,"

"Kumusta pakiramdam mo?"

Sinubukan kong bumangon pero para akong hinampas sa tiyan at bumagsak muli sa kama. Binaon ko sa unan yung mukha ko at umungol sa sakit.

"You okay?" Naupo si Louisse sa tabi ko. "What's wrong?"

Niyakap ko yung tiyan ko at naiyak. Mas masakit yung katawan ko ngayon kesa kahapon.

"Anong masakit sa tiyan mo? Tawag ba akong doktor?"

"I'll be fine. Saglit lang."

Huminga akong malalim at pinakalma ang sarili ko. Mukhang nabigla lang ang katawan ko sa galaw ko. Marahan kong inangat ang t-shirt ko at nakitang nangingitim ang tiyan ko dahil sa malaking pasa.

"Jesus, Sophie. You're not fine at all. Dito ka na lang muna sa bahay. Wag ka na pumasok. Magpahinga ka."

Dahan-dahan akong naupo sa kama. "Kailangan ko pumasok. Kailangan ko makausap si Alec."

"Hindi ba pwedeng bukas mo na lang siya kausapin? Ipahinga mo muna yang katawan mo." Halata ang pag-aalala sa magandang mukha ni Louisse. "Mag-relax na lang muna tayo dito. I'll keep you company."

"Hindi magugustuhan ng mommy mo na mag-aabsent ka dahil sa akin."

Umiwas ng tingin si Louisse. "Di mo pa rin ba siya matawagan?"

"Pinatay niya yung cellphone niya." Sagot ko.

Napabuntong-hininga si Louisse. "I really can't change your mind?"

Binigyan ko siya ng maliit na ngiti. "Hindi ko pwedeng iwan si Alec."

"Kahit iniwan ka niya?"

Ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya at napabuntong-hininga. Sa totoo lang, mas masakit pa rin ang puso ko kesa sa sakit ng katawan ko.

"Fine. Let's go get some breakfast." Inalalayan ako ni Louisse sa pagtayo.

======================

Nang tumigil ang kotse sa tapat ng apartment namin ni Alec, tahimik ang paligid. Sinamahan ako ni Louisse sa pagkatok sa pinto at nang walang sumagot, ginamit ko ang susi ko para makapasok sa loob.

"Mukhang wala siya dito." Mahina kong sabi.

Nakasara ang pinto ng mga kwarto. Alam kong hindi nagsasara ng kwarto si Alec dahil sa takot niya sa dilim.

Nakakunot ang noo ni Louisse sa pagtingin niya sa akin. "Paano mo nalaman?"

"Walang nagbago. Ganitong ganito yung itsura ng bahay kahapon pagkaalis ko." Pagsisinungaling ko.

"I'll check anyway."

Isa isang binuksan ni Louisse ang mga kwarto at pati na rin ang CR. Nang wala siyang nakita ay binalikan niya ako sa sala.

"You're right. Wala siya dito." Dismayadong sabi ni Louisse. "Saan kaya siya natulog?"

"Hindi ko alam."

"Anywhere else you want to check?"

"Pasok na muna tayong school. Baka makita natin siya dun."

"Okay,"

Nagkasundo man kami ni Louisse, parang nagkaintindihan din kaming hindi namin makikita si Alec sa school. Pero mabuti na ring pumasok kami kasi hindi din kami sigurado kung saan pa namin siya pwede hanapin. Kung uminom at nagpakalasing na naman si Alec, panigurado napalayas na naman siya ng bar o club dahil sa panggugulo niya o dahil magsasara na sila.

Pero paano kung nakatulog na naman siya sa bangketa dahil sa kalasingan? Paano kung may nangyari na sa kanya? Paano kung binalikan siya nung mga alagad ni Rose?

"Hey, calm down. I'm sure she's fine." Tinapik ni Louisse ang balikat ko. "Si Alec yun. Kahit gaano siya ka-reckless, alam niya ginagawa niya."

"Okay,"

Nakita na kaya ni Louisse si Alec kapag lasing? Alam kaya niya kung gaano nawawalan ng pakialam sa mundo si Alec kapag malungkot at galit siya? Kahit gusto kong kumalma, hindi ako mapakali. Dapat talaga sinundan ko kaagad siya kahapon nung umalis siya. Dapat hindi ako natulala sa mga sinabi niya.

Pero hindi ko kasalanan na nasaktan ako sa mga pangyayari. May karapatan akong matigilan noong pinalayas niya ako.

Sinubukan kong umidlip sa kotse pero masyadong maiksi ang biyahe namin at masyado akong nababagabag para makatulog.

Nang makarating kami sa school, inalalayan ako ni Louisse papunta sa klase ko. Kaklase ko si Alec sa klaseng ito pero kahit late na akong nakarating, walang Alec sa classroom.

"I'll check the tennis court," sabi ni Louisse.

"Pumasok ka na munang klase mo. Mamaya na lang ulit natin siya hanapin."

"Dadaan lang ako tapos papasok na rin ako. Text me na lang if you see her."

"Okay,"

Umalis na si Louisse at naupo na ako sa pwesto ko, iniiwasang mapansin ang mga nakasunod na tingin ng mga kaklase ko.

Nagtuturo na ang professor namin nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Alec.

"Miss Imperial, take your seat." Iritang sabi ng professor namin.

Nagkatinginan kami ni Alec. Namumula ang mga mata niya at maputla ang labi niya. Hindi ko alam kung anong ginawa niya buong gabi at kung saan siya pumunta pero halatang hindi pa rin siya okay.

Hindi nagsalita si Alec. Umatras na lamang siya at umalis.

"Miss Jaranilla!"

Agad kong kinuha yung bag ko at hinabol siya.

"ALEC!" Sigaw ko sa hallway. Mabilis ang lakad niya papalayo at kahit gusto kong tumakbo, umaangal ang katawan ko.

"ALEC!"

Lumingon siya saglit at kahit sa kalayuan ay natanaw ko ang kislap ng luha niya. Napatid ako sa sarili kong paa at natumba.

Bangon, Sophie. Habulin mo siya.

Pero hindi na kaya ng katawan ko yung sakit. Nanatili akong nakadapa sa sahig habang umaagos ang luha sa pisngi ko. Sa dulo ng hallway, nakatingin lang sa akin si Alec.

"Alec," hagulgol ko. "I'm sorry. Please, kausapin mo ako."

Humakbang si Alec palapit sa akin pero tumigil din kaagad siya.

"Okay ka lang, miss?"

May lumapit sa akin at tinulungan akong umupo.

"ALEC!" Sigaw ko muli nang tumalikod si Alec.

Saglit akong napatingin sa tumulong sa akin. Hindi ko kilala yung lalaki.

"Thank you pero patulong tumayo!" Nagmamadali kong pakiusap sa lalaki.

Naguguluhan man ay sinunod niya ako. Inalalayan niya akong tumayo at sinalo ako nang muntik na akong matumba ulit.

Ano ba namang katawan 'to! Kung kailan naman kailangang-kailangan saka bumibigay!

Parang pinupunit na sa sakit yung puso ko. Gusto ko siyang habulin at yakapin. Gusto kong makita ng malapitan yung kulay ube niyang mga mata. Gusto kong marinig muli ang boses niya.

"ALEC!"

Pero wala na siya.

"Miss, maupo ka na muna. Wala na yung hinahabol mo."

Halos buhatin ako nung lalaki para makaupo sa bench sa isang gilid ng hallway.

"Salamat," maliit ang boses ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at muling napatingin sa direksyon na pinuntahan ni Alec, nananalangin sa Diyos na magbago ang isip niya at balikan ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong nung lalaki.

Hindi ko siya kilala pero may violin case siyang dala-dala, indikasyon na taga-music department siya katulad nila Leone. Wala siyang kasama pero ngayong kumakalma na ako ay ngayon ko lang napansin na mejo marami-rami din ang mga estudyanteng nasa hallway at nakapanuod ng nangyari. Lahat sila ay nakatingin sa amin.

"I'll be fine. Thank you."

"Are you sure? Gusto mo ba ng tubig?"

"No, thank you. I'll be fine." Huminga akong malalim. "Kailangan ko lang magpahinga."

"Dalhin ba kita sa clinic?"

"Hindi na. Tawagan ko na lang yung kaibigan ko para sunduin ako dito."

"Sure?"

"I'm sure. Thank you ulit." Kinuha ko sa bulsa ko yung cellphone ko. Hinanap ko yung number ni Louisse para matawagan agad siya.

Nag-aalangan yung lalaki pero tumango din siya. "Okay, sige. Mauuna na ako."

Itinapat ko sa tenga ko yung cellphone ko at muling pinunasan ang mga luha ko. "Thank you ulit,"

Malungkot yung ngiti ng lalaki sa akin bago umalis.

Habang nagri-ring yung phone ni Louisse ay sa sahig lang ako nakatingin dahil sigurado akong pinapanuod ako ng mga estudyante sa paligid. Ubos na ubos na yung dignidad ko dahil sa mga nangyayari sa akin dahil kay Alec.

"Hey! Nakita mo si Alec?" Tanong ni Louisse. "Nasaan kayo?"

"Tinakbuhan niya ako. Hindi ko siya nahabol." Hagulgol ko. Para akong batang nadapa at nagsusumbong sa nanay niya. Nasaktan na nga ako, napahiya pa ako. Gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko at magpakain sa lupa.

"Umiiyak ka ba? Teka lang. Where are you? Pupuntahan kita."

Binigay ko sa kanya yung lokasyon ko at binaba yung tawag. Napatingin ako sa paligid ko at nakitang pinapanuod pa rin ako ng mga tao. Kinuha ko na lang yung bag ko at payakap na isinubsob ang mukha ko dito.

Ang dilim tingnan ng violet eyes ni Alec kanina. Pero hindi siya galit. Walang bakas ng galit sa maganda niyang mukha kanina. Nasasaktan lang siya kaya siya umiiyak.

Nasasaktan din ako. Bakit hindi mo ako balikan? Bakit kailangan mo akong takbuhan?

Pero humakbang siya pabalik sa akin kanina nung nadapa ako. May pakialam pa rin naman siya. Siguro kung hindi ako tinulungan nung lalaki kanina baka bumalik siya.

Akala ko ba mahal mo ako?

"Sophie?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin at lalong naiyak nang makita si Leone. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at niyakap ako.

"Louisse called me and told me to come here. I ran as fast as I can. What happened?"

"Si Alec," hagulgol ko sa balikat niya. "Si Alec!"

"Anong nangyari kay Alec?"

"Tinakbuhan niya ako."

Mahigpit ang yakap sa akin ni Leone at pakiramdam ko matutunaw ako sa mga bisig niya. Patuloy akong humagulgol sa balikat niya. Pagod na pagod na ako at ang sakit sakit ng puso't katawan ko.

"Sophie!"

Dumating na si Louisse at agad na tiningnan kung okay lang ako. Pinunasan niya ang mga luha ko.

"What happened?"

Kinuwento ko sa kanilang dalawa yung nangyari. Nang matapos ako sa kwento ko, nagkatinginan sila.

"Puntahan ko ba siya?" Alok ni Leone. "Baka umuwi siya sa kanila?"

"No, don't. Galit siya sayo. Baka awayin ka lang ulit niya." Babala ni Louisse. "What's important is that we get Sophie back to my place para makapagpahinga siya."

"Hindi," angal ko. "Kailangan ko makausap si Alec. Umiiyak siya kanina nung tumakbo siya. If I can talk to her maaayos namin to."

"Pero hindi ka na okay. Magpahinga ka na lang muna."

"No."

"I think Louisse is right." Dagdag ni Leone. "Mas maganda kung magpahinga ka na lang muna."

"Bakit hindi niyo na lang ako samahang hanapin siya?" Suhestiyon ko. "Hindi rin naman ako mapapakali kung hahayaang kong ganito kami ni Alec."

Nagkatinginan si Louisse at Leone. Halatang ayaw nila sundin yung sinabi ko.

"Okay, sige. Magpahinga na lang muna ako dito. Kahit isang oras lang. Pero hahanapin pa rin natin si Alec mamaya."

"Make it two hours." Tawad ni Louisse.

"One hour." Diin ko.

"One and a half hour tapos kain na lang muna tayo sa canteen?" Tawad naman ni Leone.

"Hindi ako gutom." Angal ko. "Kumain kami ni Louisse kanina."

"Yeah well, I'd feel better if I saw you eat something. You look like you need something to eat." Sagot ni Leone. "Also, nagugutom na ulit ako. Mas mabuti na ring dun natin hintayin sila Ed sa canteen."

Sinamaan ng tingin ni Louisse si Leone. "Di na nga okay si Sophie, pagkain pa rin nasa isip mo."

Napangiti ako kay Leone. "Patay gutom ka talaga kahit kailan."

"Di naman."

Naupo si Leone sa kanan ko at si Louisse sa kaliwa ko. May dalang cap si Leone kaya't ipinasuot niya muna yun sa akin at pinasandal ako sa balikat niya. Hinila ko pababa yung cap hanggang sa hindi ko na makita yung mga taong alam kong nakatingin sa amin.

Masakit pa rin ang katawan ko kaya't ipinikit ko ang mga mata ko para makaidlip na muna, nagpapasalamat na kasama ko si Louisse at Leone ngayon.

Bago ako makatulog, naramdaman ko ang paghawak ni Leone sa kamay ko.

===========

"Saan natin siya hahanapin?" Tanong ni Jecko.

Nasa canteen na kami at kumpleto ang barkadang kumakain ng lunch. Nakikinig lang ako sa kanila, marahan na nginunguya yung sandwich na binili ni Louisse para sa akin. Ayoko kasi mag-kanin dahil nasusuka ako. Pinilit lang ako ni Louisse na kumain bago kami magsimulang maghanap kay Alec.

"Check muna ulit natin yung bahay niya and then we can go ahead and check all the bars around school." Sagot ni Leone.

"Mas maganda siguro kung maghihiwalay tayo?" Suhestiyon ni Ed. "Half of us takes the van and then the other can take your car?"

"Leone can go with Ed and Ron in the van. You," tinuro ni Louisse si Jecko, "can join me and Sophie. We'll take my car."

"Hindi ba mas maganda kung magpahinga ka na lang?" Tanong ni Ron sa akin.

"Sasama ako. Kailangan ko siya makausap."

Tumango lang si Ron at pinagpatuloy ang pagkain.

Napatingin ako sa paligid, nagiisip kung may nakakaalam kaya sa mga estudyanteng nakapaligid sa amin kung nasaan si Alec. Kung magtanong kaya ako sa isa sa kanila may makakasagot kaya sa akin?

Nagtama ang tingin namin ng isang babae dalawang table ang layo sa amin. Nang mapansin niyang nakatingin din ako sa kanya, umiwas siya at may ibinulong sa katabi niya. Napakunot ang noo ko at napansing marami ang nakatingin sa amin.

Ano na naman kayang chismis ang kumakalat sa akin? O baka naman pinaguusapan nila sila Louisse. After all, sikat ang banda nila.

"Mag-CR lang muna ako."

"Samahan na ba kita?" Tanong ni Louisse.

"Kahit hindi na. Saglit lang ako."

Tumayo na ako at naglakad papuntang CR. Para akong naka-autopilot na kumikilos. Masakit pa rin ang katawan ko at alam kong pag tinakbuhan ulit ako ni Alec, panigurado madadapa ulit ako katulad ng nangyari kanina.

Habang naghuhugas ako ng kamay sa CR, biglang may pumasok na dalawang babae. Agad ko silang namukhaan na fanatics ni Alec at alagad ni Rose. Sila yung kasama ni Rose nung inatake niya ako sa playground.

"Jaranilla, totoo bang break na kayo ni Alec?"

Hindi ko sila sinagot at sinubukang tumakas ng CR. Alam kong mapapahamak ako pag nakulong ako doon kasama sila.

Sinubukan nila akong harangan pero nagawa kong makalabas ng CR. Pero bago ako makabalik kila Leone, hinila nila yung braso ko.

"Sagutin mo kami, break na ba kayo?!" Pasigaw na tanong nung isang babae.

"Pano kami magbebreak kung never naman naging kami?" Sigaw ko pabalik.

"Sinungaling!"

Tinaas ng babae yung kamay niya, akmang sasampalin ako pero bago pa man ito tumama sa akin napatigil siya nang may sumigaw ng pangalan ko.

"SOPHIE!"

Napatingin kami sa pintuan ng canteen kung saan mabilis na naglalakad papunta sa amin si Leone.

Tinulak ako nung babaeng may hawak sa akin at saka kumaripas ng takbo. Napaatras ako pero hindi naman ako nasaktan sa ginawa nila.

"Sophie, okay ka lang?"

"I'm fine."

"Sino yun? Sinaktan ka ba nila?"

"Kaibigan ni Rose." Mahina kong sagot. "Tinanong lang nila ako kung totoo daw bang nagbreak na kami ni Alec."

Huminga akong malalim. Bigla kong naalala yung malamig na blade ng cutter na itinapat ni Rose sa pisngi ko. Pinagbantaan niya ako dati na pag nalaman niyang niloloko ko daw si Alec, babalikan niya ako.

Napakapit ako kay Leone. "Kailangan ko mahanap agad si Alec. Baka balikan ako ni Rose."

Napakunot ang noo ni Leone. "What?"

Hinila ko siya pabalik ng canteen. "Tapos na ba kayo kumain?"

Tumango sila Jecko. "Hinihintay ka na lang namin."

"Tara na."

Kinuha ko yung bag ko at nagmamadaling lumabas ng canteen. Nakasunod lang sila sa akin.

"May nangyari ba? Bakit nagmamadali ka?" Tanong ni Louisse sa akin.

"Nakasalubong ko yung friends ni Rose."

"Rose?"

"Di ba sabi niya sasaktan niya ako pag nagbreak kami ni Alec? Everyone thinks we broke up dahil sa nangyari kanina."

Nanlaki ang mga mata ni Louisse. "She's not that serious with her threat, right?"

"Hindi rin ako sure. Pero mas mabuti nang hanapin natin si Alec para maayos to."

Pagdating namin ng gate, tumingin ako kay Louisse. Kotse niya ang gagamitin namin kasama si Jecko.

"If Rose is a threat to Sophie, mas maganda ata kung sa amin ka na lang ni Ron sasama?" Tanong ni Leone sa akin. "Mas mapoprotektahan ka namin."

Sa tatlong lalaki, si Ron ang pinakamalaki ang katawan. Si Leone naman ay matangkad din at hindi nalalayo ang laki kay Ed at Jecko.

"Bakit hindi na lang kami ni Ron ang sasama kay Sophie?" Tanong ni Jecko. Kasunod siya ni Ron sa laki ng katawan. "Mas okay ata kung dalawang lalaki kasama niya."

Nagkatinginan si Leone at Louisse. Halatang ayaw nilang lumabas ng school na magkasama.

"Bawal makita si Leone at Louisse na magkasama, di ba? Nakakalusot lang tayo ngayon kasi isang grupo tayo. Pero mahirap ipaliwanag kung tatlo lang sila ni Ed." Paliwanag naman ni Ron.

"Okay na si Leone at Ron," sagot ko. "Hindi naman siguro ako aatakihin ni Rose agad agad."

"JARANILLA!"

Napatingin kami sa sumigaw ng pangalan ko at nakita si Rose na may dalang baril. Itinutok niya ito sa akin. Bago kami maka-react ay kinalabit na niya yung gatilyo.

Pumutok yung baril at natumba ako.

"SOPHIE!"

"ROSE!"

"LOUISSE!"

Nakakabingi yung ingay ng baril. Halos hindi ko na marinig yung mga sigaw ng tao sa paligid.

Inangat ni Louisse yung ulo niya para tingnan ako. "Okay ka lang?"

Nakapaibabaw siya sa akin, tinulak niya ako at sabay kaming bumagsak kanina. Hindi ako makasagot dahil yung bigat niya lang ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung natamaan ba ako ng bala sa tiyan o yung pasa ko lang yung masakit.

"LOUISSE!"

Bigla kong nakita si Leone, dahan dahan niyang binuhat si Louisse papalayo sa akin. Napansin kong nahuli na nung mga lalaki si Rose. May guards na nag-aassist sa kanila at may mga taong nakapaligid sa amin.

"TULONG!!" Sigaw ni Leone sa mga taong nakapaligid.

"JARANILLA!" Sigaw naman ni Rose habang nagpupumiglas sa kalayuan.

"Stay with me," iyak ni Leone kay Louisse. "Stay with me,"

Saka ko lang na-realize na si Louisse ang natamaan ng bala sa likuran noong tinulak niya ako.

"JECKO!" Sigaw ni Leone. Binuhat niya si Louisse. "Kunin mo yung van!"

"TEKA!"

May lumapit na guard kay Leone at Louisse. May sinabi siyang hindi ko na maintindihan.

"PAPATAYIN KITA!"

"Anong nangyari?

"Sinong namatay?"

"Asaan na yung ambulansya?"

"Si Louisse Zhukova?"

"May pulis!"

"May nabaril!"

"Si Jaranilla daw?"

"Sinong namaril?"

"JARANILLA!"

Naiwan lang akong nakaupo sa sahig. Parang hindi ma-process ng utak ko yung mga pangyayari.

Maraming tao sa paligid na nagbubulungan at vine-videohan lang kami. Nagwawala si Rose sa isang gilid at inaasikaso naman ni Leone si Louisse.

May lumapit sa akin. "Miss, okay ka lang? Natamaan ka din ba?"

Napatingin ako sa baba at nakitang may dugo sa kamay ko. Wala akong sugat. Sinalo ni Louisse yung balang para sa akin.



**********************

A/N:

I was supposed to finish this last weekend pero ang daming happenings sa Discord server namin hahahaha
Madami ding happenings sa chapter na 'to. Parang the whole time I was writing Sophie, iniimagine ko yung sakit ng katawan niya. Parang nadapa din ako nung nadapa siya hahaha

Anyway, I'll try to finish the next chapters as fast as I can! Marami pang mangyayari na need niyo abangan!

For the meantime, sali kayo sa Familia Olympia Discord server namin! We hang around and we even host movie nights every weekend! Laro din tayong Valorant minsan!

Discord server link:
https://discord.com/invite/aMPNnFdcrn

Server link is also available in the comment section and on my WP and FB profiles!

Thank you for reading!

Continue Reading

You'll Also Like

735K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
516K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
104K 4.1K 25
IT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. W...
262K 17.9K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...