Pretend WIFE (COMPLETED)

By MrsPurin

627K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... More

(Pretend Wife) I
(Pretend Wife) 2
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife) 15
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 20
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29
(Pretend Wife) Epilogue

(Pretend Wife) 12

19.9K 355 7
By MrsPurin

Mahinang yugyog sa balikat ang nagpadilat kay Harland. He slowly open his eyes. Si Luigi ang kanyang nakita. Agad sana siyang tatayo ng mapagtantong nasa loob na sila ng kanilang hacienda ng maramdaman na tila may nakadaghan sa kanyang balikat. And then he realized, it was Czarina. Sandali siyang nag-isip, Oo nga pala! Kanina pala ay pinilit siya nitong makinig ng music sa MP3 nito, and she sung a song for him. Hindi na pala niya namalayan na nakatulog na siya. 

He stares at her with fondness in his eyes. Bakit ba nakakaramdam siya ng kapayapaan pag kasama niya ang babaeng 'to? A sense of peace na matagal na yata niyang hindi narararamdaman. 

Nagulat pa siya ng biglang magmulat ng mata ang babae at nahuli siyang nakatingin dito. She smiles, her eyes are still sleepy. 

"Ikaw ha, tinititigan mo ako! Nagagandahan ka sa akin, nu?" sabi nito na muling sinara ang mata. 

"Tssss! Kapal ng mukha nito! Gumising ka na nga diyan, kadiri ka, tinuluan mo pa ng laway mo 'tong polo ko." inis niyang tinabig ito kahit pa ang totoo, pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang mukha sa sobrang hiya ng mahuli nito ang pagtitig niya. 

Bumangon naman agad si Czarina na pinunas-punasan pa ang kanyang bibig. She pout when she realized na hindi naman tumulo ang kanyang laway. 

"Grabe talaga 'to! Hindi naman tumulo ang laway ko ha!" inis niya bulong sa sarili na pinagmamasdan ang lalaki na naunang bumaba. "Wait lang, hinatayin mo naman ako!" mabilis siyang sumunod kay Harland. Noon pa lang niya napansin na nasa loob na pala sila ng isang malaking lupain. And in the middle is a huge house. At sigurado siya, ngayon lang siya nakakita ng ganong kalaking bahay. She was in awe! 

"Retard, we're here in our home in Batangas. Ang mama at ang lola ko ang nakatira dito, kaya umayos ka ng mga galaw mo ha! Dito, we should act as a real married couple. Ayokong makahalata ang mama at lola ko na nagpapanggap lang tayo. Kaya please lang, cooperate, ok?" biglang nagsalita si Harland sa kanyang gilid. Nilingon niya ito. She gulp! Alam niyang mayaman ito, pero hindi niya akalain na ganito pala talaga ito kayaman. Biglang siyang nakaramdam ng kaba at panliliit. 

"H-harland, ang m-mama mo p-pati ang l-lola mo.... H-how can you be sure na magugustuhan nila ako?" halos pabulong na ang kanyang tinig. Hindi niya gusto ang nararamdaman, di ba nga't ang kabilinbilinan ng kanyang itay ay wag mahihiya kahit kanino lalo't marangal naman ang kanilang pamumuhay kasi pa mahirap lamang sila. Pero iba din pala talaga pag mismong sitwasyon na ang nagpapamukuha sa'yo. 

"Hey, my mother and my grandma are good people. They are also fair, hindi sila tumitingin sa estado ng pamumuhay ninuman. At, kahit pa sabihin na contract marriage lang itong kasal natin, I am sure magugustuhan ka nila...." she automatically glanced up sa narinig. Sinabi ba talaga nito na maari siyang magustuhan ng mama at lola nito kahit pa sabihin na hindi totoo ang kanilang kasal? "... well, of course, wag mo lang ipapakita ang pagiging retarded mo." maagap na dagdag ni Harland ng matanto niya na nagbigay siya ng papuri sa babae. He didn't mean to say that, pero bigla na lang lumabas sa kanyang bibig. 

"He he he he! Oo na, hindi kita ipapahiya, promise!" itinaas ni Czarina ang isang kamay tanda ng kanyang pangangako. "Saka sorry kanina dun sa nangyari. Nung nakita natin si Almira. I'm s-sorry kasi nagmukha akong alalay mo. I'm sorry kasi hindi ako nakinig sa'yo na magbihis ng maganda. I'm sorry kasi--" 

"Ssshhh! Tama na yan. You don't have to say sorry, wala ka naman kasalanan eh. I think she purposely do that." pigil niya sa sasabihin ng babae. Bakit ba ito humihingi ng 'sorry' sa kanya? Nakakaramdam siya ng kakaunting kirot sa kanyang dibdib knowing that he caused her to feel so little about her self. 

"Talaga? Eh bat naman niya gagawin yun? Hmm, teka, is she your ex?" kunot ang noo nito na binalingan siya. He shook his head, inilagay niya ang dalawang kamay sa kanyang bulsa. 

"No! Not an ex." 

"Eh ano mo siya?" 

"Let's just say that she used to be a 'playmate'. Wag mo na siyang alalahanin." he gave her a smile. Kaya naman hindi na rin naiwasan ni Czarina na mapangiti. Kahit parang binibili ang ngiti ng lalaking 'to, nakakaramdam naman siya ng assurance everytime he would smile at her. 

May itatanong pa sana siya ng makita niya na may isang babae na lumabas mula sa malaking bahay. Napakaganda nito, kahit pa medyo may edad na. And when she look at Harland, napansin niya na lumaki ang pagkakangiti nito. Akma siyang gagalaw mula sa kinatatayuan ng biglang gagapin ng lalaki ang kanyang palad. He grasped her hand tightly, and instantly, she flushed all over again. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Masaya silang sinalubong ng babae na nakilala niyang mama ni Harland na si Marissa. Makikita sa mukha nito ang labis na pagka-sabik sa anak. Muntik pa nga yata ng mga ito na makalimutan na nasa paligid siya. 

"I'm glad na naririto ka, Anak! Sobrang miss na miss na kita." 

"Of course, Mama! By the way..." inakbayan ni Harland si Czarina at marahang hinila papalapit sa kanyang ina na parang ngayon lang nakita ang presensiya ng babaeng kasama. "... this is Czarina. Siya yung tinawag ko sa inyo ni Lola Carmela. She is my wife." pagpapakilala nito sa asawa. 

Nakita niyang umawang ang bibig ng ina nito. Nakaramdam ng kaba si Czarina, ngunit ng makita niyang ngumiti ito pagkaraan ng ilang sandali at ibinukas pa ang mga bisig upang yakapin siya, she felt relief. 

"I am so very happy to finally meet you, Iha! Napakaganda mo pala. Nagtataka talaga ako kung bakit ngayon ka lang dinala dito ni Harland." masayang sabi sa kanya nito ng maghiwalay sila sa pagkakayakap. 

"B-busy po kasi s-si Harland, T-tita Marissa..." 

"Naku, ano bang Tita? Call me Mama Marissa. Matagal ko nang pangarap magkaron ng anak na babae. Kaya naman masaya ako na finally, nag-asawa na ang anak ko. Halika sa loob! Matutuwa ang lola ni Harland pag nakilala ka." bago pa siya muling makapagsalita ay iginiya na siya ni Mama Marissa papasok sa loob ng bahay. Isang kindat lamang ang ibinigay sa kanya ni Harland ng balingan niya ito ng tingin upang makita kung ano ang reaksiyon nito. 

Napanganga si Czarina ng tuluyan na silang makapasok sa kabahayan. Kung maganda na ang labas na bahagi ng malaking bahay, the inside is much more impressive. Sobrang ganda, ang gara ng chandelier at maging ang hagdan nito-- parang pang-reyna! 

Speaking of Reyna, isang babae ang pababa mula doon. Inaalalayan ito ng isang unipormadong nurse. Saglit na inalala ni Czarina kung saan niya nakita ang matanda. She snapped! Ito ang lola ni Harland. Ito ang kasama nito sa picture. Kagaya ni Mama Marissa, the old woman is a beauty, even if she's no longer in her prime. Mas mukha itong bata sa personal kaysa sa picture. 

Agad naman kumilos si Harland upang salubungin ang matandang babae. Nakaramdam na naman siya ng kaba ng hindi man lamang ngumingiti ang lola ng lalaki. 

"Lola Carmela! Grabe, walang pinagbago, sobrang ganda pa din ng lola ko." ubod ng lambing na sabi ni Harland sa matanda. Akma itong yayakap sa matanda ngunit maagap din itong napigilan niyon. 

"Wag mo ngang binibilog ang ulo ko, Harland! Hindi mo na ako madadaan sa mga ganyan. Buti't buhay pa ako na naabutan mo dito." ani nito. Pagkatapos ay binalingan ng tingin si Czarina. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa na tila inuuri ang kanyang pagkatao. She swallows. Ano ba 'to? Yung parang sa mga teleserye na lalaitin siya pag nalamang hindi CEO ang mga magulang niya? "Sino naman 'tong babaeng 'to? Don't tell me nagdala ka na naman dito ng kung sinu-sino, Harland..." 

"Lola naman! Why so sunget? Sige ka, dadami wrinkles mo nyan." paglalambing pa rin ng lalaki sa matandang babae. Sinenyasan siya nito na lumapit, kaya kahit bumabayo ang kanyang dibdib sa sobrang kaba, she was obliged to follow. "Lola, hindi po kung sinu-sino lang ang kasama ko. This is Czarina Dela Cruz, my wife." pagpapakilala sa kanya ni Harland. Atubili siyang lumapit sa matanda para magmano, kaya naman laking gulat niya ng bigla siyang yakapin nito instead. 

"Wife? Why you didn't tell me earlier? Oh My Gosh! I'm so sorry, iha! Where's my manners? Come here! Oh sweet God, thank you for hearing my prayers." sabi nito na tumingin pa sa langit habang ubod ng init siyang niyakap. "Kumain ka na ba, iha? Napagod ka ba? Naku, sandali nga! Claring, Sioning, maghanda nga kayo ng maraming pagkain. Aba! Nandito ang Senyorita Czarina nyo." masayang utos ni Lola Carmela sa lahat na hindi binibitawan ang kanyang kamay. 

She then again felt relief. Ang akala niya, marami pang confrontation scene na mangyayari. Akala pa nga niya na pagtatabuyan siya nito. Well, that's what she get from watching too much soap opera. 

"Halika, maupo tayo dito, apo ko!" masuyong sabi sa kanya ng matandang babae. She smiles shyly, habang binigyan naman siya ng isang tango ni Harland. He lips aren't smiling, but his eyes are. 

"Grabe! Ang ganda-ganda mo, iha. You are quiet different from all the women my grandson had introduced to us. And I like it! I know you are different in a good way. And please, call me Lola Carmela ha! " fondness on Lola Carmela's voice as she gently rub her hair. Pakiramdam ni Czarina ay muling nag-init ang kanyang mga pisngi. Siya lang ba ang naiiba dahil siya ang pinaka-panget sa lahat ng ipinakilala ni Harland sa mga ito? Tanong niya sa utak. 

"Iha, I hope we're not making you feel awkward ha! Excited lang kasi si Mama na malaman na kinasal na talaga si Harland." nakangiti din na sabi sa kanya ni Mama Marissa na naupo naman sa kanyang tabi. Habang si Harland naman ay naupo sa kanilang tapat. Now, she is in between the two women! 

"O-okay lang po. Medyo n-nahihiya lang po ako sa inyo, M-mama saka L-lola." utal niya na pahayag sa dalawa. 

"Bakit ka naman nahihiya sa amin? We are family now." si Lola Carmela. 

"K-kasi po, a-ang ganda nyong d-dalawa. P-parang bawal  ang panget sa bahay na 'to." sincere na sagot ni Czarina na nagyuko pa ng ulo dahil sa nararamdamang hiya. 

Habang may ngiti naman na sumungaw sa labi ni Harland ng makita ang pamumula ng mukha ng kanyang mama at lola sa sinabi ng "asawa". It's obvious that the two older wome are so flattered to hear what Czarina have said. 

"Naku naman! Salamat at tingin mo sa amin ay magaganda pa rin kahit sa edad namin na 'to." kunwari ay nahihiya pang sabi ni Lola Carmela na tinakpan pa ang sariling bibig ng tumawa pagkatapos ay binalingan ang apo, "Harland, iho, napakagaling mo talaga mamili ng mapapangasawa. She is so very honest and so very pretty as well." gustong matawa ng lalaki sa nasabi ng kanyang lola. Not because hindi siya agree na pretty si Czarina, dahil lang kasi alam niya na kuhang-kuha na nang babae ang loob ng kanyang mama at lola. And he likes it! 

"O, siya, bago pa kayo mag-sign sa mutual admiration society, magpapahinga muna kami! It was a long drive. We'll be back before lunch." tinanguan niya ang babae na agad tumayo, bago nilapitan ang kanyang mama at lola. He kissed both of their cheeks, and give them a hug. 

Si Czarina naman ay hindi alam ang gagawin. She isn't sure whether to do the same, kaya naman nagulat siya ng ang mama mismo ni Harland ang lumapit sa kanya at yakapin siya. Ganun din ang ginawa ng Lola Carmela nito. 

"Iha, rest well ha! We'll talk soon." malambing na bulong sa kanya ng matanda. She smiles awkwardly-- but deep inside, she is please! Masaya siya na malaman na mabait at hindi mapang-alipusta ang mga ito sa katulad niya. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Here is my room!" isang napakalaking silid ang kanilang pinasukan. All paint in white, with a tidbit of gray. So masculine! Nasa gitna ang queen size na bed na nababalutan din ng puting kobre kama. Even the pillow covers are all white. May isang malaking sofa bed din sa loob. Sa tantiya ni Czarina ay mas malaki pa ang silid na yun sa mismong bahay nila ng kanyang itay sa Sampaloc. 

"Grabe ang laki! Tapos mag-isa ka lang dito? Di ka ba natatakot na baka may multo dito?" naupo siya sa sofa habang abala pa din ang kanyang mata sa pag-inspeksiyon sa kabuuan ng silid ng lalaki. Habang si Harland naman ay humiga sa kama. He is tired! Sa tuwing umuuwi siya dito sa Batangas, all he do is to sleep all day. Para sa kanya, luxury ang sleep! He don't get enough of it dahil sa dami ng kanyang inaayos sa Maynila. 

"Retard ka talaga! Walang multo. At kung meron man, why fear them? They can't harm you anymore! You should be more frightened sa mga taong buhay." he closed his eyes. 

"Hmm, sabagay may point na naman diyan! O eh di sige, pupunta na ako sa kwarto ko. San ba kwarto ko?" tumayo na si Czarina sa sofa at akmang tutunguhin ang pintuan. Nagulat pa siya ng hawakan ni Harland ang kanyang isang braso kahit pa nakapikit ito at hinila siya pabalik ng bahagya. 

"Where do you think you're going?" ani nito na nakasarado pa din ang mga mata. Ang isang braso ay nakaunan sa ulo nito, habang ang isa naman ay hawak ang kanyang kaliwang kamay. 

"Sa kwarto ko! Akala ko ba sabi mo magpapahinga tayo, di ba? Saka gusto ko din maligo!" takang sagot niya dito. At dahil nakapikit nga ito, malaya niyang napagmasdan ang mukha ng lalaki. He really is so handsome. Parang nung ginawa ang adjective na yun, they were thinking of Harland. And the good news is, he is her husband! Well, for 2 years at least. Napangiti si Czarina sa naisip, kaya naman di niya namalayan ang pagdilat ng lalaki. He caught her staring at him. She instantly flushed, lalo nang makita ang nakakalokong ngiti na sumungaw sa labi nito. 

"Were you staring at me while my eyes were close?" 

"Hindi ha! Eh, kasi, eh, kinakausap kita kaya ako tumingin sa'yo!" pakiramdam ni Czarina ay nagkanda buhol buhol na ang kanyang dila sa pag-iisip ng dahilan. At naiirita pa siya na makita na tila nag-e-enjoy ito na makita siyang natataranta. 

"Ha ha ha ha! You are not good in lying, retard! But whatever. Di ka aalis sa kwarto na 'to! Remember we have an agreement to act as a real married couple? Eh meron bang kasal na hindi magkasama sa isang kwarto?" 

"Ha? Teka, you mean to say, dito tayo matutulog dalawa?" 

"Yes! Dito. Why, you have objection or whatsoever?" 

Czarina swallows. Oo nga pala, kasunduan nila na magsama bilang totoong mag-asawa. She thought it would be easy, pero ngayon nasa harap na siya ng sitwasyon, hindi rin pala madali. 

"Ah, teka lang, Harland! O-okay lang n-naman ako sa sofa, o k-kaya dito sa lapag na lang ako maglalatag." she can almost hear her heartbeat. Pakiramdam niya ay sumisirko ang kanyang puso sa sobrang kaba. She ain't used in sleeping with someone beside her, but how much more kung isa pang lalaki who happens to be her "husband?" The thought just give Czarina chills! 

"Bahala ka sa buhay mo kung diyan mo gusto! Basta dito tayong dalawa sa loob ng kwarto na 'to. And make sure na walang mahahalata ang mama at lola ko kundi lagot ka sa akin." muling pumikit si Harland, at binitawan na ang kanyang braso. Nakahinga naman ng maluwag ang babae. She immediately fix her things. Gusto na niyang maligo, before she nap. Teka, hindi nga pala niya naitanong kung nasaan ang banyo. Tiningnan niya ang lalaki. Nakita niya ang bahagyang pag taas baba ng dibdib nito tanda na nakatulog na ito. 

Napagpasiyahan niya na siya na lang ang maghanap sa banyo. Tutal naman may tatlong pinto lang naman na nasa loob din ng silid na yun. Sigurado siya hindi na siya mahihirapan maghanap. She searched for her towel, grabbed her undies and clothes to wear, kinuha din niya ang maliit na pouch na kinalalagyan ng kanyang toiletries. Nang masigurado na dala na niya lahat ng kailangan, tinungo niya ang unang pinto. 

Ang unang nabuksan niya ay tila isang mini-gym. May nakita siyang thread mill doon, maliiit na barbel and some other aparatus that she can't recognized yet alam niya na para yun sa pag-e-exercise. 

"Kaya pala grabihan din ang mga maskels nung lalaking yun." bulong niya sa sarili. She giggle on the thought! Dagli siyang lumabas upang tunguhin naman ang pangalawang pinto. Pero hindi pa rin iyon ang banyo. She instead see Harland's walk-in closet. The shelves are painted in black, habang ang pader ay katulad din ng pinturang puti sa labas. She push the switch, doon niya pa lang lubos na nakita ang kabuuan ng silid. 

It is well organized, at napakabango. Parang color coding din sa loob. Magkakasama ang mga puti, itim, at iba pang mga kulay. 

"Ang dami naman nitong damit! Dinaig pa ako." muli niyang bulong na nakakaramdam ng hiya sa sarili. Eh lahat na yata na damit na meron siya kasya lang sa dalawang duffel bag. Kinuha niya ang isang white long sleeve polo at inamoy iyon. She smell the fabric con, and she smells Harland. Ganitong-ganito ang amoy ng lalaki, plus his perfume and his natural scent. Napangiti si Czarina. She isn't used in putting perfume-- but Harland's smell is by far her most favorite scent.

Naiiling niyang binalik ang damit nito at pinatay na ang ilaw. Sigurado siya na maiinis na naman sa kanya ito pag nakita na pinapakelaman niya ang mga gamit nito. Baka pag-isipan na naman siya ng kung anu-ano gaya ng kanina ng mahuli nito ang kanyang pagtitig. 

Ang pangatlong pinto ang bathroom. Pero di na yata matatapos ang kanyang pagkamangha ng makita ang loob. Sobrang linis, actually, pwede na nga siyang matulog dito. May bath tub, may shower at may iba't-ibang klaseng sabon. Naisip niya, iba talaga ang buhay mayaman. Parang halos lahat ng kailangan ay nakahain na lang. She bitterly smiles! Habang sila, maliit na lupa na lang nga ang meron, muntik pa mawala. Kailangan pa niyang pumasok sa isang kasunduan na katulad nito just to keep their home. 

Malungkot niyang tinungo ang bath tub. She misses her father. She remind her self to ask Harland kung pwede ba niyang muli itong dalawin once na makabalik na sila sa Maynila. 

"Be strong, Czarina! Kaya mo 'to. Harland promised to keep his part of the bargain, kaya dapat keeps yours, too." sabi niya sa sarili. Pinilit niyang ngumiti. Magpapakatatag siya, that's what she's going to do. 

Kaya naman napagpasiyahan na lang niya na gamitin ang bath tub. This isn't her first time to see one, pero never pa siya nakakagamit nito. Well, there's always the first time, so might as well do it now, pasya niya. 

She removed her clothes, then turn on the shower even the faucet. Pero halos 15 minutes na siyang naghihintay tila hindi pa rin napupuno ang bath tub. She impatiently grabbed the shower handle, pero tumigil ang pagtulo ng tubig. Taka niyang sinuri ang handle ng shower, may alam din naman siya sa pagkukumpuni ng gripo kaya naman sigurado siya na makikita niya what's wrong. Hanggang sa, 

"Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" isang malakas na tili ang nagpabalikwas ng bangon kay Harland mula sa kanyang saglit na pagkakaidlip. He thought for a seconds kung nasaan ba siya, hanggang sa naalala niya na nasa Batangas pala sila. Isang ulit tili ang kanyang narinig na tuluyan ng nagpabangon sa kanya sa kama. Galing sa banyo? 

"Gees! The retard." inis niyang bulong sa sarili at mabilis na tinungo ang banyo kung saan niya narinig ang boses ng babae. 

Continue Reading

You'll Also Like

258K 7.1K 40
Book2:Be mine! (Completed) by NyllelaineNyeNight Ipinagkasundong ipakasal si Ar. Thesa Suarez kay Jimmy Monteverdi ngunit hindi siya naniniwala sa sa...
58K 1K 10
When Hannah accepts the job to write and feature the 5-day expedition ng Marine Biologist na si Dr. Travis Alegre, inspite of her massive fear of sea...
256K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.
2.7M 54.7K 31
" i will give you two hours para pagisipan ang proposal ko then gumawa ka ng listahan mo ng sarili mong mga kundisyon tapos iemail mo sa akin give me...