Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

10 - Sleep Well

1.1K 19 2
By BlueRigel

Chapter 10

Sleep Well

Madilim pa rin pero parang may naririnig ako, “Caroline? Caroline?”

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Malabo.

“Ms. Reyes? Iha, ayos ka lang ba?” Isang lalaking nakasalamin na nakaputing damit, doktor ata siya. Oo nga pala, nasa ospital ako. Ano nga bang ginagawa ko dito?

“Mamaaaa!!!” Bigla akong napasigaw at napaupo ako sa higaan sabay tumulo na naman ang luha ko.

“She’s okay. Okay lang si tita.”  Kasama ko nga pala si Nick nang pumunta ako dito. Niyakap niya ako at pinapahiga ulit.

“May narinig akong ICU kanina? Bakit ba ako ngayon ang nakahiga sa ospital?”

“Bigla ka na lang hinimatay kanina,” sagot sa akin ni Nick.

“Iha, sa tingin ko, na-stress ka lang kanina and Dr. Sullivan is sending his apologies for breaking the news in front of you.” Hindi ko kilala ang doktor na ito, pero si Dr. Sullivan ay doktor ni mama.

“Ganun po ba.”

“Yup and I suggest na mag-relax ka na lang muna. Huwag mo masyadong iisipin si mama mo. She’ll be okay.”

“She is okay,” biglang sabi ni Nick.

“Sige po. Thank you doc.” Ang korni naman, nasa ospital na nga si mama tapos andito ako sa emergency. “Pwede na po ba akong umalis dito sa ER? I think I’m doing fine na po.”

“Sure ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?”

“Opo at hindi naman po ako nahihilo.”

“That’s good, then you can go anytime you want.” Ngumiti pa sa akin si doc at may dinagdag pa siya, “make sure your girlfriend’s okay ha. Take good care of her.”  ANO RAW?!

“Ayy, hindi pa po…” Whew, buti na lang nilinaw niya.

“Oh, I see…hindi pa, well, good luck iho.” Anong good luck??? At nginitian na naman ako ni doc, nagiging weird na ‘yung pagngiti-ngiti niya ah! “Pahirapan mo ha. Hahaha, joke lang! Ge, I need to go now. You two will surely be a lovely couple someday. Pahinga maigi Caroline.” Lunok.

“Opo. Salamat po.” Umalis na siya. Grabe naman si doc.

“Anong oras na Nick?” Patayo na ako sa higaan.

“10:50.”

“Ha?!” Napa-straight body ako. Super late na! Hindi ba siya hinahanap ng kuya niya.

“Hay nako, alam ko iniisip mo…Mike’s busy bar hopping ngayon. Hindi ko nga siya ma-contact so I left him a message. He’ll understand for sure.” Eh?

“Kahit na, may pasok kaya bukas.”

“It’s okay. Wala si ma’am Santos bukas, remember?” Oo nga pala, hindi papasok ang prof namin sa first class. So, 10:30 pa ang unang klase namin for tomorrow.

“Okay. Asan na raw ngayon si mama?”

“Well, sabi ni tito, we need to go home na. Siya na lang daw bahala kay tita since may pasok nga bukas.”

Huminto ako sa paglalakad at napahinto rin siya. I looked him in the eye and said, “thank you Nick.”

“Basta ikaw.” Binigyan niya ako ng isang napaka-caring na ngiti. Pakiramdam ko napaka-safe ko when he’s around. Excluding ma-pa, ngayon ko lang ‘to naramdaman…ang maramdamang may taong nakakapagpangiti sa akin sa mga ganitong panahon. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng saya at pasasalamat ko sa Diyos na nararamdaman ko ito ngayon.

Thank You po.

“Huy! Ano tinitignan mo sa taas? Butiki? Miss mo na ba mga kapatid mong butiki?”

“Sira!” Hinampas ko siya sa braso, “Si Lord kausap ko.”

“Hala! ‘Wag mo muna ako iiwan!” Tumingala siya, pumikit at hinanda niya ang kanyang mga kamay para magdasal. “Lord, ‘wag Mo po muna kukunin sa akin si Caroline, mahal na mahal ko po siya at hindi ko po alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin. Ajujuju.” Natawa naman ako dun sa ajujuju, dyu-dyu talaga ‘yung pronounce niya.

“Che! Magdadasal ka na nga lang, bibiruin mo pa si Lord. ADYUDYUDYU ka diyan?!”

“Pinapangiti lang kita, kaw naman oh. Gusto ko lang na nakangiti ka.”

“Eh di ngingiti na…” *grin*

*phone ringing: what’s gonna make you fall……*

“Hello pa? Pauwi na po kami.”

“Ihahatid ka ba niya?”

“Opo.”

“Paki-loud speaker anak.” Bakit naman? Pindot.

“Naka-loud speaker na po.”

“Nick?”

“Po?”

“I know this is a big favor to ask, but can you please stay with Caroline tonight?” WHAT THE FAT?!

“Ano po, tito?”

“You can sleep sa master bedroom if that’s okay with you?” Anong kalokohan ‘to papa???

“PA, SERIOUSLY?!”

“Yes, anak. You were never left alone sa bahay ng gabi. So, Nick, maasahan ba kita iho?”

Maski si Nick nagulat sa mga sinabi ni papa. Him and me, under one roof?!

“Yes po, tito.”

“I trust both of you. Kapag may ginawa kayong milagro iitsa ko kayo sa ilog pasig with weights weighing 10 tons!” Hala siya, nakakatakot ‘yung boses ni papa. Akala mo militar!

“Sir, yes sir!” Hahaha! Ayan, napamilitar tuloy ang sagot ni Nick. Ang cute, pinagpapawisan na naman siya. Hahaha!

“Caroline?”

“Yes, dad! You know me well.”

“I.K.R. TCCIC. JAPAN. Kbye.” Nak ng pating! Daming alam ni papa. Nanlaki tuloy ‘yung mata ni Nick, tarsier lang ang peg.

So yeah, that was serious. Nick and I, under one roof…tonight.

*krrrr*

Bakit nagrereklamo na ang tiyan ko? Kumain naman na ako kanina.

“Gutom ka na ba ulit, ha taba?”Ganun ba kalakas at narinig niya? Nakakahiya naman…

“Anong taba ka diyan! Chubby lang…”

“Wusus! Tara kain ulit tayo…” Suggestion niya.

Gusto ko ‘yung idea niya pero parang gusto ko ng makapagpahinga eh. “Let’s go home na muna, then padeliver na lang tayo.”

“Sige.”

Mas mabilis ang byahe namin ngayon kaysa nung papunta kami. Syempre kasi onti na lang ang nasa kalsada ngayon dahil disoras na ng gabi.

Sakto lang ang dating ng McDelivery. Sa taxi na kasi mismo tumawag si Nick para makatulog na raw kami agad at hindi masyadong mapuyat.

“Ikaw na lang ang mag-accept, magpalit lang ako ng pantulog.”

“Okay.”

Magawa na nga muna ang ritwal ko bago matulog. After 10 minutes, shunga lang Cee? Bakit ka nagsipilyo nang hindi pa kumakain? Anyway, fresh na ulit ako matapos kong maghilamos at magbuhos sa katawan. Hindi pwedeng full bath, bawal matulog na basa ang hair. Nakakanipis naman ng hair ang laging pagboblower.

Umupo muna ako sa kama para magpunas ng paa at tsaka nagbihis. “Caroline, kain na tayo!” Kukuha ko pa nga pala ng pantulog si Nick. “Oo, saglit lang.” Kakasya naman siguro sa kanya ‘yung mga short at tshirt ni papa? Pantulog lang naman eh.

Habang namimili ako ng damit na ipapaheram sa kanya, hindi ko maiwasang isipin si mama. Kamusta na kaya ang pakiramdam ni mama?

Gutom na talaga ako, makalabas na nga.

“Eto oh, heramin mo muna ‘tong pantulog ni papa.” Inabot ko sa kanya ‘yung kulay abo na pajama at putting sando ni papa at kinuha naman niya.

“Thanks.” Ipinatong niya sa sofa at –.

Lunok. Halaaaa, ina-unbutton na niya ‘yung damit niya mula sa baba pataas. Napapikit ako pero tila hindi ko maiwasang silipin…..may abs ba o wala?

OHH-EEEMMM…CONFIRMED – MERONG MGA PAN DE SAL!

Napa-spin ako at tumungo na sa kusina. Baka mamaya makita niya pa akong tinititigan ko ang abs nya, sabihin pa niyang pinagnanasahan ko siya…pero totoo naman. XD

Pinagpapawisan ako ditoooo, “sa-an…ba…ta-yo..kaka-in?” Tig-isa kami ng medium fries and spag. “Dito na lang, nood muna ako news.” Mahilig pala siya manood nun. “Okay.”

Medyo fit sa kanya ‘yung sando ni papa. Ayayay! Utak mo Cee, ‘wag mo masyadong pagnasahan!

Multi-billionaire tycoon William Salvador, proud to be Pinoy. Hindi raw niya isinantabi ang kanyang pagka-Pilipino mula nung unang humakbang siya sa London hanggang sa araw na ito. Labis na pinapalago pa ni Mr. Salvador ang…

“Tss. Wala na siguro siyang magawa sa pera niya kaya media naman ang pinupuntirya.”

“Affected much?” Wow ha, parang sila ma-pa lang kapag nanonood ng news.

“Hindi naman, naimagine ko lang. Ikaw ba, kapag marami kang pera anong gagawin mo?”

On the spot talaga? Wait, dapat pang-miss universe sagot ko… “Eh ‘di siyempre share the Blessings.”

“Sus. Mahirap pigilan ang tukso ng pera.” Huh? “Anyway, kain na nga tayo.”

“Okay.” Binirahan ko na ng kain ‘yung spag, gutom na talaga ako eeeh. Wait nga, bakit ang hinay niyang kumain, daig pa ako na babae. I-slowmo ko nga ng onti, baka obvious na PG talaga ako kapag gutom.

Napatigil ako ng subo, “oh, bakit ka nakatingin?” Hindi siya sumasagot, eh bakit parang mas nilalapit niya pa ‘yung mukha niya sa akin? “Huy! Ano bang problema?” Napatungkod ang kaliwang kamay ko sa may sofa. Napapabend na ako pahiga, mababali na ‘yung kaliwang braso ko dito sa may likuran ko.

WAAAAAAAAA! Ayokong sa ilog pasig ako ilibiiiing, kahit papa ko pa mismo ang maglibing sakin.

Eh? Habang unti-unti niyang tinataas ang kanang kamay niya, mas lumalapit pa siya sa akin at mas lumalaki na ‘yung buka ng mga mata ko sabay napapa-close open pa. Bakit niya ba tinataas? Saan ‘yan pupunta?

Lunok.

Inaabot niya ‘yung mukha ko…’yung pisngi ko.

Ito na po ba ang first kiss ko, Lord?

Pumikit na lang ako, sabi kasi nila, kapag nagkiss, ipikit ang mga mata…bahala na!

Naramdaman ko ang dampi ng kanyang mga…

…daliri? Daliri ba ‘yun? Minulat ko ang mga mata ko…

“Kung makakain ka naman ng spaghetti, parang walang bukas. Pati ba naman‘yung sauce gusto mong gawing lipstick?”

“HUH?” Iyon lang pala ‘yun, Cee. Ano bang iniisip mo?! “Ahh-he-he-he.” Kunwari natawa na lang ako.

Nakakahiyaaaaaaaaaaaa!  Ano ba naman ‘tong mga iniisip ko. Tss. “Ayoko na nga. Inaasar mo lang ako.”

“Hala. Huwag pikon. Madali kang tatanda niyan, sige ka!” Kinuha niya ‘yung fries, “oh dali, say aaaah.” Sinusubuan…niya…ako? Ako…sinusubuan…niya?

“Aaahh…?” Patanong ko tuloy nasabi.

“Anong aaahh?? Sasagot ba ako? Eeehhhh…” Loko ‘to ah! “Dito na lang pala ako sa sofa matutulog. Okay na ako dito.”

“Ha? Anong okay? Pinayagan ka naman ni papa  na dun matulog sa kwarto nila eh, bakit diyan mo pa gusto.”

“Dito na lang ako malapit sa front gate. Para mas madali kong maririnig kung may alien invasion.”

“Ha-ha-ha,” asar ko sa kanya, “funny ka talaga! Joke ‘yun?”

Konting biruan pa at inantok na rin kami. Nagsara na ako ng mga pinto, ni-lock ko na ang mga dapat i-lock.

“Wala ka na bang nakalimutang i-lock?” Siyempre, hindi naman niya kabisado ang bahay namin. Still, it’s nice of him na sinisiguro niya na secured na ang bahay. “Wala na.”

“Okay, sabagay…na-unlock mo naman na ang puso ko.” Lunok. Ngumiti na naman siya sa akin… Feeling ko nag-dissolve ang buong katawan ko into liquid. Sabay na-freeze. “Good na-ayt…Nick. Sleep well.”

“Good night, Caroline. Dream of me.” Sus, daming mong alam.

Makabanat nga ng onti. “Ayoko nga. Tama na sa akin ‘yung nasa real life kita.”

“Ayaw mo nun, may anime version na nga ako, may live action pa.” Umarte siya na parang si Naruto na magkakage bunshin technique. “Mas cute nga lang ‘yung sa live action for sure!”

“Oo na, sige na. Matulog na tayo. See you sa dream land…” Nginitian ko siya at naglakad na ako patungo sa kwarto ko. “…prince charming ko.”

Continue Reading

You'll Also Like

628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]