Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 20 - Unexpected Call
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 26 - Books
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 33 - Don't Go, Please?
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 49 - Scene
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 53 - Untitled.1
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 40 - What the f*ck!

493 15 0
By MsLonelyGurL

****Ginawa ko na agad ang chapter na ito pagkapost ko ng Chapter 39 Part 2 :') Malapit lapit na itong matapos :')

Enjoy reading Guys :')

***********

" What the f*ck! "

- Shayne's POV -

Saka lang ako natauhan nang lumalalim na ang halik ni Kris at ang kamay niya, nararamdaman ko na ipinapasok na niya sa loob ng tshirt ko kaya naman naitulak ko siya ng ubod ng lakas. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat.

Agad naman akong tumayo para ayusin ang sarili ko. Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko at galit sa kanya. Kinuha ko na agad ang bag ko na nahulog sa sahig at nag-umpisang maglakad palabas ng bahay.

Hindi pa ako nakakarating sa pinto ng biglang sumigaw si Kris.

" Don't deny to yourself, Shayne! Alam kong mahal mo pa ako! Ramdam ko yun sa mga halik na sinasagot mo sa akin. "

Ano! Ang kapal ng mukha!Naku si Daniel! Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko at nakita ko na wala na pala yung call. Sana naman hindi niya narinig yun at tiyak, magagalit ng husto yun at makikita ko na naman ang ibang awra niya.

Natawa ako sa sinigaw niya. Kaya naman sinagot ko muna siya bago ako lumabas ng tuluyan sa bahay nila. Dito ko na binuhos ang lahat ng galit na nararamdaman ko mula nang iwan niya ako hanggang sa nangyari ngayon.

" Hahaha! Nakakatawa ka, Kris! Paano mo naman nasabi na mahal kita? Dahil ba sa nag-response ako sa halik mo? Haha Hindi ba pwedeng sinabayan ka lang? Sinabi ko na kanina na may iba nang nagmamay-ari ng puso kaya pwede ba? Huwag ka na magparamdam sa akin! Pinakawalan mo ko nung una pwes pakawalan mo din ako ngayon! Kung ayaw mo maniwala, sige sasabihin ko sa iyo ito! HINDI NA KITA MAHAL! Siguro naman natauhan ka na! Forget what happen this day! " After kong sabihin yan ay nagmamadali akong lumabas ng bahay. Naririnig ko na tinatawag niya ako pero tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

" That was close! Muntik na yun! " Huminga ako ng malalim. Buti na lang naitulak ko siya at baka kung ano na ang nagawa niya.

Narating ko ang sakayan ng jeep. Sumakay ako rito kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Una ko namang naisip ang park kaya doon ako bumaba. Naglakad ako sa loob ng park at naghanap ng bakanteng bench na pwedeng upuan. Wala pang isang minuto nang makakita ako ng bench na ang katabi ay puno ng mangga. Umupo ako rito para magpahinga.

Sana naman hindi na ako gambalain pa ni Kris. Tama na rin yung ginawa ko at yun ang totoo. Hindi ko na siya mahal. Matagal na ako nakamove on sa kanya.

Kinuha ko na lang ang phone ko para libangin ang sarili ko at para makalimutan ang nangyari kanina. May 20 text messages pala ko. Karamihan naman dun ay mga Gm lang ng tropa at ng mga kaklase ko. Isang text message ang pumukaw ng atensyon ko.

From: Daniel

Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Pinatay ko na agad ang tawag dahil binubwisit ako nitong si Nicole Anne. Huwag kang maniniwala sa sinabi niya kanina. Lahat yun di totoo. Sa akin ka lang maniniwala, Shayne. Trust me.

Buti naman at hindi niya narinig ang isinigaw ni Kris kanina. Sino ba talaga yung Nicole Anne na yan? Bakit ganoon siya kay Daniel? Ano ba talaga ang meron sa kanila? Naguguluhan na talaga ako! Pero tiwala lang, Shayne! Hintayin ko na lang na si Daniel mismo ang magsabi sa akin.

Nireplyan ko naman ang text ni Daniel na naguguluhan. Basta may tiwala ako sayo na hindi mo ako sasaktan, Daniel.

To: Daniel

May tiwala naman ako sayo. Meet me here at the park. Kailangan nating mag-usap. Hintayin kita.

Kailangan malaman ni Daniel ang nangyari sa amin ni Kris. I felt, I cheated him already at ayaw ko na magalit siya sa akin.

*********

- Daniel's POV -

" Ano ba! Bitawan mo nga ako. " Sigaw ko kay Nicole Anne. Kanina pa niya niyayakap ang braso. Pinagtitinginan na nga kami dito sa Mall.

Yes! Nasa mall kami ngayon. Magpapasama lang pala magshopping sa akin. Buti hindi kami nagpunta sa condo unit niya at alam ko ang takbo ng utak niya.

" Bakit ba kasi honey ang cold ng pagtrato mo sa akin? Dahil ba sa babaing yun? Yung panget na gusto nang magpakamatay kanina? "

Naisara ko ang kamao ko. Anong karapatan niya na laitin si Shayne!

" Wala ka karapatan na sabihan ng panget si Shayne dahil mas hamak na panget ka pa kesa sa kanya. Hindi mo ba nakikita yang sarili mo? Nakakahiya yang ginagawa mo! " Sabay alis ng kamay niya sa pagkakayakap sa braso at naglakad palabas ng Mall.

Nakakabwisit talaga ang babaeng yun! Dahil sa kanya, hindi ko na natapos pakinggan ang usapan nina Shayne at Kris. Kahit na wala ako sa tabi niya, alam ko na gusto niya iparinig sa akin ang pinag-uusapan nila.

Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa parking lot. Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at agad na tinext si Shayne. Baka nagtatampo na yun dahil sa sinabi ni Nicole Anne kahit na sinenyasan ko siya na huwag maniwala sa kanya.

To: Shayne

Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Pinatay ko na agad ang tawag dahil binubwisit ako nitong si Nicole Anne. Huwag kang maniniwala sa sinabi niya kanina. Lahat yun di totoo. Sa akin ka lang maniniwala, Shayne. Trust me.

Sana talaga hindi siya nagtatampo. Iba pa naman ang sumpong niya kapag nagtatampo.  -__-

Ang tagal naman magtext ni Shayne. Wala pa siguro sa kanila yun! Minabuti ko na lang na istart ang engine ng kotse at umalis. Puntahan ko na lang sa kanila para makapag-usap kami. Alam ko na kailangan niya ako ngayon.

Nasa highway na ako nang maramdaman ko na nagbavibrate yung cellphone ko. Pinarada ko muna sa gilid ang kotse ko at kinuha ang phone. Laking gulat ko ng makita ko sa screen ang name niya.

From: Shayne

May tiwala naman ako sayo. Meet me here at the park. Kailangan nating mag-usap. Hintayin kita.

o_O Ano! Nasa park siya ngayon?! Im 30 minutes away from there! Agad kong pinaandar ang kotse ko ng mabilis para makarating agad sa kanya. Tumingin ako sa wrist watch ko. 3:30pm na pala.

Sana pagdating ko nandon pa siya. Ang lakas ng kutob ko na may nangyaring hindi maganda sa kanya.

Wala pang 30 minutes nang makarating ako sa park. Buti naman at nakisama ang kalsada kaya napaaga ang punta ko. Agad naman akong bumaba ng kotse at isinuksok ko ang phone ko sa bulsa ko.

Patakbo akong pumasok sa park at hinanap agad si Shayne. Lumingon lingon ako sa paligid. Ang daming bata dito. Hindi ko alam kung saang banda nakapwesto si Shayne.

Tumakbo ako ng tumakbo. Halos malibot ko na itong park nang mapatingin ako sa isang direksyon. May isang babaeng nakaupo sa bench na nakayuko at mukhang umiiyak. Kung hindi ako nagkakamali, si Shayne na yun! Base na rin sa suot niya.

" Shayne! " Sigaw ko sa kanya habang patakbong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya. Nakayuko pa din siya at ngayon kitang kita ko na ang mga luhang bumabagsak mula sa kanyang mga mata.

" May problema ba? Bakit ka umiiyak? " Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Iniangat niya ang ulo niya at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya.

" D-daniel. . M-may n-nangyari k-kanina. " Nauutal na sabi niya sa akin. Nakakatitig lang siya akin at patuloy lang sa pag-agos ang luha niya. Pinakalma ko ang sarili ko in fact na nasasaktan ako ngayon dahil umiiyak ang taong mahal ko.

Niyakap ko si Shayne. Dito na niya ibinuhos ang kanyang mga luha. Hinagod ko lang ang likod niya at hinintay na kumalma. Nang medyo nahimasmasan na siya saka ako nagsalita.

" Bakit ano ba nangyari? " Tanong ko sa kanya. Patuloy lang siya sa pag-iyak at patuloy lang din ako sa paghagod ng likod.

" Kasi. . Hinalikan ako ni Kris *sniff* tapos *sniff* sinagot ko yung halik niya. " Medyo nahihirapang kinuwento sa akin.

Bakit niya sinagot ang halik ni Kris? May nararamdaman pa ba siya? Pinapaasa lang ba niya ako sa wala? Iyan ang mga tanong na pumasok sa isipan ko.

" Anong sabi mo?! Sinagot mo ang halik niya?! Bakit mo ba ginawa yun ha?! " Napataas ang tono ng pananalita ko.

Ang sakit tanggapin! Sinagot niya ang halik ni Kris! Ex boyfriend niya ang kahalikan niya! Hindi pa nga kami pero iniputan na agad ako sa ulo! Ang sakit sakit!

Pinahalata ko na lang sa kanya na hindi ako nasasaktan. Ayokong mag-alala siGalit ako ngayon! Galit ako sa sarili ko!

" Kasalanan to ng hormones eh! Tanga ko kasi! Bakit ko hinayaang halikan niya ako! " Patuloy lang sa pag-iyak si Shayne. Dapat ko bang tanggapin yung explanation niya? Bakit kasalanan ng hormones sa katawan natin eh kung ayaw naman niya dapat tinulak niya! Hindi eh! Hinayaan lang niya gawin sa kanya yun!

Biglang sumara yung kamao ko. Gusto ko manuntok!

" Hindi lang yan ang ginawa niya sa akin. Muntik na niya ako hipuan. Nararamdaman ko na pinasok niya yung kamay niya sa tshirt ko. " Pagpapatuloy ni Shayne. Lalo akong nagalit sa sinabi nang yan dahilan para bigla akong tumayo at. .

*blag*

Sinuntok ko ang punong katabi namin.

" What the f*ck! " Sigaw ko.

Masakit na nga sakin na sinagot niya ang tawag ko, mas masakit malaman na binastos ng ibang tao ang taong mahal mo!

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
1.1M 61.7K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
833K 69.5K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
478K 6.8K 32
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...