Aya

By MCallMeM

4.3K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... More

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Chapter 17 : His Farewell

52 9 32
By MCallMeM

"Ako ang papatay sa'yo..."

Tila may bumarang tinik sa lalamunan ko dahilan para hindi ako makapagsalita. Humalakhak na naman siya. Naririndi na ako sa tawa niyang mala-demonyo. Nananatili akong nakatayo sa puwesto ko na tila tinakasan ng libo-libong enerhiya sa katawan para hindi makagalaw.

"Matagal na kitang hinihintay at mabuti na lang, naisipan mong bumalik dito." nakakatakot ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya dahil balot na balot siya ng itim na kasuotan.

"Ngayon, mas mapapadali na ang misyon ko para makamit ang inaasam kong kapangyarihan." hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Alam ko ang kakayahang meron ka at kung makukuha ko iyon ay panigurado akong ako na ang pinakamalakas dito at magagawa ko nang makabalik sa mundo niyo, kailan ko man naisin." muli na naman siya humalakhak pero ngayon, kakaiba na. Ramdam na ramdam ko ang pagkasabik niya na magtagumpay sa masama niyang binabalak. Hindi pwede! Hindi ko hahayaang makulong ako rito! Hindi ako papayag!

"Bakit hindi ka nagsasalita? Natatakot ka na bang mamatay?" sarkastikong tanong niya pa na lalo lang nagpakabog ng mabilis sa dibdib ko. Sumisikip na rin ang bawat paghinga ko na tila may pumipigil sa'kin na makahinga.

"Sino ka ba talaga?!" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sigawan siya. Nabigla naman siya saka napatawag muli. Kumulo ang dugo ko dahil kanina pa ako naririndi sa mga demonyo niyang halakhak kaya muli ko siyang sinigawan.

"Hindi ako natatakot sa'yo! Magsalita ka!" tumawa lang siya at biglang huminto.

"Hindi ka natatakot pero bakit nanginginig ka?Nagtatapang-tapangan ka, eh halos lumubog ka na nga sa kinatatayuan mo ngayon." pang-aasar niya pa sa'kin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko. Ramdam ko nga ang panginginig ng buong katawan ko pero pilit ko iyong nilalabanan.

Hindi ako pwedeng magpadala sa kaniya. Kailangan kong mahanap kaagad si Ven at makalayo sa nilalang na ito!

"Since ngayon ka na lang pumunta rito, ka-kamustahin na muna kita." seryosong patuloy niya pa. Naglakad-lakad pa siya harapan ko at doon ko lang napansin na may hawak siyang scythe na kumikinang-kinang na ngayon. Lalo akong nakaramdam ng takot.

"Napapansin mo ba? Hindi ka na nakakakita ng mga hinaharap? Bakit kaya?" dahil sa sinabi niya ay kumunot ang noo ko. Anong alam niya sa'kin? At tama siya! Napapansin ko nga rin na hindi na ako nakakakita ng mg hinaharap nitong mga nakaraan. Ibig sabihin ba ay wala na ang kakayahan kong iyon? Pero bakit nandito ako? Ang gulo!

"Alam kong napapansin mo 'yon. Alam mo ba kung bakit hindi ka na nakakakita?" huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. Pinasadahan niya pa ng tingin ang hawak niya saka tumingin sa'kin.

"A-anong gagawin mo? H-huwag kang l-lalapit! Lumayo ka s-sa'kin!" nanginginig na sigaw ko sa kaniya nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi siya nagsasalita kaya mas lalo lang akong natakot. Umatras ako nang umatras at nang maramdaman kong hindi siya titigil ay mabilis pa sa alas-kwatro akong tumakbo palayo.

"Gusto mong makipaglaro? Sige! Maglaro tayo ng tagu-taguan! Excited na akong mahanap at patayin ka, Aya!" umalingawngaw ang nakakakilabot niyang boses at ang mala-demonyo niyang halakhak.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napahinto ako sa pagtakbo nang tumambad sa harapan ko ang dalawang pinto. Ang unang pinto ay kulay itim at ang isa naman ay puti. Paulit-ulit ko lang na tiningnan ang dalawang pinto, hindi makapag-desisyon kung saan ako papasok.

"Siguraduhin mong hindi kita mahahanap, Aya! Nandito na ako!" humalakhak na naman siya na nagdudulot lang ng matinding takot at kaba sa dibdib ko. Alam kong nandiyan lang siya sa paligid kaya kahit hindi sigurado ay tinungo ko ang puting pinto. Hindi ko pa man nahahawakan ang doorknob ay halos malagutan na ako ng hininga nang may humawak sa balikat ko.

Habol ang paghinga ay nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan. Pakiramdam ko mamaya lang ay hihiwalay na ang hangin sa baga ko.

"Aya?" parang isang bula na naglaho ang matinding takot at kaba sa dibdib ko nang marinig ang boses niya.

Agad akong pumihit at bigla na lamang may tumulong luha sa mga mata ko.

"Bakit ka umiiyak? Ang pangit-pangit mo! Tumigil ka nga riyan!" niyakap ko siya ng mahigpit, as in sobrang higpit.


Nakita ko na ang hinahanap ko! Natagpuan ko na ang pinsan kong si Ven!


"Tumahan ka na, ano bang ginagawa mo rito? Delikado ang ginagawa mo." nag-aalalang tanong niya sa'kin. I missed him so much!

Ngayon ko lang din napansin na nagbago na ang paligid. Ang dating madilim ay naging maliwanag na. Pero wala akong makitang ibang tao rito, kaming dalawa lang ni Ven.

"Gusto kang kausapin ni Auntie. Naramdaman ko ang lubos na pangungulila niya sa'yo. Nami-miss ka na naming lahat, Enong." natawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Bagay na parati niyang ginagawa sa'kin. Na-miss ko 'yon.

"Nami-miss ko na rin kayo. Lalo ka na, wala akong maasar dito. Pakiramdam ko lagi lang akong mag-isa. Hindi ko alam, pero hindi ko pa rin magawang tumawid sa liwanag." bakas ang kalungkutan sa boses niya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awa sa kaniya.

"Bago ka sana tumawid, magkausap muna kayo ni Auntie. Alam kong marami siyang gustong sabihin sa'yo." mapait akong ngumiti. Gano'n din naman siya.

"Sige, kakausapin ko na si Mama. Doon tayo, oh." itinuro ni Ven ang isang upuan na gawa sa kahoy. Paanong nagkaroon ng ganiyan diyan? Eh puro puti lang ang nakikita ko kanina.

Nang makaupo kami ay narinig naming dalawa ang boses ni Auntie. Tinatawag niya ang pangalan ko, nag-aalala na siguro siya dahil hindi pa ako nakakabalik.

"Simulan na natin." kalmado pero malungkot ang boses ni Ven nang sabihin niya iyon. Hinawakan niya ako sa kamay kaya naghanda na rin ako. Sa ganitong paraan, magagawang saniban ni Ven ang katawan ko sa mundo namin. Ako naman, maiiwan akong mag-isa rito pero alam kong ligtas ako rito. Hangga't nararamdaman kong nakahawak sa'kin si Ven, walang mangyayari.

Ang problema lang, limitado lang ang oras. Pero hindi malalaman kung patapos na o hindi, at iyon ang ikinakatakot ko. Kapag natapos ang oras at wala pa rin si Ven, hindi na ako makakabalik sa katawan ko at si Ven na ang maninirahan doon.

May part sa'kin na gustong mangyari 'yon pero alam kong hindi papayag si Ven doon. Hindi niya hahayaang may mangyari sa akin. Gano'n siyang pinsan, parang kapatid ang turing niya sa akin. Kaya lubos ang pangungulila naming lahat nang mawala siya.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila pero alam kong sinusulit na nila ang oras na magkasama sila. Nalulungkot ako na baka ito na ang huling makakausap at mayayakap ko si Ven. Baka kasi pagkatapos nito, tumawid na siya sa liwanag. Kaya siguro hindi siya makatawid dahil ayaw pa siyang pakawalan ni Auntie. Pero ngayon, siguro malaya na siyang makakatawid sa kabilang buhay.


Ang lungkot. Ang sakit.


Maya-maya pa ay naramdaman kong umihip ang hangin. Hudyat iyon na pabalik na si Ven. Ibig sabihin, tapos na ang pag-uusap nilang dalawa ni Auntie.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang presensya niya. Parang may tumusok sa puso ko nang makitang lumuluha si Ven habang mapaklang nakangiti. Niyakap ko siya para kahit papaano ay madamayan ko siya.

"Kaya pala hindi ako makatawid dahil hindi pa ako binibitawan ni Mama. Hindi pa rin niya natatanggap ang pagkawala ko. Pero ngayon, b-buo na ang desisyon niya. P-papakawalan na niya ako, Yang." umiiyak na sabi ni Ven habang magkayakap kaming dalawa. Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya dahil nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan siya.

"Tahan na, Enong. Siguro panahon na rin para makapagpahinga ka. Huwag mong kakalimutan na ako pa rin ang pinsan mong iyakin at gustong-gusto mong asarin. Hindi kita makakalimutan, Enong. Lahat ng mga pinagsamahan natin, dadalhin ko 'yon hanggang sa magkita tayo sa liwanag." hindi ko na rin napigilan ang mga mata kong lumuha. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko. Mamaya, humiwalay siya sa pagkakayakap at nagpunas ng luha, pinunasan niya rin ang mukha ko gamit ang kaniyang kamay.

"Salamat sa huling pagkakataon na iginugugol mo para makausap ko si Mama. Hinding-hindi kayo mabubura sa puso ko, lalo ka na Yang. Siguro nga, oras na para mamahinga. Hindi ko na rin kaya pang nakikita kayong nasasaktan dahil sa'kin." ngumiti siya saka nagpatuloy.

"Huwag mong pababayaan ang sarili mo, Yang. Lagi mong isipin na nandiyan lang ako sa tabi-tabi para asarin ka at guluhin ang buhok mo. Kung ma-miss mo ako, isipin mo na lang ang mga araw na magkasama pa tayong dalawa. Mami-miss kita ng sobra, Yang." muli niya akong niyakap ng sobrang higpit. Ang yakap ng pamamaalam. Napaiyak ako dahil sa naisip ko. Ito na nga ang huling yakap, huling pag-uusap, at huling pagkikita namin ni Ven. Masakit tanggapin, pero kailangang gawin.

Tumayo kaming dalawa at sa 'di kalayuan ay nakita ko ang nakakasilaw na liwanag. Ang liwanag na nagpapahiwatig na tapos na. Na hanggang dito na lamang. Na tuluyan nang aalis si Ven.

"Paano ba 'yan? Sinusundo na ako ng liwanag. I guess, hanggang dito na lang." mapait siyang tumawa at gano'n din ako. Pinunasan niya pa ang mga luha sa mata ko gamit kamay niya.

"Tumahan ka na riyan. Ang pangit mo kayang umiyak, baliw! Tsaka, matanda ka na, para ka pa ring batang umiyak!" pang-aasar pa niya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Sige na, aalis na'ko. Baka ma-delay pa ang flight ko papunta sa langit." sabay kaming napatawa, 'yung totoong tawa na. Alam kong sa ginagawa niya ay para masaya ako kapag tuluyan na siyang kunin ng liwanag. Para sa huling sandali, masaya kaming dalawa.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa liwanag. Bawat paghakbang niya papalayo ay siya namang pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko kayang makita siyang unti-unting lumalayo, upang magpaalam.

Sa huling pagkakataon, huminto siya sa paglalakad at muling humarap sa'kin.

Kumaway siya nang may matamis na ngiti sa labi. Ipinapahiwatig niyang handa na siyang tumawid sa liwanag. Naluluha akong kumaway pabalik sa kaniya. Masikip man ang dibdib ay nagawa kong ngumiti ng tunay.

Kasabay ng pagtawid niya sa liwanag ay nagliwanag ang buong paligid. Nasilaw ako ro'n kaya napapikit ako. Ito na ang hudyat. Ito na ang pahiwatig. Ito na ang katotohanan.




Ang huling paalam ni Ven.

;



Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 917 46
This is the Book 2 of Falling Inlove with my Enemy. Ako Nga pala si Alena Anak ni Gusion at Lesley at Ako ang Prinsesa ng Assassin World.
380K 13.9K 71
Yazna came from the mortal world and found herself in a world that everything is IMPOSSIBLE. In a world where she accepts her true fate. She thought...
27.4K 848 43
In this world you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. Because in the end, it takes more tha...
Te Quiero Mi Amor By elio

Historical Fiction

8.3K 444 60
❐┊Under Editing Salviessa Reign Sivero is a new student from the university she entered, knowing what life becoming a student in a new journey like h...