Aya

By MCallMeM

4.2K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; Iyon ay ang... More

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Chapter 12 : Family

58 10 38
By MCallMeM

NAKATITIG lang ako sa puting kisame rito sa kuwarto ko. Papasok sana ako kaya lang nag-message sa akin si Zay na huwag na muna raw kaming magtrabaho para makapagpahinga kahit isang araw lang dahil kagagaling lang namin sa bakasyon.



Nakakapagod din naman ang naging biyahe namin kahapon at tinatamad din akong bumangon. Alas siyete pa lang ng umaga at wala akong maisip na pwedeng pagkaabalahan.



Muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi sa'kin nu'ng matandang ale. Sa tuwing maaalala ko ang mga iyon, parang may part sa'kin na nagsasabing paniwalaan ko siya. Na totoo lahat ng mga babala niya sa'kin. Pero, kinokontra iyon ng isip ko. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung sino ang susundin at kung ano ang paniniwalaan. Baka mabaliw ako nito.



Kaya minsan, napapaisip na lang ako kung SINO ba kasi talaga AKO? Ano bang meron sa'kin bukod sa kakayahang taglay ko? Pakiramdam ko, marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa sarili ko. Pero hindi ko naman masabi kung ano ang mga 'yon kasi wala naman akong ibang napapansin. Hays, bahala na nga! Maglilinis na lang ako ng kuwarto ko.



Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang higaan ko. Matapos niyon ay nagtali pa muna ako ng buhok ko bago lumabas at bumaba.



Pagbaba ko ay katahimikan ang sumalubong sa'kin. Tulog pa rin sila Auntie kaya naisipan kong ako na ang magluluto ng agahan namin, or nila? Minsan lang kasi ako kumakain dito, madalas sa shop o sa karinderya nalang ako kumakain ng agahan. Pero kahit na gano'n, wala naman akong ibang magagawa kasi nakikitira lang ako at kailangan kong makisama. Kapag nagkaroon na ako ng sapat na ipon, bubukod na ako sa kanila. Kaya ngayon, tiis-tiis na muna.



Naghilamos at nag-toothbrush na muna ako bago naghanda ng lulutuin para sa almusal. Pagbukas ko ng ref ay bigla akong natakam dahil sa mga laman nito. Ang dami naman pa lang masasarap na pagkain dito pero parang tuyo at itlog lang ang lagi kong nakikita sa lamesa. May mga chocolates at imported na gatas pa. Tsk.



Kumuha na lang ako ng hotdog, itlog, at kamatis. Bahala sila kung ayaw nilang kainin, edi ako ang kakain. Joke haha!



Matapos kong painitin ang kawali ay isinalang ko na ang hotdog. Habang naghihintay ay naghiwa na ako ng kamatis na ihahalo ko sa itlog mamaya.



Nang maluto ang hotdog ay isinunod ko na ang kamatis. Nabigla pa ako ng biglang tumalsik 'yung mantika sa kamay ko, buti na lang at hindi ako napasigaw. Pagtapos ay inilagay ko na ang itlog at hinalo-halo iyon.



Hindi pa nakuntento ang mga mata ko sa mga nakahain sa mesa kaya binuksan ko ulit ang ref. Nakakita ako ng ham kaya kumuha ako no'n at nagluto na naman. Susulitin ko na ang pagkakataon kahit maamoy ko lang ang mga niluto ko.



Natawa lang ako ng mahina nang tumunog ang tiyan ko, senyales na nagugutom na ako. At dahil hindi pa naman gising ang mga tao rito sa bahay, kumuha na ako ng pagkain ko at umakyat sa kuwarto ko. Kumuha na rin ako ng isang baso ng gatas. Oh, 'di ba? Wala nang atrasan 'to haha!



Tahimik at masaya akong kumain sa kuwarto. Siyempre, ngayon na lang ulit ako makakakain ng ganito karami, eh. Mabuti na lang talaga at ako pa lang ang gising. Lantakan na!



Habang kumakain ay narinig kong nagbukas na ng pinto sina Auntie na nasa kabilang kuwarto lang. Bale may tatlong kuwarto rito sa taas, sa akin 'yung isa, kina Auntie at Uncle, at sa anak nilang si Von ang panghuli. Sa baba naman ay may dalawang kuwarto lang at isang banyo, para 'yon sa mga bisita o kahit na sinong mapadpad dito. May kaniya-kaniyang banyo naman kami kaya ayos lang.



Oo nga pala, umuwi kaya si Von? Minsan lang kasi 'yon umuwi dito sa bahay. Minsan nga ay may mga kasama pang mga lalaki. Pero mabait naman 'yon, kahit pa may barkada ay hindi naman niya napapabayaan ang pag-aaral niya. Marami kasi silang ginagawa at hindi pagbibisyo na karaniwang ginagawa ng ibang kalalakihan. Criminology nga pala siya. Sana all haha.



"Ma, sino'ng nagluto ng ulam?" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Von sa baba. Umuwi nga siya.



"Baka si Aya, alam mo na. Maaga namang nagigising 'yon."  si Auntie 'yon. Hala, baka magalit sila sa'kin kasi ang dami kong niluto. Patay!



"Umalis na ba 'yon? Baka hindi na naman kumain."  si Von ulit at narinig kong umupo na siya sa hapag-kainan. Concern 'yan, Von?



"Makulit na bata, eh. Nahihiya siguro 'yon sa'tin sa pakikitira niya. Eh, magkakadugo naman tayo."  si Uncle Simon na ngayon ang nagsalita at umupo na rin. Totoo ba ang mga naririnig ko? O nag-a-assume lang ako na may concern sila sa'kin?



"Bigyan mo ng pagkain doon sa shop kawawa naman, dadaan ka naman do'n mamaya 'di ba?"  napakunot ang noo ko sa sinabi ni Auntie Saly. Concern ba takaga sila sa'kin? Eh, bakit parang hindi naman? Hindi ko naman maramdaman.



"Sige, Ma. Sigurado akong hindi pa 'yon nag-aalmusal."  medyo nakaramdam naman ako ng saya sa loob ko at napangiti. Hindi ko kasi alam na may pakialam pala sila sa'kin. Hindi lang siguro nila pinapahalata sa'kin. Pero, nagpapasalamat ako kasi gano'n sila sa'kin. Pamilya at kadugo pa rin ang turing nila sa'kin.



Pagkatapos kong kumain ay nagpasya akong lumabas at bumaba. Napatingin pa silang lahat sa'kin dahil hindi nila inaasahan na nandito pa rin ako. "Magandang umaga, po Auntie, Uncle, Von."  bati ko sa kanila saka dumiretso sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko. Nagkatinginan pa sila at mukhang nabigla talaga.



"Wala ka bang pasok ngayon, hija?"  tanong ni Uncle Simon sa'kin.



"Wala po, Uncle."  tugon ko saka uminom ng tubig. Nakita ko pang nagkatinginan silang tatlo. Ano kayang iniisip nila? Ano'ng meron?



"Aya, baka gusto mong sumama sa'kin? Manonood kami ng sine ng mga kasama ko."  napatingin naman ako kay Von, naglalakad na siya palapit sa'kin bitbit ang pinagkainan niya. Niyaya niya akong sumama para manood ng sine kasama ang mga kaibigan niya? Seryoso ba siya?



"Ah, n-nakakahiya naman. Isa pa, bonding niyo 'yon, eh."  nahihiyang sabi ko sa kaniya. Natawa lang naman siya. Nakakahiya kaya baka pag-trip-an pa ako ng mga barkada niya. And isa pa, wala akong budget.



"Sus! Huwag ka nang mahiya. Mababait naman 'yung mga 'yon at ako na ang bahala sa'yo. Sagot ko na rin ang ticket mo. Ano?"  papayag ba ako? Wala naman sigurong masama kung sumama ako sa kanila 'di ba? Wala rin naman akong ibang gagawin o pupuntahan. Sige na nga! Once in a lifetime, ika nga nila. "S-sige, salamat."



"Oh sige, mag-ayos ka na. Maliligo na rin ako."  sabi niya pa saka umakyat na sa kuwarto niya. Maghuhugas na sana ako ng mga plato pero sumulpot si Auntie.



"Mag-ayos ka na, Aya. Ako na ang bahala riyan."



"Naku, ako na po Auntie. Nakakahiya naman po."  pagpupumilit ko pa sa kaniya pero tumawa lang siya ng bahagya.



"Hija, huwag kang mahiya. Pamilya mo kami, hindi mo kami amo. Sige, umakyat kana ro'n."  wala na akong nagawa pa kaya niyakap at nagpasalamat na lang ako kay Auntie bago umakyat sa akyat.



Ang tanong, ano naman ang isusuot ko?



Binuksan ko ang mini walk-in closet ko para maghanap ng maisusuot. Ano kayang bagay sa'kin? Puro oversized kasi ang mga damit ko. Hindi ako masyadong nagsusuot ng mga maiikling damit tulad ng crop-top at iba pa.



Hinawi-hawi ko ang mga damit kong naka-hanger. Hanggang sa mapahinto ako nang makita ang isang damit. Isang polo stripes na black and white ang kulay. Hindi ko pa 'to nagagamit kaya ito na lang. Kinuha ko na rin ang rip jeans ko na wala naman masyadong butas. At nang makapili ng maisusuot ay dumiretso na ako sa banyo.



Matapos ang halos sampung minutong pag-aayos ay nakuntento na ako sa hitsura ko. Nakatuck-in ang isang bahagi ng polo ko at nakalabas naman ang isa. Inikot-ikot ko lang ang buhok ko sa itaas at hinayaan ang ilang hibla nito. Nagsapatos din ako ng Adidas na black and white rin. Hindi na ako nagmake-up dahil hindi naman talaga ako nagme-make-up. Hindi rin ako nagpupulbo kasi allergic ko iyon. Nagkaka-skin rashes ako kapag gano'n kaya kuntento na ako sa simple lang.



At dahil ayos na ako, lumabas na ako ng kuwarto. Nagdala ako ng isang shoulder bag para sa cellphone, wallet at panyo ko. Hindi ko nadala cellphone ko no'ng nagbakasyon kami at kailangan ko ring magdala ng pera, noh. Hindi naman pwedeng si Von na lang ang bahala sa'kin, nakakahiya.



Natigilan naman silang lahat pagkababa ko. Para silang nakakita ng multo at nakanganga pa. Okay, mukha na siguro akong multo sa hitsura ko.



"You look different, Aya."  namamanghang sabi ni Von. Nagpasalamat at nginitian ko lang siya. Siya rin naman. Bumagay sa kaniya ang itim na long-sleeves, itim na pantalon at puting sapatos. Naka-eyeglasses din siya na lalong nagpa-gwapo sa kaniya. Bigla ko tuloy naalala si Zin sa porma niya.



"Let's go?"  aya ko pa sa kaniya kaya tumango lang siya sa'kin. Baka matunaw pa ako sa katititig nila sa'kin. At kinapalan ko na talaga ang mukha kong ayain na si Von na umalis.



"Mauna na po kami, auntie, uncle."  pagpapaalam ko sa kanilang dalawa. Ngumiti lang sila at tumango.



"Ma, Pa, mauna na kami sa inyo."



Paglabas ay napangiti ako dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari 'to. As in, lalabas ako kasama ang pinsan ko.



Ngayon ko lang makakasama ang pinsan kong si Von at sobrang saya ko rin dahil mali pala ang isipin kong wala silang pakialam sa'kin. Pamilya ko sila at kahit bali-baliktarin man ang mundo, hindi iyon magbabago.

;

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
34.9K 1.6K 49
Legend Of The Stars #1 (Completed) •Alignments Theana Khione was never someone who holds power. She is the girl who chose to be powerless, completely...
89.1K 1.7K 62
UNDER EDITING [ A not so ordinary story of demons and angels | Fallen book #1 | Tagalog ] Not all those who has white wings are good, and not all tho...
275K 8.2K 80
Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapangyarihan na nag-aaral sa paaralan ng mga...