THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 119

88 36 8
By Rheevie

Hoy guys, noong Season 1 diba Heidee ang binigay kong nn kay Heidrion? I changed into Heidi, nakakalimutan ko hahahaha. But anyways, you can choose which you're preferred to call her. She's also our important character here, so sana wag nyo syang kalimutan 💞

Author's Note:

Please after you read. every chapter, kindly vote and genuine comments must be done! It will help me to continue updating chapters thank you 💓💓

Mitch's POV

"D-Damn!"napasigaw na lang ako sa pagkabigla ng makitang nakahandusay na nasa sahig si Kil! Hindi ako makapaniwala! Ito na ba iyon?! Ang masamang kutob na kanina ko pa nararamdaman. Ito na nga ba?!

Umaagos ang dugo nito sa bibig at namumutla ng maigi ang kabuuang ng kanyang mukha. Nahahabag ako ng abot-langit para sa kanya. Kainis! Bakit ngayon ko lang ito nalaman?! Hindi man lang ako gumawa ng paraan para mailigtas sya!

Sa napakagulong takbo ng isip ko ay nilapitan ko kaagad sya. Niyuyugyog ko ang mga braso nya at pinipilit gisingin. Mangiyak-ngiyak kong pinagmasdan ang kaawa-awa komg kaibigan.

"Kilein...Kilein please...."pinipilit ko pa ring gisingin sya. Tinapik-tapik ko ng mahina ang pisngi nya, nababalot long sleeves nyang puti ng dugo. Muli ko syang ginising.

Pero lumalaylay na ang parehong kamay nya. Hindi ko na din maramdaman ang tibok ng puso nya. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako ng sobra sobra.

"Kilein! Kilein! Gumising ka na sabi! Ano ba! Nakakainis ka naman eh!"

Ngunit walang Kilein na sumagot sa pagsusumamo ko. Walang Thriaxiveille na pumigil o nambara sa akin. Wala ng mayabang na singhal nya ang aking narinig. Pawang ang malamig nyang katawan ang naramdaman ko sa aking palad hahang yakap ko sya.

Hindi...hindi ito totoo...hindi maaari...nananaginip lang ako...tama...maaaring--

"M-Mitch.."mahinang tawag sa akin ni Yashiko. Napansin kong lumapit din si Timrelli sa amin at animo'y gulat na gulat. Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na makita ang iba sa amin dahil nanghihina ang buong katawan ko.

"Ano pang ginagawa ninyo...w-wala ba kayong gagawin?"

"A-Ano..."

"Yashiko...bakit nakatayo ka lang dyan? W-wala ka bang balak dalhin sya?"

"M-Mitch...a-ano kasi.."

Buong poot ko syang nilingunan. Pati ba naman sya? Wala ring gagawin para sa aming kaibigan? Kingina.

Nilipat ko na lang ang paningin kay Timrelli na nakatulala din at halos hindi rin makapaniwala.

"Ano pang ginagawa mo?! Kailan ka kikilos?! Pasko?! Tumawag ka ng ambulansya bilisan mo!"inis na inis na talaga ako kaya nasigawan ko na sya. Kaagad namang nanumbalik ang ulirat nito at tumango bago tumakbo paalis sa kinaroroonan namin.

Hindi ko mabitawan si Kilein. Hindi ako naniniwalang wala na sya. Hindi talaga. Naniniwala akong magigising pa sya sakaling dalhin namin sya sa ospital.

"M-Maurillde! What happened--oh! Oh my Goodness!!"napasigaw din si Heidi sa gulat, "Kilein! Thriaxiveille Kill! Oh my! I'll call the others!!!"

Hindi ko magawang tumugon. Hindi ako makapagsalita. Gulong gulo ngayon ang isip ko at tila para akong nasa hawla. Napakabigat ng pakiramdam ko.

Sa kabigatan ng aking nararamdamang pagkabalisa ay nabuhat ko ang aking kaibigan kahit mas mabigat pa ito sa akin. Nakalutang ang mga paa ko sa ere. Hindi ko magawang tingnan ang paligid habang papalakad papalabas ng kung saan mang lugar ngayon ako naroroon.

Damn...damn this! Bakit palagi na lang nasa panganib ang aming buhay?! Bakit palaging may nagsasakripisyo para sa amin?! Bullshit! This is too much!

"Mitch! Mitch anong nangyari?!"rinig kong tanong ni Rin sa akin. Nanghihina akong tumingin sa kanya saka hindi namalayang bumuhos na naman aking luha. I spoke behind my tears to him, and says 'I'm so sorry Rin, I just only stand in her front and watch her collapse'

Tila nabasa ni Rin ang nass isip ko kaya naman nabalisa din sya saka tiningnan ang kapatid nyang buhat buhat ko pa. Hindi ko pa nakikitang nabalisa ng ganon ang lalaking ito dahil sa pagiging masungit at maarte.

"Sinong gumawa nito sa kapatid ko?"buong pait nyang usisa. Wala akong naisagot. Blangko ang isip ko. Wala akong ideya kung sino ang may gawa at kung ano talagang malinaw na pakay nila.

Gayunpaman, nagpatuloy na ako sa paglalakad ng hindi napapansin sng mga kasamahan namin. Pinipigilan ko ulit ang mga butil butil na luha ko sa mga mata dahil sa nangyari.

Bumagsak sa harap ko mismo ang isa sa matalik kong kaibigan ng wala akong nagawa. Pinanood ko syang mawalan ng hininga at maligo sa sarili nitong dugo. Napatiim ako sa bagang dahil sa sobrang galit.

Sinong gago ang gumawa nito? Sa mismong kaarawan pa ng kapatid ko?! Kingina!





Jehridale's POV

Ngayon ko lang nakitang seryosong seryoso at balisa si coz, habang buhat si Kilein. Kakalabas lang nila mula sa gusali, habang kami ay abala dito sa ground hall.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero base na rin sa pamumugto ng mata nito ay nababatid ko na kung anong nangyari. At batay na rin sa puno ng dugo sa long sleeves nito ay maaaring nabugbog sya ng kung sino o baka naman nauntog ang ulo.

>>_<<

"Anong nangyari dude? Bat parang masama ang kutob ko dito?"rinig ko kay Nath habang kinakausap si Airon.

Hindi ko talaga alam. Kinakabahan din ako. Parang hindi kasi pangkaraniwan ang pamumutla ni Kilein, pati na ang dugong nagkalat sa mukha at damit nya. Hindi iyon simpleng untog lang, nag-aalala ako dahil doon. Kung hindi iyon simpleng untog baka mas grabe ang sinapit nya. Saan ba kasi nagsusuot ang babaeng iyan?!

Napansin ko ding pagbalik dito ngayon si Timrelli ay tulala sya. Hindi sya nagsasalita ni makipagusap sa amin o ang lingunan kami ay hindi magawa. Ang atensyon nya ay kay Kilein. May sinenyas pa sya sa pinsan ko.

"Timrelli, what happened?"usisa rin ni Shinichi. Namumutla at nanginginig si Timrelli, ano bang nangyayari sa mga taong ito? Bakit wala man lang kaming kaalam-alam?

"R-Rangovine?!"

Kaagad din akong napalingon kay Panda. Nabigla ako ng makitang nakahandusay na rin sa sahig. May kaunting dugo ang dumaloy sa bibig nya.

Pinipilit syang irecover ni Prof. Cieli at ng dalawa pang lalaki ngunit hindi rin ito magising. Hinawi kami ni Airon patungo sa babaeng ito.

Nagpalitan ako ng tingin sa dalawang panig. Ano bang nangyayari?! Bakit bigla na lang nagbabagsakan ang mga tao rito?

Napatingin muli ako kay Kilein. Nahagip na lamang sya nv paningin ko na isinakay na sya ni insan sa ambulansyang nakarating sa amin.

"Ako na ang magbubuhat! Please!"napakalakas ng sigaw ni Airon dahilan mapatingin ang lahat sa kanya. Nanluwa ang mga mata ni Yashiko ng makita rin si Rangovine.

"Shit!"

Isinabay na rin si panda kay Kilein sa ambulansya. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ako naniniwalang nangyayari ito, hindi. Panaginip lang ito. Tama. Panaginip lang ang lahat.

"Dale?! Ano pa bang ginagawa mo dyan! Tara na sa ospital bilis!!"

Napahinto ako sa pagiisip at ang tanging nasa isipan ko ay ang kasalukuyang nagaganap.

Sa OSPITAL

"Apo?! Anong nangyayari?!"salubong ni Lolo Mau sa amin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman kasi alam ang nangyari, bigla na lang kasing nagcollapse si Rangovine at...a-at si Kilein. Hindi ko alam talaga ang nangyari sa kanya. Kaasar...

Si Shinichi ang unang nagkwento dito pero maski sya na ang dahilan ay katulad ng sa akin. Tanging ang makakasagot dito ay sila Mitch na nakakita sa nangyari kay Kilein. At kay Rangovine, si Prof. Cieli na rin mismo ang nakakaalam dahil nakatalikod kaming lahat maliban sa kanya kanina.

Wala man lang akong nagawa kundi ang tumayo lang habang naguguluhan sa mga kaganapan. Nawalan ng hangin ang katawan ko kaya't para itong lobong hindi man lang hinipan sa loob. Muli kong sinuri si Kilein na nakaratay sa loob. Inaasikaso sya ng mga doktor sa loob niyon at pati na rin si Rangovine na kalapit lamang nito.

"Ikwento mo sa amin pakiusap...apo"ngayon ko lang din nakitang nakiusap si Lolo Mau ng ganito sa mismong kay Mitch. Kanina pa sya tinatanong sa bagay na ito pero nakatulala lang ito. Maski si Yashiko ay iyak na lang ng iyak.

Si Timrelli naman ay napaupo sa sahig. Nakatulala rin ito tulad ni Mitch.

"Ako po muna Dean,"sabat ni Prof. Cieli, "si Rangovine kanina, habang abala ang lahat sa nangyayari ay bigla itong namilipit sa sakit ng lalamunan nya. Hirap na hirap itong huminga at parang...may lumalabas na dugo sa ilong at labi nya pero kaunti lamang hindi katulad ng kay Kilein. Pagkatapos ay, bumagsak na sya kaagad."

Natahimik ang lahat, pati ako, sa inilahad ni Professor Cieli. Pati na rin si Mitch ay nagpalipat lipat ng tingin sa kawalan at naiiling iling na parang nababaliw. Saka nito kinamot ng marahas ang ulo.

"I-Iba ang kay Kilein 'Lo...naglalakad po sya papalayo sa mga kasamahan, iba po ang tingin nya sa amin ni Yashiko kanina. Kinabahan po ako niyon 'Lo. Sobrang namumutla na sya at parang nagpipigil. Pero nagpatuloy lang po sya sa paglapit sa amin. T-Tas, bigla na lang pong umagos ang dugo nya sa bibig nya. Bigla na lang din po syang bumagsak sa harap namin."kinwento ng mismong pinsan ko habang umiiyak na naman. Napaupo na lang din ako bigla sa upuan dito. Nahilot ko ang sentido ko sa sobrang pagkabalisa. Hindi ko talaga inaasahan ang ganitong mangyayari sa mismong kaarawan ng pinsan ko.

"Ano bang nangyayari ngayon? Bakit ganon?! Bakit kailangang mangyari ito?!"galit ngalit na sigaw ni Sunshine habang nagtatangis ito. Hinahagod-hagod ni Heidee ang likod nito upang kumalma, ngunit hindi napigilan nito ang pagtangis pa nya.

"Sa mismong birthday ko pa?! Hindi ako makapaniwala!"

Walang sumaway sa kanyang galit. Lahat sa amin ay tulala. Isa itong pambihirang pangyayari na hindi minsan naisip ng mga Callevein na may mangyayaring ganito.

"What happened?!"

Napalingon kaming lahat kay Mrs. Ailera Villamori kasama ang binatilyo nitong anak na si Alimir. Bakas sa kanila ang pag-aalala.

Una nitong nilapitan si Lolo Mau na nakatanaw na lang sa kinaroroonan ng dalawang pasyenteng isinugod namin dito.

"What happened Dean?! Tell me everything please!"pagsusumamo ng ginang. Pinahihinahon sya ng anak nyang lalaki pero hindi sya tumatahan. Natural siguro na kahit hindi nya kaano-ano ang mga dinala namin dito ay dala nya ang reputasyon ng kanyang orphanage. Sumama ang tingin ko sa ginang.

Malungkot syang nilingunan ni Lolo, "I will tell you everything Mrs. Ailera, but please calm yourself first"

"O-Okay.."

Habang abala ang iba ay napatingin na lang ako sa sahig. Napakaraming tanong ngayon sa isip ko. Pero ni isa doon ay walang sagot. Walang makakasagot dahil maski nga naman isa sa amin walang alam.

Pero, may isang kakaiba sa ikinikilos sa amin. Napansin ko iyon kanina pa. Hindi ko alam kung bakit ko sya pinaghihinalaan na may alam dito pero, hindi maaaring hindi.

Saglit akong nag-angat ng tingin. Nahagip ng aking paningin ang apat na lalaking may kakaibang kinikilos. Sila Viurge, Vugh, Rhylle at Jhin na medyo malayo na sa tatlo ang tinutukoy ko. Pero maski isa sa kanila wala akong nakikitang kahina-hinala.

At napalingon ako sa gawi ni Mitch. Napansin kong nawawala na ang isang tao roon na maaaring susi sa mga katanungan ko.

Wala ako sa sariling tumayo. Dala ng aking mga paa ang isang lobong nagkaroon ng kaunting laman, na malapit ng pumutok sa sobrang pagiisip.

Hindi ko alam kung dito sya dumaan ngunit sinundan ko na lamang ang daang ito papalabas sa ospital. At hindi nga ako nagkamali ng hinala. Nandirito nga ang babaeng tinutukoy ko. Nagsisigarilyo sya habang nakaupo sa motorsiklong pagmamay-ari nya. Ngunit ang kapansin-pansin dito ay naririnig kong paghikbi sa kanya. Matunog iyon at halos habol ang hininga.

Hindi ko maintindihan kung bakit kusa akong nagpunta rito. Para saan pa? Sa pagalam ng katotohanan? Para kanino?

Para kay Kilein...

>_<

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nya. Nasa likuran nya lang ako, at malamang naramdaman nya ang presensya ko. Pero hindi na lang sya umimik. Patuloy pa rin sya sa pagiyak na parang batang inagawan ng laruan.

"Coz?"

Gulat akong napalingon kay Mitch. Ang kanyang mapanuring mga mata ang tanging naaninagan ko. Ngunit malamlam ang mga iyon.

"Anong ginagawa mo dito?"

"A-Ah...a-ano"hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko din alam. Balak ko sanang tanungin ang babaeng nakaupo sa motorsiklo kung may nalalaman ba sya. Pero hindi ako pwedeng magpadalos-dalos. Maaaring magalit si Maurillde kapag nalaman nyang pinaghihinalaan ko ito.

"Tungkol ito kay Kilein hindi ba?"

Napatingin kaming dalawa ng pinsan ko sa babae. Pinunasan na nya ang luha sa kanyang mga mata at seryosong tumingin sa amin.

"Tungkol ito sa kanilang dalawa,"wala akong kakurap-kurap na tumingin sa kanya, gusto kong marinig ang anuman sa sasabihin nya. Nag-angat sya ng tingin kay Mitch.

May ibinigay syang papel kay Mitch. Ano bang kinalaman ng papel na iyon dito? Minsan naweirduhan na ako sa mga kaibigan nito.

"Ano ito?"

"Code para sa dalawa..."

O_O

Nanlaki ang mga mata ko. Bumabalik sa isip ko ang nangyari noong nakaraan sa amin ni Thrianne. May sinasabi syang code....ano kaya? May kinalaman kaya ang mga iyon dito?

Kaagad akong nakiusyoso sa dalawa. Inihawi ko si Mitch at kinuha ang code.

"Huli na ng malaman ko Mitch...."saad ni Yashiko, hindi sya maawat sa pag-iyak, "nitong nakaraan ko lamang natanggap ang code, hindi ko inabala ang sarili na basahin iyan dahil alam ko pagbabanta nila 'yan kay Rangovine, p-pero...hindi ko naman alam na mismong dito ngayon, magaganap ang lahat. Huli na rin ng malaman ko kanina na...isinama na nila sa listahan si Kilein dahil hindi na mabilang ang atraso nya. Ngayon ko lang nadecode iyan ng...makarinig ako ng mga pag-uusap."

Binasa ko ang code na binanggit nya,

2-12-1-3-11* *16-19-25-20-8-5**9-20-15**14-1*
*14-1* *1-14-17**8-21-12-9**1-18-1-23*
*11-1-19-1-13-1**1-14-7* *14-5-15-19-20-18-1**1-14-7*
*12-1-19-15-14

"Anong ibig sabihin nito? N-Ni isa wala akong maintindihan dito"

Bumuntong hininga si Mitch at hinablot sa akin ang papel, "talagang wala kag maiintindihan dahil wala ka namang karanasan sa pagdecode coz"

Sinamaan ko sya ng tingin, "ang yabang mo idiot. Baka kung mapag-aralan ko yan, tiyak mas magaling pa ako sa'yo 'no"

Inirapan kami ng babaeng nasa gitna namin.

"Alam mo b kung anong ibig sabihin nyan?"

"Black Psythe, ito na ang huli mong araw kasama ang Neostra, ang lason...ang papatay sayo"maikling tugon ni Yashiko na nagpasindak sa akin. K-Kung ganon, anong ibig sabihin? Iyon ba ang nilalaman ng code? Black Psythe? Sino sya? Ngayon ko lang narinig ang pangalang iyon..

"B-Bakit ngayon mo lang sinabi Yash?" tila naghihinakit na wika ni Mitch. Napakamot na naman sya ng marahas sa ulo saka inis na tumingin sa kung saan. Maski ako ay nainis rin sa hindi malamang dahilan. Bakit nga ba kasi hindi nya sinabi kaagad? Sa lason ba ang pinagmulan ng pagcollapse nilang pareho?

"Nang dahil sa pagiging hindi maingat napahamak tuloy ang mga kaibigan natin..."

Nag-aalalang tumingin si Yashiko sa aking pinsan. Nakikita ko sa kanya ang kalungkutan, at paninisi sa sarili. Hindi ko alam ang gagawin. Ang bigat ng pakiramdam ko.

"Pag hindi na nagising ng tuluyan si Kilein...kalimutan mo ng naging magkaibigan tayo Yashiko..."

O_O

Gulat kaming nag-angat ng tingin sa kanya. Pagkasabi nyang iyon ay saka na sya umalis. Kahit kitang kita ko sa kanya ang pagkainis sa babae dahil sa ginawa nitong paglilihim ay nagawa pa rin nyang makapagpigil. Kabaligtaran ko sya. Isang uri ng Callevein na hindi maunawaan ng kahit sinuman sa amin.

Airon's POV

"Hindi ko na alam ang gagawin...
palagay ko para akong mababaliw ngayon pre"nag-aalala na talaga ako sa sitwasyon ngayon. Lalo pa't hindi namin malaman-laman ang totoong pinag-ugatan.

Napansin naming tatlo na tahimik si Timrelli. Usually hindi sya ganyan katahimik, oo tahimik sya pero, kinaya nyang hindi magsalita ng 2 oras sa ospital.

Gayunpaman,matapos ikwento ni Dean Mauricio ang buong nangyari base na rin sa mga nasaksihan ng nakalap na impormasyon, nahimatay ang Mommy ni Alimir. Hanggang ngayon ay pinapaypayan pa rin ito dahil sa sobrang pagkabigla.

"Kanina ko pa napapansin na wala si Dale"pahayag ni Shinichi. Napahawak si Nath sa baba nya. Ako naman ay napasandal sa dingding.

"Lahat ay nabigla sa nangyari kanina dude, siguro nagpahangin lang 'yon"

"Pero kasama nya si Yashiko?"nagulat ako sa tanong ni Natheleo. Paano nya nalaman?

Hinarap ko sya, "Nakita mo silang magkasama?"

"Hindi pero, sinundan nya kanina ang babaeng iyon. Tapos sumunod sa dalawa si Mitch. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kasi naging tutok din ako sa dalawa.."

"Anyway, kausapin na kaya natin si Timrelli, baka hanggang bukas wala tayong balita dyan"

"Huy baka marinig ka loko"

"Naku aatakehin na lang ako sa puso sa inyo"minsan hindi ko na maintindihan itong si Natheleo. Nasa ospital kami pero puro kalokohan na lang nasa isip nya palagi.

"Sabay sabay na nangyari ito, hindi ako makapaniwala...sa mismong birthday pa ng apo ko. Pambihira talaga"narinig naming bulong ni Dean ng magising na si Mrs. Villamori. Saktong tumayo na sya at maglalakad sa direksyon namin ng kusa rin akong tumayo.

"A-Ah Dean..."ano ba yan, bat ba kasi bigla na lang akong tumatayo? Tsk, napatigil din si Dean dahil sa ginawa ko, "Gusto ko po sanang malaman kung ano yung sinabi sayo ni Professor Cieli kanina, y-yung tungkol pa kay Rangovine Neostra.."

Tinapik nya ang balikat ko, "nag-aalala ka sa kanya tama ba hijo?"

"H-Hindi naman po..g-gusto k-ko lang po t-talagang malaman"nauutal kong sabi. Lumapad ang ngiti ng matanda sa akin.

"Ang sabi sa akin ni Professor Cieli, ng saktong sabay kayong magsitayuan upang makiusyoso sa nangyari kay Thrianne Kilein, ay nakaramdam si Ms. Neostra ng pananakit ng batok. At saka bigla na lang din syang magcollapse matapos syang mahirapan sa paghinga."

Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Napakalupit talaga ng may gawa nito. At ang nakakainis pa, nakatalikod kami ng mangyari iyon at mabuting si Prof. Cieli ang nakakita. Pero maski sya ay hindi masabi kung saan galing ang pinanggalingan ng mga naganap.

"Wala ka na bang gustong malaman hijo?"

"W-Wala na po...salamat po Dean.."

"Oh sige na, hahanapin ko pa ang mga apo ko, mamayang gabi uuwi na tayong lahat sa Cavite"

"S-Sige po"

Nanatili akong tulala kahit paalis na si Dean. Naglakad naman palapit si Shinichi malapit sa emergency room.

"Ewan ko ba dude," sambit nya, "hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa mga oras na ito. Parang sa mga ganitong bagay naaalala ko si Hanabi...wala pang isang buwan ng mawala sya.."

Maski ako ay ganon din. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Hindi ko na naman naprotektahan si Rangovine. Wala man lang akong nagawa para mailigtas sya. Lahat na lang hindi ko alam. Lahat na lang misteryo sa amin. Kahit alam na namin ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari, may bahagi pa rin sa amin ang hindi nakakatiyak.

Ngayon alam ko na ang pakiramdam, pakiramdam ng pangamba. Namamanhid ang buong katawan ko. Hinagod ko ang aking dibdib sa pag-asang mapapakalma ko ang aking puso.

"Brad ayos ka lang?"si Nath. Nginitian ko sya ng pilit.

"A-Ayos lang ako..."

"Magpahinga ka na muna dyan sa upuan. Baka atakehin ka nyan sa ginagawa mo"

"Oh ayos ka na Tim?"

Kapwa kami napalingon sa direksyon ng dalawa pa naming kaibigan. Nang makarinig ng takong sa sahig.

Sapatos ni Jehridale ba iyon? Well leather shoes ang sinusuot ng loko kaya hindi imposible sya 'yan.

Pero imbes na salubungin sya ay tinitigan ko ang kabuuan nya. Kagaya ni Timrelli ay balisang-balisa sya. Sa itsura nya palagay ko may nalalaman na sya.

Hinayaan lang namin syang magtungo sa kinaroroonan namin. Nakatungo sya sa baba at malalim ang iniisip. Naupo sya katabi ni Timrelli. Napaupo na rin kaming dalawa ni Nath para makibalita.

Makalipas na lang ng ilan pang minuto ay wala kaming nasagap. Nanatili tahimik ito at ng mag-angat ng tingin sa pinsan nyang nakaantabay na rin dito ay saka namang pagdating ni Alomira.

"Naku po.."mahinang bulong ko. Gulo na naman. Parati na lang bang eeksena ang buwaya na yan? Tsk.

"What the fuck are you doing here?"nakangiwi naman ding salubong ni Alimir sa ate nya. Hinarap nya ang kapatid nya.

"Gusto ko lang makausap ang ex ko, is it bad?"

Siniringan sya nito, "Alam mo bang nahimatay na si Mommy kanina pero wala ka naman dito. At kung balak mong mag-iskandalo pa dyan wag ka na mag-abala ate, hindi ka na pinapayagan ni Mommy na makalapit pa sa kanya diba?"

"But I just want to talk to him lang naman"

"Pinipilit lang ni Mommy na makapunta dito dahil ngayon lang tayo nagkaroon ng pagkakataon, bakit kasi kung kailan ka tumanda saka ka pa nagkaisip bata?"

"Gusto lang makausap si Jehridale ano ba? Umalis ka na lang.."

"Para saan pa?"galit na singit ni Timrelli. Nagkatinginan kaming tatlo maliban kay Jehridale na tulala lang, "para magkaayos pa kayo? Hindi ba't sinabihan na kitang huwag ng lalapit pa sa kaibigan ko?"

"Hindi mo ko mapipigilan kung gusto ko syang makausap.."

"Timrelli...."tawag sa kanya ni Jehridale, "hayaan mo sya."

"Seryoso ka ba?"tila naguguluhang samo niya. Ano bang nangyayari dito?

Hindi na sya sinagot pa ni Jehridale. Pero, hindi nagpatinag si Timrelli. Napatayo na rin ng tuluyan si Shinichi.

"Bukod sa wala kang pakialam sa mararamdaman dito ni Jehridale, wala ka ring alam sa nagaganap ngayon. Isa pang beses Alomira, sa susunod na mahuli kitang sinusundan mo pa ang kaibigan ko, kalilimutan kong naging kaibigan ka rin nya noon"

Nagkatinginan kami ni Nath. Wala na talaga kaming ideya. Hayss. Pano na ito?

Aoko's POV

I feel of insecurity of this kind of situation. Nakakairita. Bukod lang naman kasi sa nalaman ko mula kay Harly, hindi na rin gustong makipagusap pa sa akin si Jehridale.

At ngayong may pagkakataon na akong makausap sya, gusto ko ng malaman ang mga tanong sa isip ko. Mula ng makita kong pinag-aagawan talaga nila Shinichi ang babaeng iyon.

Walang emosyong nag-angat ng tingin sa akin si Jehridale.

"What do you want?"

"You..."mabilis at mapangahas kong sagot, "i want you Jehridale...I want you to back..to come back..."

"But I can't"mabilis ring tanggi nya. Mabilis na nagpanting ang parehong tainga ko. Hindi ko matanggap. At hindi ko ito kailanman matatanggap mula sa kanya.

"Dahil na naman ba iyan kay Thrianne Kilein hindi ba? Nag-aalala ka na rin sa kanya diba? Diba?"

"Ano bang klaseng tanong yan?"mapang-asar na tawa nya, "sinong hindi mag-aalala sa babaeng iyon? Lalo na ngayon na nilason sya ng kung sino..."anas nya ng malayo na ang tingin sa akin.

"Hindi ba noon kinamumuhian mo sya?"

Muli nyang ibinalik ang paningin sa akin.

"Ngayon nag-aalala ka na talaga sa kanya? Ikaw pa mismo? Alam mo kung gaano ako katanga na napaniwala mong wala kang mararamdaman na kahit ano para sa kanya?"

"Damn you Alomira"mahinang bulong ni Alimir na dinig ko kahit nasa tabi na sya ng pader. Pero hindi ko sya pinagtuunan ng pansin.

"Akala ko talaga ako lang....na sa akin ka lang magkakaganyan...bat ganon? Pakiramdam ko parang nagsinungaling ka. Pakiramdan ko lahat ng sinabi mo noon sa akin hindi totoo..."

Imbes na makonsensya sya, ang nakikita kong ekspresyon sa kanya ngayon, ay mapang-asar na ngiti.

Maya-maya ay tumayo na sya at naglakad papalapit sa akin.

"You know what? Siguro tama nga sinabi sa akin ng isang tao, na before ako magtiwala, kilatisin ko munang mabuti. Sa nakikita ko ngayon sa'yo, ibang iba ka sa Aoko na nakilala ko noon. Ibang iba ka na. Dahil hindi mo nakikita ang sarili mo. Hindi mo na nakikita ang sarili mo sa salamin, kung gaano ka na kadesperada sa atensyon ko na noon, nasa iyo pa."

"Siguro nga nagkamali ako. Ngayon nga lang din hindi ko maiwasang pag-isipan ka na ng masama..."

Tinitigan kong mabuti ang mga mata nya. Ngayon ko lang napagtanto na iba na rin sya. Hindi na nga sya ang Jehridale na friendly na nakilala ko. Na sweet at caring sa akin.

At ngayon, hindi ko mabasa ang nasa isip nya. I've only test him pero nagkandagulo-gulo na ang lahat. Lalo na ngayon na pinagiisipan na nya ako ng masama. Hindi naman ako ganon. Pero bakit ganon na lang ang tingin nya sa akin?

"A-Anong ibig mong sabihin huh?"

"Ikaw ba ang naglagay ng lason sa mga juice nila?"

Nila? Sino ang mga tinutukoy nya?

"N-Nila? Ano bang sinasabi mo?"

"Ah wala kang alam..."sarkastiko nyang saad, "siguro wala ka ring ideya kung bakit tayo nandito sa ospital?"

Natulala ako sa sinabi nya. Totoong maski ako hindi ko rin alam. Kinausap ko kasi ang Harly na iyon kanina sa parking lot at si Alimir kaya wala talaga akong alam. Abala rin ako sa pagbabantay sa mga bata.

Mabilis akong umiling, "W-Wala.."

"Tapos ang lakas ng loob mong puntahan ako at kausapin dito ng walang alam sa nangyayari? Pinagseselosan ang babaeng nandito ngayon?"

"Ano ba kasing sinasabi mo?! Hindi ko na kasi maintindihan!"

"Si Thrianne Kilein at si Rangovine! Nilason sila dahil sa nainom nilang juice naintindihan mo ba iyon ha?!"

Natigilan kao ng bahagya. Ngayon lang ako nasigawan talaga ni Jehridale. Hindi pa naman nya ako ginanito noon. Nasasaktan ako sa ginagawa nyang ito.

Pero abg hindi ko maunawaan ay itong nilason sila... Sila Neostra? Nilason sila? Paano? Paano namang mangyayari ito?

"N-Nilason sila? Sino? P-Paano nila...paano nila ginawa?!"

"Hindi ko din alam pero....naniniwala ako na sa mismong orphanage nyo mismo galing. Ngayon sabihin mo sa amin, may kinalaman ka ba dito?"

"W-Wala! Wala akong kinalaman dyan! Ha!"hindi ko na talaga kinakaya ang paraan nya ng pagbibintang sa akin, "hindi naman porke nahuli mo ako na may kasamang ibang lalaki sa loob ng kwarto ay mambibintang ka na kaagad na ako ang naglason?! Paano mong nagagawang pagbintangan ako ng ganyan huh?! Kahit may galit ako sa dalawang iyan hinding-hindi ko magagawa ang sinasabi mo?!"

"Walang sinasabi si Jehridale na ikaw ang naglason sa dalawa"maikling singit ni Shinichi. Nahinto na lang ako sa pagdedepensa sa sarili. Totoo naman talaga ang sinasabi ko.

"Pero sa sinasabi mo ngayon, parang ikaw na rin mismo ang umamin"nakangising saad na ni Natheleo. Maski sila Timrelli ay ganon din ang hinala sa akin. Sa inis ko ay napahiyaw ako sa inis.

"Urgh! Kahit kailan hindi ko magagawa yan! Wala akong alam sa ganyan! Ngayon kung patuloy nyo akong pagbibintangan, bahala kayo sa buhay nyo."

"Okay"

"What?"

"Diba nga pinaghihinalaan mo ako kaagad sa mga hindi ko naman ginagawa? Well same lang sa ginawa ko sayo Alomira, fair lang sa akin, pero ito ang tatandaan mo. Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapabalik sayo, coz hurting a bad boy like me is a hell. Ipagpasalamat mo na lang na isa kang Villamori dahil hindi kita pinagagalaw sa mga bata ko."

"H-Hindi..."mahinang bulong ko. Pinilit kong abutin ang likod nya dahil tatalkuran na nya ako pero lumingon pa sya ulit.

"Ah sya nga pala, hindi ba kanina itinanong mo kung bakit....bakit ganon na lang ang pag-aalala ko sa babaeng iyon?"

"Kasi... tanggap ko na hindi ko matatalo si Kilein...at ayaw ko na ulit maranasan pang mamatayan ng kaibigan..."

Pinanlakihan ko na lang sya ng mata, magsasalita pa sana ako  pero hinarangan na ako ni Mitch na pinsan nya.

"Ask again some nonsense things to my cousin, you will pay some worth billion for causing a hard damage bitch.."

Natigilan na lang ako ng tuluyan. Sa pagkabalisa ko ay napabilis na ang lakad ko papalayo sa kanila dahilan para mabangga ko si senior Adrian na kanina pa nakamasid sa amin.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

807K 21.1K 140
Just some oneshots of y/n and Natasha :) Reader is female so I'm using she/her :) I do Scarlett one shots too, those have (S•J) on them The more re...
448 52 11
Meet Clementine Daphne Lopez ang sikat na tomboy sa kanilang lugar. Nanghihinayang ang mga tao sa kanilang lugar kung bakit ito sumali sa Federasyon...
2.6K 71 16
request open: January 3rd, 2022 Request close: July 28, 2022
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...