The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

60.1K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 31

866 41 0
By kotarou-

Chapter 31

Nang pumunta ako sa Maynila, isa lang ang nasa isip ko. Ang makapagtapos ng pag-aaral at tuparin ang pangarap namin ni Mama na maging doktor ako.

Never had I expected to encounter such feelings towards to someone like Kean Anthony Leondones. Never had I thought I would fall for him...everything is unexpected and surprising.

Ngunit higit sa lahat ng iyon, ang mga salitang kaniyang binitawan sa akin at ang halik niyang ito ngayon ang pinaka nakakagulat.

I never kiss anyone before. This is my first kiss. It's warm, gentle and passionate. Nakadarang...nakakalunod...nakakawala ng wisyo. Ang mga kulisap sa aking tyan ay tila nawala na rin sa kanilang mga isip at nagwawala na.

He like me? No...he said he's already love me? Is that true? Am I not dreaming aren't I? I should be happy...yeah I am happy but then...I feel scared when I remember who he is.

He's Keano, the son of the man who I owe my future. This is not right!

Sa kaisipang iyon ako nagising. Kahit nanlalambot ay nagawa ko siyang itulak. Napahiwalay siya sa akin, gulat ang ekspresyon.

"W-what's wrong? Oh-shit! I'm sorry kung nabigla ka. I should've asked you first." May pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Umiling ako at tumayo. "M-mali to Keano." Naibulong ko, may panginginig ang aking boses. Tumalikod ako sa kaniya para sana magpunta na sa aking silid.

"Anong mali Eli?"

Pinigilan niya ang aking braso. Muli niya akong hinitak paharap sa kaniya.

"I-ito. Yung ginawa mo, y-yung m-mga s-sinabi mo. Mali ito." Nag-umipisang mabasag ang aking boses. Hindi ko alam pero naiiyak ako.

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Hinitak niya ako palapit sa kaniya at muling niyakap. Sinubukan kong pumiglas, sinubukan kong kumawala dahil baka kapag hindi ko iyon ginawa tuluyan nakong madala.

"Anong mali sa sinabi kong mahal na kita? Tell me Eli, don't you feel the same way? Hindi mo ba ako gusto?" Tanong niya.

Nakawala ako sa kaniyang yakap. Pero hinawakan niya ang aking baba at iniangat iyon upang maharap siya. Nakita ko ang ibat-ibang emosyong naglalaro sa kaniyang mga mata.

"Tell me Eli, don't you love me?"

Napalunok ako sa tanong niyang iyon. Ang mga mata niya ay nagsusumamo. Gusto kong sabihing gusto ko rin siya na mahal ko na rin siya pero hindi pwede! Hindi dahil natatakot ako sa pwedeng maging kapalit ng pag-mamahal na ito.

I slowly shook my head. "N-no." Mahina kong tugon. Ang pag-asang nakita ko sa kaniyang mga mata ay tila unti-unting gumuho.

Nag-iwas ako ng mukha upang kumawala sa kaniyang pagkakahawak.

I heard him heaved a sigh. "That's okay. I will work on it. Gagawin ko lahat para mahalin mo rin ako." Ngumiti siya.

Suminghap ako. Mahal na kita. Gustong isigaw ng aking isip ngunit hindi ko hinyaan. Hindi niya pwedeng malaman.

"N-no Keano. H-hindi pwede ang gusto mo. H-hindi kita mamahalin...I'm sorry." Hirap na hirap kong sabi.

Tumalikod na ako sa kaniya at nagmadaling pumasok sa aking silid. Duon binalikan ko ang lahat ng nangyari. Ang mga salitang kaniyang sinabi. Wala sa wisyong napahawak ako sa mga labi ko.

Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi roon. Ang mga yakap niya.

Ang sarap sanang marinig na sinabi niyang mahal niya ako. Ngunit hindi ko maiwasang matakot. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga susunod na araw dahil sa pag-mamahal niyang iyon.

I just barely slept that night. Maaga akong gumising kinaumagahan upang makapag-luto ng agahan at maunang maka-alis kay Keano. I left him a message sa sticky note na inilagay ko sa ref.

Sinubukan kong iwasan siya sa mga nagdaang araw. Naging busy rin naman siya sa training dahil sa papalapit na tournament kaya hindi ako nahirapan.

Kahit nahihiya ay nagpasundo ako kay Allen sa umaga para lang hindi makasabay sa kaniya. Good thing may pang-umagang klase siya. Sinabi ko rin sa kaniya ang mga nangyari sa pagitan namin ni Keano.

I couldn't keep it to myself. Kailangan ko ng mapapagsabihan dahil baka mabaliw ako sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko masabi kina Flynn dahil inaalala ko si Stella. Ayokong pag-ugatan ng sama ng loob ni Stella sa akin ito. Kaya kay Allen ko muna sinabi.

Pasalamat nalang ako at maintindihin si Allen. He never judge me kahit sinabi ko sa kaniyang gusto ko na rin si Keano.

"What if you just move in to my unit? May spare room naman ang condo ko, para hindi ka mahirapan." Tanong sa akin ni Allen habang naglalakad kami papunta sa building.

Sumulyap ako sa kaniya. Tumaas baba ang kaniyang mga kilay.

"Pag-iisipan ko." Sagot ko.

Naisip ko na ring bumukod kay Keano dahil naisip kong baka kapag umalis ako sa bahay niya ay baka makapag-isip siya ng maayos at marealize niyang hindi niya naman talaga ako gusto. Baka infatuated lang siya.

Nasaktan ako sa isiping iyon, ngunit mas gusto kong iyon ang mangyari. Na hindi totoo ang lahat- na infatuated lang siya...dahil mas magiging madali sa aking patayin ang nararamdaman ko para sa kaniya kaysa isipin kong gusto niya rin ako at may pag-asa sa aming dalawa.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Binigyan ulit ako ng bagong cellphone ni Keano. Ayoko sanang tanggapin ngunit ayaw niyang pumayag.

Sinulyapan ko iyon. Ang pangalan ni Keano ang naroon. Wala akong balak sagutin iyon kaya hinintay ko nalang na matapos iyon mag-ring. Nang tumigil ay kaagad kong pinatay tsaka itinabi sa bag ko.

Sa mga lectures at lab activities ko itinuon ang buong atensyon ko. Paulit-ulit kong itinatatak sa isip ko na ang pag-aaral ang ipinunta ko rito kaya higit sa lahat ay iyon ang dapat kong pag-tuonan ng pansin. Tsaka na ang personal na problema.

Lunch break nang bumaba kami sa cafeteria. Kaunti pa lang ang tao roon dahil mas maaga kami kumpara sa usual na oras ng lunch break.

Akala ko ay maganda ang pagiging maaga ng lunch break namin dahil hindi namin makakasabay sina Keano, ngunit mali ako. Nakita namin sila roon. May kasama pa silang hindi ko kilalang babae na nakatabi kay Keano- or mas magadang sabihing nakalingkis sa kaniyang braso.

Hindi ko gustong pansinin iyon ngunit hindi naiwasan ng tawagin ako ni Dylan at duon anyayahang maupo. Binulungan pa ako ni Allen at tinanong kung ayos lang raw ba sa akin. I just shook my head. Gusto ko mang tumanggi ngunit ayokong gumawa ng eksena lalo pa at wala naman silang alam sa nangyayari sa amin ni Keano.

Kaya naman nang makabili kami ay duon kami naupo. Magkakatabi kami sa isang side habang sila sa kabila. Kaya bali magkakaharap kami ngayon.

"Kamusta, Eli?" Tanong ni Kenny. Nakangisi na naman siya.

"Ayos naman." Sagot ko. Sinikap kong huwag dumako ang tigin kina Keano sa kabilang banda.

Ipinakilala ni Dylan sa amin si Jasmine na classmate rin nila noon, ngunit sa ibang bansa na nag-aaral ngayon. Umuwi lamang raw siya dahil nasa bakasyon siya. Higit pa roon, ay kinakapatid rin daw ni Keano ito. Kaya close sila sa isa't isa.

Mabait at madaldal si Jasmine. She's very friendly and I can see that she likes Keano.

Mula kanina ay hindi pa niya binibitiwan ang braso nito, and I think Keano wouldn't mind though. Tahimik lamang siya sa tabi nito at nakikinig sa usapan.

Sinikap kong hindi magtama ang mga mata namin, kahit ramdam na ramdam ko ang kaniyang paninitig. It's weird how my whole system became familiar with his stares.

Gusto ko mang tapusin agad ang pagkain ko at umalis na roon ngunit hindi ko magawa. Wala akong sapat na dahilan para gawin iyon.

Nang matapos kaming kumain, ay inaya ko na rin sila. Mabuti at mayroon kaming recitation sa susunod naming major subject at nakumbinsi ko silang umalis na roon.

Hindi rin kasi ako komportable sa presence ni Keano at Jasmine sa harapan ko. I felt something...painful na tumutusok sa aking dibdib sa tuwing nakikita ko ang pagyapos nito sa braso niya.

Pero wala naman akong karapatang magalit...wala akong karapatang magselos dahil wala naman kami. Oo sinabi niyang gusto niya ako pero sinabi ko sa kaniyang hindi ko siya gusto. Kaya wala akong karapatang makaramdam nito.

"Call me if nakapag decide kana na lilipat sa unit ko." Sabi ni Allen sa akin nang ihatid niya ako sa condo.

Wala silang training ngayong araw kaya inaasahan ko nang maaga ang uwi ni Keano.

Tumango ako. "Salamat, Allen." Bumababa na ako at dumiretso na sa loob ng building.

Nagluto ako ng hapunan at inintay si Keano. Balak kong kausapin si Keano tungkol sa pag-lipat ko sa unit ni Allen. Nakapag desisyon na ako, para tuluyan nang matigil ang nararamdaman kong ito ay lalayo na ako kay Keano. Para ito sa aming dalawa.

I waited for him until past 10PM. Akala ko dahil wala silang practice ay maaga siyang uuwi, pero hindi. Gusto ko siyang i-text o tawagan para itanong kung nasaan siya, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Walang dahilan upang gawin ko iyon. Sa huli ay napagdesisyonan ko nalang na matulog na at huwag na siyang intayin.

Kinabukasan ay hinitay ko siyang magising. Bago ako umalis ng upang ituloy ko ang pagkausap sa kaniya tungkol sa paglipat ko.

"Keano, can we talk?" I asked him.

Nagulat ata siya sa ginawa kong pagtawag dahil saglit siyang natigilan. Naupo siya sa upuan tapos ay tumango.

"Tungkol saan?"

Kinagat ko ang pangibabang labi ko. "I was thinking, na lumipat muna kay Allen." Panimula ko. Kaagad siyang nag-angat ng tingin sa akin. Salubong na ang mga kilay.

"What?" Mariin niyang tanong.

Nag-iwas ako ng mata. "Naisip ko na baka kaya nasabi mong gusto mo ako ay dahil infatuated ka lang sa akin? Baka dahil sa lagi tayong magkasama akala mo gusto mo na ako? Kung aalis ako at magkakahiwalay tayo, baka marealized mo na hindi mo nama-"

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa nararamdaman ko para sa iyo Eli?"

He caught me off. May bahid ng daglit at pagkadismaya sa kaniyang boses. He scoffed and shook his head.

"Akala mo ba hindi ko naisip ang mga bagay na iyan una palang? Huh? I tried to avoid it. I tried to deny this goddamn feelings! Pero sa tuwing nasa harapan kita, sa tuwing kausap kita, hindi ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa 'yo!" Sabi niya.

"Akala ko simpleng pag-aalala lamang bilang nakakabatang kapatid ang nararamdaman ko para sa'yo. Pero habang tumatagal nag-iiba na. Halos hindi ako mapakali sa tuwing wala ka sa tabi ko. Hindi ako matahimik sa tuwing hindi kita makita o kahit matanaw lamang ng mga mata ko. Tangina, Eli! Hindi mo alam kung gaano ko nilabanan itong putanginang nararamdaman ko sa'yo!" Tumayo siya tapos ay naglakad palapit sa akin.

Nakatitig lamang ako sa kaniya. Walang masabing salita dahil hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"Pero kahit anong laban ko, wala akong magawa. Sa tuwing may kausap kang iba, nagngingit-ngit ako sa galit at selos! Gusto kong sa'kin ka lang tumingin, sa'kin ka lang ngumiti, sa'kin ka lang makipag usap! Eli, alam kong mali pero gusto kitang ipagdamot sa iba." Nakalapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong braso.

Ang kaniyang mga mata ay namumungay na. "Mahal kita Eli, at kahit sabihin mong mali 'to wala na akong pakealam." Tinitigan niya ako tsaka niya sinikop ng mga labi niya ang labi ko.

Pumiglas ako ngunit niyakap niya ako Isinandal niya ako sa refrigerator na nasa likuran ko. Gumalaw ang kaniyang mga labi, ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.

Hindi pwede...hindi pwedeng magpadala ko sa emosyon ko.

Continue Reading

You'll Also Like

981K 33.7K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.5K 88 44
VILLAREAL-CARDEJAS SIBLINGS SERIES Jian Glenn Villareal-Cardejas is the youngest in their family. He's the heir of the Villareal-Cardejas properties...
90.5K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...