THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4

82 35 7
By Rheevie


#ShinichiKileinForever
#TeamJehridaleKileinSigasaKanto

HAHAHAHAA

Charot lang kayo hehehehe! Magcomment naman kayo sa mga characters dyan, nako meron nga pala ako ishashout out, May pacomeback sa isang kriminal last Season 1,dedicated para kay Lods Lester na kamamatay lang nitong July 14...Rest in paradise 😭, para sayo ang chapter na ito...

Chapter 118: CHARITY EVENT Part 4

Vote nyo po itong chapter para mas madali po sa akin ang pag-update guys...much appreciated iyon thanks 💓









Yashiko's POV

Nasa baba na ang ilan sa amin ngunit napapansin kong wala pa sila Thrianne. Inis kong kinamot ang kakarebond kong buhok at malakas kong kinalabit si Mitch.

"Nasaan na sila?! Bat ang tagal naman yata?!"

Siniringan ako ng magaling na lalaki, "bakit sakin mo hinahanap? Ako ba taguan?!"

"Ugh! I really hate you Maurillde!"magwawalk out na sana ako dahil sa lecheng ito ng hilahin nya ang braso ko.

"Saan ka pupunta hun? Naguusap pa tayo ah"

"Hun mo mukha mo ulul ka! Bitawan mo nga ako!"

"Kulang sa lambing yan Mitch...ligawan mo na kasi"

Awtomatiko akong natigilan at lalo akong nainis dahil sa sinabi ng taksil na Kil na ito. Ang kumag na lalaki naman na pasimpleng nananantsing sa akin ay abot langit ang ngiti.

"Tigilan nyo akong dalawa! Tsk! Mas maigi pang tumandang dalaga kaysa ang patulan ang isang playboy!"

O_O

Hindi ko na nilingunan pa ang dalawa dahil inirapan ko na sila at tumalikod sa kanila. Tsk, pagbuhulin ko ulo ng dalawang ito eh.

"Okay, since narito na ang lahat, gusto kong...magpasalamat ulit sa pagpayag ninyo Ma'am na dito idaos ang aking 16th birthday.."pagsisimula ni Maureen, magiliw nyang nginitian si Mrs. Ailera Villamori, na kasalukuyang mataas pa sa langit ang kilay, "so ayan! Ahm...before we start this wonderful day of us, gusto kong manalangin muna tayo. Ate Kilein?"

Lihim akong natawa ng nasamid si Kil at naibuhos ang iniinom na tubig sa mukha ni Mitch. HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHA, YARI KA NGAYON THRIANNE KILEIN, MAGDADASAL KA NA NG SARILI AT TAOS PUSO MO HAHAHAHAHAHAHAAHAHAJAHAHAJAJA

Sinamaan ako ng tingin ni Kil dahil alam nya ang tumatakbo sa isip ko. Mweheehheeheh, tarantado na kung tarantado. Khng tawag naman ng tungkulin gagawin nyan, kahit ang sariling pride bilang demonyo ay ibababa.

"Ate Kilein?"muling pagtawag sa kanya ni Sunshine. Ilang beses lumunok si Kil at halata sa kanya ang pagkabigla. Nagkamot pa sya sa ulo.

"Cheer up Thriannebabes!"bigla ay naisigaw ni Airon. Ang reaksyon ng isa pang Callevein ay napapangiwi at tila hindi rin inaasahan na si Kil ang maglelead ng prayer.

Dahan-dahan syang lumapit kay Maureen at napansin kong namumutla na kaagad sya. Aysus Thriaxiveille, kung habambuhay kang hindi marunong magdasal pupulutin ka talaga sa impyerno, bulong ko sa sarili.

Nginitian sya ni Sunshine bilang pagsuporta, ang ginawa ko naman ay kumaway-kaway at ginamit ko pa ang kamao bilang hudyat ng paglaban. Lalong sumama ang mukha ni Kil.

Sa huli, kahit sobra-sobrang labag sa kalooban ng babaeng iyon ang pangunahan ang lahat sa pagdarasal ay wala rin syang nagawa. Umakyat sya sa maliit na entablado at nakita ko pang huminga muna sya ng malalim bago itinaas ang microphone.

Nagsipagtunguhan na ang lahat sa amin maliban kay Jehridale. Peste toh,mukhang mapaparami ang sermon ni Kil ngayong araw.

"Bakit hindi ka nakayuko?"rinig kong usal sa kanya ng isa sa mga kaibigan nya. Mukhang wala sa sarili ang lalaki kaya naman parang natutuliro din syang nagbaba ng tingin.

"Ahem,"napaismid ako ng nag-ahem si Kil, panlalaki ang boses ng loka,"magdasal po tayo--"

O_O

Nagsign of the cross na ang ilan, pati na ang mga bata ngunit maliban sa aming mga iilan na hindi Kristiyano.

"Amang nasa Langit, maraming salamat ho sa araw na ibinigay ninyo sa amin, sa panibagong araw na pinahiram ninyo sa aming mga buhay."

"Patawarin ninyo ang bawat isa sa amin, na nagkasala at magkakasala pa sa bawat araw na dadaan sa aming mga buhay. Nawa'y maging mapayapa ang pagdaraos namin sa araw na ito, bigyan nyo pa ho ng blessings ang may kaarawan ngayon, iyon lamang ho. Maraming salamat ho ulit sa araw na ito Ama."

"Sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo."aniya ng iba. Maliban kay Kilein na diretso ng bumaba after magdasal. Ayos ah, nalusutan ang pagiging makadiyos.

Kunsabagay, sa aming tatlo ni Mitch, si Kil ang unang nakakilala sa Diyos, simula noong araw na pagtalima nya sa mabuting daan na tinahak nya paalis sa madilim na karanasan nya noon. Di ko man aminin pero proud ako. At pinagmamalaki kong kahit hindi showy si Kilein ay napanatili nya ang kakayahan sa lahat ng pagkakataon

Samantalang ako, ni minsan hindi ko kinilala ang mga relihiyon dahil sa kinalakhan kong mundo. At iyon, ay hindi basta-bastang maipapahayag ng simpleng salita.

"That's a wonderful words of prayer, from the heart of Mondrallgo, thank you Ate Kilein! Napakagandang simula hindi ba? Ngayon, hindi ko na kailangan ng mahabang speech dahil, uumpisahan na kaagad ang mga palaro sa mga bata! Handa na ba kayo?!"pagksabing iyon ay inilipat nya ang mic sa kumpulan ng mga bata. Napakaenergetic pa rin ni Sunshine kahit na kakatapos lang nilang mag-ayos at magluto.

"Opo!!!"

"Opo ate Sunshine!"

"Kung ganon--"kaagad nalipat ang paningin ko kay Alomira Kolette na abala sa pakikipag-usap sa ina. Hindi ko na narinig ang mga sumunod pang sinabi ni Sunshine dahil kinakapa ko na ang buong paligid.

Nang umalis si Alomira ay kaagad akong tumayo. Tinapik ko ng mahina si Mitch at napatingij ito sa akin.

"Bakit?"

"Babalik ako kaagad, bantayan mo sila dito"alam na ni Mitch ang sinasabi ko kaya tumango kaaag sya.

"Magiingat ka, magpapakasal pa tayo--"

"Tse!"mabilis na pigil ko. Nang mapansing wala na sa paningin ko si Aoko ay tuluyan ko ng iniwan ang ground hall. Magkatulad kami ng kutob ni Kilein sa mga ganitong bagay pero, hindi mo mababasa ang isip nya. Hindi mo kaagad malalaman kung alam na ba nya ang nangyayari o hindi. Basta ganon sya.

Halimaw kasi ang isang iyon.

Base sa kutob ko ngayon, may posibilidad na maaaring hindi ito ang unang beses na nakitaan ko ng kakaiba ang lugar na ito. Wala naman akong napaghihinalaan kay Alomira, ewan ko. Ganon ang pakiramdam na mayroon ako ngayon. Hindi ako kontento na hindi ko malaman ang nangyayari sa gusaling ito.

Nagpalinga-linga ako sa madilim na bahagi ng floor na ito. Nahihirapan akong makita ang paligid. Pero nakakaramdam ako ng presensya ng tao. Sa tagal kong namamasukan bilang tauhan ng mga Callevein ay mabilis kong natutunan kung paano malaman kung may presensya ba sa paligid o wala. Ikalawa kay Kilein.

"Natunton mo na ba?"sa sinag ng araw ay nagkukubli ang naguusap na ilan sa likod ng gusali.

"Hindi pa, pero sigurado ka bang narito sya?"

"Oo, marami sila dito kanina. Siguro nandoon na sila sa mismong pagdiriwang."

Malinaw kong naririnig ang mga pinaguusapan nila dahil nasa likod ako ng isang malapad na pader.

"Kapag natikman nilang dalawa ang sariling pait ng dugo, tapos na ang trabaho natin boss"

O_O

Napatigil ako sa pag-iisip. Anong ibig sabihin ng sinabi nyang iyon? Pait ng dugo? Mayroon bang ganon? Ang alam ko kalawang ang lasa ng dugo. Tuloy ay hindi ko maiwasang kabahan.

"Wag mong sagarin ang timpla, hindi natin pwedeng biglain. Ang hudyat, ay sa mismong harap ng isang anak ni Cassiopeia. Sya mismo ang magbibigay sa mga hangal."

Napahawak ako sa mismong bibig. Kingina. Kingina talaga. Anak ni Cassiopeia? Ano na namang istilo? Code or anything na maaaring makatulong- wait, naalala ko ang code na binigay sa akin. Posible kayang may kinalaman ang code na ito sa maaaring mangyari ngayon?

Kaagad kong kinuha sa bulsa ng miniskirt ang papel. Binasa ko ang nilalaman nito.

At ng mabasa ko iyon ay, napahawak ako ng husto sa buhok. No! Kingina, hindi ito maaaring mangyari!




Heidrion's POV

"Yipeey! It's so nice to be part of you guys! Ngayon ko lang madadama talaga ang pagtulong, alam mo yun? Yung ngiti ng mga bata! Priceless!"masayang saad ko talaga kay Sunshine. Katatapos lang ng pagpapasaya namin sa mga bata, mga palaro na inabot pa kami ng ilang minuto bago matapos. Masaya sobra. Ngayon ko lang ito naranasan. Madalas kasi mall lang and out of the country lang nakakaya kong gawin. Gosh.

"Naku wala iyon! Thank you ha! Kasi hindi ito magiging successful kung wala ka-"

"Nambola ka pa sis!"singit ni Mitch, "how's my birthday girl? Happy?"

"Oo kuya! Sobrang saya ko nga grabe! Di ko inexpect na tutulong din si Kuya Jehridale kanina! Hahahahaha! Oy mamaya may papagames nga din sa inyong mga matatanda-I mean sa kalevel niyo. Para naman mas kompleto"

"Oo nga naman Mitch, at para natin toh sa another celebration natin sa pagbabalik ni Kilein sa atin!"napabulong ako ng si Kilein na ang pinaguusapan. Napanganga si Mitch at binalingan ang kaibigan na kumakain na naman ng chocolate.

"Di ko lang alam kung makakasali yan sa pagames nyo, kj yan eh"

"Ok lang kuya, alam ko naman kung saang games sya mas komportable"

"Ah oo nga, nice ah mukhang pinaghandaan mo talaga itong birthday celebration mo ah"

"Oo naman no! Hehehehehehe!"

Bahagya kaming napahinto sa paguusap ng lumapit sa amin si Dean Mauricio. Masayang-masaya ang matanda dahil sa araw na ito.

"Heidrion Cavixia"

Natigilan ako at biglang napalingon sa likuran. Laking gulat ko ng makitang si Rhylle ang tumatawag sa akin.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Come here"sinenyasan pa nya akong lumapit sa kanya. Pero dahil hindi ko gusto ang presensya ng lalaki ay hindi ako pumayag.

"Hindi ako lalapit sa isang taong kanina ko lang naman nakilala."

"May importante akong sasabihin sayo, hindi mo ba gustong malaman?"

Awtomatiko akong napakunot ang noo. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng kumag na ito pero, anong gagawin ko? Susunod ba ang isang magandang tulad ko sa kanya or...leave it in the hell?

"Lumapit ka na"mariing utos nya. Napaharap ako sa mga kasamahan ko na nag-uusap-usap. At muli kong ibinaling ang mga mata sa binatilyo.

Lumapit na ako sa kanya dahil wala akong choice. Hindi ko alam ang sasabihin nya kaya ang kuryosidad sa akin ay nabubuhay.

Orange's POV


"Tsk! Peste ka! Peste ka talaga sa buhay ko!"inis na binulyawan ko ang magaling na lalaki na kanina pa na nangungulit sa akin. Gusto ko ng umiyak sa inis talaga.

"Bat ang ingay mo palagi Panda?! Di mo alam na iniistorbo mo ang pagpapahinga ko?!"

Isa ka pang debuhong na leche! Naku pagbubuhul-buhulin ko na kayong dalawa eh!

Inis kong hinarap si Jehridale the Demoners!

"Pare-pareho kayong mga lalaki! Sa una lang kayo magaling mangulit pero katagalan at pag alam ninyong wala kayong mapakikinabangan sa babae basta nyo na lang lolokohin at iiwan! Kingina nyo eh no?!"

O_O

Pinanlakihan lang ako ng mata nitong kumag na demoners. At dahil sa inis ko ay hindi ko namalayang napalayo na ako sa mga tao. Nandito ako sa first floor ng building na ito.

"Pfft"

Awtomatikong nawala ang inis ko ng marinig ang mahinang tawa ni Thrianne. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Bakit ka natatawa? Sinabi ko bang tumawa ka?!"

"Ang init ng ulo mo-"

"Malamang sinong di iinit ang ulo depakers! May mga lecheng tao sa gubat ang basta-basta na lang akong bibwisitin! Hays! Ikaw kasi eh!"

"H-Ha? Panong ako?"

"Bat ba kasi iniiwan-iwan mo ko sa sirkol of men?! Di mo ba alam na allergic ako sa mga lalaki ha?!"

"Tanginang yan.."mahinang bulong nya sa sarili. Aba't minumura pa ako ng babaita?!

"Kung ganon allergic ka din sa Daddy mo ganon?"

Saglit akong nakapagisip. Oo nga ano, lalaki si Daddy! Kaya it's a dare no!

"H-Hindi! Hindi no! Grabe ka naman! Mahal na mahal ko kaya si Daddy! Pati si Lolo noon syempre! Naku ikaw babaita ka magtigil ka na sa pang-aasar sa akin! Tsk! Akala mo nakakatuwa?! Pakainin kita ng manok dyan eh!"

Sa inis ko na naman ay nagtungo na lang din ako ulit sa kinaroroonan ng mga kasamahan namin. Badtrip talaga tong si Thrianne, pasalamat sya hindi ko carry ang mapagisa ngayon T_T.

"Kakanta kami! Panira ka talaga pre! Hahahahahahaha!"

Napalingon ako sa mga kaibigan ni Mitch. Lumapad ang ngiti ko ng makita si Heidi. Pero teka, may kausap itong binatilyo. Sino kaya sya? Naalala ko kasa-kasam sya kanina nila Thrianne sa mansion. Hayss nakakaloka.

Pagkalapit ko sa kanila ay bigla na lang napaharap si Heidi sa akin na may seryosong-seryoso na ekspresyon. Anong nangyari bigla?

"H-Heidi? Ayos ka lang"

Sya: O_O

Bahagya syang natulala ng mapatingin sa akin. Anong problema nya? May sakit ba sya? Namumutla sya. Ano kayang nangyari? Naguguluhan talaga ako.

"Hoy Heidi, ok ka lang ba talaga? Parang may sakit ka, namumutla ka eh"

"W-Wala ito. Ok lang naman ako Rangie. Teka nasaan si Thriaxiveille? Kanina ko pa sya hinahanap"

Pinagkunutan ko na sya ng noo. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

"Hi Rangovine!!!"

O_O

"Maureen!!! Ikaw palaaaaaa! Happy birthday!!!"sinalubong ko naman ang kapatid ni Mitch na muli ko na namang makakausap. Hays, namiss ko din sya, ang tagal din noong last naming paguusap.

"Naku salamat! Mabuti nandito ka, may pagames kasi sa mga--"

Saglit ay natigilan kaming dalawa ni Maureen ng may narinig kaming boses na tila kumakanta. Napalingon kami sa unahan kung saan namin narinig iyon.

Kahit konting pagtingin
Kung mangagaling sayo
Ang nais ko ay ligaya dahil sa ikaw ay mahal ko..

O_O

"Ay punyeta! Sino yang sintunadong kumakanta?! Ang pangit pangit ng boses!"napabulalas na lang ako sa pagkayamot. Natatawa namang umiling sa akin ang babaita.

"Si kuya Airon ang kumakanta Rangie, alam mo na, oldies kasi ang hilig nyan at kalimitan sya ang pinapauna na pakantahin"

Sobrang pagkaangat ng labi ang nagawa ko ng marinig iyon. Swabe, napakapangit pala ng boses ng babaerong iyon kapag kumakanta. Kawawa ang babaeng magkakagusto talaga sa kanya.

Maski ang mga nanonood sa kanya ay nagtatawanan at nagtatakip ng tainga. Sa totoo lang napakasarap hambalusin ng upuan ng lalaking iyon.

Pero ang kumag na lalaki, hayun at feel na feel ang pagkanta. May pasayaw sayaw pang nalalaman. Napapikit na lang ako. Hay nako, hahaybladin na yata ako.

"Kinakantahan ka yata"muli akong napabalikwas ng si Thrianne na naman ang sumulpot sa likuran ko. Sinamaan ko sya ng bongga ng tingin, "oh bakit?"

"Paano naman ako ang kakantahan nyan eh ang pangit pangit ng boses?"

"Parang ang ganda ng boses mo ah"tukso pa nya. Nilabas ko ng tuluyan ang pangil ko este ang kamao ko at sinubukang batukan sya pero ang magaling na babae ay niyabangan lang ako.

"Bakit babatukan mo ko?"

"A-Ah hindi, may lamok kasi sa ulo mo kaya sinubukan ko lang abutin hehehehe"

"Kala mo naman abot"

"Aba't---"gigil na gigil na ako sa depungal na ito ah. Ngisi-ngisi pa syang naglakad palayo. Tsk.

Pasalamat sya kinatatakutan ko rin sya.

"R-Rangovine..."

Kaagad kong nilingunan muli si Heidi dahil sa panginginig sa boses nya. Hindi ko maunawaan ang nangyayari sa kanya.

"Ano bang problema Heidi? Kanina ka pa kasi namumutla eh"

"M-May sasabihin sana ako sa'yo..."

"Anong sasabihin mo?"naloloka na yata ako. Hindi ko alam kung may dapat ba akong ikatakot sa lagay na ito. Kakaiba kasi ngayon ang suki ng mga beauty contest, syempre si Heidrion. Duh.

"Ano kasi--"hindi ko na narinig ang sinabi ni Heidi dahil napabaling ang paningin ko sa harap.

"Para kay Sunshine!"malakas na sigaw ni Mitch sa microphone mula sa harap. Ano ba itong taong ito? Sila ng pinsan nyang demonyo, parehas maiingay.

"Kakanta ako! Tsk wag ka ngang pasuhol dyan Viurge! Palibhasa wala ka pang girlfriend!"

"Ikaw rin naman ah! Hahahahahaha!"rinig kong paguusap nila sa mic. Hinayupak talaga, magkaibigan nga sila. Mga lalaki mas maiingay pa sa amin. Sa akin. Syempre tahimik akong tao. Diba?

"Miss Rangovine?"

Ano ba ito? Lahat na lang tumatawag sa akin.

"Po?"

"Umupo na daw po kayo katabi ng mga bisita. Kailangan po kayo para makompleto ang members"

"Member? Anong member?! Para saan na naman yan?"

"Para sa palaro po"

O_O

"P-Palaro?! Ang tanda-tanda ko na magpapalaro pa?! Ako ba niloloko mo?!"

"A-Ah ano po kasi--"

"Halika na nga andami mong reklamo"biglang hila sa akin ni Thrianne.  Bwiset. Argh! Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

Hinayaan ko na lang na magpatangay sa kanya saka naupo sa tabi ni Maureen. Katabi rin namin ang mga mokong na lima syempre. Kasama si Rin at si Prof. Cieli.

"Hindi pa rin ako tinatantanan ni Alomira pre,"tulirong naikwento ni Demoners (Jehridale) na narinig ko, "kanina nga diba nagpaiwan ako? Talagang pinuntahan pa nya ako para makausap ako. Tsk. Gusto pa rin nyang makipagaayos."

"Anong ginawa mo?"si Timrelli ang nagtanong dito. Marahas na bumuntong hininga ang lalaking kausap saka tinungga na kaagad ang isang baso ng kung anong likido man iyon. Di ko tiyak kung juice ang nakalagay doon.

"Syempre nagmatigas ako! Alangan namang ibalik pa, *sighs* wala rin namang mapapala kung babalik pa kami sa dati, nasira na nga tiwala ko eh, hindi ba? Naibigay ko lahat ng gusto nya, but no everything to be honest, pero kasi...nakakagago pre.."

Tahimik tuloy akong naupo sa tabi ni Thrianne. Akalain mong magkakaproblema ang demonyo. Diba dapat sya ang nagbibigay ng problema sa amin? Nakakaloka.

"Ang palaro namin sa inyo ay, one wrong answer is equivalent to one shot."nakangising pagpapahayag ni Mitch. Waaaah!! Iinom kami?! Ano ba yan! Di pa nga kami nakakain ah! Ang daya!

"Ganito ang criteria, bawat isa sa inyo ay mamimili ng isang taong pagtatanungan. Isang tanong lang sa kada mapipili ninyo. At kapag nasagot ng tama ay hindi iinom. Kapag mali o walang naibigay na sagot, iinom syempre."

"Kasali na din ako dito dahil need ko ng experience sa mga expert kagaya ninyo"sinimangutan kaagad ni Mitch ang kapatid na si Maureen.

"Bakit nga pala kasali ka dyan? Hindi ba dapat nasa--"

"Paano matututo ang kapatid mo kung kj kang kuya?"singit ni Vugh sa kaibigan. Inis na bumaling dito ang lalaki.

"Haysh! Talagang kayo ang naguudyok sa kapatid ko?! Eh ang bata bata pa nyan!"

"Hindi na ako bata kuya!"natatawang tanggi ni Sunshine na siyang ikinatawa ko.

"Bata ka pa! Bata ka pa!!!"

Nakita ko namang umalis si Thrianne sa kinauupuan nya ng hawakan sya ni Mitch sa pulsuhan.

"San ka pupunta?"

Inungusan lang sya ng babae. Nakaramdam ng pamumutla at paninigas sa kinatatayuan ni Mitch. Ano na naman kayang nangyayari?

"Ate ate"

Napabaling naman ako sa isang batang tumatawag sa akin. Hindi ko sya kilala syempre. Hindi ko sya nakita kanina noong nagpapalaro kami para sa mga kapwa nya bata.

Nakatingin ang batang ito sa akin habang may dala syang dalawang baso. Favorite flavor ko ang orange na juice na sa palagay ko doon nakalagay. Nginitian ko ng magiliw ang batang babae.

"Sa akin ba ang mga 'yan?"

"Opo Ate"hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng bata. Bagay na pinagtakhan ko. Uusisain ko pa sana sha kung kanino galing ang mga ito pero nauna nang nagtatakbo palayo sa kinaroroonan ko ang bata.

Ano ba naman yan? Hindi ko man lang naitanong, hindi tuloy ako nakapagpasalamat.

Pagharap ko sa mga kasamahan ko ay ininom ko na ang kalahati sa baso. Sobrang tamis ng orange juice na ito ah, parang hinalo na dito lahat ng nasa isang sachet.

Pero ok na din, heheeheheheh. Masarap eh.

"Rangovine,san galing yang juice na yan?"

Bumaling ako kay Mitch, "ah, may nagbigay na bata sa akin eh"

Kitang kita sa mukha ni Mitch ang pamumutla. Namumutla na naman sya kagaya kanina. Ano bang meron?

"Hindi ka dapat umiinom ng basta-basta lalo na't galing sa ibang tao, na hindi mo naman kilala"may halong awtoridad sa mga salitang iyon ni Mitch.

Napakagat labi ako, bakit parang pakiramdam ko, ako ang pinoprotektahan ng mga kaibigan ko? Kinakabahan ako.

"May kailangan ba kaming malaman Mitch?"

Napatingala ako. Sino itong binatilyong biglang nagsasalita? Sya ba yung Rhylle Sarmienta na sinasabi nila? Namumukhaan ko sya. Napahilot ako sa noo ko sa biglaang paglabo ng paningin ko.

"Ano bang nangyayari?"naguguluhan na ding tanong ni Nath. Hindi sya napansin ng lahat. Lahat sila ay nakatutok ang atensyon sa akin. Ano ba talagang nangyayari?

Ano na namang katangahang ginawa mo Rangovine?

"Bakit?"singit ni Thrianne. Pambihira, huli na sa balita ang babaeng ito. Nakuha pa nyang kumuha ng isang wine.

Hindi sya sinagot ni Mitch pero tiningnan lang sya nito. Nagbago ang reaksyon ni Thrianne sa hindi malamang dahilan.

"Akin na yan"pang-aagaw nya sa akin. Inilayo ko ang dalawang baso.

"Eh! Sabi ng bata sa akin daw itong dalawa!"pinilit ko talagang ilayo ito sa kabila ng katangkaran ng babaeng ito sa akin. Mabilis uminit ang ulo nito kaya naman kaagad nyang hinablot ang tshirt ko at tahasang kinuha sa akin ang dalawang baso na may lamang juice at tinungga iyon.



Yashiko's POV

Mula dito sa kalapit ng catery ay kitang kita ko ang senaryo nila. Kinakabahan ako ng bongga. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang susunod pang gagawin.

Ngayon lang ito nangyari sa buhay ko. Ang kabahan, sa isang mangyayari na hindi dapat mangyari.

Habang nasa kasiyahan ang mga kasamahan namin, maliban sa mga ilan sa kakilala na nagawang maagaw ang atensyon naming lahat, ay nasisilayan ko si Kil na inagaw ang baso na hawak ni Rangie. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang kumilos para mapigilan sya. Parang nakastapeler ang mga paa ko sa lupa.

Nang mainom iyon ni Kil ay umalis sya sa gitna ng pagkamangha ng lahat. Ang isa't kalahating baso ng juice na nainom nya ay katumbas ng...

"Yashiko...ano bang nangyayari?"

Saglit akong napaangat ng tingin kay Mitch. Sa totoo lang hindi pa nya alam ang nangyayari. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Maski ang pagsasalita ay hindi ko magawa.

Ewan, siguro naman kahit hindi nya alam ay malalaman nya...at mapapansin nya, sa unang tingin...

"Kinakabahan ako Yash, kinukutuban ako ng hindi maganda..."may pangangatal sa boses nya habang nakatingin sa kinaroroonan ni Kil na papalapit sa amin. Napansin kong ang ususerong si Chavez ay sinundan sya ng tingin at parang hindi namamalayang sinusundan na rin pala nya ito.

"May nainom kanina si Orange.."patuloy na pagsasalita ni Mitch.

"Oo, nakita ko"wala sa sariling naisagot ko.

Habang naglalakad palapit dito si Kilein ay saglit ding huminto ang paghinga ko. Para akong lumulubog sa sarili kong kinatatayuan, natutunaw na parang yelo. Nag-iwas ako ng tingin sa hindi malamang dahilan.

Ano ba itong ginagawa ko? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ko man lang kayang sabihin sa kanya ang totoong lagay ng paligid? Peste!

Hindi ko maatim na tingnan ngayon ang kaibigan ko sa gitna ng aking karuwagan.

Pero, ang mapanuksong udyok ng sarili at kuryosidad ang nagdulot sa akin para muli ko syang makita.

Ang pagpipigil ni Kil. Ang pagpipigil nya habang naglalakad palapit sa amin, ang pagpipipigil na hindi bumulwak ang katotohanan. Unti-unting umaagos sa gilid ng kanyang labi ang dugo. Hindi ko mapigilang hindi maluha. Nakokonsensya ako ng sobra.

Pinapanood ko lang ang aking kaibigan sa harap ko mismo na naghihirap. Mailigtas lang ang ibang tao. Napakasakit nito.

Nakatingin sya sa amin, sa akin, ng may pambihirang paghihirap na dinadanas, ng tanggapin ng kanyang katawan ang lason na nakahalo sa orange juice. Ang umpisa. Ang kamatayan kung maiinom lahat kanina ng kahit isa sa kanila ang lasong ito.

At sa gitna ng kapanglawan, naganap ang tagumpay ng aming mga kaaway, ang pagbagsak ni Thriaxiveille Kill Mondrallgo sa sahig dahil sa kanilang ibinigay na pantapos na babala.






Someone's POV

"Magaling! Magaling magaling magaling!"napasigaw ang aming boss ng makita ang eksena sa mismong charity event. Hindi ako makapaniwalang dito magtatapos ang lahat. Sa isang pambihirang lason na kikitil ng isang buhay, kalahati sa isa pang buhay na target namin.

"Sabi ko naman sa inyo boss, walang trabahong hindi ko kayang lusutan. Lahat planado, malinis, walang galos"nakangising pahayag ng pasimuno nito. Sa tuwa ng aming boss ay pinalakpakan ito at tinapik sa balikat.

"Yan! Yan ang gusto ko sa iyo hijo! Napakagaling! Mahusay ka bata! Ngayon, wala ng takas ang Neostra sa atin. Mamamatay na sya kasama ang ating lihim"nababalot sa dilim ang mabagsik na asik ni Boss. Ako naman na walang pakialam ay nagtingin na lang sa iba naming kasama. Napansin kong nawala na naman ang isa sa amin.

"Boss, may naghahanap kay Dynamo"

"Sino sya?"

"Tikboy ang pangalan boss, papapasukin ba natin?"

"Ah wag na, sa labas na sila magusap, sige na Dynamo, maaari ka ng lumabas"

"Sige Boss"aniya ko at lumabas na sa mismong base. Naabutan kong maangas na nakapamulsa ang dati kong kasamahan.

Nang mag-angat ito ng tingin sa akin ay nakangisi sya, kapansin-pansin ang pagbabago ng kanyang itsura. Mula sa dating parang kauri ko lang, ngayon ay parang nagdilang anghel na ito. Ano kayang nangyari sa hinayupak?

"Nakalabas ka na pala, Lester Manhattan"sa halip na itanong sya ay tinawag ko na lang sya sa tunay nyang pangalan. Mas lalo syang ngumisi at ang dulot niyon ay ang pagkakunot ng aking noo.

"Mas lalo ka yatang naging asong ulul Dynamo?"

Tch, napakahambog. Mukhang tinuruan ito ng babaeng iyon na umastang ganito sa harap ko.

"Anong kailangan mo?"tahasang usisa ko na sa kanya. Nawala ang ngisi na iyon sa mga labi nya at lumapit na sya ng ilang dipa.

"Narinig kong may binabalak kayo sa Mondrallgo hindi ba?"

"Oo, paano mo naman nalaman?"

"Wala sya sa plano mo hindi ba? Ang tinutugis nyo lang ay ang Callevein at ang Chavez, pati na ang Neostra at Montessori. Ngayon ay nandamay pa kayo ng iba."

"Anong gusto mong palabasin?"

"Sinabi ko na sayo noon pre, kung inaakala nyo mapapatay nyo ng ganon kadali ang isang Mondrallgo lalo na ang dati nyong kasamahan, o mas tamang sabihin, dati nating kasamahan, nagkakamali ka."

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, diretsuhin mo na"

"Pasensya ka na pero, wala na akong masasabi pa. Binabalaan lang kita. Kung gusto mong mabuhay pa ng matagal, wag mo ng isali ang sarili mo dito pre. Tandaan mo, sya ang pumatay sa kapatid mo"

Natauhan ako sa sinabi nya. Totoong kinabahan din ako. Hindi biro ang kakayahan ni Thriaxiveille, dahil dati na namin syang kaibigan o kasamahan.

Gayunpaman, hindi non nabago ang pagiisip ko. Kinakailangan ko itong gawin para maipaghiganti si Ethana.

Itutuloy..

Sorry kung ngayon lang ang update, hindi po kasi laging may load🤧, pero thanks pa rin sa paghihintay. Don't worry, matatapos ko ito ngayong taon I swear, or kung hindi man, just wait and see.






















Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 263 14
အကို နဲ့ ပတ်သက်ရင် ငရဲပြည် ကိုတောင်ပျော်ပျော်ကြီးဆင်းဝံ့ပါတယ်ဆိုတဲ့ မိန်းမသား ကို ခပ်ခွာခွာနေပေးဖို့ ဘယ်လိုနှလုံးသားနဲ့များ ပြောရက်နိုင်တာလဲ...။
15.2K 400 8
Slow updates so bear with me!! Lucifer X Adam wattpad story becuz I can't find any AdamsApple story on wattpad. Lute and many other exterminators die...
3.9K 106 11
What if instead of Barry Allen being The Flash and Caitlin Snow being Killer Frost...their whole lives were reversed? That instead Caitlin became the...
224 127 51
There's a place where you truly belong. University of Secrets is on your way to make you feel at home. But, there's a rules. "A secret will always...