Aya

By MCallMeM

4.2K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... More

Foreword
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 3 : She's Alive
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Prologue : The Beginning

386 27 51
By MCallMeM

REMINDER:

Please don't forget to vote and comment down your thoughts in every chapter. Votes and comments are highly appreciated. Thank You!!!


×××


ALAS SAIS pa lang ay gising na ako pero hindi pa rin ako bumabangon. May pasok pa ako pero nakatitig lang ako sa kisame at nag-iisip ng kung ano-ano. Nagtatrabaho ako bilang isang staff sa isang coffee shop ilang metro lang ang layo. Hindi na ako namili pa ng ibang trabaho since mahirap ang buhay. Bukod sa sarili ko, kailangan kong magbayad sa pakikitira ko sa mga kamag-anak ko.


Halos sampung taon na ang lumipas mula nang matuklasan ko ang aking kakayahan. Ilang hinaharap na ang sinubukan kong iwasan at tulungan pero nabibigo lang ako at sa huli ay sisihin ko ang sarili ko dahil wala na naman akong nagawa.


Ilang taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang alaala na sinapit ng mga magulang ko. At hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ko man lang sila nagawang iligtas. Kung mas maaga ko lang sanang nalaman ang kakayahan na iyon ay sana nandito pa sila. Pero wala, eh. Dose anyos pa lang ako noon at wala pang kaalam-alam sa mga ganoong bagay.


Napaluha na lang ako nang rumehistro sa isip ko ang mga larawan nina Mama at Papa. Napabangon ako at saka umiiyak na niyakap ang mga tuhod ko.


"Ma, Pa, p-patawarin niyo po ako kung h-hindi ko kayo nagawang i-iligtas. M-miss na miss ko na po k-kayo."


Lumipas ang ilang minuto ay pinakalma ko muna ang sarili ko bago napagpasyahang maligo na.




×××




"One cup of cappuccino, please."  mabilis akong kumilos upang kumuha ng kaniyang order. Alas nuebe na ng umaga at dumarami na rin ang mga customer.


Hindi lang naman ako mag-isa, may kasama ako. Sina Jerome, Asion, Zay, at Blanca. Tatlo kami nina Zay at Blanca ang palaging nasa counter, o may isa o dalawa sa amin ang magse-serve. At 'yung dalawang lalaki ay nasa loob lang ng kusina. Kaya lang, nagkasakit si Blanca samantalang may importanteng emergency raw si Zay kaya ako lang ang mag-isa ngayon dito sa counter. Minsan lang naman lumabas 'yung dalawa, kapag breaktime o 'di kaya naman ay mabo-bored sila sa loob.


Mabilis ko lang na naihanda ang cappuccino'ng order nung lalaki kanina. At dahil nga mag-isa lang ako ay ako ang maghahatid niyon sa kaniya.


Maingat akong naglakad palapit sa lalaki. Nakaupo lang ito habang nagbabasa ng libro. Kahit na nakasuot ito ng eyeglasses ay mapapansin pa rin ang kagandahan ng hitsura niya.


"Your cappuccino, Sir."  huminto siya sa pagbabasa at kasabay ng paglingon niya ay nagsimula nang rumehistro sa akin ang mangyayari sa kaniya, mamaya...


Magkakagulo dahil magkakaroon ng aksidente. Masasagasaan siya mamaya pag-alis niya rito sa Coffee Shop. Maraming madadamay. Maraming mawawalan ng buhay.


"Thanks. Are you alright? You look pale."  saka lang nawala ang mga iyon nang magsalita siya. Napakurap-kurap lang ako saka napatango. Tumango lang din naman siya saka bumalik sa kaniyang ginagawa.


Hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa nakita ko. Hindi ko na naman alam kung ano ang gagawin ko. Kung ililigtas ko ba sila o hahayaan ko na lang na mangyari iyon sa kanila.


Isang butil ng luha ang tumulo sa aking mga mata. Ayokong maulit muli ang nangyari sa mga taong hindi ko tinulungan. Gusto kong makatulong kahit ngayon lang. Gusto kong sagipin ang isang buhay mula sa malagim na kapalaran.


"Here's my payment, keep the change. Thank you again. Your cappuccino is great. Expect to see me here again, bye."  mabilis kong pinunas ang luha sa aking pisngi saka ngumiti sa harap niya.


"Ah, S-sir. W-would you please stay for one more minute?"   iniwasan kong maluha nang sabihin ko iyon sa kaniya. Nagtaka naman siya habang nakatingin sa akin. Paulit-ulit lang naman na lumilitaw ang mangyayari sa kaniya mamaya. Lalo lang akong natakot at naawa.


"Wait, why? Is there a problem?"  nakakunot ang noong tanong niya sa akin. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko na kinakaya ang mga nakikita ko sa mga mata niya.


"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong may masamang mangyayari sa'yo paglabas mo sa Coffee Shop na 'to?"  lakas-loob na tanong ko at muli siyang nilingon. Magkahalong gulat at pagtataka naman ngayon ang nakikitang ekspresyon sa kaniyang mukha saka siya napatawa ng bahagya.


"Miss, niloloko mo ba 'ko? Ano ka? Psychic? Fortune teller? Sakto, iyon ang binabasa ko ngayon. I think you should take some rest. Mauna na ako sa'yo."   hindi pa man siya nakakatalikod ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya upang pigilan siyang umalis.


"Sir, just please stay. Hindi ko ipipilit na maniwala ka sa'kin, but please stay. Kahit ngayon lang, sana ay may mailigtas akong buhay. Please?"  naging seryoso siya nang marinig ang mga katagang iyon. Nang mapadako siya sa kamay namin ay mabilis ko iyong pinaghiwalay.


"Okay. I know this is crazy pero sige, I'll stay. Sana hindi mo ko niloloko, Miss. Dahil sa oras na hindi totoo ang mga sinabi mo, mapipilitan akong ipadala ka sa police station. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss?"  isang marahang tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Kahit papaano ay medyo natuwa ako dahil may isang naniwala sa akin kahit hindi buong-buo.


Hindi siya umaalis sa harapan ko. Nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang. He looks nerd outside pero parang may halimaw na nagtatago sa loob-loob niya. He's something weird and mysterious.


Kaunti na lang ang mga customer na nandirito sa loob. Naihatid ko na rin ang lahat ng mga order nila kaya nakatayo lang ako rito sa counter habang nasa harapan ko pa rin ang lalaki.


"By the way, I'm Zin. You are?"  hindi ko inaasahan ang pagpapakilala niya dahil hindi ko naman iyon itinanong sa kaniya. Hindi tuloy agad ako nakapagsalita.


"I'm Ay––"   hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sabay kaming napayuko nang may malakas na pagsabog sa labas. Kasabay niyon ang mga sigawan at sunod-sunod pang pagsabog. Ito na, nagsisimula na...


Nang makabawi ay nagkatinginan kami habang gulat at malalalim ang paghinga. Maging ang mga customer na nandirito sa loob ay hindi rin makapaniwala sa nangyayari sa labas. Napapapikit na lang ako sa tuwing naririnig ko ang mga nakakaawang sigawan ng mga tao sa labas. Tila unti-unti akong bumabalik sa nakaraan na pilit kong iniwasan at tinalikuran.


"Oh no!"  iyon ang lumabas sa bibig ni Zin habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa labas. Maging ako ay napapatulala na lang dahil sa mga nangyayari. Parang hindi ko yata kayang lumabas at tignan ang kalagayan nila sa labas. Natatakot at nanlulumo ako dahil hindi ko man lang sila natulungan. Pero wala rin namang maniniwala kapag sinabi ko sa kanila ang nakita ko, magmumukha lang akong tanga at baliw. Ang hirap, sobrang hirap.


Magkagano'n man ay lumingon pa rin ako sa labas at nakita ko ang mga taong nagkakagulo at nagtatakbuhan. Isang malaking truck na basag-basag ang salamin ang nakabalandra sa labas at nasa harapan nito ang isang kotseng nasusunog. May ilang kotse rin sa katabi nito ang sumabog at unti-unti nang nilalamon ng apoy.


Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang driver ng truck na duguan samantalang hirap na hirap namang humihingi ng tulong ang taong nasa loob ng nasusunog na kotse. Sana lang makaligtas sila sa trahedyang ito kahit naman alam kong mababa lang ang tiyansang mangyari iyon. Gusto ko pa ring umasa at magkaroon ng pag-asa.


Muling napalingon sa akin ang lalaking nasa harapan ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka at mga katanungang tulad ng paano at bakit. Napabuga na lamang ako ng hangin at gano'n din naman ang ginawa niya.


Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang pagdating ng ambulansya, pulis at bumbero. Huminto na rin ang mga sigawan at takbuhan ng mga taong nasa labas na natatakot madamay. Medyo naging maayos na rin naman ang lagay ko kahit papaano.


Mabilis pa sa alas-kwatro ay sabay kaming nagtungo sa labas upang silipin kung ano ang kalagayan. Nadatnan namin ang mga taong nagkukumpulan at naroon na rin ang mga nurse na binibuhat ang taong sugatan at walang malay samantalang pilit namang pinapalayo ng mga pulis ang mga taong nagpupumilit na makiusyoso.


At nang lumuwag ang paligid dahil sa unti-unting pag-alis ng mga tao, hindi ako nagdalawang-isip para sumilip. Halos mapatakip ako sa aking mga mata ng makita ko ang mga dugo at mga basag-basag na salamin.


Nang mapadako ako sa isang babae na duguan ay napatingin ito sa akin. Teka, wala siyang malay kanina ah? Kasabay ng paglingon niya ay rumehistro sa akin ang naghihintay sa kaniya. Mariin akong napapikit at saka napailing-iling dahil sa nakita ko. Tila nawalan ako ng pag-asa.


Mamamatay siya. Hindi na siya aabot sa ospital.


Hanggang sa naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko kaya napadilat ako at nilingon kung sino iyon.


"Are you okay? M-may nakita ka na naman ba?"  iyon agad ang itinanong niya kaya tumango-tango na lang ako saka hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Wala na naman akong nagawa. Pero kahit papaano ay may nasagip akong isang buhay, okay na 'yon. Mahalaga rin naman ang isang buhay ng kahit na sino.


Ilang minuto pa ang lumipas, nawala na sa paligid ang ambulansya, bumbero, at mga pulis. Nag-iwan sila ng police line sa mismong pinangyarihan ng aksidente kaya hindi na iyon maaaring pasukin ng kahit na sino. Nanatili naman kaming nakatayo ni Zin.


Maya-maya pa ay napalingon ako nang magsalita siya. Kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya ang pagtataka at alam kong naguguluhan siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung iniisip niya ba na nagkataon lang ang lahat ng nangyari at nababaliw lang ako. O talagang naniniwala siya na may kakaiba akong kakayahan. Well, kung ano man ang iniisip niya, wala na akong magagawa do'n. Isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin. Basta ako, panatag ako na nasagip ko ang buhay niya. Okay na 'ko do'n.


Ilang saglit pa ay napahinto ako sa pag-iisip nang magsalita na siya. Hindi ko na naman inaasahan ang sinabi niya.


"Who are you?"

;

Continue Reading

You'll Also Like

38.7K 917 46
This is the Book 2 of Falling Inlove with my Enemy. Ako Nga pala si Alena Anak ni Gusion at Lesley at Ako ang Prinsesa ng Assassin World.
2.3K 292 33
"Monster are the prey and we are the Hunters" NOVEL | TAGALOG [Complete] Date started: september 7 ,2020 Date Ended:
33.9K 2.4K 94
Highest Ranking: #19 in Historical Fiction (Sub-Genre) Pluma at Tinta 2020 First Placer in Fantasy category | Best in Blurb | Most Engaging Story | P...
185K 5.2K 63
Minsan, iniisip nating alam na natin ang lahat. Pero paano kung malaman mong... Ang pinaniniwalaan mo pala simula pagkabata ay purong kasinungalingan...