Unang Halik

By frezbae

328K 21.5K 3.4K

A mangyan who experienced the cruelty of the world. Many do not like them because of her ancestral tribe. A s... More

Guidance
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
KABANATA 16
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
Kabanata 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 59

KABANATA 17

4.8K 408 57
By frezbae

Sobra ang aking kaba ng pinagpaalam ako ni Frosto kina lolo at lola. Hiyang hiya ako ng mga oras na iyon pero hindi na umangal si lola. Si lolo naman ay kinausap ng masinsinan si Frosto. Nagtagal nga sila sa labas ng bahay kaya medyo kinabahan ako.

Ngayon, ang araw na kami ay aalis. Lumingon ako kay lola at kumaway.

"Bye lolo! Bye lola!"

"Pasalubong Sol ha! Iyong two peach na kulay orange!" sigaw ni lola pabalik sa akin dahil ako ay nasa burol na papuntang kalsada. Ngumisi naman si Frosto at umiling.

Kanina, bago kami umalis ay nag usap na naman si lolo at Frosto. Si lola naman ay dalawang damit lang ang pinadala sakin at ang liit ng bag na pinadala. Wala naman kasi akong maganda talaga na damit. Di bale, maglalaba nalang ako doon ng maya maya para may maisusuot.

Mas nangingibabaw sa akin ang kung anuman ang makikita ko sa Manila kaya naeexcite ako. Pero nang pumasok na kami sa kotse ni Frosto ay unti unti na akong nilamon ng kaba.

Tinikom ko ang bibig at pumasok narin. Ang mga titig niya sakin habang nakaupo na ako ay hindi ko mawari.

"Matagal b-ba ang biyahe papunta doon?"

Dinilaan niya ang pang ibabang labi habang tumango tango.

"A little bit. Don't be nervous. I got you."

Ngumiti siya sa akin bago hinimas ang aking bubok. Halos umurong ako ng lumapit siya para amuyin ang buhok ko. Ang pagpikit niya ng ilang sandali ay nagpatulala sa akin.

Simula ng biyahe, papuntang airport ng Mindoro hanggang sa pagsakay namin sa eroplano ay namamangha ako pwera nalang sa kaba na nararamdaman ko.

Ilang oras rin ang biyahe namin bago makasakay sa eroplano. At....halos manliit ako dahil sa mga titig sa amin ng mga tao. Hindi naman ako manhid o kahit bubo na tao ay alam kung bakit ganon ang titig nila sa amin kanina.

Hindi na ba kaming mga mangyan puwede na makipaghalubilo o sumama man lang sa mga tulad nilang normal na tao? Ibig kong sabihin ay may kayumangging balat? May maayos na pananamit at maayos ang pamumuhay?

Pero kanina parang naiirita si Frosto sa mga nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Hindi ko alam kung anong klaseng eroplano ito kasi nakaiba kaming upuang dalawa. Iba sa mga nakikita ko sa telebisyon na maramihan. Kasi ngayon ay kami lang dalawa. Parang isang maliit na kuwarto.

"Oo.." agad akong tumango. Nananantiya ang tingin niya sa akin, nag iingat.

"E-Excited na ako. Uhm, m-maraming artista doon? Ah..si James Reid, ang guwapo nun! Crush ko iyon!"

Inayos ko ang aking pagkakaupo. Nang titigan ko siya pabalik ay tahimik siya at seryoso.

"James Reid? Who's that?"

Ngumisi ako. Naku! Mga tulad talaga ni Frosto hindi mahilig manuod ng mga artista sa tv.

"Si James Reid! Artista iyon!"

"Hmm.." maangas siyang ngumisi. "Bata pa iyan at marami pang dapat matutunan."

Kinagat ko ang labi. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

Hindi nagtagal na nakakailang na sandali ay may bumukas ng pintuan. Isang magandang babae, na alam ko na flight attendant ang pumasok. May hawak itong tray ng pagkain at may prutas.

Umayos si Frosto sa aking harapan. May pinindot ang babae at napagitnaan agad kami ng isang lamesa na puwedeng matupi kapag pindutin.

"Wow!" na-amaze ako!

Nangunot ang noo ng flight attendant sa inasal ko kaya tinikom ko ang aking bibig.

"You like it?" magiliw naman ang boses ni Frosto. Nalapag na ang mga pagkain. Tumango naman ako.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagkakadiri sakin ng babaeng Flight attendant kaya nanahimik ako.

"Hm, is this all you need sir?" malambing na tanong ng babae. Napatingin ako sa kanila dahil doon.

"Yes, it's fine." nasa akin ang tingin ni Frosto kaya napabuga ako ng hangin.

Nang tingnan ko ang babae ay gusto kong mainggit. Ang kinang ng buhok niya at sobrang straight pa. Maputi siya at maganda ang katawan.

Kailan kaya ako magiging ganyan? Ang buhok ko kasi parang walis. Ang kutis ko ay kayumanggi. Malayong malayo sa mga babaeng kinaiinggitan ko.

"Soledad." narinig ko ang malamig na boses ni Frosto at kasabay ang pagsara ng pintuan.

"Huh?" mabilis ko siyang nilingon. Bakas ba sa mukha ko ang kainggitan?

Nag imbestiga ang titig niya sakin bago siya huminga ng malalim.

"Don't worry. Bibili tayo ng lahat ng gusto mo sa Manila. We will land in a minute. "

Ngumisi ako at tumango.

"Hmm. Utang ba iyan?" nagdalawang isip tuloy ako.

Nagkatitigan kami ,mata sa mata.

"Utang..Hm, will do. Sisingilin kita at the right time."

Tumango tango ako sa kanya. "Sige. Baka sa oras na iyan ay modelo na ako at malaki na ang sweldo." pagmamalaki ko.

Minuwestra niya ang pagkain sakin. Nilantakan ko agad ang mga iyon. Ang sarap talaga.

"Gusto mo pala maging modelo. Meron kapang ibang gusto? Like..teacher or nurse?"

Uminom ako ng tubig. "Wala, gusto ko talaga maging modelo."

Pumikit siya at tumango. "Hmm, flight attendant? Like the girl earlier."

Umiling ako. "Pag momodelo talaga ang gusto ko."

Uminom siya ng tubig at tumango. "Alright."

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon. Kung paano nakasama ko si Frosto ngayon. Pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang lahat.

Si Frosto ang tipo na gusto ko maging boyfriend pero mukhang malabo. Hanggang pagkakaibigan nalang kami sigurong dalawa.

Nang makarating na kami ay halos mamangha ako. Nanliit ako sa sarili ko na nakasuot lamang ng puting bestida at nakalugay ang buhok.

Kumportable ako sa pagkakahawak ni Frosto sa kamay ko. Hinila niya ako patungo sa isang itim na sasakyan. Halos malula ako sa aking nakikita sa lugar na ito.

"Good day sir!" bati ng lalaking nakauniporme at binigay kay Frosto ang susi. Inayos ni Frosto ang kanyang Ray-ban at tumango lamang. Dinala ng lalaki ang bag ko.

"Naku, huwag na po." nakakahiya naman.

"Let her Matias." utos ni Frosto kaya yumuko ang lalaki.

Mabilis ang oras dahil sa hotel kami tumuloy ni Frosto. Dalawang suite ang kinuha niya para sa aming dalawa. Nang makita ko ang pintuan ng suite ko ay parang kinabahan ako. Kahit kailanman ay hindi ko nasubukang matulog na nag iisa sa isang suite at masyadong malaki.

"Uhm.. Frosto. Natatakot ako."

Nangunot ang noo niya at tinitigan rin ang suite ko na nakabukas na. Inaantay niya akong pumasok.

"Puwede bang..diyan nalang rin ako sa suite mo?"

"Hindi puwede Soledad." puno ng diin ang boses niya at tila galit sa akin. Bakas sa aking mukha ang bigla sa kaseryusuhan niya kaya tumango nalang ako at labag sa kalooban ko ang pumasok. Otomatiko na umaktibo ang ilaw nun sa loob.

Huminga ako ng malalim at nilingon siya. Hindi ko mawari ang titig niya sakin.

"W-We're not allowed in the same room. I hope you understand."

Umiling ako. "Hindi ko maintindihan pero ayos lang naman."

Inisang hakbang niya ang pagitan namin at hinalikan ako sa buhok. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso at init ng katawan niya. Ang maskulado niya.

"You feel my kiss right? Sol...kung iisang kwarto tayo ay hindi ko mapigilan na halikan ka lalo na at gandang ganda ako sayo."

Umawang ang labi ko.

"I am courting you and we have to wait ,alright?" sabay himas niya sa buhok ko.

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
67.8K 3.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...