Kabanata 14

5.2K 398 40
                                    


Tumatak sa isipan ko ang mga bagay na iyon. Ilang araw ng eskwela rin na hindi ko na siya nakikita pa. Masakit iyon sa parte ko. Ang huling pagkikita namin ay tandang tanda ko pa na liligawan niya ako, hatid sundo at nag uusap. Ngayon, hindi na siya nagpapakita.

Lahat kaya na hinuha namin ni lola ay totoo? Kung ganon, ginagamit niya lang talaga ako para makuha ang loob namin para maibenta ang lupa? Sinalakay ng kakaibang sakit ang aking dibdib.

"Ating!" sigaw ko kay Ating ng makitang marami siyang dumi. Sanay na ako na makita ang katribo namin na madudumi. Meron rin namang malinis pero hindi halata dahil sa aming balat. Karamihan sa mga kapwa namin ay bata palang ay nagsipag asawa na at normal iyon sa amin. Naging tradisyon na.

Tanging kami lang ang hindi gaano sumabay sa nakasanayan na iyon dahil sa ginagalang ng lahat dito si lolo na siyang matagal nang nanirahan dito.

"Ate Sol! Ang ganda mo!"

Ngumisi ako at umupo sa putol na kahoy sa lupa.

"Nakatapos ka na ng assignment mo? Asan si Bandok?"

"Naglalaro si Bandok doon sa palayan. Tsaka hindi pako tapos sa assignment mahirap po pala sa english!"

"Turuan kita?" iyon ang pinagkakaabalahan ko sa araw ng sabado at linggo.

Isang Linggong hapon ng makita ko si lolo na nag aayos ng mga gulay na nakuha niya sa aming likod bahay.

"Sol.. Ikaw pala iyan."

"Lo, nag papawis na naman kayo ng likod e. " kinuha ko ang nakasampay na damit at iyon ang nilagay sa likod ni lolo. Ngumiti si lolo sakin na hirap na mag lakad at kukuba kuba na.

Parang nilulukot ang puso ko. Ayokong makita na nahihirapan sila lolo at ayoko ring dumating ang panahon na mamamahinga na sila. Natatakot akong nag isa.

"Hay apo, ayos naman ako. Atsaka uutusan sana kitang ibigay ito sa mga Septimo? Kanila kasi itong order dito sa akin."

Huminga ako ng malalim. Siguro baka magkaayos na sila lolo at ang  mga Septimo?

"Opo lo. Ako nang bahala."

Dalawang basket lang naman iyon ng gulay. Si lola kasi naglalaba pa kina lola Donita sana naman huwag nang magbangayan ang dalawang iyon.

Nag ayos lang ako ng konti at kinuha ang malapad na sombrero ni lolo panlaban sa init.

Isang makitid na daan lamang ang daanan mula samin papuntang mansyon ng mga Septimo. Mula sa bahay namin ay napapagitnaan lamang ng napakalawak na palayan at mansyon na agad nila.

Aking tatawirin ang malapad na palayan na iyon para makapunta doon. Inaasahan naman raw ito ng nga Septimo sabi ni lolo.

Pawisan na ako at sigurado akong ang itim itim ko na naman dahil sa init. Mula sa palayan ay tatawid ako sa daan para matungo ang malawak ng gate ng mga Septimo. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko doon ang guard.

Handa na akong tawagin ang atensyon ng guwardiya ng may bumusina sa aking likuran. Napatili ako at natantong humaharang ako sa gate kaya ako ay gumilid. Yumuko ako bilang paumanhin.

"Soledad."

Napaangat ako ng tingin ng makitang si Don Septimo iyon. Ngumiti ako ng tipid at ayaw nang maging bastos o anuman. Nilahad ko ang dalawang basket ng gulay. Ang mga kamay ko ay sobrang namamanhid na sa kakahawak niyon.

"Iyan na ba ang mga gulay na pambayad sakin ni Dan? Hay, ang iyong lolo talaga. Mabuti naman kahit papaano ay makakabayad kayo pa unti unti."

Nagulat ako doon. Sa nanginginig na kamay ay inabot ko sa kanya iyon sa nakabukas niyang bintana ng sasakyan. Tinanggap niya iyon ngunit mariin ang hawak sa aking kamay.

"A-Ah..Ang kamay ko po D-Don."

"Oh!" sinunda niya iyon ng tawa at hinimas pa iyon bago nilagyan ng isang libo ang kamay ko doon. Halos mahila ko ang kamay ko.

"Tanggapin mo iyan. Hmm, dalasan mo dito para naman makapag usap tayo."

Hindi ako sumagot hindi rin ako pumayag. Mabilis akong umalis doon. Mula pa talaga noon ay hindi ako kumportable sa mga Septimo.Kung hindi lang talaga kami nagka utang noon sa kanila ay hindi na nahirapan pa si lolo sa kanilang palayan.

NAKATULALA ako sa hawak na isang libo sa aking kamay. Wala akong balak na sabihin kina lola o lolo. Hindi ko rin ito gagastusin, ang problema ko ay kung paano ko ito ibabalik. Sa sobrang kaba ko kanina ay hindi ko na naibalik pa.

Hapon na at nagsisibak ng kahoy si lola. Rinig na rinig ko ang ubo niya.

"La.. Wala ba kayong gamot para ubo?"

"Hay Sol, marami tayong oregano diyan sa likod kaya ako nang bahala sa ubo ko."

Kumirot ang puso ko. Tumalikod ako at kinuha sa aking bulsa ang isang libo at nakapag desisyon. Alam kong wala na rin kaming ipon dahil sa kakagastos ni lolo sa gamot niya. Ngayon, walang makakabili ng gamot niya. Hindi pa rin naman ako nabibigyan bilang janitress ko sa eskwelahan tuwing hapon ng buong linggo.

Napagdesisyunan ko na bumili ng gamot para sa ubo sa tindahan. Hindi ko narin inisip pa nagpapalengke gayong madilim na. Nagulat si lola ng makitang mayroon na akong gamot at bigas.

"Saan ka kumuha ng pera?!" aniya. Hindi naman siya galit ngunit nagtaka.

"Uhm, natanggap ko na kasi po ang pasweldo sa amin ng eskwelahan. N-Nag apply po akong working student l-la."

"At nilihim mo sakin?"

Huminga ako ng malalim at niyakap si lola. "Lola naman, nagagalit ka na naman sakin e."

Unti unti kong naramdaman ang paghupa ng galit ni lola sakin. Galit na alam kong dinisiplina ako. Hindi ko parin mawaglit sa isip ko na ginasta ko ang perang hindi karapat dapat sa akin.

SUMAPIT ang lunes at nag hahanda na ako papuntang eskwelahan. Lumala ang ubo ni lola kaya nasa kanya lang ang isip ko habang naglalakad pa skwelahan.

"Ate Sol! Di mo na ako binibilhan ng tsinelas. Si mama kasi buntis na naman kaya nagtitipid sila sa pera."

Bumuntong hininga ako at hinimas ang buhok ni Ating.

"Oo. Pag sahod ko ha bibilhan kita."

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Hindi na talaga ako makapag antay na maka graduate ako. Magtatrabaho ako sa Maynila at ibibigay ko ang marangyang buhay kina lola at lolo.



Napatingin ako sa mga traysikel na punuan ng mga studyante. Pate ang mga dyip ay ganon rin. Ang saya saya nila. Sana ako, maging ganyan rin balang araw.


Malapit na ako sa eskwelahan ng makita ang pamilyar na sasakyan. Kumalabog ang puso ko at humigpit ang hawak sa aking bag. Habang naglalakad ng mabilis ay huminto iyon. Buo na ang desisyon ko kaya tumakbo ako papuntang eskwelahan na natatanaw ko lang. Sumayaw ang aking natural na brown na buhok dahil sa aking pagtakbo.

Hindi ko na nilingon pa at nagulat ng humarurot iyon palampas sa akin at kitang kita ko ang paghinto mismo niyon sa gate ng eskwelahan. Humina ang aking takbo at nasapo ko ang aking puso.

Wala naman akong ibang pupuntahan kundi eskwelahan lang. Hindi naman ako siguro ang sadya niya kaya ayos lang? Masyado yata akong assuming pag isipin ko na ako ang sadya niya.

Yumuko ako at nilakasan ang loob naglakad ako na para bang hindi ko alam na nandiyan siya. Nang inangat ko ang tingin ay halos gusto ko nalang bumalik sa bahay at umiyak.

Nakahilig siya sa kanyang itim na sasakyan at nakahalukipkip. Nananantiya ang titig niya sakin at mangmang na ako kung iisipin ko pa na hindi ako ang sadya niya.

Kinurap kurap ko ang mata. Ang mata  ko ay halos mamangha sa kanyang pisikal na anyo. Lagi nalang. Ang maskulado ng katawan niya ay binabaliw ang utak ko. Parang hindi ako makapaniwala na nanliligaw siya sakin. Nanliligaw nga ba ang mala adonis na lalaking ito sakin?

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon