KABANATA 34

6.1K 379 43
                                    

Tiniis ko ang ilang buwan na hindi ko nakikita ang mga tao sa baryo. Inabala ko ang sarili sa pag enrol ko sa Unibersidad sa Maynila. Doon raw ay sasamahan ako ng aking ama sa aking pag aaral.

Sa totoo lang ay natatakot ako. Hindi ako sanay sa malawak na kapaligiran. Sa maraming tao. Pero alam ko na sapat ang aking napag aralan dito sa Mindoro.

Minsan nakakausap ko si Jenessa sa cellphone. Hindi ko na rin alam ang balita sa kanila ni Axel.

Siguro sa ibang pagkakataon ay maboboring ako dito sa loob ng mansyon dahil sa halos pa ulit ulit araw araw ang aking ginagawa pero dahil sa first time ko ito, kaya masaya ako araw araw.

Tulad ng, masasarap na pagkain na sana ay mapatikim ko rin sa mga kapwa ko mangyan.

"I already enrol you in Manila Sol. By next month, kailangan mo nang' makausap si Mr. Cojuanco."

Nasa hapagkainan kami. Dito lang kami nagkakausap dahil madalas ay umaalis sila.

"Cojuanco?"

"Austin Cojuanco ,I mean." pagtatama ni Max.

Tumango tango ako at uminom sa aking tubig. Tumagal ang titig sakin ng ama.

"Yung sinabi ni Frosto Grey ay totoo ba?"

Kumalabog ang puso ko.

"H-Ho?"

"I mean..." uminom siya ng wine niya. Si Don Septimo naman ay nakikinig sa amin. "Naging girlfriend ka niya?"

Kinagat ko ang labi at yumuko. "Opo, p-pero nagkahiwalay kami ng mga oras na kinuha niyo ako sa baryo."

Nagkatitigan silang dalawa ni Don, tila ba may kung ano silang usapan gamit ang kanilang mata.

"Alright." pinagsiklop ni Max ang kanyang mga palad. "Hindi na ako magtataka Sol. You are so beautiful.. I mean, Beyond beautiful. Kahit namang sinong mayayamang negosyante ay mabibighani mo. So bad that... the Grey's family are mad to us."

Hindi na ako nagkomento doon dahil naalala ko na naman ang huling pagkita namin ni Frosto. Tila ba wala na siyang pagmamahal sa akin.

"So he's your first boyfriend?" malagkit na tanong ni Don. Napatingin ako sa kanya.

"O-Opo."

Ngumisi siya. "Ang swerte nga naman.Hmmm.."

"Dad." seryoso ang boses ni Max na sinaway ang ama. "Not my daughter." banta niya sa matanda.

Kinabahan ako. Hindi ko pa nakakalimutan ang lahat.

Noong araw na iyon ay humingi ako ng pabor na hanapin ang puntod ng aking ina. May inutusan na tauhan si Max na sumama sakin at sundin ang kagustuhan ko. Dalawang tauhan iyon.

Pumunta kami sa sementeryo at doon ko nakita ang puntod ng aking ina. Sa pinakagilid at halos wala nang' pangalan sa sobrang luma.

Hinimas ko ang nakaukit na pangalan ng aking ina at alam ko na inukit iyon gamit ang daliri ng aking lolo dahil na rin sa kapos kami sa pera at walang pambiling maayos na lapida.

Nilinisan ko ang paligid ng puntod ni mama. Naghingi rin akong pabor na magpagawa ng maayos na lapida para kay mama. Umupo ako sa gilid ng puntod ni mama at umihip ang malamyos na hangin. Napapikit ako at naluha.

"Ma.... Gabayan mo ako lagi. Miss na miss na kita." Tinukod ko ang aking baba sa aking tuhod at mahinang umiyak.

Doon ako nagpalipas ng buong hapon. Parang ayaw ko pang iwan ang puntod ni mama. Ang gaan ng pakiramdam ko na malinisan ko na siya.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon