KABANATA 22

4.9K 401 37
                                    

Walang masyadong tao ng makapasok kami sa lugawan. Lumapit agad ako sa mesa na paborito naming puwestuhan.

"Ganon' parin iyong sakin Frosto.” sabi ko at umupo sa aming puwesto. Pinagmasdan ko siyang nag order doon sa cashier ng lugawan. Kilalang kilala na siya dito kahit na iilang beses palang kaming nakakain dito.

Pinagmamasdan ko siya habang kinakausap ang tindera ay hindi talaga ako makapaniwala.

Akin nga talaga ang lalaking ito. Wala na akong nakita na kasing guwapo niya, bukod sa kamukha niyang kakambal na si Faustino. Basta.. kakaiba ang dating nila.

Pero...iyong mga naririnig ko sa eskwelahan, sa mga napapanood ko sa pelikula...naghihiwalay ang mga magkasintahan.

Sana naman hindi mangyari sa amin iyon. Hindi ko alam ang gagawin kung sakali.

Nabalik ang huwesyo ko ng makalapit na si Frosto sa akin. Dikit na dikit kaming dalawa.

"Sakto na ba ‘yan sayo?" namamaos niyang tanong. Tumango ako dahil dalawahang serve na ang kinuha niya at may pineapple juice pa.

"Sana coke nalang."

"No way." ayaw na ayaw niya talaga na mag coke ako. Sa isang taon dalawang beses lang yata ako makainom nun lalo na at wala naman talaga akong pera.

"Eat. Bibili tayong uniporme mo. I hate your uniforms."

Ngumuso ako at tumango. "Maiiksi na ba sila masyado? Tsaka malapit na yung sara ng klase. Kaya huwag na."

Nagkatitigan kaming dalawa. Tila ba ayaw niyang papayag pero wala siyang magagawa sa akin.

Nilapit niya ang mukha sa akin ng husto at nilagay ang mga takas na buhok sa aking tenga.

"You always curse a spell on me huh?" bulong niya at hinalikan ako sa tenga. Napapikit ako ng mariin at naghabol sa aking hininga. Hindi ko alam kung ba't ganito ang kiliti na nararamdaman ko.

"H-Hindi ah." sagot ko. Alam ko na titig na titig siya sa bawat reaksyon ko kaya nilingon ko siya at nginisihan.

"K-Kumain kana. Lalamig na ang lugaw mo!" udyok ko. Ngunit hindi siya gumalaw,imbes ay parang galit na nakatitig sa aking labi pero parang nalulusaw siya.

Kinagat niya ang labi at pumikit ng mariin.

"Damn." ungol niya habang nakapikit.

Humalakhak ako sa kanyang reaksyon.

"Kain kana nga!"

Naubos ko iyong mga pagkain na sinerve pa sa amin. Mukhang tataba talaga ako sa ginagawa ni Frosto. Lahat na hindi ko pa natitikman kainin noon ay natitikman ko na ngayon.

Nagtake out rin pala siya para sa kina lolo at lola.

Palabas na kami ng lugawan ng makita ko ang isang kaibigan.

"Rex!" buong sigla kong' tawag kay Rex. Maging si Rex ay nagulat at umawang ang labi ng makita ako.

"I-Ikaw ba talaga iyan Sol?" aniya ni Rex habang papalapit. Gusto kong lumapit at yakapin si Rex dahil ang balita ko ay nagtransfer siya sa Manila kaya hindi na kami masyadong nagkakausap.

"Oo naman..Uhm.." nilingon ko si Frosto na mahigpit ang hawak sa kamay ko kaya hindi ako makalapit kay Rex. Nangunot naman ang noo ni Rex na makita ang kamay namin.

"S-Si Frosto nga pala...boyfriend ko." pakilala ko kay Rex.

"Uh, Frosto si Rex matalik kong' kaibigan-"

"Boyfriend Sol?! Teka! Di'ba sabi ko ako dapat ang magiging boyfriend mo paglaki natin?!"

Naramdaman ko ang painsultong pagtawa ni Frosto sa tabi ko bago siya humalukipkip. Kinabahan ako sa naging reaksyon ni Rex at namumula mula ang mga mata niya na masamang tinitigan si Frosto.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon