Kabanata 33

4.7K 389 42
                                    


Sobra ang kaba na nararamdaman ko ng oras na iyon at hindi ako makatingin kay Frosto. Sinubukan kong umiwas ,para hindi sila magkagulo.

Umuwi kami agad kinabukasan sa Mindoro. Ni walang pag uusap tungkol sa kasal.

Tulad ng nakasanayan ko, maaga akong gumigising para makita ang mga ibang mangyan na kumukuha ng sako at iba pang gagamitin para sa palayan. Nakangiti ako habang nakatitig sa kanila. Alam ko na nakita nila ako ngunit hindi nila ako pinapansin.

"Osang!" tawag ko kay manang Osang, katabing bahay namin doon sa baryo.

Luminga linga siya na tila ba takot na may makakitang lalapit sa sakin. Nginitian ko siya.

Ako na ang kusang lumapit sa kanya.

"Ito oh, pakibigay naman kay lola ,Osang. Galing Manila yang damit at bag at saka ito oh." binigyan ko siyang isang libo. "Bumili kayong pagkain at kumain kayo ng gusto niyo ah. Bigyan mo narin si lola."

Mangiyak ngiyak na tinanggap ni Osang ang mga binigay ko. Ang buhok niya ay tila walang suklay at ang balat niya ay sunog dahil sa araw.

"Salamat Sol. D-Dalawang buwan na kaming walang sweldo. Mahirap ang buhay Sol. Huwag kang mag alala at makakarating ito sa iyong lola."

Nangunot ang aking noo.
"Teka..pero sabi sakin ni Mang Max ay maayos ang pasahod sa inyo."

Umiling si Osang sa akin.

"Hindi Sol. Galit ang iba sayo dahil nag iba ka na raw. Wala ka raw ginawa para maging maginhawa kami. Kung hindi lang namimigay si sir Frosto sa amin siguro mamamatay na k-kami Sol. " bumuhos ang luha ni Osang.

Kumuyom ang aking kamao at dumaloy ang aking luha. Hindi ganito ang pinarating sa akin ng mga Septimo.

Umalis na si Osang at bumalik na ako sa loob ng mansyon.

Umubo ang isang katulong ng papaakyat na ako sa hagdan upang maligo.

Humalukipkip siya sa harapan ko. Ang tantiya ko ay ilang taon ang agwat niya sa akin.

"Pinapatawag ka na ni Don Septimo sa hapagkainan. Nakita kita..kausap mo ang isang mangyan. Bawal kapa naman makipag usap sa kanila." ngumisi pa siya sa akin.

Yumuko ako at ngumiti para hindi na siya patulan. Halos lahat ng katulong dito ay tila galit sa akin o ayaw sa akin.

"Tsss..panget!"

Narinig kong' sabi niya ng tumalikod siya. Huminga nalang ako ng malalim.


Naligo ako at nakitang oras na talaga ng pagkain namin sa dito sa mansyon. Papaalis na sana ako ng maramdaman na may kung anong lumabas sa akin.

Kinagat ko ang labi at hinubad ang aking shorts at panty. Nakita ko ka may dugo ang aking panty. Nagpalit muna ako ng panloob at nagsuot ng napkin bago bumaba.


Nakita kong nagsimula na silang kumain.

"That..Frosto Grey. I don't like him." natigil ako ng marinig ang sinabi ni Don Septimo.

"Why dad?"

"Too...arrogant. He's filthy rich! I offer Soledad to him but he refused! Akala ko girlfriend niya tapos..."

"Boys these days dad. Soledad will be good to Austin. We need their land in Negros to extend our business."

"Yeah." pagod na sagot ni lolo.

Unang Halik Where stories live. Discover now