Kabanata 15

6.6K 451 77
                                    

HINDI ko alam kung bakit may sariling isip ang aking mga paa pero namalayan ko nalang ang sarili kong nasa kanyang harapan.

"A-Anong kailangan mo?"

Halos magdiwang ako ng marinig ang pagring ng bell ng eskwelahan. Ang mga ibang studyante ay nagtakbuhan para hindi masarhan ng gate at ang iba ay napahinto pa at nanlaki ang mga mata na tinitigan kami.

Umiwas ako doon at tinitigan si Frosto na kanina pa pala sa akin nakatingin. Dinudungaw niya ako at nakatingala ako sa kanya.

"May inayos ako sa Manila kaya hindi kita nabibisita." paliwanag niya.

"A-Ayos lang naman."

Umigting ang panga niya. Tila ba'y alam niyang may pagdududa ako ngunit dinadaan niya sa masuyong paraan ang pag uusap namin.

"Pumasok kana. Aantayin kita dito sa labas mamayang lunch break niyo." seryosong sabi niya. Sa kabila ng seryoso niyang mukha ay malamlam naman ang titig ngayon ng kanyang mga mata sa akin.

Nabigla ako doon. Gusto kong umapila ngunit may mga bagay rin ako na gustong liwanagin sa kanya.

Tumango ako. "May mga liliwanagin rin ako sayo mamaya." seryoso kong sabi. Umawang ang labi niya at tila naaliw sa aking kaseryosohan. Umiwas ako at tumingin sa gate.

"Papasok na ako."

Tumango siya kaya tipid akong ngumiti. Nang makatalikod kay nakita ko ang chismusong tingin ng guwardiya ng school sa amin ni Frosto.

Kahit na nasa classroom na ako ay ang bilis pa rin ng pintig ng aking puso. Hinihingal kong' nilapag ang bag ko sa aking silya.

"Pst uy!" may kumalabit sa akin. Si Precy, ang classmate kong babae. Pulang pula ang labi niya dahil sa liptint.

"Nakita kayo namin kanina nung' guwapo sa labas. Ka ano ano mo iyon?" nakita ko rin ang limang babaeng kaklase ko na nag aabang rin ng aking sagot.

"Uh.."

"Ginayuma mo iyon no? Mangyan kayo di'ba? Kayang kaya mo iyong gawin." segunda niya. Nanlaki naman ang mata ko.

Tumango naman ang isa. "Hindi kayo bagay kung sasabihin mong boyfriend mo iyon. Matanda na iyon at mas malaki ang pangangatawan. Kung gagamitin ka niya wasak ka. Mukha kapa namang kalansay."

Tumawa sila ng malakas kaya pate ang mga nakarinig na kaklase kong lalaki ay sumali sa tawanan.

"Oh ano? Boyfriend mo nga?"

Pakiramdam ko sasaktan nila ako anumang oras.

"N-Nanliligaw -"

"Nanliligaw kasi magaling ka sa kama? Ganon ba? Bukod kasi doon wala nang hahabulin pa ang guwapong iyon sayo."

"Akitin ko iyon mamaya. Mas maganda naman ako kay Sol, di'ba Prec?"

Tinulak siya ni Precy. "Huwag ka diyan Tina ha. Ako ang kakausap sa kanya pag nakita ko siya ulit!" sabay hawi sa buhok nito.


"Tsk, Precy , Tina! Ilan nga yung score niyo sa math kanina?" biglang singit ni Jenessa. Mas lalo akong kinabahan at yumuko.

"Ha?"

Hindi makasagot ang dalawa.

"Di'ba ikaw Precy itlog? Ikaw rin Tina one lang out of fifty? Tapos kung makapag salita kayo parang ang tatalino niyo?"

"Jenessa naman kasi-"

"Hindi ko pa nakalimutan na inagaw mo yung custumer ko sa club kaya umalis ka sa harapan ko."

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon