Kabanata 47

5K 283 38
                                    

Sa mundong ito, marami akong natutunan. Na ang pagmamahal pala ay hindi lang para sa isang babae at lalaki. O para sa dalawang tao lang. Na hindi lang para sa taong nasa tamang edad. Na hindi base sa yaman o kapasidad ng tao. 

Pagmamahal na nakakagawa ng mali. At pagmamahal na purong kabutihan. 

Ang pagmamahal ay para sa lahat. Hindi lang isang salita kundi, isang salita at maraming kahulugan. Tulad ko, mahal ko si lolo at lola. Sila ang nagpalaki sakin ng mamatay si mama. Mahal ko si mama dahil siya ang nagsilang sakin. Mahal ko ang mga ka-tribo ko , nagtutulungan kami kahit mahirap ang buhay. Mahal ko si lolo Don Septimo at si papa Max, sa kabila na nagawa nila pamilya ko parin sila at hindi maikakaila ang duging nanalaytay sakin ay kapareho sa kanila. Higit sa lahat, Mahal ko bilang babae si Frosto.

At alam ko na sa mga pagdadaanan ko pa na mga oras o taon dito sa mundo ay marami pa akong malalaman , mararamdaman, at mararanasan na pagmamahal.

"Ang sarap nito." sabi ko kay Frosto. Tinitigan ko ang mga bisita. Nandito ang mga kaibigan ni Papa Paulino. Mga empleyedo nila Frosto, Ang pinsan niya, kambal at si Ava. Hindi ko maisa isa ang mga bisita dahil sa dami.

Nakaupo kami sa mahabang mesa. Dito sa mesa ay kasama namin ang pamilya ni Frosto. Ang mga bisita naman ay sadyang tinutungo ang mesa namin para batiin kaming dalawa ni Frosto sa aming engagement party.

Oo, engagement party namin ni Frosto. Agad agad niya itong inasikaso na kahit ako ay nagulat. Nagulat nalang ako kaninang umaga na may pinadala nang malalaking box ng dress sa bahay ni lola.

Ang venue at design? Wala na akong masabi. Talagang kahit minadali ay maganda.

"Eat more." bulong sakin ni Frosto. Umiling ako sa kanya dahil busog na ako. Dinilaan ko ang labi ng makita ang wine. Tinuro ko iyon sa kanya. Nakapalibot saking baywang ang kanyang braso.

"Wine iyan di'ba?Pwede ba ako niyan?" 

Tinitigan niya ako. Tinitimbang niya ang reaksyon ko. Sa huli, huminga siya ng malalim.

"Patikimin mo na. Minsan lang naman." singit ni Kuya Faustino kay Frosto. Umiwas ako ng tingin dahil sa titig ni kuya Faustino sakin. Magka mukhang magkamukha talaga sila ni Frosto. Kahit katawan. Nga lang si kuya Faustino ay may tattoo sa braso. 

Matalim ang titig ni Frosto sa kambal. "You shut up." 

Humalakhak lamang ito at ganoon rin si Ava. 

" Alright, try this one. That's sparkling and non alcohol." 

Pumalakpak ako. " Yey!" 

Narinig ko ang tawa ni Frosto at hinalikan ako sa buhok. " I love you so much.."

Ngumiti ako at kahit maraming tao at nakatingin samin ay hinalikan ko siya sa pisngi. Tumawa ako dahil namula siya bigla. in 

"Alam mo Sol, ang ganda mo talaga. Kahit na unang kita ko palang sa iyo noon alam ko na lalaki kang mas gaganda pa." sabi ni Ava sakin. Ngumuso naman si Frosto at sinamyo ang aking buhok. Nagiging hobby niya na yata ang amuyin ako.

Tumawa si papa Paulino ng marinig iyon.  Kanina pinangunahan ni papa Paulino at itong party. Mahaba rin ang speech kanina ni Frosto. Ang dami ring nagpicture saamin. 

"OO nga e. Ang gaganda ng mga daughter  in law ko. Manang mana talaga sakin ang mga anak ko. "

"Bakit pa? May girlfriend ka ba ngayon?  Your last relationship was epic. Kay Frosto pa nagkagusto-" agad na tumigil si kuya Faustino ng batuhin siya ng table napkin ni Frosto at nasapol siya sa mukha.

Tumawa naman ng malakas si papa Paulino. " Mga anak, kahit na siguro magkarelasyon ako ngayon lalo na sa edad ko siguro hindi na kasing tunay ng pag ibig ko noon sa isang babae."

Napainom ng tubig si Ava ng tubig at maungkot na ngumiti kay Faustino. Naging seryoso rin si Frosto at Faustino.

 Hinawakan ko ang kamay ni Frosto. Humugot siya ng malalim na hininga at naibsan ang malalim  iyang iniisip.

Nakita ko rin si papa Paulino na malungkot. Ang dami talagang nagagawa ng pagmamahal. Wala rin ang anak ni Ava at nandoon sa yaya nito at pinapatulog na. Wala rin ang mama niya. Iwan ko kung bakit nandito si papa Paulino ay wala naman ang mama ni Ava, napuna ko lang.

"HM,mayroon banda pala no? Pwede ba akong pumunta doon sa gitna?" tanong ko. Nangunot ang noo ni Frosto at dinilaan ang labi niya. Napatingin tuloy ako doon.

"Why? " 

" Basta!" tumayo ako at tiniis ang hiya ko. Ngayon lang naman ito. Magpapahiya na ako ng lubusan.

Nakasuot ako ng brown na dress na hanggang tuhod kaya kahit na umupo ako sa stool sa mini-stage ay ayos lang. Si Frosto naman ay tila alam ang gagawin ko kaya nakatayo lang siya doon sa harapan ko at kagat ang labi, may sinusupil na ngiti sa labi.

"H-Hello?" sinubukan ko pa kung ayos na ba ang mic at  napatingin sakin ang lahat ng bisita. Ang iba ay nakatingin na talaga sakin kanina ng makita ako. Ang iba ay nilapitan si Frosto at kinausap.

Umubo ako. "Ngayong gabi ay mag aalay ako ng kanta para sa taong aking Unang Halik. Mahal ko, para saiyo ito." sabi ko sa kanya. Nakahalukipkip siya at matalim ang tingin sakin kahit na alam kong gusto niyang ngumiti.

Hindi na ako nag antay pa ng musika dahil alam kong sasabayan nila ako mamaya . 

"It's kinda shitty isn't it?" 

Simula ko ng aking kanta.

 "Not the way we pictured it."

"It's like an existential crisis."

"Or am I being dramatic?"

 Nakita kong' nagsilabasan ng cellphone ang ilan ngunit nanatili ang titg ko kay Frosto.

"I wish the world will shut it's mouth."

Naalala ko noon na kinukutya ako ng mga kaklase ko at hindi ako nakakabili ng kahit bigas dahil sa tribo naming' mangyan.

"Give me space to fucking sort it out."

"Like I'm fine just leave me alone. I'm great on my own."

Sa mga inasal palang ng mga tao samin noon na dahil nakakaiba kami, may haka haka sa amin, doon palang alam ko na mas mabuti nang umikot ang mundo ko sa baryo namin. Kontento na ako.

"But If I'm being honest. I'd hate to wait us on this. But I truly hope they find their peace of mind."

"I don't know what I'd doing  without you. You love who I am." 

Sa pakakataong ito ay sinabayan na ako ng musika. Nandoon na pala ang banda sa likod ko. 

Pinikit ko ang aking mga mata. 

"Coz' I don't care as long as I'm with you.  I'll reach for your hand. "

" In this  world where the color is fading . You are beautiful in every color ad shade I..."

Kinagat ko ang labi ng umakyat si Frosto sa mini-stage at niyakap ako. Gusto kong umiyak ng makita ang luha niya ng niyakap ak. 

" I don't know if you drink. Raise your glass to the story of us.."

"S-stop please." sabi ni Frosto kaya nilayo ko ang mic dahil rinig na rinig ang sinabi niya. 

"Aw!"  narinig kong ungol ng mga bisita at aliw na aliw. 

"Maganda b-ba ang boses ko?" tanong ko habang binabaon niya ang ul o ko sa dibdib niya. 

"Yeah, pero mas maganda pakinggan ang ungol mo tuwing gabi." aniya na ikinamula ko.

Hinaplos ko ang likod niya. " Tahan na. Huwag ka nang umiyak. Ang laki laki mo na e." biro ko sa kanya pero hindi siya nagpatinag. 

Hindi siya nakapagsalita pa dahil gaya ko, ang kasiyahan minsan ay naipaparamdam gamit ang katahimikan.











    



Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon