Kabanata 32

4.8K 394 63
                                    

Nasa isang kwarto ako at umiiyak. Mamayang gabi ang pagpunta namin sa isang party. Kaninang madaling araw ay nagbiyahe kami patungo dito sa Maynila para lamang doon.

Ni hindi ko alam kung anong hotel itong tinuluyan namin dahil lutang ako kakaisip. Hindi mawaglit sa isipan ko ang mukha ni Frosto.

May sarili akong kwarto na nakabukod kay Max at Don Septimo. Ang isang kapatid ni Max naman ay bumalik ng Amerika.

Iilang katok sa pintuan ang aking narinig. Huminga ako ng malalim at nilapitan ang pintuan para buksan.

Isang babae ang bumungad sakin.

"Good afternoon ma'am. Here's your food."

Nakita ko nga ang mga pagkain sa tray kaya pinatuloy ko siya.

"Salamat po."

"Tsaka po ma'am sabi po ng Don Septimo ay suotin niyo itong damit para mamaya. I'll be right back for your hair-do and make up later."

Natunganga ako sa paper bag na may tatak na bvlgari.

"Sige po."

Ngumiti ang babae sakin, tila manghang mangha siya.

"By the way I'm Milagros. "

"Ako nga pala si Sol."

Masaya siyang nakipagkamayan sakin.

"Ang ganda mo. Yung katawan mo parang yung napapanood ko sa pornhub- Ayy shet sorry!"

Napamulagat ako kung bakit siya nagso-sorry sakin nasapo ko ang dibdib ko.

Anong pornhub?

Teka...p-porn?

Namutla siya kakatingin sakin at napakamot siya ng buhok.

"Sorry ulit. I'll be right back later."

Nagmamadali siyang lumabas at natulala ako sa kawalan.

Nilapitan ko ang laman ng papebag at nakitang kulay gray iyon na dress. May nakita pa akong iilang alahas doon.

Kumain ako habang nasa veranda. Nililibang ko ang sarili sa nakikita ko na tanawin.

Kumirot na naman ang puso ko. Hindi ko malimutan si Frosto kahit ano ang aking gawin. Parang isang pelikulang ayaw kong panoorin ang nangyari sa akin ngayon.

Hindi ko na hinangad pa na makita ang aking tunay na ama. Sapat na sakin ang nalaman ko na ginahasa ang mama ko kaya namatay. Walang hustisya lalo na at binalewala lamang ang reklamo noon nila lolo at lola.

Ni hindi ko nadalaw ang libingan ni mama. Dumaloy ang luha ko at tinitigan ang litrato ni mama na luma na. Iniingatan ko ito simula ng binigay sakin ni lola bago ako umalis upang sumama sa mga Septimo.

Napakaganda ni mama kahit na nakapaldang mahaba at luma. Kulot ang buhok niya at morena katulad ko. Ngunit umaapaw ang kanyang kagandahan sa litratong ito.

"Nung araw na iyan ay may dumating sa amin upang kuhaan kami ng litrato. Napili nila ang mama mo. Tignan mo ang mga mata ng iyong ina. Malungkot ngunit nakangiti siya. Buntis na siya sayo ng mga panahong iyan. Pero hindi namin aakalain na mauulit na gahasain siya ulit. Malapit na siyang manganak sayo noon Soledad, dala dala niya ang sama ng loob sa mundo."

Huling sinabi sakin ni lola ng binigay niya ito.

"Ma-mama." hinimas ko ang litrato niya  habang naninikip ang dibdib ko sa kadahilanan na gusto kong magalit sa mga taong pumatay sa kanya ngunit sarili kong kadugo.

Nakatulog ako pagkatapos kong kumain. Nagsisi pa ako ng magising ako dahil hindi ko pala nalinis ang kinainan ko kanina sa veranda. Nagmamadali akong bumalik doon kahit kakagising ko lang at nakitang malinis na pala iyon.

Unang Halik Where stories live. Discover now