Kabanata 28

4.3K 343 45
                                    



Tinatawagan ko si Frosto habang abala ang mga kapitbahay namin sa pagtulong sa amin. Ang kabaong ni lolo ay nasa loob ng bahay. Si lola ay nakatingin lamang doon at nakatulala.

Ako'y hindi makapaniwala. Isang higlap lang ay ganito na ang nangyari. Hindi ko rin masyado makausap si lola kung ano nga ba ang nangyari. Ang mga kapitbahay ay tikom rin ang bibig at tingin ko'y naghahanap ng tiyempo na isatinig sa akin.

Dalawang araw na ang nagdaan at marami ang tumulong samin para sa lahat. Para maasikaso narin ang pagpapalibing kay lolo.

Namumugto ang aking mga mata habang tinititigan ang mga abalang tao sa bahay.

Hindi sinasagot ni Frosto ang aking mga tawag. Tinitigan ko ang cellphone na binigay niya sakin at hindi nawalan ng pag asa na tumawag muli.

Sa huli, kanya iyong sinagot.

"H-Hello, F-Frosto.." unang salita ko palang ay naiiyak na ako. Gusto kong sabihin lahat na kalungkutan ko.

"Si Soledad ba 'to? Ito kasi ang nakalagay sa screen e. Soledad lang. Ano nga pala ang kailangan mo?"

Isang sopistikadang boses ang sumagot. Natuod ako sa aking narinig.

Sino ang babaeng 'to?

"Uh, nandiyan ba si F-Frosto?" nanginginig kong' tanong. Tila ba nawala ang aking antok sa aking narinig.


"My boyfriend?? Anong kailangan mo sa kanya? Isa ka rin ba sa niloloko niya?"

Nagbabara ang aking lalamunan sa sunod sunod na aking narinig.

"Ano-"

"Naloko ka nga naman ni Frosto. He's here actually, natutulog katabi ko. Pagod kasi siya kakagala sa anak niya kahapon..and... wag' kang paniwala kay Frosto girl. Kasi.. mahilig siyang pagsabayan ang mga babae. May kakilala nga rin ako noon na kaibigan ko. Alam mo bang pinatos rin yun ni Frosto? Asawa na iyon now ng twin brother niya e..basta ilang beses naring may nangyari sa babaeng iyon at Frosto-"

Kusa ko nang pinatay ang tawag. Hindi ko kinaya ang mga sinasabi ng babaeng ito!

Dumoble ang sakit ng puso ko. Alam ko naman na may ganito talagang parte kapag nagmamahal. Narinig ko sa mga kaklase ko at napapanood ko sa mga teleserye.



Umupo ako sa putol na kahoy na aming parating inuupuan. Sa gilid ko ay ang hindi kalayuang palayan. Palayan na napakalapad.


Nakaramdam ako ng kulang sa aking puso. Dahil sa nangyari kay lolo ay hindi na namin alam kung saan mag uumpisa.


"Sol.." nabigla ako ng tawagin ako ng pamilyar na boses.

"Jenessa..."


Tinitigan niya ang bahay namin at suminghap siya. Nakasuot siya ng tshirt at short ng umupo siya sa tabi ko.


"Condolence. Narinig ko ang nangyari."


Si Jenessa ay hindi dito nakatira, doon pa sila sa kabilang baryo, lagpas sa mansyon ng mga Septimo.


"Salamat.."


"Alam mo na ba ang rason kung bakit? Sinabi ba ng lola mo?"

Umiling ako. "Hindi masyado nagsasalita si lola. Hindi ko pa siya makausap."

Habang sinasabi ko iyon ay titig na titig siya sa namumugto kong' mata.



Bumuga siya ng hangin.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon