KABANATA 38

4.3K 290 22
                                    



Nasa pasilyo na ako ng maramdaman ang kahihiyan at kaba kaya ako'y huminto.

Hindi nagtagal ay naramdaman kong' nakasunod sa akin si Austin. Nakapamulsa siya at preskong humilig sa pader at tumingin sakin.

"Talk to him." marahan siyang ngumiti sa akin. Alam kong magaspang ang pagkatao ni Austin pero pagdating sa akin ay nagiging malambot siya dahil siguro sa pisikal ko na anyo.

Na akala nila baka mahina ako. Sa totoo lang,  kaya kong' ipaglaban ang taong importante sa akin.

Kaya ang bitawan si Frosto ang pinakamasakit na parte para sa akin. Parang iyong kalahati ng puso ko ang nawala. Parang may kulang sakin araw araw.

Ngumiwi ako sa kanya dahil parang natakot ako na baka supladuhan na naman ako ni Frosto.

"O-o, pero baka mamaya na? May kasama kasi s-siya."

Humalakhak si Austin sa sinabi ko at nilapitan ako.

"Talk to him. Hindi ka nun' sasaktan. Andito naman ako kapag sasaktan ka ng isang iyon."

Huminga ako ng malalim. Ang bigat ng pakiramdam ko ay gumaan dahil sa sinabi ni Austin.

"Sige!" sabay tango ko.

Nagpaiwan si Austin doon at magbabantay nalang raw siya sa pagbalik ko dahil baka hanapin ako ni papa Max.

Nagpapasalamat ako kay Austin dahil sa mga tulong niya sakin. Kung tutuusin ay magiging asawa ko siya. Sa kanya ako itinakdang ikasal pero hinahayaan niya akong kausapin ang lalaking mahal ko.


Hindi ako pabor na ipakasal o maengage sa lalaking hindi ko mahal. Noong bata ako ay pinangarap kong’ bumuo ng isang pamilya kasama ang lalaking mahal ko.

Mukhang iyon ay mananatiling pangarap dahil ang lalaking mahal ko ay aking itinaboy para sa aking katutubong mangyan. Nahihirapan akong makita sila na naiipit sa sitwasyon. Nahihirapan rin ako sa aking pagmamahal na naudlot.



Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Frosto. Isa pa, alam kong' may alam siya kung nasaan si lola. Malakas ang aking kutob doon.

Inayos ko ang aking suot na dress at may nakita akong dalawang aninong nag uusap. Nanlaki ang mga mata ko at nagtago!

Si Frosto at Tatiana iyon. Mukhang sensual at intimate ang kanilang usapan dahil sa ayos nilang dalawa.




Kinagat ko ang labi at hinawakan ang aking dibdib. Bakit ang kirot? Parang hindi ako makahinga? Ang kirot na parang mamamatay ako na parang hindi.

Nang titigan ko silang muli ay nakita kong’ hinawi ni Frosto ang kamay ng kanyang nobya. Uminit ang aking pisngi dahil sa kabila ng dilim ay nakikita ko na ang ayos nila ay para sa magkasintahan.



Umalis silang dalawa doon at nakita kong' hinila siya ng babae. May iilan rin na dumadaan.

Uminit ng tuluyan ang aking mga mata at nakita kong' nalaglag ang purse ng nobya ni Frosto. Una, nagdalawang isip ako na baka maramdaman niyang nahulog ang purse niya ngunit ng makita ko na tuloy tuloy silang umalis ay nagmadali akong lapitan iyon upang ibalik sa kanya.

Sa skul namin noong high school ay ilang beses na akong nakakita ng mga nawawalang gamit at binabalik ko sa mga guro na nakakawala nun. Nagustuhan nila ako dahil daw malaking halaga ang wallet na nawala. Minsan cellphone na mamahalin pero kailanman hindi ko naisip na iyon ay kunin dahil hindi iyon akin. Hindi iyon galing kina lolo at lola. Galing iyon sa ibang tao at pangit sa pakiramdam na gumamit ng kagamitan na hindi saiyo.

Unang Halik Kde žijí příběhy. Začni objevovat