KABANATA 11

6.4K 591 214
                                    

Halik

Ang tawag ba nitong nararamdaman ko ay first love? Crush o puppy love?

Kapag tinititigan ko si sir Frosto parang ang layo niya. Parang hindi ko masabayan ang mundo niya. Parang nakakahiya na isang katulad ko ay nililigawan niya.

Panaginip lang ba ang lahat na ito?

Nang matapos na ang pagbalot sa pagkain na binili sakin ni Frosto ay kinuha niya lahat iyon. Ang dami.

Titig na titig ako sa pagkain na hawak niya.

"Nasaan na ang lola mo?" tanong niya. Tumayo rin ang kaibigan niyang si Axel. Ang taas nilang dalawa kaya kailangan ko pang tumingala para lang makasagot ng maayos sa kanila.

"Uhm, doon." turo ko sa pabilog na halaman. Tumango siya at walang hirap na dinala ang mga pagkain. Pasipol sipol naman si Axel at inaasar si Frosto.

"Dude... this is not you." anito pa na hindi nakaligtas sa pandinig ko.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Frosto at malamlam naman ang tingin niya nang ilipat sakin.

"Mauna ka.."

Tumango ako at nauna na sa kanila para maibsan ang aking kaba.

"Maganda ang katawan. Hindi na ako nagtaka. Kahit bata pero-"

Ewan ko kung bakit napatigil ang kaibigan ni Frosto sa pagsasalita pero hindi ko na lang tinitigan kasi ang daming napapatingin sa likod ko kung nasaan sila Frosto.

Halos paubos na nang makabalik ako sa puwesto ni lola. Umangat ang tingin niya sakin at nakita agad ang nasa likod ko.

Nagulat si lola nang makita si Frosto.

"Sir Frosto!"

Nagpagilid ako at kinagat ang labi. Si sir Frosto ngumiti kay lola at binigay ang pagkain.

"Aba, ka'y dami nito ah!"

Tinulungan namin si lola na maipuwesto ang pagkain. Hiyang hiya ako! Ang tingin kasi ni lola sakin ay nanunukso.

"Marami talaga yan Lola kasi may balak 'tong si Frosto."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya Axel!

Malamig na tingin ang pinukol kay Axel ni Frosto pero masama iyon. Parang gusto siyang suntukin ni sir Frosto.

"Anong balak naman iyon Sol?" ako ang nilingon ni Lola.

"Uhm, wala la! Gabi na kasi at balak na nating umuwi diba La?"

"Oo nga. Ikaw ba Frosto ang bumili nito? Ang bait mo talaga."

"Walang anuman yun la. Gusto ko lang sana ipaalam si Sol sainyo kung puwede ko siyang isayaw?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na nanlaki ang mga mata ko sa kaganapan ngayong gabi. Hindi ko naman kasi alam na ganito ka aggresibo si sir Frosto sa panliligaw.

"Oh.." tumango tango si lola. Hindi makapaniwala. "Oh siya, iiwan ko na kayo dito-"

"L-La?"

"Ako na maghahatid sa lola mo Soledad.." singit ni kuya Axel

Kinurot naman ako ng pabiro ni lola at umubo siya.

"Sige Sol ha. Sir Frosto ,ingatan mo yang apo namin ha. Nag iisa lang yan."

"Makakaasa ka lola." ngumiti si Frosto kay lola at bumaling sakin.

Hindi natanggal ang tingin ko kina lola at Axel na nag ayos ng gamit at hanggang sa umalis sila.

Unang Halik Where stories live. Discover now