KABANATA 2

7.4K 466 47
                                    

Mangyan


Binibilang ko ang perang nasa aking alkansyang maraming kalawang na nakita ko lang sa sapa.

Nasa 400 pesos ang pera ko at bukod doon, hindi ko na binilang ang mga barya dahil nilalaan ko ito para pambaon ko sa pasukan.

"Lola! Pupunta na akong palengke bibili po ako ng school supplies."

Tumayo si lola at tumango. Nagtitimpla ito ng kape at pinatay ang kahoy na may apoy. Ang nilulutuan namin ay lupa lang at nilagyan ni lolo ng malaking bato para mapatungan ng kaldero.

Umubo si Lola Tata. "Sige! Magmadali kana Sol baka gabihin ka."

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang perang hawak. Hinimas ko ang likod ni lola at nilagyan ng damit.

"Yan la. Wag' kang magpabasa ng likod po."

Tumawa si lola Tata. "Sol,ako pa? Malakas pako sa lolo mo! Tsaka bukas samahan mo'ko sa lola Donita mo ha? Maglalabada ako doon."

Si lola Donita ay kapatid ni lola na nakapangasawa ng may kaya. Mayroon silang sari sari store at hardware sa palengke.

"Opo lola!"

Lumabas ako ng aming kubo at nakita si lolo na paparating na at may hawak na maliit na plastik. May laman iyong konting bigas.

"Lolo! May bigas kang dala? Sino nagbigay?" masayang tanong ko. Mabuti narin at hindi kamote o saging ang hapunan namin.

Ngumiti si lolo at pinakita iyon sa akin.
"Si pareng Isko! Kasi tinulungan ko siyang hanapin ang nawawala niyang bebe kaya ito binigyan ako. Oh, bibili kana?"

"Opo, bibilisan ko. Baka kung may sobra sa pera ko bibili akong ulam at solmux ni lola."

Lumamlam ang titig ni lolo sakin. May hinugot ito sa bulsa at binigay sakin ang 100 pesos.

"Hindi. Ito na Sol. Ibili mo nalang yan lahat ng mga kakailanganin mo."

Kinagat ko ang labi at kinuha iyon. "Sige lo! Bibili akong kare kare at balot para sayo lo!"

"Ayan ang gusto ko sayo Sol! Alam na alam mo! Sige umalis kana para hindi ka gabihin."

"Sige lo!"

Tantiya ko nasa alas tres na nang hapon base sa pwesto ng araw. Wala naman kaming orasan pa sa bahay. Isa rin iyon sa mga pinag iipunan ko. Mahirap kasi sa pagtatanim ng palay si lolo. Kahit na sila yung nagtanim wala parin kaming napepera at makakain dahil sa sobrang mura ng palay ngayon.

 

Para makashortcut ako ng daan ay binagtas ko ang  palayan.  Ang palayan kasi ay nasa gilid lang ng high way kung saan nag tatrabaho si lolo.

Pawisan na ako ng makaabot sa highway. Ang suot kong brown na damit ay nabasa ng sarili kong pawis. Ang aking short naman na hanggang tuhod ay kulay puti.

Nakangiti akong pinagmamasdan ang mga sasakyan na nadadaanan ako at ang mga nakasakay doon.  Nakasakay doon ang isang pamilya na mula pa yata sa pag shopping. Mukhang naghahanda na sila para sa pasukan.

Pagkadating ko sa palengke, ang araw ay bumababa na. Mas lalo akong nagmadali.

Masaya akong titigan ang mga iba't ibang paninda. Nahawakan ko ang mga tela ng damit hanggang sa makakita ako ng mga notebooks at ballpen.

Tulad ng dati, dito rin ako bumibili.

May nakita akong kapwa ko mangyan na namamalimos. Nilapitan ko iyon at binigyan ng sampung piso.

Unang Halik Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang