KABANATA 7

6K 392 40
                                    


Upuan




Excited ako ngayon para sa pasukan. Sino sino kaya ang mga magiging kaklase ko ngayong Grade 10?



Kulay navy blue ang aming uniporme. Hindi na kami bumili pa ng bago dahil alagang alaga naman ni lola ang uniporme ko. Kung ang iba ay may mga bagong damit, ako naman ay uniporme na ang susuotin.

Nga lang, wala pa akong sapatos. Tinitigan ko ang sapatos ko na nakanganga na ang harapan. Kinuha iyon ni lolo.

"Tignan ko Sol kung may pera pa ako ha? Bibili ako para sayo."

Umiling ako at kinuha ang toothpaste at toothbrush ko. Kakatapos ko lang kumain. Maagang maaga pa. Maaga ako gumising dahil lalakarin ko ang daan. Mag eenjoy na naman ako nito kakapitas sa mga bulaklak.


Hindi ko na pinaghahawakan ang sinabi ni Frosto na susunduin niya ako dahil alam ko namang busy siyang tao.

"Lo, wag' na. Wala kana pong trabaho kaya ipunin nalang natin ang mga pera mo Lo. Kailangan nyo iyan sa gamot niyo. May sapat naman akong baon para sa linggong ito. At ayos pa naman ang tsinelas ko Lo."



Biglang pumasok si lola mula sa likuran ng bahay. Bitbit nito ang inayos niya at nakaplastik na mga gulay.

"Ang dami na ah.." nakangiti si lolo.

Kaninang nagkakape sila ni lola ,masinsinan silang nag usap dahil wala nang trabaho si lolo. Kaya, naisip ko na yung mga gulay ni lolo na natanim sa likuran ay ibenta nalang.


“Nahugasan ko na ang mga yan at nabalot na Sol." binigay rin ni lola sakin ang mga listahan ng mga halaga na ito. Hindi na bago sakin to kasi nang mga nakaraang taon ay nakabenta na ako nito sa skwelahan lalo na sa mga guro.



"Sige lola.."



May dala akong malaking bayong at ang aking bag na binigay noon sakin sa palengke.


Basa ang bawat damo at dahon na maapakan. Makapal pa ang fog sa palayan ng madaan ko. Nilanghap ko ang sariwang hangin at napangiti. Nakita ko ang mga ka baryo o kapwa namin mangyan na papunta naring eskwelahan.  Nasa isang grupo sila, nandoon rin si Ating at Bandok.

"Ate Sol! Tulungan kana namin!" si Ating. Umiling ako sa kanila.

"Wag na. Malayo pa yung eskwelahan namin. Ang inyo, doon lang oh."

Iniwas ko ang bayong na hawak ko sa kanila. Marami akong batang kasabay papuntang highway. Nahirapan ako kasi delikado sa daan. Nasa walong bata ang kasabay ko.

Nakita ko pang napadaan si Jenessa na nakasakay sa trysikel.

"Ating! Maghawak hawak kayo ah! Walang bibitaw hanggat hindi pa tayo nakakatawid!"

Sabay sabay silang umoo sakin. Medyo nahirapan ako pero napatawid ko sila ng maayos. Nakita ko silang nakapasok na sa kanilang eskwelahan. Kaya eto ako at pinagpatuloy ang aking paglalakad.



Papaliko na ako sa rotonda nang biglang may humarang na sasakyan sa aking gilid. Umawang ang labi ko sa kaba at nasapo pa ang dibdib. Ngumisi ako nang bumukas ang pintuan ng Ford ni Frosto.


Nakatitig lang siya sakin kaya nagdalawang isip ako. Maraming sasakyan ang dumadaan na mayroon lamang estudyante.

"Uhm..magandang umaga!"


"Hahatid kita. Get in, please."

Tumango ako. Excited ulit na sumakay sa sasakyan niya. Mataas ito kaya nahirapan pa ako. Kailangan pa niyang tulungan ako. Hinawakan niya ako sa aking braso para maangat. Hirap talaga kapag hindi matangkad.



Unang Halik Where stories live. Discover now