THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 111

89 42 1
By Rheevie

Chapter 111





Thriaxiveille's POV

Walang hinto sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Inihilamos ko ng marahas ang mukha sa tubig dito sa cr. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa mundo.

"Lahat na lang sa akin napunta...haha...tangina"  nanghihinang sambit ko. Iniangat ko ang aking maliit na buhok at binasa iyon. Para kong pinaliguan ang sarili ko dahil don.

"Kilein?"litaw ngayon ni Michae. Dahan-dahan ko lang syang nilingunan at saka ibinaling ulit ang sarili sa malapad na salamin.

"Pupunta dito ngayon si Yashiko. May mahalaga syang sasabihin sayo"

"Bakit hindi ikaw ang magsabi?"

"Hindi nya tinukoy ang sasabihin nya sayo. Sinabi nya na sya na mismo ang personal na magsasabi."

"S-Sige.."hindi ko napigilang manghina. Naubos ng tuluyan ang lakas ko kanina.

"I know you have a problem Kil..."nakatungong saad ni Michaendra, "patawarin mo ako kung wala akong magawa para sayo. Napakarami mo ng nagawa para pagbayaran ang lahat, pero maski isa wala kaming naiganting mabuti para sayo. Patawad."sinserong dagdag nya.  Sobrang bumigat ng husto ang loob ko kaya hindi naibsan kaagad. Pero kahit papaano. Sa kakarampot na salitang iyon ay gumaan ang loob ko. Naappreciate nila, ng mga totoong kumilala sa akin, lahat ng mga nagawa kong sakripisyo. Hindi ko naman hiniling na gawin nila pero kusa nila itong ginawa.

Wala ako sa sariling napangiti. Muli ay inihilamos ko ang aking mukha sa tubig.

Pagkalabas naming pareho ni Michaendra ay narinig kong nagring ang cellphone niya. Sinenyasan nya ako na babalik sya kaagad.

Tumango ako kaagad. Naghiwalay kami dito at nagtungo na ako sa Dean's Office. Alam kong doon maghihintay si Yash sa labas.

"Kil!!!!"

O_O

Sinakubong kaagad nya ako ng yakap. Sa pagkabigla ko ay naiilang akong kumalas ng bahagya sa kanya.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya ng hindi ako tumititig sa kanya ng diretso.

"I'm so proud of you! Waaaah! Pakiss nga!"

"Subukan mong idikit yang labi mo sa pisngi ko hahalik ka sa lupa ng wala sa oras tamo" maangas na pagkakaharang ko sa kanya. Nginusuhan lang nya ako.

"Kainis ka naman eh! Panira ka ng moment huhu"

"Ano ba kasi iyon?"

Ngumiti muna ito ng pagkakalapad-lapad bago dukutin ang kung ano mang sa bulsa. Maya-maya ay iniayos na nya ang tindig kahit ang mga kamay nya ay nakatago sa likod.

"Ano ba kasi yan?"

"Tadaaaaaa!!"

O_O

"Ano ba yan?"

"Malamang! Cellphone!"

"Oo cellphone nga ang nakikita ko, pero ano yan? Hindi ba't meron ako nyan?"

"Gaga ka! Kunin mo!"

"Bakit nga?!"

"May tumatawag malamang! Kaya sagutin mo na bilis! Hihihi"

Dinaluhong ako ng kaba sa pagkakasabi nya. Totoong kinabahan ako ng kaunti. Badtrip. Ano ba kasing nangyayari?

Kinuha ko na lang ang cellphone ni Yash at kaagad na pinatangab sa tainga.

"Hmm..hell-"

"Furukawa-san..."

O_O

"C-Chairman...Thaurx.."halos mautal ako ng mauubusan na yata ako ng hininga dahil sa sobrang lalim ng boses ni Lolo sa kabilang linya. Kinakabahan ako. Naalala ko pala, na hindi ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos noon.

"How are you?"

"I-I'm fine.."kamot sa ulong sagot ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya.

"Next week will be the Charity Event right?"

"H-Hai.."

"Busy ka ba mamaya?"

"H-Hai Ojisan.."

"Hmm...I remember that you have already worked hard, in Cristailli's cafe right?"

"Hai.."

"Good, but now I want you to spend your night here..."

"Eh?"

"Don't worry about anything here, nakaayos na ang lahat para sa'yo apo.."

Hindi ako makapaniwala. Para akong nanaginip ng gising.

"P-Pero...bakit po?"

"No more questions Thriaxiveille..."malaawtoridad na pigil sa akin ni Chairman Mondrallgo bago niya tuluyang ibinaba ang linya. Hindi nawala ang pagkabigla ko. Ibinalik ko ang cellphone kay Yashiko ng nakatulala.

"Waaaaahh! Ang saya saya Kil! Tanggap ka na ulit! I'm so proud of you!!"niyakap nya ulit ako habang niyuyugyog ang balikat ko. Hindi ko magawang manlaban. Hindi talaga ako makapaniwala. Alam kong noong unang pagkakataon kong masklayan ulit sya, araw iyoj jg Fencing event ay nakitaan ko ng biglaang magiliw nitong pagbati sa akin. Hanggang ngayon hindi ko mapaniwalaan.

"Hindi ba! Hahaha! Kita mo na?! Sabi ko sayo konting tiis lang at matatanggap ka na ulit ni Chairman! Wieee!"kainis. Mas excited pa ang babaeng ito kaysa sa akin. Hehehe. Kunsabagay. Masaya din ako. Pero hindi ko pinahalata.

Nang medyo nasasaktan na ako sa pagyugyog nya ay napangiwi ako, "A-Aray! Pota!"

"Ay sorry" agad namang iwas nya.

"Tsk, nasaan si Mitch? Di mo kasama?"iniba ko ang usapan. Awtomatiko naman itong humalukipkip at umirap.

"Psh, kita mong wala dito diba?! Duh!"pagtataray nya. Napangisi ako.

"Hi...mukhang masaya ang pinag-uusapan nyo"biglang litaw ni Michaendra. Muling niyuyugyog ni Yashiko ang braso ko kaya halos makalas na yata ang mga buto ko. Tsk bwiset. Bigwasan ko na kaya ito?

"Ito kasi si Kil! Waaah! Ang sayaaaa koooo!"

"Bakit? May nangyari ba?"

"Pinatutuloy na ulit sya ni Chairman Mondrallgo sa bahay nila! Yieee!"

"Talaga?"napangiti rin si Michae ng marinig ito. Nagkamot lang ako sa ulo saka huminga ng malalim.

"Oo! Sobrang saya ko! Kasi after 4 years kinausap na ulit sya! Akala ko wala lang iyong pagkikita nila noong Fencing event eh."

"Nandoon ka ng araw na iyon ano?"

"Oo naman syempre! Hindi ako mawawala sa mga okasyon noh! Hahahha!"

Muli akong bumuntong hininga. Akala ko tuluyan ng masisira ang buong araw ko. Hehehe.

"Weh?! Gago talagang Adrian iyon!"nanlaki lang ang mata ko ng biglang nasigaw iyon ng babaeng ito. Nasa unahan sila ni Michaendra habang ako ay narito lang sa likod. Nakalimutan kong sabihan sya na huwag munang ikekwento kay Yash ang tungkol sa kanina.

Ngumiti ng peke si Michae, "hindi ko alam na may ganoon pala sa nakaraan ni Kilein. Nalaman ko lang iyon lahat kay Chavez eh."

"Naku! Kainis talaga iyon oh! Hindi pala nakinig sa akin! Ang kapal ng mukha!"

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Gaga! Pinagbantaan ko kaya sya noon na wag munang lalapit o makikipag-usap sayo, hayss! Hindi makatiis ang tarantado"

"Shh"saway ni Michae sa kanya. Sinamaan ko si Yashiko ng tingin.

"Bakit mo naman ginawa iyon?"

"Ang alin?!"

"Iyon? Iyong pagbabanta?"

"A-Ah! K-Kasi naman eh! Nakakainis kaya, alam mo bang noon ah, eto ah, kasi nga noong may inaasikaso ka about kay Vianca ay hinahanap ka nya! Lintik ang inis ko! Wrong timing ang lalaking iyon eh!"

"Pero hindi mo dapat ginawa iyon. Alam mong kahit wala na kami ay pinahahalagahan ko pa rin ang kaligtasan nya."

"Traydor nga sya diba?! Paanong--"

"Tama na yan Yashiko. Baka sumabog na lang bigla ang ulo mo"mahinang sita ni Michae dito na syang nagpatahimik sa maingay na babae.

Tahimik na lang kaming naghiwa-hiwalay ng maglulunch break na.

Jehridale's POV

After ng pangyayaring iyon sa kanila ni Adrian ay nakatulala lang ako talaga. Hindi ko maisip na magiging silang dalawa ng lalaking iyon noon. Apat na taon na naming kasama ang lalaking ito, na syempre kaibigan ni Kuya Zein.

Bagaman naalala ko for that past years na palagi itong nakasumbrero at may hikaw sa kaliwang tenga ay hindi ko naman masyadong nausisa pa dahil mabait naman ito. Himdi lang maganda ang trato ko palagi sa kanya dahil sya na lang palagi kasama ng namayapa kong kuya.

Tinutok ko na lang ang paningin ko sa whiteboard. Naguguluhan ako sobra. Hindi ako madalas nakakasama sa lahat ng lakad noon ni Kuya kasama ang lalaking iyon kaya hindi ko nalaman na may ex pala sya for that past 4 years ago. At malamang..si Kilein na iyon na ex ni Adrian, ay kakilala rin ni Kuya.

Shit! Bullshit!

Pero bakit ganon? Hindi masyadong nagkekwento si Kuya about sa girlfriend o mas tamang sabihin ay ex girlfriend ni Adrian sa amin? May pinagtatakpan ba sya?

Kung ano man iyon, sana hindi ito makaakpekto sa pagkakakilala ko kay Kilein. Mas okay sigurong malayo talaga ang loob ko kay Adrian dahil ngayon mas nakilala ko na kung sino sya.

Natapos ang buong morning class namin at wala akong balak makihalubilo. Gusto ko munang mapag-isa dahil--

"Ano ba iceberg! We have to continue living no! Besides ano ngayon kung ex ni Adrian si Kilein?! Nagseselos ka na ba?"

"A-Ano?! No wayyyy! Hindi ako nagseselos dun! At hinding hindi mangyayari iyon!"

"Sus! Makareak ka nga ngayon apektado-apektado ka eh! Halata kaya!"

"Hindi nga sabi eh!"

"Kakain na tayo sa baba or magsisigawan kayong dalawa?"masungit na angil ni Timrelli. Sinamaan ko ng tingin si Airon dahil bukod sa parang pangangantyaw ni Natheleo ay mukhang may binabalak ang dalawang ito ah.

"Alam nyo? Kung ako sa inyo wag nyo na ituloy, baka.."pinanliitan ako ng mata ng ibwiset na ice cream. Sumama ang mukha ko.

"Baka ano?"

"B-Baka hindi na kayo magkaroon ng mga affairs nyan"

"A-aba aba! Ano akala mo sa amin manhid?! Tara na nga! Psh, indenial na kasi hindi pa umaamin"

"Anong sabi mo?!"

"Shh!"si Tim. Wala ako sa mood na naglakad papauna sa kanila. Badtrip tong mga kasama ko, hindi ba nila alam na may puso pa ako? May delikadeza kaya ako! Akala nila sa akin walang taste sa babae?! Lakas makareak na nagseselos ako. Ano bang pakialam ko sa Kilein na iyon?! Wala akong paki kahit mag-asawa pa sya! Sapakin ko pa sya eh!

Daming problema sa buhay, dinagdagan pa nya...tsk.

"Gumagawa ng sariling gulo, akala nya kaya nya palaging lusutan bwiset"inis na bulong ko. Nabigla ako ng may umakbay sa akin.

"S-Shinichi?"

"Anong nangyayari sa inyo? Para kayong nakakakita ng isang magandang nilalang?"pabirong aniya. Napangiwi ako. Kahit kelan tomg lalaking ito hindi marunong magjoke. Kainis.

Kunsabagay. Lahat nga naman kami ay nabigla talaga sa kanya. Ano ito? Nakasuot sya ng itim na suite? Saan kaya sya pupunta?

"Saan ka galing Shin?"

"Ah, kakagaling ko lang sa party ng Mommy ko. Don't you know? Today is her birthday"

"Oh?!"

"Yes, nagpaalam ako kay Dean at sa mga prof natin na breaktime ako makakapasok. Anyway kamusta si Kilein? Is she okay?"

Lokong ito. Matapos syang hindi magsabi dyan na may birthday pala Mommy nya tapos itatanong nya lang ang tungkol sa babaeng iyon?

"S-She's--"

"We never saw her early this morning"agarang tugon ni Timrelli. Napatingin naman kaming lahat sa kanya. Nabalutan ng kalungkutan ang mukha ni Shin. Halatado ang pagkadismaya.

"T-Tara na nga, baka magutom lang tayo sa pagintindi sa isang ito"

"Hey grabe ka" natatawa na lang sya. Bwiset talagang hapon ito ah.

Kasalukuyan na lang kaming naupo sa pwesto naming lima. Hinubad na ni Shin ang suite nya.

"Goshh!"

"Ang hot nya ngayon huhu"

"Wala sya kaninang umaga ah, saan kaya sya galing?"

"Waah I don't mind! Now Hanabi's gone, I will stole him!"

"He's mine!"

Sabay kaming natawa ng marinig ang pag-aagawan ng mga babae sa nagpapaimpress na Japanese boy na ito. Para namang ewan itong si Shinichi dahil magandang-maganda ang ngiti.

"Nice one Shin"panunukso ni Airon dito.

"Naku malamang nyan liligawan na nya si Kilein"

Pinanlakihan ko ng mata si Nath, "Ano?"

"Why not! Besides alam na ng buong campus ang tungkol sa inyo. I hope na magdevelop kayo hehehe" sabay tingin sa akin ng gagong ice cream na ito.

"B-Bakit ka nakatingin sa akin?!"inis na tanong ko sa kanya. Ang kupal, imbes na matauhan ay isang hagalpak ang binato sa akin. Napapikit ako sa inis at nagiwas ng tingin.

"Ikaw naman iceberg, masyado kang pikunin hehehe"

"I don't know if she have an effort to date with me."

Napaharap na lang kaming dalawa ni Nath kay Shin. Nag-uusap na pala ang tatlo, hindi kami sinasali. Tsk.

"Why naman?"

"I don't know, it's just. Parang ang hirap nyang abutin mga dude...p-parang nakakatakot syang ligawan. Alam mo iyon?  Hahaha" kakamot-kamot pa sa ulong saad niya. Oo nga eh. Amazona at tomboy pa, paano kaya naging ex ni Senior iyon? Siguro panay ang utos ng mayabang na iyon sa lalaki. Nakakaawa naman.

"At isa pa, hindi pa rin ako makamove-on kay Hanabi kaya awat muna tayo dyan...I like Kilein but...I love Hanabi... there's some circumstances that it would be impossible for us to grow more..."

"Oo nga eh. Nakakalungkot isipin na hindi man lang naging kayo ano? Hindi mo man lang sya nakasama ng matagal.."

"It doesn't matter Dale. It doesn't matter kung hindi naging 'kami' noong nabubuhay pa sya....as long as alam ko naman ang nararamdaman nya para sa akin...I care a lot for that"

Napasinghap na lang ako. Wala na akong masabi. Lahat na lang kasi ng pambabara ko may kaakibat na sagot. Pero, sa palagay parang guminhawa naman na ang pakiramdam ko. Akala ko kasi magpapakasadboi na ito habambuhay.

Ang mga lalaki, nasasaktan din naman. Hindi lang nila pinahahalata kasi ayaw nilang matawag na mahina, o hindi naman kaya ipahalatang mahina sila. Katulad namin. Ilang beses man kaming masaktan, sinasarili na lang namin. Hindi naman sa ayaw namin ng simpatya, siguro katangian lang ng mga lalaki ang ganito.

Kaming lima. The 5. Sikat kami sa lahat ng estudyante dito sa SMU, a lot of money we have, the less of trust we give. Although iniisip ng iba na perpekto na ang buhay namin ay ang totoo, mga tao lang din naman kami. May mga pinagdadaanan at pinaglalaanan. Namamatay at nabubuhay.

"Oy, palagay mo makakasama si panda sa Chairty event next week?"

"Aba malay ko, itanong mo kay Panda baka malaman mo ang sagot--"

"Namimilosopo ka Nath, di ka nakakatuwa"

"Oh bakit? Hahahahaha! Kinginang toh, wag mo kasing itatanong sa akin bihon! Alam mo namang wala akong alam dyan e, malay ko ba sa lovelife mo, eh hindi naman na ako masyadong nag-uupdate sayo kasi alam ko namang talamak ka pa rin sa chicks"

"Gago"inis na angil ni Airon. Kapwa sila nagtawanan na parang mga tanga. Inumpisahan na naming kumain.

Masaya man ang kwentuhan namin ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi kay Kilein, kundi sa amin ni Aoko. Hindi naging madali para sa akin kanina na ipagtabuyan sya ng kaibigan ko. Para ngang gusto ko rin syang kausapin, kaso napipigilan lang ako ng aking sarili.

Hindi ko alam. Hindi naman ako kinakabahan sa tuwing nagkikita kami. Nasasaktan man ako pero hindi masyado. Parang wala lang. Minahal ko naman sya. Pero hindi ko naramdaman, ewan. Basta ang gulo.

Nag-angat ako ng tingin bigla ng makaamoy ng pamilyar na pabango. Ang tapang ng amoy nya. Aficionado.

Walang imik itong tinabig ang isang babaeng nakaharang sa dinaraanan nya. Naalala ko iyong ginawa nya sa akin noon. Hindi ko inaasahan ang pagdating nya. Hindi ko rin inaasahan ang mga natuklasan ko ngayon. Kung titimbangin ang mga pagsubok na ibinigay sa kanya ng Langit, sigurado sira na ang timbangan dahil nasa kanya ang may pinakamabigat na mga problema.

Siguro naging tama lang ang desisyon ko. Siguro kailangan ko lang maghinay-hinay sa tuwing mag-uusap kami. Hindi naman sa ginagawa ko ito dahil naaawa ako sa kanya. Kundi para makabawas na rin sa problema. Hindi naman ako masamang tao eh. Dahil alam ko ang limitasyon ng pagiging demonyo ko sa tao.

Nang eksaktong mapadaan sya sa direksyon namin ay nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko maintindihan. Parang magkahalong galak at kaba ang nababasa ko sa mga mata nya. Hindi man sa reaksyon ng mukha nya binabase. Napansin kong habang tumatagal, ang mga mata ni Kilein, ang syang may pinakamaraming nasasabi.

Ilang beses ng pumapasok sa isip ko. Ano kayang magiging silbi nya sa buhay ko? Bakit kahit anong pilit kong paglayo sa kanya, parang itinutulak ako ng tadhana papunta sa kanya?

Shit! Masama na ito!

itutuloy..


Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 71 16
request open: January 3rd, 2022 Request close: July 28, 2022
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
15.2K 400 8
Slow updates so bear with me!! Lucifer X Adam wattpad story becuz I can't find any AdamsApple story on wattpad. Lute and many other exterminators die...
444K 24.5K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...