THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 110

101 43 1
By Rheevie


Thrianne's POV

Kakauwi ko lang ng bahay mga bandang ala-una ng umaga. Sa totoo lang wala pa akong balak umuwi talaga dahil gusto kong magpalipas sana ng gabi doon.

Naabutan kong tulog na tulog si Orange sa sofa kaya naman naligo na lang ako at nagbihis. Kumilos ako ng walang nililikhang ingay.

Humiga ako sa banig na nilatag ko sa sahig. Ewan. Trip kong matulog ngayon dito.

Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hininga. Inhale. Exhale. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Para akong napapraning. Andami kong kailangang solusyunan na problema. Ang kaso ng kay Ethana, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Marami ng gumugulong konklusyon sa isipan ko. Maraming hindi nagkakatugma. Tao lang din ako, at natural. Kakabahan sa posiblidad na kahahantungan ng lahat. Inaalala ko rin si Orange.

Ayaw kong mangyari din sa kanya ang nangyari kay Ethana. Ilang beses nang pinagbantaan ng mga sangganong iyon ang buhay nya. Hindi talaga maiiwasang may mangyaring hindi maganda, lalo na ngayon, alam kong ito pa lang ang umpisa.

Kinabukasan

Nakatulog ako ng halos 5 oras lang. Kinukusot-kusot ko ang ilalim ng aking mga mata. Pipilitin kong magising ng ganito kaaga.

Naligo at nagbihis. Pagkatapos, sinuot na ang uniform ng SMU. Sinuklay ko ng maayos ang buhok. Hindi ko na tinalian. Hinayaan ko lang na lumugay ito, tutal hanggang lagpas sa balikat naman ang haba nito. Nagspray rin ako ng aficionado.

Pinagkunutan kaagad ako ng noo ni Rangovine matapos akong bumaba na parang walang nangyari. Pero hindi naman na sya nagusisa. Inalatag na lang nya ang kakainin ko sa mesa.

"Walang kamote?" nakangiwing usisa ko. Inismiran nya lang ako. Pero bumuntong hininga na lang sya.

"Saging na saba ang available dai, kainin mo na lang"

Wala na rin akong nagawa kundi ang umupo at kainin ang limang saging na saba. Hinog ang mga iyon, masarap talagang kainin. Namiss kong kumain ng saba noon. Mabuti na lang at ito ang inihain nya.

Ilang saglit pa.

"K-Kamusta na pala 'yong pagdalaw mo sa...namayapa mong kaibigan?"

Padabog kong naibaba ang baso na may gatas. Walang emosyon ko syang tiningnan.

"A-Ah eh...sorry. Hindi ko na dapat pala tinanong.."

Hinagilap ko ng paningin ang gatas na nasa baso. Ang pagiikut-ikut ng nakahalong liquid sa gatas ay pinagmamasdan ko.

"Ok naman..." walang buhay kong tugon. Pagkasabi nyang iyon ay kaagad nyang ibinalik ang paningin sa kinakain. Naupo ako sa sofa at inistretch ng dahan dahan ang likod. Kinuha ko ang medyas at black flat shoes.

SMU

"Oh, nandito na ang mga siga" nakahalukipkip na humarang sa amin si Vanessa. Lintik. Wala bang kadala-dala ang babaeng ito? Halos araw-araw pineperwisyo kami. Hmm. Ang totoo nyan, hindi ko na isinasama ang ilan sa mga pambibwiset nito sa amin.

Kasa-kasama ang mga alipores. Inismiran ko lang sila at pinagbabangga ang mga balikat. Hindi ba sila nagsasawang humarang sa dinaraanan ko? Tsk. Todasin ko na kaya ang mga ito?

"T-Thrianne...."

"Ha?"

"Ok ka lang ba? K-Kung hindi ka ok magsabi ka lang..."

Hindi ko na sya kinibo. Ano bang nasa isip nya? Tsk. Ok naman ako. Yun nga lang kinulang ako sa tulog. Pero palagay ko ayos naman ako.

"Hi Kilein!" salubong sa amin ni Princess. Isang linggo itong hindi nagpakita sa madla. Ang alam ko, inayos nya ang mga papeles sakaling ilipat sila ng kanyang kapatid na si Nadia sa Palawan. Bakit ko alam? Nalaman ko lang. Hehehe.

"Oh Princess!" salubong ni Orange sa kanya. Sabay kaming tatlong pumasok sa room.

Wala akong imik na naupo sa sariling upuan. Nakakatamad. Pakiramdam ko parang nagugutom na naman ako. Nakakabawas ng lakas ang sobrang pag-iisip. Tsk.


Jehridale's POV

"Papasok na ako ate tsk" inis kong ibinaba ang tawag. Nasa SMU na ako at hanggang ngayon nag-aalala pa rin sa akin si Ate. Hehe. Nag-inuman lang naman kami nila Shinichi kagabi.

Oo. Iyon talaga ang plano namin at ayaw naming mabulilyaso kapag nalaman iyon ni Kilein. Alam ko kasing binabantayan nito ang bawat galaw namin. Maigi na iyong nag-iingat. Ayaw rin naming iasa ang kaligtasan namin sa iba.

Bagaman may hang-over ako ng kaunti ay medyo guminhawa ng husto ang pakiramdam ko. Pero. Pumuno ng sandamakmak na katanungan ang nasa isip ko tungkol sa kinalaman ni Jhin kay Aoko. At kung anong koneksyon nila Harly kay Kilein.

Hindi naman iyon ang eksaktong pinag-usapan namin kagabi. Tinakasan lang namin ang reyalidad. Maigi na iyon kaysa buong taong mamihasa sa kasawian.

Habang sa paglalakad ay nahagip ng paningin ko si Senior Adrian. Mukhang seryosong-seryoso ang mukha nito habang papunta sa isa sa mga building dito. Parang may pupuntahan sya.

"Saan kaya sya pupunta? Tsk," parang gusto ko iyong malaman. Masama ito. Nagiging chismoso na ako katulad ni Nath. °__°

Maagap kong sinundan ang lalaki habang umiiwas sa mga babaeng nagkakandarapa sa akin.

Maingat at walang ingay kong sinundan ang mga yabag nya. Papaakyat sa ikalawang palapag. Teka, pamilyar sa akin itong pinupuntahan nya.

"J-JD?"

O_O

Natigilan ako sa pagsunod ng marinig ang boses na iyon. Pero imbes na lingunan sya ay pinagpatuloy ko na lang ang pagsunod kay Senior Adrian.

"J-JD! P-Please...can we talk?"

Patuloy lang ako sa pag-akyat. Alam kong dito sya patungo. Sa floor na ito. Pero hindi ko alam kung sino at ano ang pakay nya. Besides, isa ito sa mga teritoryo ko. Sinumang maglakas loob na manggulo, malalagot sa akin.

"JD! Please naman oh! I'm begging you to talk with me!"

Inis akong binalingan sya. Sinamaan ko sya ng tingin pero mukhang hindi sya tinatablan. Ano bang dapat kong gawin? Tsk. Hindi naman siguro takang ipagtabuyan ko na lang sya basta. Pero hindi rin tamang mag-usap kami gayong may sinusundan pa ako e.

Bahala na.

Lakad-takbo ang napapansin kong lakad ni Adrian at palinga-linga sya sa bawat section na matatapat sa kanya. Talagang may hinahanap sya.

Pero sino naman kaya?

Ang alam ko. Ang 3rd floor kung saan ay...

O_O

O______O

O____________________O!!

"Potsa.." mahinang bulong ko sa sarili. No way. Hindi pwedeng magkakilala sila ni Senior Adrian. Siguro nagkakakamali lang ako. Sana nga.

Pero base kasi sa mga ikinekwento sa akin ng mga kaibigan ko, may tendency na magkakakilala sila. Dahil minsan na ring dumulas ang dila ni Senior sa pagkekwento.

Dali-dali akong sumunod kaagad ng walang alinlangan. Ano bang balak ng lalaking iyon? Manggulo dito? Pagkatapos nyang ahasin ang girlfriend ng kaibigan ko ay pupunta sya dito? Kilala ko kasi sya. Hindi sya basta-basta lilitaw sa isang lugar kung walang importanteng gagawin.

Napatigil sya sa isang room at pinasok iyon. Walang alinlangan akong tinakbo iyon at pagkarating ko doon ay...

"Thrianne Kilein Mondrallgo...." rinig kong pagtawag nya sa babaeng umiidlip sa upuan. Nabibigla ang mga kaklase nito specially, sa mga kaibigan niya.

"S-Senior Adrian? Bakit kayo--"

"Thrianne Kilein, mag-usap na tayo ngayon..pakiusap lang" seryosong seryoso itong si Senior. Napakamot ako sa ulo. Hindi ko alam ang nangyayari. Bakit sya nandito? Anong pakay nya sa babaeng iyan?

"O-Oy teh, mag-usap daw kayo" gising pa ni Prince dito. Namamalikmata namang nagising ang magaling na babae at pagtingala nya ay doon nawalang bigla ang emosyon sa mukha.

"W-What's happening?" mahinang tanong ni Aoko na hindi ko na masagot. Kainis! Anong ibig sabihin nito?!!!

"Bakit ka nandito?" malamig na tanong sa kanya ni Kilein. Hindi nagpatinag ang lalaki.

"Matagal kong hinintay ang pagkakataon na makausap ka ng walang iistorbo sa atin. Marami akong gustong malaman...."

"Ano pa bang gusto mong malaman?"

"Sa labas tayo mag-usap"

"Sino ka para utusan ako?"

"Oh sige, dito tayo mag-usap, para malaman ng lahat kung anong mayroon sa'yo at sa akin" matigas na sabi ni Senior. Kitang kita ko ang pagtiim ng bagang ni Kilein habang nagiwas ito ng tingin.

"Jusko, ano bang nangyayari?"

"Malay ko"

Kanya-kanyang bulungan ang mga nasa loob ng room. Kinakabahan ako. Natetensyon ako sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko anytime sasabog na utak ko sa sobrang daming tanong sa isip ko.

Ano bang mayroon sa dalawang ito? Tsk.

Walang nagawa si Kilein kundi ang tumayo at nakapamulsang naglakad papalapit sa amin. Nasa tapat kami ng pintuan. Nang nasa harap ko na sya ay saglit syang huminto at nag-angat ng tingin sa akin.

Nahiwagaan ako sa paraan ng pagtitig nya ngayon sa akin. Hindi ko maintindihan. Para syang...nalulungkot? Naawa ako. Hindi ko maunawaan. Halong halong emosyon ang nasa loob ko.

"Padaan" utos nya ng hindi pabalang ang tono. Nanghihina at walang pwersa. Ano na namang panibagong sakit sa ulong dala nito ngayong araw? Badtrip.

Pero sa halip na usisain sya ay bahagya akong umalis sa pagkakaharang. Sinundan sya ni Senior Adrian na seryosong-seryoso ang mukha. Nakakatakot. Parang gusto nitong sumabog sa isang iglap.

Nang makita kong parang nakikiusyoso na ang mga kaklase nito ay sinamaan ko sila ng tingin.

"May klase pa kayo diba?! Pumasok kayo doon sa loob!"

Dala ng kanilang takot ay wala na rin silang nagawa kundi pumasok sa loob ng room. Saka ko na lang napansin na wala na sa paningin ko sila Kilein. At pati na rin si Aoko.

Hinagod ko ng tingin ang buong paligid. Baka sakaling maabutan ko pa sila.

"You didn't tell me! You didn't tell me about this Kilein!"

O_O

Kaagad akong bumaba mula sa third floor ng fire exit. Dito ko sila narinig. Ang malakas na sigaw ni Adrian ay umalingawngaw maski dito sa taas. Senyales na galit na galit sya.

"Ano bang dapat kong sabihin sayo?"

"What?!"

"Ano nga bang dapat ko pang sabihin sayo? Kaso kung magtatanong ka lang ng hindi pa buo ay papasok na ako"

"Wag kang pilosopo, I know you're doing this because you don't want me to know that you're came back! Noong Wednesday, remember?! That first day of your comeback in SMU, wala kang pasabi?! And you're trying to ignoring me na like wala lang ako sayo?! Para akong insektong dinadaan-daanan mo?! Pinsgmukha mo akong tanga alam mo ba iyon?!"

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!"

Naabutan ko sa aking pagbaba si Aoko na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Nakaramdam ako ng inis. Bakit pa sya nandito? Tsk.

Napahilamos ng marahas sa mukha si Adrian, "hindi mo alam?! Ano bang hindi mo alam?! Para mo akong sinasaksak ng paulit ulit sa pag-iwas mo sa akin! Ano bang naging kasalanan ko sayo?! Ano bang naging mali na nagawa ko para ganituhin mo ako?! Umalis ka ng walang paalam at babalik ka na parang wala lang!"

"Paulit ulit ka na!" Naririnding kamot sa ulo ni Kilein. "Iyan ba ang gusto mong itanong sa akin?! Kung bakit hindi ko sinabing nakabalik na ako? Ano pang saysay?! Ano pa bang pakialam mo?!"

"Anak ng tokwa.." napaangat ako ng tingin ng marinig siya. Sila Nath at... Allison? Bat nandito sya?

Hindi ko na lang inintindi pa. Ibinalik ko ang mga mata sa dalawa.

"Pakialam ko? Haha...syempre maman may pakialam ako Kilein. May pakialam ako, may karapatan akong makialam sayo."

"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo Adrian, anuman ang naging sanhi ng pagbalik ko, hindi para sayo iyon"

"A-Ano? Hindi ko maintindihan.."

"Nagbalik ako dito sa Cavite dahil...kailangan ko. At ang kailangan ko ay ang kapayapaan para sa panibago kong buhay...at hindi para sayo. Hinding hindi ko idadahilan iyon. Dahil wala naman ng 'tayo'"

O_O

Nanlaki ang mga mata ni Senior Adrian. Iiling iling ito na animo'y nababaliw na.

"Hindi...hindi totoo yan..nagsisinungaling ka lang hindi ba?"

Nagbaba ng tingin si Kilein at ngumisi, "Magagawa ko pa bang magsinungaling sa taong pinili akong iwan para sa iba?"

O_O

W-waaaahhh..

Waaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!

WAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!!!!

Naiwan kaming tulala. Hindi kami makapaniwala. Iwan? Si Thrianne Kilein? Iniwan ni S-Senior Adrian para sa iba?! Waaaaaahhhhhhh!!! Hindi ito totoo!! Hindi ito-

"Bakit?! Bakit hindi mo ako sinundan?! Bakit hindi mo ako pinigilan ng umalis ako?!"

Teka...TEKAAAAA LANGGGGGGGGGG!!!!!!!

"Ang lakas mo namang manumbat sakin, samantalang ako, na iniwan mo, hindi ako nagalit. Hindi kita sinumbatan. Mahal kita eh, kaya pinili kong unawain ka. Pinili kong hindi ka sundan."

Naiiling na ang lalaki at namumula na ang kanyang mga mata.

"H-Hindi...hindi iyan...totoo.."

"Noong naglakad ka na papalayo sa akin, kinaya ko. Kahit may kasama ka ng iba. Kinaya ko pa rin. Tinanggap ko. Kasi alam ko, sa babaeng iyon, doon ka magiging masaya. Kaysa sa akin, na walang konkretong pangarap sa buhay. Alam kong alam mo, hindi ko kasalanan ngayon kung bakit ako ang umiiwas sayo. Pinili ko lang kung ano lang ang alam kong tama para sa atin"

"Alam kong hindi totoo ang sinasabi mo. Alam kong nagsisinungaling ka lang..kung mahal mo talaga ako...susundan mo ako. Pipigilan mo ako. Gagawin mo ang lahat para...hindi ako sukuan--"

"Hindi ako ang unang sumuko sa ating dalawa" singit kaagad nya kaya hindi natapos ni Senior ang huling salita, "kung inaakala mo na gagawin ko iyon dahil girlfriend mo ako noon, nagkakamali ka. Alam mo ang estado nating dalawa. Hindi ako ang unang kikilos para sayo."

G-Girlfriend?! Ex-girlfriend sya ni Senior Adrian?! What the hell!!!!

"So wala lang talaga ako sayo?! Hindi ka gagawa ng paraan? Kaya wala kang ginawa?!"

"Hinding hindi ako gagawa ng paraan Adrian. Kahit mahal kita, hinding hindi ko gagawin iyon"

"Bakit?! Dahil ba sa pamilya mo?! Hindi ba't ibinaba mo ang sarili mo para lang maabot kita?!"

"Oo, iyon nga ang problema. Nagkamali ako sa puntong iyon."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo bang, nang dahil sa'yo ay itinakwil ako ng tuluyan? Naging pariwara ang buhay ko sa isang iglap.."

"Hindi ko...maintindihan..alam kong...kaya mo ako iniwan ay dahil..."

"Wala kang alam Adrian" matigas na sabi ni Kilein.

"Ano bang hindi ko alam Kilein?!"

"Ibinuhos ko ang lahat...lahat ng oras ko para maibigay ko sayo ang regalo na ibibigay sana ni Chairman para sayo"

"Ano?"

"K-Kaso...bigla mo na lang akong iniwan...hindi ko naibigay sayo yun..."

"Ano bang...ibibigay mo? Gaano ba kaimportante iyon Kilein?"

"Singsing" matamlay na sagot ni Kilein. "isang singsing na ibibigay sana nya sayo, pero pinili nyang ako ang magbigay. Gusto kasi nya na ako mismo ang magpropose sayo.."

O_O

M-Magpopropose?! Magpopropose??!!!! WAAAAAHHHHHHH YAMEROOOOOOOOOO!!!!

ISA ITONG MALAKING KALOKOHAN! BABAE?! MAGPOPROPOSE?! GAGO BA SYA?!!!!!!

"K-Kaso....n-naaksidente si Chairman Kaede....h-hindi ko na...naibigay...w-wala na...hahaha..." malungkot na pahayag ni Kilein. Nag-angat aya ng tingin at tumingin sa kisame. Huminga sya ng malalim. Parang nagpipigil syang ilabas ang kinikimkim sa pagkatao nya.

Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit...bakit ako nag-aalala? Hindi naman dapat hindi ba? Naiinis ako. Pero hindi ko alam kung bakit at paano. Napakarami mong pinagdadaanan Kilein. Pero ang isang ito. Na pinakamalaking rebelasyon sayo ay parang hindi ko na kaya pang idigest sa utak ko. Masyado mo kaming pinagisip. Nakakainis ka.

Simple ka lang namang babae. Mayabang at totomboy-tomboy. Malakas pang mang-asar. Pero...hindi ko alam na ganito pala ang mga pinagdaraanan mo.

Una ay iyong sa pamilya mo

Pangalawa sa mga kaibigan mo

Pangatlo ay ito...hindi ko inaasahang si Senior Adrian pala...ang unang lalaking minahal mo. Hindi ko alam kung anong irereak ko. Wala naman kasi akong karapatan para gawin iyon. Kaaway ko nga sya diba? Tsk. Sakit sa ulo.

And worst...proposing to a man that you cannot expect he will leave you someday? The fuck..

"Iyong eksaktong...araw na nakipagbreak ka akin Adiran.....naalala mo?"

"B-Birthday mo?"nauutal ngunit parang maiiyak ng sagot niya. Malungkot na ngumiti si Kilein.

"October 11..that was the painful day of my life...bukod kasi sa pakikipagbreak up mo noon sa akin, namatay ang Lolo ko sa aksidente. Pinili nyang sya ang humabol sayo. Kaso wala...namatay ang Lolo ko para lang maging maayos ang relasyon natin alam mo ba iyon?"

"A-Ano?!"habol hiningang naisatinig ni Allison. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano? B-Bakit...Bakit hindi mo kaagad sinabi?"

"Mabubuhay pa ba ang Lolo ko kung sasabihin ko pa?"

"W-Wala na ba talagang pag-asa... kilein? Hindi ba't..mahal mo ako? Mahal mo pa ako diba? Diba?"

"Oo mahal kita..."malungkot na sagot ni Kilein, "pero naubos na. Wala ng natira sa puso ko simula ng iwan mo ako. Wala na Adrian.."

"Wala nang...pag-asa? N-Na magkakaayos tayo?"

"Hangga't hindi pa nabubuhay si Chairman Kaede, hindi na ako makikipag-ayos...sinakripisyo ko ang buhay nya para sayo. At hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko. Napariwara ang buhay ko dahil sayo. Nawala ang mga mahahalaga sa akin sa isang kisap."

"H-Hindi..hindi maaari.."

"Tama na Adrian...tapusin mo na ang paghihirap ko sayo. Sapat na iyong minahal kita noon, na naging tayo noon, na ibinaba ko ang lahat lahat sa akin para lang maabot kita...tama na.."

"Kilein! Please! I-I'm begging you..."at iyon nga, napaluhod sa sobrang pagkabalisa si Senior. Hindi sya makalapit kay Kilein. Kilala na nito marahil ang ugaling mayroon ngayon ng babae.

"Nagbago ako dahil sa paglisan mo... napakaraming naisakripisyo...nasayang lang lahat heheh..."

"A-Alam kong...maibabalik pa ang lahat...maibabalik pa iyan..."muli ay tumayo ang lalaki at pinilit na mayakap ang babaeng pinipilit ng umiwas sa kanya.

"Hinding hindi na maibabalik ang nawala na Adrian..."sobrang nakakahawa ang boses ngayon ni Kilein. Sobrang paghihinagpis. Kahit anong pigil nya ay kitang kita ko ang sasabog nyang damdamin. Nakakaawa. Gusto ko ng pahintuin ito. Gusto kong bumalik sa nakaraan. Kung saan nagkakilala kami bilang magkaaway. O mas maganada kung...hindi na lang kami nagkakilala. Wala ng mas hihigit pa sa taong masa harap ko.

Na mas piniling isakripisyo at kalimutan ang lahat para lalaking pinili syang iwan...napakasaklap...

Nakapa ko ang aking sarili. Naninikip ang dibdib ko. Parang sasabog ngayon ang puso ko sa sobrang hiya at pagkadismaya. Kainis. Kainis. Hindi ako makakilos. Gusto ko na itong matigil. Ayaw kong makitang nanghihina si Kilein. Hindi ito ang Kilein na kilala ko.

Mahinang Kilein ang nakikita ko eh. Naninibago ako sobra. Kaharap nya ang lalaking minahal pala nya noon. Wala kaming kaalam-alam. Akala ko...akala ko kilala ko na sya. Hindi pala.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Sabat ni Allison. Inaawat na sya nila Prince at Airon. Si Rangovine naman ay nakahalukipkil lang at masama ang titig. Nya kay Adrian.

"Huh?"

"K-Kung ganon...ikaw ang ex ni Adrian?"

"Why do you have to care?" seryosong singit sa kanya ni Tim.

"All this time. A-All this time naglilihim kayo sa amin? N-Na magkakakilala pala kayo?"

"Allison tama na-"

"Kaya pala...kaya pala nakitaan ko na kayo noon palang. Ilang beses na. At ang nakakainis, hindi ka nagsasabi Kilein. Bakit nga ba hindi mo sinasabi? Para ano? Mysterious lang ang peg?"

"Tama na Allison please--"

"Hindi eh! Tinuring natin syang kaibigan kahit hindi naman nya tayo tinuring na ganon, hindi masamang magkwento paminsan-minsan Lein, nakakasama ng loob eh. Napakarami mo palang sekretong itiantago sa maangas mong pagkatao. Ano yan? Parte ng palabas mo? Alam mo, sa lahat ng taong pinakamasahol, ikaw yata ang nagiisa. Wala kang pakiramdam. Wala kang pakialam sa paligid mo, sa mga nararamdaman ng mga nakapaligid sayo."

"Hindi naman kasi kayo nagtatanong" malamig ng tugon ng babae. Marahas na nagbuga ng buntong hininga si Allison.

"Nagtatanong naman kami paminsan-minsan sayo ah, kaso kung sumagot ka pabalang! Malaki kang question mark sa lahat Lein! Iniisip ko lang madalas kaya ka hindi nagkekwento ay dahil hindi mo iyon ugali! Pero sana intindihin mo rin kami--"

"Bakit?"nabahiran na ng pagkauyam ang mukha niya. Kaiba sa kaninang ekspresyon nito, "bakit nagagalit ka? At isa pa, hindi ko obligasyong magkwento. Layunin ko lang makapag-aral dito."

"Pero kahit na! Feelings ni Adrian ang nakasalalay dito Lein!"

"Ano ba kasing pakialam mo sa feelings niyan?!" hindi na napigilan nito ang mainis. Nature na nya iyan, "at bakit ba sobrang apektaddo ka?! Eh ginawa ka lang namang parausan ng gagong ito?!"

"kilein! Enough!"

"Ang lakas ninyong magalit sa akin! Malaki pala ang problema ninyo sa ugali ko, bakit hindi pa kayo magsilayas sa buhay ko?! Malihim nga ako diba?! Gago, tarantado, siraulo at king ani-ano pa! Kinakaya ko ang mga salitang ibinabato nyo sa akin hangga't kaya ko! Wala naman na akong ginawang tama sa buhay ko diba?!" paghihimutok ni Kilein. Isinigaw na nya ang lahat sa mga salitang binibitawan nya ngayon.

"Ano ngayon kung maglihim ako?! Ugali ko iyon eh! Kailngan ba dapat alam ninyo ang kaganapan sa buhay ko?! Iyong inyo naman hindi ako nagtatanong diba?! Pumasok ako sa SMU kasi gusto kong makatapos! Gusto kong may maipagmalaki para sa pamilya ko! At hindi para makipagchismisan, hindi para ipagmalaki ang mga nakaraan ko.."pagpapatuloy nya.

"Mali pa din ang ginawa mo Lein..."

"Oo ako na ang mali.." saad nya, "pero huwag mo akong susumbatan na parang ako lang ang may kasalanan dito."

"And now you're blaming me?!"

"Oo!"

"Do you have really respect for Adrian?!"

"Allison! Tama na!"

Hinarap ni Allison si Kilein, "Nakakaloka ka, wag na wag mong susumbaran din dito si Adrian dahil wala kang alam sa pinagdadaanan nya!"

Tahasan na syang mapit kay Ali, doon na ako lumapit sa kanila para umawat, "Pwes wala ka ring alam sa lahaaaat ng pinagdadaanan ko dito Allison!"

"Well you deserved to be punish! Mali kasi ang buhay mo, maling mali, yuo don't deserve for the better change of yourself Lein"

"Mali rin naman ang ginawa mo..kwits na tayo.."

"Ah talaga? Talaga?!"

"Oo, nakaktuwa nga eh, tinanggap kita sa maling buhay na meron ako,  pero hindi mo alam, na alam ko na ang lahat sa pagkatao mo"

"Oh? Sige sabihin mo nga...marami akong pinagkaiba, minahal ko si Adrian at you know that he surpassed me. He is worth to be loved kaya ka iniwan..."

"Mali ka..."

"What?!"

"Heheh.."

"Tama na Allison--"

"Dahil ang pinagkaiba...nasa iyo ang lahat Allison, pero hindi napunta sayo ang puso ni Adrian...hindi ka nya minahal kahit minsan...he's just using you for 'parausan' kumbaga.."

"Hindi! I know na minahal nya rin ako dahil may nangyari sa amin!"

At pinagmamalaki pa?! Anong klaseng mindset meron sa babaeng ito?!

"Nakakaawa ka sobra...alam mo ba yun?"

"I don't understand you! Devil!"

"Hindi mo talaga maiintindihan, lalo na kapag sinabi ko sayo na 'ako' ang dahilan kung bakit 'ikaw na tanga' ay gingamit lang para makalimot..."

O_O

Oh shiiiittttt....

"Tama na Kilein..." Seryosong pigil dito ni Timrelli. Nagpumiglas si Allison dito at hinarap si Adrian.

"Is this true?!"

Matinding tensyon talaga ngayon. Hindi ako makasingit dito. Wlaa akong lakas. Napakarami kong natuklasan ngayon...ayoko na. Ayoko naaaaaaa!

"Is this true?! You're using me?!"

"A-Allison...let me explain--"

"Hayop ka!" laking gulat na lang nang lahat ng biglang sumulpot si Timrelli at malakas nyang pinatumba si Adrian gamit ang kamao nito. Kaagad syang hinarangan ni Natheleo.

"Inahas mo ang ex ko para lang parausan?! Gago ka?!"

"I-I'm sorry--"

"Ilang percentage yang kagaguhan na mayroon yang katawan mo ha?! You're using ladies to forget your pasts?! How dare you! "

"Timrelli!"

"Awat na dude! Tama na yan!"

"Shhk" hindi ko nahagip ng paningin si Kilein dahil nasa harap na sya ng lahat at pinigilan si Timrelli. Lumapit na din ako sa kanila.

"Ngayon, tignan mo kung gaano kalaking gulo ang pinasok mo Adrian. Ang lawak diba? Nangiwan ka na nga, nanira ka pa ng relasyon. Tumatanda ka na ng paurong, isip tungaw ka pa rin" maangas na pagkakasabi nya. Naiwan akong natulala sa harap ng lahat.

"K-Kilein..."

"Manahimik ka na...wag na wag ka ng magpapakita sa akin, baka hindi ako makapagpigil at mapatay kita.." walang halong birong angil nya saka iniwan ang lahat. Panibagong sakit na naman ito sa ulo..

Timrelli's POV

Matalim kong tinitigan si Adrian habang naglalakad ito palayo. Tinangay naman ni Prince Greg si Allison sa room nila. Mabuti na rin siguro iyon, ng hindi ko na makita ulit ang nakakainis na samyo nya.

"Waaaaah Santisima!! Santisimaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!" at sa huli. Ang maingay na bunganga ni Natheleo ang umalingawngaw na naman sa buong fire exit. Habol hininga ko pa ring nasundan ng tingin ang ahas na lalaking iyon. Napakahayop nya. Hindi ko akalain na may nabubuhay pa palang ahas na nagaanyong tak ngayon. At si Adrian ang nabubuhay na iyon.

"Isa na namang sakit sa ulo.."mahinang singhal ni Airon. Actually, apat lang kami rito. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Shinichi. Mabuti nga wala sya rito, ng hindi sya lalo masaktan sa mga maririnig nya. 

"Haysh! Grabe! Grabe talaga! Woah! Mahaba-habang prusisyon kanina ah! Dapat pala nagdala ako ng popcorn--"

"Gago ka Nath!"saway ni iceberg dito. Iniangat ko ang kanang kamay ko. Nararamdaman ko ang pagkirot nito. Ito kasi ang ginamit kong pangsapak sa gagong iyon. Kung pwede lang durugin ko na sya eh.

"Pumasok na tayo...pag nalaman ni Dean ang nangyari sigurado lagot na naman tayo"

"Hindi ko talaga iyong kanina..."mahinang bulong ni iceberg. Ako rin. Hindi talaga inasahan. Napakarami naming narinig mula kay Kilein. Grabe, iyon pala lahat ng pinagdaanan nya. Nakakaawa sya.

"Ibang klase talaga sya ano? Bukod sa may malupit pa syang pamilya, may malungkot pa syang lovelife noon. Sinalo na nya lahat ng pabigat sa mundo. Samantalang tayo. Napakaswerte natin kahit papaano. Kasi hindi natin naranasan ang mga iyon. Nakakalungkot lang kasi inaway away pa natin sya noon."

"Kung nalaman natin lahat iyan, palagay mo kaya makikilala pa natin ng husto si Kilein?" si Airon.

Tama sya. I can't believe na may mga ganitong pangyayari pala sa mundo? Sa babae pa ibinabato lahat ng iyon. Kung sakin nangyari baka hindi ko kinaya. Nung sinaktan ako ni Allison noong naabutan ko sila ni Adrian ay kinaya ko pa. Pero iyong...namatayan ng mahal sa buhay dahil isinakriprisyo para sa pagibig? Grabeng impact nun.

Isa pa sa matinding patama ay yung natuklasan lately kay Michaendra. Kapwa ko sila nakita ni Kilein sa isang private place kung saan inilalagak ang mga abo ng ilang matataas na tao.

Hindi kaya...ang Chairman Kaede na tinutukoy ni Kilein ay nasa lugar na iyon? Pero imposible. Muli kong chineck ang lugar na iyon kaninang umaga at wala naman akong nakitang kakaiba.

Oh baka naman...may nakaligtaan akong detalye dito...

"Kaya ikaw iceberg," inakbayan ni Airon si Dale, parang wala lang sa isang ito ang nangyari, "wag mo ng pagtripan si Kilein, she doesn't deserve this kind of treat. Nakakaawa kaya sya"

"That's right, ang dapat lang na gawin mo, mahalin sya diba Airon?" at syempre ugali ni Nath na manukso ay nginiwian lang sya ng kaibigan namin at malakas syang ifinulak kay bihon.

"Woah woah woah! Galit! Hahahahahahaha!"

"Gago ka talaga! Tsk, w-wala akong gagawin sa kanya no! Wala na!"nauutal pa nyang wika. Pigil lang ang tawa namin ng magwalk out na sya.

Sinundan lang namin sya ng mapansin kong parang may tunog pa ng takong. Lahat naman kami dito ay nakarubber shoes.

Saglit akong napalingon sa likod at...

"A-Alomira?! What are you doing here?!"

Natigil silang lahat sa paglalakad ng sigawan ko ang isa pang bwiset na babae. I know si Jehridale ang sinaktan nys pero, hindi ko maadmit na makita ang nakakairitan nyang mukha. Magkapareho lang naman sila ni Allison. It really feels the same.

"Why are you following us?! Huh?"

"A-Ano.. kasi..."

"Alomira?"lapit naman sa kanya ng kaibigan namin. Hinarang ko sya at hindi hinayaang makalapit dito.

"Ano bang ginagawa mo dito? Tapos na ang palabas! Umalis ka na!"pagtataboy ko dito. Pero hindi sya natinag. Pinilit nyang makalapit kay Jehridale. Which I'm not let her allowed to do it.

"Umalis ka na Alomira please..."mabuti na lang at nakisama rin si Iceberg.

"Pero...I- I want to..."

"Umalis ka na sabi! Umalis ka na! Umalis ka naaaaa! Huwag ka ng papakita sa akin! Naintindihan mo?!"ganiyan din ang isinisigaw ko ngayon kay Aoko. Hindi pa ba sapat na sinaktan nya si Jehridale? Bakit pa nya kailangang sumawsaw palagi?

Sa pagkayamot ko ay pinauna ko na sila Nath at Airon. Tinangay ko si Jehridale gamit ang pag-akbay ko sa kanya. Pareho lang kami ng pinagdadaanan, so I be?








Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 150K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.3M 190K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
807K 21.1K 140
Just some oneshots of y/n and Natasha :) Reader is female so I'm using she/her :) I do Scarlett one shots too, those have (S•J) on them The more re...