THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 108

97 42 2
By Rheevie

Thrianne's POV

"O.M.G. Mga tihhhh! Nakakaloka ka bakla!" niyugyog ni Pringles ang balikat ni Orange. Kanina pa sila nagkekwentuhan pero ni isa sa mga iyon ay wala akong mawatasan.

Nakapokus ang tingin ko sa daanan. Hindi mawala sa isip ko si Aldrico. Alam ko na hindi lang si Jehridale ang pakay nya. Alam ko iyon dahil nagpakalap sya ng tauhan sa cafe na pinagtatrabahuhan ni Orange. Hindi ko maiwasang kabahan.

Sa puntong iyon, kailangan kong mas pag-igihan pa ang pagmamanman. Delikado ang buhay ni Orange ngayon. Kakailanganin ko ang tulong ni Yashiko sakaling puntiryahin nila ang isa sa kahinaan ko.

Nakapamulsa akong humiwalay sa kanila ng mapansin ang pamilyar na naglalakad. Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng kuryosidad na sundan sya. Basta iyon lang ang tanging alam ko. Ang sundan sya.

Pagkaalpas nya sa first floor ay napansin ko ang paglingon nya rito kaya mabilis akong nagtago. Muli ko syang sinundan ng mapansin naman nyang wala namang nakasunod sa kanya.

Nang papunta na iyon sa parking lot ay doon na ako huminto. Nakaamoy ako ng pamilyar na pabango.

"Ano ka ba naman! Syempre iilan lang ang taong nakakagawa non! Alangang lahat ng babaeng nakakalapit sa akin, nakakadate ako. No way. It's a big opportunity for them too. Once na makadate nila ang isang Airon, boom! Hahaahaha!"

Hindi ko maiwasang ngumiwi. Nakatago ako malapit sa kotseng pinagpaparadahan nila Nath.

"Putsa ka naman Airon! Hahhaahha! Baka nakakalimutan mong wala ring pwedeng makadate sa akin ng basta-basta! Hehe, hindi naman ako basta pahuhuli sayo dude, lamang pa nga ako sa'yo ng isang paligo eh!"

"Aba't ang yabang mo hahaaahahha!"

"Psh! Pareho kayong mayayabang! Mga ungas!" pamilyar na boses ang sumingit sa kanila. Sino oa ba? E di yung palaging naiinis pag may usapang ganon, gusto kasi sya palagi ang mauuna. Tsh.

Muli kong sinilip ang naglalakad na tao. Nakakapa syang itim, ang sinundan kong tao na pamilyar sa akin ay naglakad na papalayo sa kinaroroonan namin.

"K-Kilein?"

O_O

Napaharap ako sa likuran ng mapansin si Shinichi. Mukhang nakorner nila ako.

"What are you doing here?"

"Kilein?! Anong ginagawa mo dito? May pinagtataguan ka ba??"

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanila. Hindi ko mapigilang kabahan. Ito ang unang beses na may nakahanap sa akin. Hindi kasi naging maganda ang taguan ko rito. Madali nga naman nila ako makikita dito.

Seryosong-seryoso ang mukha ni Timrelli sa akin, "Are you spying someone?"

Napatingin lahat ng kaibigan nya sa kanya. Ilang beses akong napalunok. Nang mapiga ko ang kuko sa aking daliri ay nakakilos na ako ng maayos. Iniwan ko sila ng hindi ko nasasagot ang mga katanungan sa isip nila.

Timrelli's POV

Nagkatinginan kaming lahat ng umalis bigla si Kilein ng walang simasagot ni isang tanong sa amin. Hindi ko alam kung aning mararamdaman ko dito. Kinabahan ako. Sobra.

Saglit na katahimikan ang namuo sa amin. Walang ni isang salita ang lumabas. Kapwa kami natulala sa nangyari.

Maya-maya pa, nang nakarinig kami ng may umaandar na kotse ay bigla na lang kaming nagiisng sa ulirat.

"Anong nangyari?" unang nagsalita ay si Nath. Nagkibit-balikat si Airon at si Shinichi naman ay napahawak sa baba. Tila may iniisip ang taong ito.

"Narinig nya kaya tayo?" kabadong saad ni Jehridale. Saglit akong napaisip at pilit sinasariwa sa isipan ang reaksyon ni Kilein kanina. Ngayon ko lang sya nakitang nagulat sa presensya namin. Tiyak akong hindi nya narinig ang pinaguusapan namin.

"Hindi siguro" sagot ni Shin. Tumango ako. Base na rin kasi sa reactions ni Kilein, siguro may iba syang pinagkakaabalahan.

"O-Oo nga, kasi alam mo naman, kanina, ang reaksyon ni Kilein"

"Gulat na gulat sya dude" dugtong ni Airon.

"Ano kayang nangyari? Bakit kaya sya nagtatago doon kanina?"

"Kagaya ng hinala ko, baka nagiispiya sya"

"A-Ano?"

Kinabahan ako sa sarili kong hinala. Hindi ito maaari. Sino naman kaya ang minamanmanan nya? May mangyayari bang masama? Wag naman sana. Pagod na kasi akong depensahan ang sarili ko. Palaging nasa panganib ang buhay ko. Hindi mwawala sa akin ang takot. Lalo na't hindi namin kilala ang mga makakalaban namin.

Bukod pa roon, may pinaguusapan kaming mahalaga kanina kaya, hindi namin inakalang nandoon din si Kilein. Siguro naman hindi nya narinig. Sana.

"Mag-iingat kasi tayo sa mga sasabihin mga dude, baka makahalata sila Kilein"

"Tama, kailangang walang makaalam"

Tumango kaming lahat. Naibsan ang takot namin ng mag-imbita na si Jehridale na kumain kaming lahat sa canteen. Hindi na lang namin itinuloy ang balak na lumabas ng school para magmall.

"Kupal kasi itong si iceberg, ano ba kasing nangyari?! After ng 1 year dude, nasira ang pangako mong hindi ka na magkacut ng class,. Tapos ngayon, hays! Rule breaker ka na naman"

"Hindi rule breaker ang tawag dun Nath" nakangising aniya ni Airon.

"Eh ano?!"

"Promise broker! Promise broker ang tawag sa sumisira ng pangako!"

"Santisimaaaaa!!!!"

"Tsk! Mga ulul!"

"Mwahaahahahahaa!" hindi mapigilang mapangiwi sa maarteng pagtawa ni Shinichi. Kinakabahan na rin ako sa taong ito. Baka bumigay sya ng tuluyan.

"Anong kakainin natin? H-Hoy! Wag nyong sabihing.."

Evil smirk.

Bumusangot ang mukha nya gaya ng inaasahan. Pero, nakakagulat na hindi na sya nagreklamo about doon. Napapansin ko rin ang kasalukuyang pagbabago sa kanya. Mukhang may hindi kami alam dito ah.

"Guys," lumapit si Airon sa amin, "what do you think to iceberg?"

Naguguluhan namang humarap sa amin si Nath, "Huh?"

"Dude, he's acting weird." nakahalukipkip kong sagot. Minsan may pagkaslow na itong si Nath eh. Hindi pa nya ata napapansin.

"A-Ano? Paano? Bakit? Saan? Sino--"

"Potsa ka dude! Umayos ka naman!"

"M-Maayos naman ako ah! Tss, oh eh ano? Anong weird sa taong iyon na napapansin nyo ha? Eh dati ng weird ang gunggong na iyon eh"

Psh! Hinaan mo boses mo!"

"Tsk! Sabihin nyo na kasi!"

"Iyon ang napapansin namin kanina pa, dagdag mo pa iyong sinabi ni Shin. Kaninang umaga tumambay sya sa catio mania ng mag-isa, mabuti na lang at nasundan sya ni Shinichi. We don't know what's bothering him."

"Siguro away pamilya lang kaya ganon"

"No dude. This one is weird talaga" singit ni Shin. "Kasi isipin mo naman, kapag isyung pamilya, sinasabi nya kaagad sa atin, pero kapag isyu ni Aoko, nganga tayo. No information came up! Sa iba natin nalalaman ang tungkol sa kanila."

"He's right" tatango-tangong sagot ko. "Pero hindi natin pwedeng balewalain ito ngayon. Couple of days wala na syang ikinekwento sa atin about sa relationship nila, syempre it's a normal hindi ba. P-Pero kasi iba ang asta nya. Hindi sya nagsasabi pero pinipili nyang sarilinin. What's the point here is maybe, may nalaman sya."

"A-Ano?!"

"Shhh!" sabay naming saway kay ice cream. Lintik talaga, napakaingay ng taong ito. Mabubuko kami sa ginagawa nya.

"Enough for that, papalapit na sa atin si Hudas"

Lihim akong natawa sa biglang pagsabi ni Airon sa Hudas ni Jehridale. It simplifies as traitor, what kind of hell is in his mind now? Ano kayang mayroon kay Jehridale ngayon?

"Oh ito na! Tsk! Wag kayong magrereklamo ah!" salubong nito sa amin. Nagkatinginan kaming apat. Hindi namin alam kung sino ang--

"May dapat ba kaming malaman Jehridale?" astig din nito ni Shinichi. Hindi man lang nagbigay ng signal sa paguusisa. Hays nako.

"A-Anong ibig mng sabihin dyan?"

"Hindi talaga kami mapalagay Dale" anito ni Airon, "umamin ka sa amin. May problema ka ba?"

Mabilis syang umiling, "Wala! Wala ah!!"

"Sus! Amigo naman! Umamin ka na, or else sasabihin namin sa lahat mababaog ka na--"

Mabilis na tumayo si Dale at hinarap si Nath, "A-Anong sabi mo?!"

Seriously? He's taking Nath's joke for the real? Confirm. May problema nga ito.

"Pfft hahahaha"

"B-Bakit? Ano bang nangyayari?"

"Kasi it seems na may problem ka. Kaya nandito lang naman kami para makinig. Hindi naman siguro masama kung magkwento ka hindi ba?"

Padabog na lang itong naupo sa couch at nakaprenteng kinuha ang iced tea.

"Okay...tutal mga chismoso naman kayo eh"

O_O

"A-ANO?!!!!!" sabay sabay kaming napasigaw sa isinawalat ni Jehridale. Obviously, hindi kami makapaniwalang sasabihin itong lahat ni Aoko sa kanya. Sabi na nga ba eh! Sinasabi ko na nga ba!

"Tsk! Kung nalaman ko lang ng mas maaga! Hindi na sana mangyayari ito! Kainis!"

"R-Rebound dude?! Seriously?!"

"Oo! Rebound daw ako mga pre! Ano ako larong basketball?! At ito pa ah, hindi daw ako minahal ni Aoko sa umpisa pa lang! Lahat pala ng nagawa nya para sa akin ay kalokohan lang! Nakakagago diba?! Hahahahahaah!"

Bwiset rin ang taong ito, parang hindi man lang galing sa heart broken kagabi, daig pa nya ang nasisiraan ng bait.

"Tsk tsk, sinasabi ko na nga ba eh!" napasigaw na lang si Shinichi sa pagkayamot. Iba sa nakasanayan namin sa kanya.

"A-Anong sinasabi mo dyan eh wala ka namsng sinasabi kanina ulul ka"

"Gagi! May hindi pa kasi ako nasasabi sayo!"

"Ano namna iyon!"

"From the first Thursday of our class Dale! Hindi bat kakauwi lang ni Aoko from America?"

"O-Oo.."

"Tss, doon palang nga sa America, I saw someone with her!"

"A-Ano? Sino?"

"Si Jhin" tipid na sagot ni Shin. Napamaang kaming apat at kapwa nagkatinginan sa isa't isa.

"A-Ano?! S-Si Luxiere Williams?! Paanong...paanong magkasama sila?!"

"Yon din ang matagal ko ng gustong sabihin ko sayo Dale. Pero kinukumpirma ko muna baka mali ang nakita ko eh. Akala ko nga dati sya si Harly. But I insist, when I first saw Luxiere, hindi ko lang pinahalata ang pagkakakilala ko sa kanya."

"Hindi ko maintindihan" iiling-iling na hilamos ko sa mukha. Inahas ng Harly na iyon si Aoko because of long time suiting her, pero itong si Jhin? Anong koneksyon nilang dalawa? Ano bang dapat naming malaman tungkol dito?

"As I told you Dale," seryosong pinagdampi ni Nath ang parehong palad, "hindi nga natin sya masyadong kilala. Mas mabuti ngang siguro na dapat nagbreak na kayo noon pa, or pinigilan mo na yang feelings mo sa kanya"

"Delayed man or hindi parehong masakit iyon Nath. Anong malay ko? Tao lang din ako. Besides, akala ko talaga kialalang kialala ko ja sya. Tsk."

"Tama na 'yan. Oh eh at least nalaman na natin kung ano talagang meron sa babaeng iyon. Hay, hindi madaling magmove-on Dale, pero sana makayanan mo"

"Kakayanin nya yan, nandyan naman si The Unexpected eh" nakatawang panunukso ni Nath. Nginisihan ko na lang sya dahil kilala ko ang binabanggit nya. Pinanliitan sya ni iceberg ng mata.

"Sinong The Unexpected naman ang sinasabi mo dyan?!"

"Sino pa! E di 'yong tinanggalan mo lang ng Red Ticket nitong nakaraan! Hehehehe! Destiny kayo pare! Hahahahahahaha!"

"Hahahahhahaahahahahaha!!"

"O-Oy hindi ahhhh!" sus in denial ang mukha ng loko. Halata naman, nakikita ko sa mukha nya ang matinding pamumula. Nilingunan ko si Shin. Mukhang nagseselos ang kumag. Sorry Shin pero, Jehrilein kami eh BWAHAAHHAAHAHAHAHHA!

"Jehrilein is the best hahahaha!" Natatawang anito ni Airon. Lingid sa kaalaman ng dalawa (Shin at Dale) na naguusap kami kagabi about sa ship couple. Bakla na kung bakla kingina. Mas tipo ko ang loveteam ng parehong barumbado mwehehehee.

Airon's POV

"San tayo mamaya? Oy Iceberg sure ka ng ok ka na? Baka mamaya mahimatay ka sa daanan" natatawang asar ko sa kanya. Ang sarap lang nyang asarin kay Thriannebabes, mabilis umiinit ang ulo at namumula ang pisngi. Signs na magtatransform into supersaiyan mega ultra level.

"Kingina mo Bihon, pag sinabi kong ayos lang ako, ayos lang ako, wag kang paulit-ulit" naiiritang tugon nya habang may ipinapasok na kung ano sa loob ng locker.

"Oy Airon, magpapasundo daw si Heidi, puntahan ko lang sya"

"Sige bro, samahan na ba kita?"

"Sige lang! Hehehehe" alam ko ang ngiti nyang iyon. Inakbayan ko na sya at hindi namin pinansin ang paguusisa sa amin ng mga kaibigan.

Habang pinagtitilian kami ng mga babae ay kaagad namang nahagip ng paningin ko si Panda. Kasama nya si Prince Greg habang nagchichismisan.

"Nakita mo?" lingon sa akin ni ice cream. Nagkibit balikat ako.

"Sus! Kunyari pa, pagdating kay panda talagang mas mabilis pa kay Flash yang mata mo, oh kamusta na pala kayo ni Quirella? Wala na kayo ano?"

Inismiran ko sya, "matagal na kaming wala nun dude"

"Iba na talaga tsk tsk, ilan na ba naging girlfriend mo this month?"

"M-MU's nga!"

"E di MU's! Tss, ilan na ba sila?! Sa tantsa mga nasa singkwenta na yata yan ngayong buwan!"

"Sira! Hindi ah!"

"Hahahahaha! Ulul! Di mo ko mauuto bihon! Ako pa niloko mo! Samantalang ako wala na akong mga ganyan, nagbagong buhay ako eh"

"Ulul mo Nath. Kaya ka lang naman tumigil ay dahil balita mo uuwi na si Shairemaine sa bansa natin, besides, nandirito na ang Chairman ninyo"

Tinawanan lang ako ng sobrang lakas ni Natheleo. Sinimangutan ko sya. Nananahimik lovelife ko tas pakikialaman, agik din e.

Pagkarating namin sa room nila Heidi ay sinalubong kaagad kami ng mga fans namin. Dadalawa lang kami pero grabe. Hindi sila mauubusan ng energy.

"Hi kuya Nath!" kaagad namang lumapit sa amin ang kinakapatid ni Nath na si Heidi. Dala na nito ang maliit na bag.

"Let's go?"

"Sure!"

Habang naglalakad na kami papuntang locker room kung saan namin iniwan ang mga kaibigan namin ay muli na namang nakasalubong namin si Panda. But this time, nakatitig na ito sa akin. As usual expression when she saw my handsome face, nakakunot noo. Para bang gustong gusto nya akong sigawan anytime.

"Hi cuti--"

"Hep hep!" hinto nya sa akin, nakatapat ang isang palad sa mukha ko. "alam ko namang cute ako eh, pero pwede ba? Wag mo namang paulit-ulitin sa tuwing magkukrus ang landas natin, kasi feeling ko, nilalandi mo ako!"

O_O

"H-Huh?" Natulala ako. Anong sinasabi nya?

"Nasaan si Kilein? Hindi nyo kasama?" mabuti na lang at sumabat na si Nath. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito na nasa harap ko. Siniringan nya si Nath.

"Kung kasama namin sya ngayon ay dapat nandito sya at katabi ko ngayon! Gets mo?! Tsk, at kung alam namin kung nasaan sya, bat naman namin sasabihin sa inyo?!"

"Wow, ang taray ni bakla," ekstra ni Prince sabay baling din sa amin, "hoy mga Hari ng SMU, kung nandito lang kayo para maghanap na naman ng gulo, stop us, kasi hindi kami magpapaapi ulit sa mga mayayabang na katulad nyo! Aba! Di porke nangangamoy ulam kayo ay kakayan-kayanin nyo na lang kami!  Hindi kami aso no! Tse! Tara na nga bakla! Baka masabunutan ko na lang ang mga nasa harap ko noh!"

O_O

Nathaimik kaming dalawa ni Nath at kapwa kami nagkatinginan. Napatingin din sa amin si Heidi.

"Kaaway nyo ba sila?"

"A-Alin?"

"Sila Rangie? Hindi tuloy ako pinansin, inaaway nyo yata eh"

"A-Ano? Hindi ah! Kung nagaaway kami dapat kanina pa kami nagbabangayan. Ni hindi nga kami nakapagsalita oh"

"Tch, ganon ba?" ngumuso siya sa amin at nagpauna nang maglakad. Nakapamulsa akong sumunod sa kanila.

Pinagiisipan ko pa rin kung anong meron. Bakit ganon? Hindi na dapat ok na kami? Tsk.





















Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 150K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.3M 190K 77
Nobody ever loved him; she was the first who loved him. He did not have a family and then one day she entered into his life and became a world for h...
2.6K 71 16
request open: January 3rd, 2022 Request close: July 28, 2022
807K 21.1K 140
Just some oneshots of y/n and Natasha :) Reader is female so I'm using she/her :) I do Scarlett one shots too, those have (S•J) on them The more re...