Daddy Shua

By ixxyzxy

66.1K 3.8K 2K

"Pero kung magkakaanak man tayo, pangalanan mong Tina, para Tina Hong," - Joshua In which Chimera Xu slept on... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
55
56
57
58
59
60
EPILOGUE
DADDY HANNIE

54

1.1K 68 32
By ixxyzxy

CHIMERA XU

"You didn't sleep?" I shivered when someone hugged me from the back.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga papel na kakacheck ko lang. Natambakan na ako ng mga gawain kaya tinapos ko siya nang hindi natutulog.

Tinabig ko ang kamay ni Joshua at saka ako humarap sa kaniya. Kakagising niya lang, halata sa inaantok niya pang ekspresyon at magulong buhok. "Ayos lang ako. Napansin mo bang parang mahina si Sandy kahapon? Baka kung anong ginawa nila Jeonghan sa anak natin ha," I said while approaching my sleeping daughter.

Nang i-check ko ang body temperature ni Sandy ay napatingin ako kay Joshua, "Medyo mainit siya," I told him. Lumapit siya para i-check din, he nodded.

"Anong gagawin natin?" Nag-aalala kong sambit.

"She'll be fine. We'll just let her rest. Kapag nagising siya ay saka natin painumin ng gamot. Don't worry much, normal sa batang magkasakit," still, I feel anxious.

"Sa lagnat kasi--"

"Shh, I'll leave my work for now para mabantayan ko siya. Pupunta rin mamaya sina Jeonghan at Dino rito," he assured.

"Gusto ko rin sana siyang alagaan," I mumbled.

"Kaso hindi puwede dahil sa trabaho mo?" I bit my lips and nodded. Hindi ako puwedeng mag-absent ngayon pang season na ng pagrerecord namin ng grades at class observations.

He sighed, "It's fine. Her dad is here," he nonchalantly said.

Gustong-gusto kong bumawi at alagaan si Sandy, pati na rin ang papa niya. Pero sumasakto talaga sa timing ang trabaho ko. Alam kong mas matimbang sila kaysa sa pagiging guro ko, ang problema lang sa akin ay hindi ko kayang ibalanse ang buhay ko.

"I told you not to overwork," he scolded me.

"Alam mo, kahit hindi ako mag-overwork sa pagiging teacher, mukha pa rin akong nag-ooverwork. Walang pagkakaiba 'yon kapag sa education nakalinya ang career mo," I rolled my eyes.

I kissed Sandy's forehead before preparing myself for work. Hindi na ako nag-abala pang mag-almusal, malelate na rin naman ako. Nakita ko sina Dino at Jeonghan sa sala, kakarating lang din nila.

"I'll drive you there," Napalingon ako sa may hagdan nang marinig ko si Joshua.

"Bantayan mo nalang si Sandy. Kaya ko namang magcommute," Tanggi ko.

"And I'm not taking no as response," he glared and took all the papers that I'm carrying.

"Please look for Sandy for a while, Jeonghan, Dino. Babalik ako agad," he told them.

"Sige lang Pope Joshua, maaasahan mo kami d'yan," nagthumbs up si Jeonghan.

"Dino, kumuha ka na ng cerelac at marie, kailangan natin ng mangangata habang nagbabantay," utos niya kay Chan.

"Paunahan tayo sa kwarto ni Shua hyung, kung sinong mahuhuli ay maasim," napafacepalm nalang ako habang sinusundan si Joshua sa labas.

"I guess dadaan muna ako sa grocery bago umuwi mamaya. Siguradong ubos ang laman ng ref," he said.

"Hindi mo naman kasi ako kailangang ihatid. Kaya ko nga," naiirita kong sambit.

"Ang dami mong bitbit, walang magpapasakay sa'yo," palusot niya.

"Ang OA mo," I rolled my eyes.

At dahil hindi ko naman siya maipagtabuyan ay sumakay nalang din ako. "Gusto ko siyang alagaan, tapos ito ka naman gusto lang akong makabonding. Sinabi ko sa'yo 'di ba dapat focused tayo sa bata?" I told him.

He heaved a deep sigh, "Gusto ko lang namang bumawi rin sa'yo. I feel guilty noong i-ignore kita nang gusto mong mag-explain sa'kin,"

I laughed sarcastically, "In-ignore ko nang tatlong taon ang responsibilidad ko sa bata. Mas nakakaguilty 'yon 'di ba? Gustong-gusto ko na ring bumawi, pero parang hindi naman ako umuusad,"

"I told you, your presence is enough," he looked at me with worried eyes.

Pero hindi ako kuntento kung presensya ko lang ang kaya kong i-ambag sa inyo.

"Whatever. I'll be taking care of you and Sandy no matter what," he continued driving.

Nang makarating na kami ay agad akong lumabas at kinuha ang mga test papers, pero inagaw niya ito sa'kin.

"Joshua malelate na ako sa klase ko," pinilit kong kunin muli ang kumpol ng papel sa kaniya pero nilayo niya ito sa akin.

"I'll bring this to your room," He told me with plain tone.

"Ang kulit," I scratched my nape in annoyance, he just chuckled.

Wala pa akong tulog, walang kain, nag-aalala pa ako sa anak namin, tapos nandito pa itong si Joshua sa tabi ko kaysa sa tabi ni Sandy! Duda pa naman ako kina Dino at Jeonghan, baka gumagawa na ng prank 'yon sa loob ng bahay!

Worst, baka nagtatanim na sila ng bomba sa loob!

Sandali, masyado akong praning, hindi naman siguro sila ganoon. Tatlong taon na rin naman silang pinagkakatiwalaan ni Joshua.

Pagkatapos kong pumirma sa attendance ay dumeretso na ako sa room. Two minutes late ako, pero ayos lang dahil mukhang wala namang ginagawang kakaiba ang mga studyante ko sa loob nang makapasok ako sa room.

"Good morning, Miss Xu!" pagbati nila, napatingin ako kay Joshua na nakasunod pa rin sa likod ko.

"Miss Xu?" he raised his brows.

"Time traveller ka? Hindi pa naman tayo kasal. Akin na 'yan," I tried to get the papers on his arms but he put it at my table by himself, napatingin tuloy ang mga estudyante ko sa kaniya nang pumasok siya sa loob.

"Umalis ka na at alagaan mo si Sandy," he just rolled his eyes on me at saka siya umalis sa harap ko.

I shook my head, hindi ko siya maintindihan minsan. Nang makaupo ako ay pinamigay ko na ang mga test papers nilang nacheckan ko na at saka ako nagfocus sa pag-eencode ng scores nila sa grading sheet.

"Sino po 'yon Ma'am? Ang gwapo!"

"Ayos lang 'yan 'tol. Wala kang pag-asa kay Ma'am, mas mabango 'yon," napaangat ang tingin ko ro'n, kinocomfort nila 'yong isang studyanteng crush daw ako.

"Ang asim mo kasi," true.

"Oo nga, ano bang pinangbabanlaw mo kapag naliligo? Sabaw ng sinigang?"

"Anong pangalan, ma'am? Stalk namin sa facebook!" hindi pa nga ako siniseen no'n, mag-iisang buwan na akong inbox-zoned.

"Baka naman kapatid mo ma'am?"

"Tatahimik kayo o ize-zero ko 'tong scores niyo?" naiirita kong banta. Kasabay no'n ay ang paglapag ng isang supot sa table ko.

Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na naman si Joshua, "Bakit nandito ka pa? Umuwi ka na nga sabi, 'di ba?"

He pouted, "Ang sungit, hindi ka pa kasi nagbebreakfast kaya binilihan muna kita, Mrs. Hong," he rolled his eyes.

"Oo na, alagaan mo na si Sandy," kaunti nalang iisipin ko na talagang mas gugustuhin niyang magharot nalang kaysa mag-alaga ng may sakit, charot.

"Wait, may nadiscover kasi ako. If you put your index fingers on your cheeks, you can't tilt your head," he told me.

Napakunot ang noo ko at nagtry ilagay ang daliri ko sa pisngi at itinagilid ang ulo. Kaya ko naman?

He smiled and ruffled my hair, "Cute,"

"Huh?" still at the position, I was shock when he pecked a kiss on my lips, in front of my students!

"I'll drive you home later. 'Wag ka nang magcommute okay? Eat the food, I love you," he waved goodbye before leaving the room.

"Gago," I covered my ears for I felt my face heating up. Napagtripan niya ako ro'n ah!

Saka ko na lamang napansin ang ipit na tili ng mga estudyante ko. Sa sobrang hiya ko ay inginudngod ko na lamang ang mukha ko sa laptop ko. Bwesit!

Matapos ang klase ay tinawagan ko kaagad si Joshua, "Kumusta si Sandy? May gana ba siyang kumain? Pinainom niyo ng gamot?" Sunod-sunod kong tanong.

["Yup, wala na rin siyang lagnat. Nakikipaglaro na siya kina Dino ngayon. Malapit na ako d'yan, just wait a bit,"] nakahinga na ako nang maayos sa balita niya.

"Mabuti naman, sige hihintayin kita. Dito lang ako sa bilihan ng turon," I told him at saka binaba ang tawag.

Habang naghihintay ay bumili na rin ako ng makakain. At dahil kampante na akong wala nang sakit ang anak ko, excited na akong makauwi para makita ko siya.

Pero habang kumakain ako ay may napansin akong nagkakagulong mga estudyante sa gilid ng campus gate. Bakit walang umaawat dito? Nasaan ang guard?

Lumapit ako, agad namang nagsi-atrasan ang mga audience. Humawak ako sa balikat ng isang studyanteng nakikipagsuntukan,  "Hephep ano 'to? Titigil kayo o dadalhin ko kayo sa guidance- "

"AAAA!" napaharap ako sa gilid ko nang makarinig ako ng sigaw.

"M-ma'am," nanlaki ang mata niya nang makita niya ako.

Pero hindi ako makagalaw nang may kumirot sa may tiyan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong dumurugo ito. One student dared to stab me!?

"Shit!"

I tried to wipe the blood on my blouse, but it kept on spreading. Parami na nang parami ang dugong lumalabas. Nanginginig ako sa takot. I started to get hysterical, hindi ako makahinga nang maayos sa sakit at kaba.

Am I going to die?

Sandali lang, hindi ko pa nagagawang makabawi sa anak ko at sa magiging asawa ko.

Puwedeng kaunting panahon pa?


Continue Reading

You'll Also Like

10.5K 441 45
"paalala ko ba sayo yung nangyari sa levanter nights?" ↺katherine han is a transfer student who accidentally kissed clé university's trouble maker d...
189K 5.6K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
222K 12.1K 105
In which Flour Garcia messaged Yoon Jeonghan, whom she thought was a girl, to stay away from her longtime crush because she's getting jealous F L O U...
72.6K 2.6K 42
❝ crush kita! ❞ ⟶ ѕĸz ѕerιeѕ #1