Pretend WIFE (COMPLETED)

由 MrsPurin

626K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... 更多

(Pretend Wife) I
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 12
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife) 15
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 20
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29
(Pretend Wife) Epilogue

(Pretend Wife) 2

28.6K 455 20
由 MrsPurin

"Czari! Where have you been?" narinig ni Czarina na tawag sa kanya ng kanyang bestfriend na si Enzo. (HINT: LUKE LANDRIGAN) Mabilis niyang itinaas ang kanyang kanang kamay upang pigilan itong makalapit sa kanya. 

"Hep! Diyan ka lang! Wag kang lalapit sa akin. I'm stinky!" aniya. Nagpatuloy siya sa paglalakad pauwi sa kanilang bahay, kasunod naman niya si Enzo. 

"Mabaho ka nga ha! Amoy hanggang dito eh!" awtomatiko siyang muling nilingon ang kaibigan ng marinig ang mahinang pagtawa nito. Taas ang kilay niya itong hinarap. 

"Well, Quenzo Villareal, ikaw na lang nga ang nakikiamoy eh! And besides, wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo. Kaya pwede ba, chuuu! Chupi! Layas! Uwi!" pagtataboy niya dito. Bagay na lalong kinatawa ng lalaki. 

"Ang pikon mo naman ngayong araw. Di ka na tuloy cute!" patuloy pa rin ito sa pagsunod sa kanya. 

"Ano ba sa wala.ako.sa.mood ang hindi mo naiintindihan?" inis pa rin niyang sabi sa kaibigan habang patuloy sa paglalakad. Natigilan siya ng makita ang ama na naghihintay sa tapat ng kanilang bakal na gate. Parang gusto na naman niyang maiyak, lalo ng makita niya na tila excited ito na malaman kung ano ang resulta ng kanyang lakad. "Mano po, Itay!" inabot niya ang kamay ng ama at dinala sa kanyang noo. 

"Good afternoon po, Mang Caloy!" narinig niyang bati ni Enzao dito. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa kanilang bahay. Kinuha niya ang tuwalya, kumuha din siya ng malinis na damit pagkatapos ay tinungo ang kanilang banyo. Kailangan niya munang alisin ang amoy niyang kanin baboy bago humarap sa ama. Isa pa, makakapag-isip siya ng mas matagal kung paano sasabihin sa ama na wala siyang nagawa para makipag-diyalogo ang may-ari ng lupa sa kanila. 

The coldness of the water bring a feeling of serenity sa kanya. Parang biglang gumaan ang kanyang pakiramdam. Mabilis niyang shinampoo ang sarili, nagsabon, nag-conditioner at nagbanlaw. Alam niyang naghihintay ang kanyang Itay sa kanyang mga sasabihin. The thought rattle her! 

Nang lumabas siya ay naabutan niyang naglalaro ng dama ang kanyang ama at si Enzo. Nilingon siya ng kaibigan at kinindatan siya. She smiles. Ganun talaga si Enzo, kahit hindi niya sabihin, he always seems to know when something is bothering her. Kilala na nito ang likaw ng kanyang bituka! They practically grew up together, kahit pa sa kabilang barangay ito nakatira at anak ng isa sa mga konsehal ng kanilang distrito. 

Muli siyang pumasok sa kanyang silid. Inalis niya ang tuwalya na nakapulupot sa kanyang ulo at isinampay iyon sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abalang suklayan ang buhok, agad na siyang lumabas sa sala kung saan naroroon ang ama at matalik na kaibigan. 

"O, anak, wala ka nang topak?" saglita siyang tinapunan ng tingin ng kanyang itay bago ibinalik ang tingin sa laro. She pout. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Enzo bilang pag sang-ayon sa sinabi ng kanyang ama. 

"Tay, naman eh! Ang baho ko lang kasi kanina kaya hindi kita muna pinansin." aniya na kunwari ay naiinis. Tumabi siya ng upo sa ama at inihilig ang ulo sa balikat nito. 

"Naku, talaga naman topakin yan, Mang Caloy! Kanina nga ako sinungitan, tinanong ko lang naman kung saan siya nanggaling!" singit naman ni Enzo. Pinandilatan niya ang matalik na kaibigan. 

"Wag ka ngang epal diyan! Kausap ka ba namin? Umuwi ka na dun sa inyo! Chuuu chuuu chuuu!" inis niyang pagtataboy dito. Inimwestra pa niya ang kanyang kamay na parang nagpapa-alis sa isang tuta. 

"O, tama na yan! Mamamayan niyan magka-pikunan na naman kayong dalawa." naiiling na awat sa kanila ng ama. "Anong nangyari pala sa lakad mo?" tanong kay Czarina nang ama habang sa chess piece pa din nakatingin. 

Napalunok ang dalaga. Kaya ba niyang sabihin dito na hindi sila napagbigyan para sa isang diyalogo? Baka mapaano ang kanyang ama. 

"Ahh! Pinababalik po ako sa makalawa, Tay! I-iku-konsulta daw muna sila sa may-ari, pag pumayag daw malalaman ko sa makalawa." she swallows. Pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa pagsisinungaling. Hindi siya sanay na hindi magsabi ng totoo sa ama. Mabuti na nga lamang ay hindi ito nakatingin sa kanya, kundi baka mabasa nito sa kanyang mga mata na hindi siya nagsasabi ng totoo. 

"Ganon ba, Anak? Sana ay pumayag ang mga Forto kahit pa suntok na sa buwan yan." malungkot na sabi ni Mang Caloy. 

"Bakit naman, Tay?" kunot ang noo na tanong niya dito. 

"Alam mo kasi, dapat ay sa amin na ang lupa na ito. Ipinangako ni Don Ramon Forto na ia-award na sa amin ang lupa dito sa Sampaloc." paliwanag nito. Ang huling move nito sa dama ang naghudyat na talo na si Enzo at tapos na ang kanilang laro, kaya naman ngayon ay humarap na ang kanyang itay sa kanya. 

"Narinig ko nga din yan sa Papa ko, Mang Caloy! Don Ramon daw used to be Santillan's Mayor, at isa sa pinakamayan sa buong Batangas. His family holds almost all succesful business in the province and even here in Metro Manila. A fair man. Pero, for some reason daw po, kamuntikan nalugi ang mga negosyo nito. The whole Forto's legacy were in danger, but when his eldest and only legitimate child took over their company, nasagip naman daw nito ang korporasyon na pinanghawakan na nang kanilang pamilya sa mahabang panahon." Czarina gave her bestfriend Enzo a disbelieving look. 

"Ayos ha! Ang dami mong alam? San mo naman nakuha yan?" she asked him sarcastically. 

"Public knowledge!" maagap naman na sagot ni Enzo. 

"Public knowledge? Eh bakit hindi ko alam?" she pout again. Ni hindi nga niya alam na alam pala ng kanyang Itay kung sino ang nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay eh. 

"Tama si Enzo, Czari!" pagsang-ayon nman ng kanyang ama sa kaibigan. Saglit na nag-isip ang dalaga. 

"So, technically, yung anak na ni Don Ramon ang may-ari ng lupa natin, ganun ba?" inilagay niya sa ilalim ng kanyang baba ang kanang kamay na tila nag-iisip. 

"Hmm, yes! But, if you are thinking to talk to his son, I suggest na wag mo nang ituloy, Czari!" agap ni Enzo nang mabasa ang kanyang nasa isip. She growl at her. Minsan naiinis din siya na kaya siyang basahin ng lalaki kahit hindi pa siya magsalita. 

"Why not? Baka malay mo, since mas bata siya, makinig siya! How old is he nga?" taas ang kanyang isang kilay na binalingan ang kaibigan. 

"33! And no, hindi siya makikinig. He is known for being ruthless! He is a succesful businessman because of his ruthful approach. He don't have a heart." ani nito. Natigilan si Czarina. He don't have a heart? Parang ayaw niyang paniwalaan yun. Meron ba namang mga tao na walang puso? 

"Ang sabi, balak daw itong gawing condo buildings since malapit sa University Belt. Magtatayo din daw ng isang maliit na shopping mall." nahimigan niya ang lungkot sa tinig ng ama. Nakaramdam na naman ng sakit sa kanyang puso ang dalaga. Paano niya sasabihin dito na wala naman talaga siyang napala sa lakad niya kanina? Na sinabi na nang sheriff ng lungsod na desidio na daw ang may-ari na bawiin ang kanilang mga lupa? 

Nakabuo siya ng isang pasya. Bukas na buka din ay babalik siya sa City Hall upang makiusap. Kung kailangan lumuhod siya sa harap ng mga ito, gagawin yan. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Czarina clunches her body bag tightly. Kung alam lang niya na ganito kalaki ang building ng opisina ng mga Forto, she could have chosen to wear a much, more appropriate atttire for this place. Well, kasalanan din naman niya. Noong sinabi sa kanya ng secretary ng sheriff ng Manila City Hall ang address, dapat alam na niya that Makati is the business capital of the Philippines. 

Pero huli na to back out. Eto na siya ngayon, tinatapunan ng tingin ng mga tao na halos lahat yata ay nakasuot ng corporate look. She couldn't blame them, eh ikaw ba naman magsuot ng sneaker, sirang boyfriend pants, at plain baby tshirt sa loob ng ganong kagarang building, malamang talaga pagtinginan ka; kastigo ng dalaga sa sarili. 

She took all her courage to ask to the reception area kung nasaan ang opisina ni Mr. Forto. Even the girl in the reception gave her a weird look as if trying to make her feel that she doesn't belong here. Humingi pa ito ng ID niya na tila hindi kumbinsido na sa opisina talaga ni Mr. Forto ang kanyang sadya. Taas pa ang kilay na pinapirma siya sa log book bago binigyan siya ng number at sinabing sa 60th floor.

Parang gustong malula ni Czarina. 60th floor? Sa langit na ba nag-oopisina si Mr. Forto? bulong niya sa sarili. She then again awkwardly find her way to the elevator. Marami ang katulad niya ay naghihintay sa tapat ng maraming hilera ng mga elevator. Most of them are wearing smart corporate attire. Ang iba ay may hawak na kape galing sa isang mamahaling coffee shops sa kanilang mga kamay, ang iba naman ay abala sa pagbabasa ng ano. She really look an outcast. Para siyang naligaw lang sa ibang mundo na iyon. 

Nang bumukas ang elevator kung saan itinuro siya ng babae sa reception, mabilis siyang pumasok dito. Dumiretso siya sa pinakadulo sa pag-aakalang marami pa ang papasok. But to her surprised, wala man lang sa maraming tao na nasa labas ang pumasok sa elevator na pinasukan niya. Ang ibang mga babae na papasa nang maging artista dahil sa sobrang gaganda ay puno lang nang pagtataka na tiningnan siya. Ang iba pa nga ay nagbulungan. 

"Going Up po!" pagpapaalam niya sa mga ito. Ngunit wala talagang pumasok. Ewan ko sa inyo! Ang we-weird nyo! bulong ni Czarina sa sarili. She hit the close button. Ngunit bago pa man yun magsarado ay may isang paa na biglang humarang sa pagsarado nito. 

Takang napatingin ang dalaga paa ng kung sino mang pumigil sa pagsasara ng elevator. The person is wearing a white sneakers. May check ito sa gilid. Nang tuluyang bumukas muli ang elevator, parehas pa silang nagkagulatan ng ang lalaki sa itim na kotse na muntik nang makabangga sa kanya ang iniluwa noon. 

Napanganga si Czarina. Unlike when she first saw him, hindi ngayon naka-corporal look ang lalaki. He is just in blue shirt and black jogger pants. Pawis din ito na tila galing sa pagtakbo. Kung gayon, dito din ito nagta-trabaho? tanong ng dalaga sa isip. Nakaramdam siya ng kaba ng sumara ang elevator at wala nang ibang sumakay kundi silang dalawa. 

Pakiramdam ni Czarina ay pinagpapawisan siya kahit pa malakas naman ang aircon. Pero sa isang banda, she felt relief na hindi lang naman pala siya ang nakadamit kakaiba sa magarang building na iyon. Eh buti nga siya, fresh pa eh! Etong lalaki na 'to, pawisan na. Pero in fairness ha, kahit pawisan, yummy pa din siya! tili niya sa isip. 

"I think I know you! Yes, you, you are the retard girl who slapped me." narinig niyang sabi nito. Kinakabahan na nilingon niya ang lalaki, pagkatapos ay tiningnan kung nasaang floor na ba sila. 3rd floor. Shocks! 57 floor to go pa. Paano na lang kung gawan siya ng masama nito? yun ang mga nasa isip ni Czarina. "What are you doing here?" muli nitong tanong. His facial expression doesn't change! Ang hirap mabasa. Hindi mo alam kung galit ba ito. 

"I-i" her voice croaked. She swallow couple of times just to clear her throat. "Well, I came here to see the OWNER of this building." she stretches the word OWNER to intimidate the guy. 

"Really now? For what?" for some nanoseconds, pakiramdam ni Czarina ay nakarinig siya ng amusement sa tinig nito. But when she looked at his expression again, parang hindi naman dahil ganoon pa rin ang mukha nito. 

"It's none of your business!" inis niya sagot dito. Nakita niya na nilabas nito ang cellphone at tila may tinext. 

"Kaanu-ano ka ng owner?" muli na naman nitong tanong pagkaraan ng ilang sandali. Lalo tuloy kumunot ang noo ni Czarina. Tsismoso pala ito, wala sa itsura ha! bulong niya sa sarili. 

"Pag sinabi kong girlfriend niya ako, hindi ka naman maniniwala, di ba? I just think it's none of your business. Pero sige, friend ko may-ari ng company na 'to. Okay na?" buong pagmamalaki niyang sabi dito pagkatapos ay bumaling sa kabilang bahagi, hindi niya tuloy nakita ang ngiting sumungaw sa labi ng lalaki. Muntik pa siyang mapatili ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa 60th floor na sila. She felt relief. Pakiramdam niya kasi ay naha-hyperventilate na siya sa presensiya ng lalaki. 

Tuloy-tuloy siyang lumabas sa elevator. Hindi niya plano na lingunin pa ito, but there's some powerful force na tila nag-uutos sa kanya na sulyapan muli ang lalaki. She did, and when the elevator door almost closes, she saw the guy smirk. Parang nahigit ang hininga ni Czarina. Did he really smile? Gaga! Smirk nga eh! soplang sa kanya ng kanyang utak. 

Naiiling ang dalaga. For someone na parang binibili ang ngiti, smirk is consider smiling na rin, yun ang bulong niya sa sarili. 

繼續閱讀

You'll Also Like

609K 16.1K 42
When things look like falling to their proper places, their fate is not that kind enough. Enjoy reading! BurningRain's Originals.
8.4K 78 20
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
490K 12K 29
Book1: Seducing my Fiancé (Completed) by NyllelaineNyeNight Magwork kaya ang pang-aakit ni Jazmine sa mailap na puso ng kanyang Fiancé? O susukuan n...
594K 12.6K 38
Isang babae na na-love at first sight . Ang paghanga n'ya ay nauwi sa malalim na pagmamahal. Sinubukan n'ya ang isang bagay NA HINDI N'YA DAPAT GINAW...