THE MAN'S LOVE (HIGH UNIVERSI...

Door RhItMs

15.2K 3.4K 11.9K

"No matter how far we go, I will not let you go until the end." - Jacob Morales ************** Jacob Morales... Meer

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: JERRY VELASCO
SPECIAL CHAPTER: DIARY
NOTE

CHAPTER 35

192 51 449
Door RhItMs

Chapter 35

ZINNIA'S POV

"Bakit ka ba kasi naligo sa ulan, princess?" mahinahong sabi ni Jacob sa anak niya. Nagbaba lang ng tingin si Anja at niyakap ako mula sa tagiliran. Kakagising lang ni Anja ulit at agad na nagpalambing sa akin.

Nandito pa rin kami sa ospital. Kami lang tatlo ni Jacob at ni Anja ngayon sa kwarto dahil bumili sila Tita at Tito ng hapunan namin.

"Anja, your Daddy is talking to you," I said while stroking her hair.

Imbis na magsalita ito, mas isiniksik ni Anja ang katawan niya lalo sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata nito habang nakatingin kay Jacob.

"Please tell Daddy, princess. Hindi ako magagalit sayo, sabihin mo lang kay Daddy kung bakit ka naglaro sa ulan." Tumingin ng matagal si Anja sa Daddy nito.

"K-Kasi gusto ko lang maligo sa ulan, Daddy."

Umawang ang bibig ni Jacob. "G-Gusto mo lang?" hindi makapaniwalang tanong nito. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Anja.

Naligo siya sa ulan dahil gusto niya lang daw.

Kung ibang bata siguro ang nagsabi sa sinabi ni Anja, makakatanggap sila siguro ng kurot o palo sa mga magulang nila sa klase ng pagsagot ng bata. Pero alam ko namang hindi iyon gagawin ni Jacob, hindi nito kayang saktan si Anja.

Sa loob ng halos isang buwan na magkakilala kami ni Jacob ay makikita kong maraming nagbago. Hindi lang sa buhay ko kundi sa sarili ko rin.

Ang pagbabagong nakita ko sa buhay ko simula nang makilala at naging mas malapit ako kay Jacob ay mas naging masaya ako. Masaya ako sa kanya, sa anak niyang si Anja, sina Tita at Tito, at ang mga kaibigan niya.

Hindi ko naman sinasabing hindi ako masaya sa piling ni Jerry pero parang may kulang, parang may hinahanap ako na may magpapasaya pa sa akin lalo. Siguro ang kulang na iyon sa akin ay ang oras sa akin ni Jerry. Palagi siyang nagtatrabaho kaya wala siyang oras palagi sa akin. Aabot ako sa puntong kailangan ko siyang kausapin para sa oras niya sa akin na hahantong sa pag-aaway naming dalawa.

May mga araw namang bumabawi siya sa akin pero sumisingit pa din ang trabaho nito. Minsan nga iniisip ko kung mahal niya ba ako dahil parang wala siyang pakialam sa akin. Palagi niyang inuuna ang trabaho niya kaysa sa akin.

Siguro ang oras talaga ang kulang. Siguro iyon talaga ang hinahanap ko.

Pero nang makilala ko si Jacob at ang mga pamilya niya ay mas naging masaya ako. Tinanggap nila ako na parang isang pamilya nila. Pumayag silang tumira ako ng sandali sa bahay nila para sa apo nilang si Anja.
Ipinaparamdam nila sa akin na parang nabibilang ako sa pamilya nila at tinuturing din nila akong parang isang anak nila.

Kahit hindi pa namin gaano kakilala ang isa't isa ay naging malapit na sila sa puso ko. Tinuturing ko na silang isang pamilya ko kahit hindi ko man sila kadugo at tinuturing ko narin silang isa sa mga espesyal sa buhay ko.

Ewan ko nga kung bakit ang dali-dali kong mapalapit sa pamilya nila. Parang unang kita ko pa lang sa kanila at unang pasok ko pa lang sa bahay nila ay naging komportable na agad ako. Parang wala dapat akong poproblemahin sa pagtanggap nila sa akin.

Ang pagbabago naman sa sarili ko ay mas naging madaldalin ako at dahil iyon kay Jacob. Palagi niya akong iniinis kaya wala akong magawa kundi inisin din siya pabalik. Tahimik kasi akong tao at hindi palasalita. Naging mas maingay lang ako ng medyo dahil kay Jacob.

"Ang lalim na naman ang iniisip mo, Zinnia." Nabalik lang ako sa kasalukuyan nang sundutin ni Jacob ang noo ko gamit ng hintuturo niya.

Hinawakan ko ang noo ko at tsaka sinamaan ito ng tingin. "Bakit ba?" inis kong tanong sa kanya.

Nananahimik lang ako dito sa gilid tapos bigla-bigla na lang akong susundutin sa noo.

"Eh, kasi ang lalim na naman-"

"Ewan. Ewan. Ewan," sabi ko sa kanya at tinakpan pa ang tainga ko. "Kausapin mo ang sarili mo diyan," sabi ko.

"Lagot ka sa akin mamaya," pananakot ni Jacob sa akin.

Binitiwan ko ang tainga ko at hinawakan naman ang dibdib ko. "Natakot naman ako. Sobrang-sobra talaga," sarkastiko kong pagkasabi sa kanya. "Hihimatayin yata ako sa sobrang takot," dagdag ko pa.

Naningkit ang mga mata ni Jacob pero hindi ito nagsalita.

"Do you have anything else to say?" I asked him. "Maybe tell me something else to make me more afraid of you, Jacob." I emphasized the word 'More' to him.

Baka kasi sa susunod niyang sasabihin, hindi lang ako mahimatay. Pinaghahandaan ko lang ang sarili ko sa maaaring mangyari.

"You lose," I teased him while smirking.

"Hindi po kasi matalino si Daddy, Mommy," biglang sabi ni Anja na kanina pa tahimik at pinapanood lang kami ni Jacob. "May kinuwento po kasi sa akin si Daddy. Sabi niya po nag-quiz daw sila nung highschool siya, hanggang five lang po daw ang quiz nila. Alam niyo po ba kung ano ang score ni Daddy?"

"Ilan?" tanong ko dahil naging interesado ako kung ilan ang score ni Jacob nung highschool siya.

Anja chuckled. "Zero."

Zero?!

Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang tawa ko dahil baka isipin ni Jacob na tinatawan ko siya dahil sa score niya. Pero dahil sa narinig ko ay hindi ko na talaga mapigilan at tumawa na ako ng malakas.

Tumatawa kaming dalawa ni Anja habang si Jacob naman ay nakasimangot at masama ang tingin sa aming dalawa ng anak niya.

"Oh my." Tumingala ako at pinaypayan ang mga mata ko dahil mangiyak-ngiyak na ako dahil sa kakatawa. Tumingin ako pagkatapos kay Jacob. "A-Ayos lang sana kung nakakuha ka ng o-one or two dahil at least may score ka parin. Pero z-zero?" Tumawa ako ulit. "Ano ba ang ginagawa mo bakit hindi ka man lang nakakuha ng one point?" tawa-tawa kong tanong sa kanya. "Hanggang five na nga lang ang score niyo, maze-zero ka pa?"

Kita kong napakamot si Jacob sa ulo niya at nahihiyang ngumiti sa akin. "Hindi kasi ako nakapag-review," nakangiwing sabi nito.

Tumawa ako ng mahina dahil sa dahilan nito. "Pero Jacob, pinag-aaralan niyo naman ang lumalabas sa quiz niyo. Kahit hindi ka nakapag-review basta natatandaan mo ang nile-lesson niyo, hindi na 'yon kailangan," iling-iling kong sabi.

"Baka-absent ako."

"Aminin mo na lang kasi na hindi ka nakikinig sa teacher mo," sabi ko.

"Ganun na nga."

"Pasalamat na lang talaga ako na matalino ako, hindi katulad ni Daddy na hindi, diba Mommy?" baling ni Anja sa akin.

"Tamad lang kasi siguro makinig ang Daddy mo kaya na-zero siya." Natawa na naman ako nang banggitin ko ang 'Zero.'

"Basta, princess huwag mo ng uulitin na maligo sa ulan, okay? Hindi mo alam na grabe ang pag-aalala ni Daddy sayo."

"Okay po, hindi ko na po uulitin. Promise."

"Iniiba mo lang ang usapan," pagsingit ko.

"Ewan. Ewan. Ewan." Gaya ng kaninang ginagawa ko, tinakpan din ni Jacob ang tainga niya.

"Gaya-gaya," sabi ko sa kanya at dumila.

Wala na siguro itong masabi kaya ginagaya niya na lang ang mga sinasabi at ginagawa ko.

Bumukas ang pinto at pumasok sina Tita at Tito na may bitbit na mga pagkain. Nilagay nila ito sa kalapit na lamesa sa kama ni Anja.

"Oh, kumain na tayo. Kailangan ng kumain ni Anja dahil iinom siya ulit ng gamot niya," sabi ng Mama ni Jacob habang inilalabas ang mga pagkain sa plastic.

Tumayo si Jacob kaya tumayo narin ako para kumuha ng pagkain. Dahil may lagnat si Anja ay ang mga binili nilang mga pagkain ay kanin na may gulay. May binili rin silang sabaw na mainit at mga prutas.

Dahil mabait ako ay umupo ulit ako sa kama ni Anja dahil wala na akong mauupuan sa sofa kung saan sila nakaupo nila Tita at Tito.

Nagsimula na kaming kumain. Si Anja ay sinusubuan lang ni Jacob ng pagkain niya. Sina Tita at Tito naman ay kinakamusta kaming dalawa ni Jacob nung nasa Malaysia kami. Sinasagot naman namin ang mga tanong nila pero hindi lang namin kinuwento ang mga bagay na sa amin lang dapat dalawa ni Jacob.

Kakatapos lang namin lahat kumain nang bigla-bigla na lang bumukas ang pinto at ang isang maingay na boses agad ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto.

"Hello! Friends!" bati sa amin ni Leo na may malawak na ngiti sa labi. "Long time no see, people." Kumaway-kaway pa ito sa aming lahat. Nakasunod na pumasok ang iba pang kaibigan ni Jacob pati ang mga asawa nito.

Baliw talaga.

Lumapit si Leo kay Jacob na kasalukuyang nakatingin sa kaibigan niya at inakbayan. "Oh, Pre?! Kamusta naman ang buhay pag-ibig mo?" Tumingin sa akin si Leo at hindi ko maiwasang mamula nang kindatan ako nito.

Isa rin 'to, eh, ang hilig mang-asar.

Alam na alam ko naman kung ano ang tinutukoy niya.

Marahas na tinanggal ni Jacob ang braso ni Leo sa balikat nito. "Ang tahi-tahimik dito Leo tapos ang bibig mo nag-iingay na naman," inis na sabi ni Jacob. "Hindi ka man lang marunong kumatok."

"Blah, blah, blah. Alam mo, J, panay ang reklamo mo. Parang hindi ka na nasanay na maingay ako," parang nalulungkot ang pagkasabi ni Leo sa kaibigan.

"Doon ka na nga, ang arte-arte mo," pagtataboy nito kay Leo.

Lumapit naman si Marcus sa kanila. "Hayaan mo na yan, Leo. Huwag na lang natin pansinin ang kaibigan nating 'yan," sabat naman ni Marcus.

"Hi, Zinnia." Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Cessy.

Ngumiti ako. "Hi," I greeted back.

Bumaba naman ang tingin ko sa sanggol na nasa mga bisig ni Cessy.

"Kamusta naman si Maxton?" tukoy ko sa anak ni Cessy tsaka ko hinawakan ang maliit at malambot nitong kamay. Ang cute-cute ni Maxton dahil ang lusog-lusog ng katawan nito. Kahit lumulobo ang magkabilang-pisngi nito dahil ang lusog-lusog, makikita pa rin kung gaano kagawapo ang bata.

"Heto, ang taba-taba dahil ang lakas-lakas dumede sa akin. Tumataba na nga ako dahil kailangan kong kumain ng kumain."

Sinuri ko naman ang katawan ni Cessy. Tumaba nga ito pero hindi naman sobra. Ang ganda-ganda pa rin naman niya.

"Hindi ka naman masyadong tumaba, Cessy," totoong sabi ko sa kanya.

Ngumuso ito. "Pero sa tingin ko ang taba-taba ko talaga."

"Nai-insecure lang iyan dahil mataba siya at sexy naman kaming tatlo nina Betty at Nally," pang-aasar ni Jessie.

"Hoy! Babae ka! Kung makainsulto ka sa akin parang hindi ka rin tumaba nang buntis ka, ah?"

"Well, tumaba nga ako pero ang pinag-uusapan natin ay ngayon, hindi noon."

Napatawa ako dahil mahilig din palang mang-asar ang magkakaibigan na ito gaya ng mga asawa nila.

"Iinsultuhin din kita pabalik kapag nabuntis ka ulit."

"Wow, ha? Isang anak lang ang gusto ko, noh."

"Sigurado ka?" paninigurado ni Betty. "Sabi mo sa amin na halos araw-araw kayo ni Adrian-Ouch!" Kinurot ni Jessie sa braso si Betty kaya napatigil ito sa pagsasalita.

"B-Bakit mo s-sinasaktan si Mama?" I looked down at the little girl who hugged Betty's legs.

Binatawan naman agad ni Jessie si Betty nang makitang parang maiiyak na ang batang babae.

"You know, Beatrix, nagbibiruan lang kami ng Mama mo."

"Sumbong kita kay Papa," sabi ng batang nangangalang Beatrix kay Jessie.

"No, no, no. Huwag mo akong isusumbong sa Papa mo. Baka ipakulong ako nun."

"Pulis ba ang asawa mo?" hindi ko maiwasang magtanong kay Betty.

"Noon pero tumigil na siya sa pagtatrabaho bilang pulis." Napatango naman ako.

Ang pagtatrabaho ng pulis ay totoong napakadelikado nga. Hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanila kapag nagtatrabaho sila. Pero kahit ganun, saludo at tinitingala ko sila dahil may mga handang ibuwis ang kanilang buhay para sa kapayapaan ng bansa. Ganun din sa mga sundalo.

"Ayaw ni Papa na nasasaktan si Mama kaya isusumbong kita Tita Jessie," sabi ni Beatrix.

"Sorry na, Bestfriend. Sorry nadin Baby Girl, ha? Hindi ko naman sinaktan ang Mama mo," pagmamakaawa ni Betty sa bata.

"Hmp." Pinagkrus ng bata ang mga braso niya at naglakad papapaalis papunta kay Anja na nakikipag-usap sa mga anak ng mga kaibigan ni Jacob. Napatingin naman ako sa mga lalaki at nakita kong nagkukuwentuhan din ang mga ito. Ganun din sina Tita at Tito pero may mga oras ding nakikinig lang ang mga ito sa amin.

"Suplada naman ng anak mo."

"Nagiging suplada lang ang anak ko dahil hindi niya nagugustuhan ang isang tao."

"So, hindi ako gusto ng anak mo?"

Betty smirked. "Alam mo na ang sagot diyan sa tanong mo, Jessie." Dahil sa sinabi ni Betty ay nagsimula ng magbangayan ang dalawa.

Nalipat naman ang tingin ko kay Nally na nahuli kong nakatingin sa akin. "Hi, Nally," ako na ang naunang bumati sa kanya dahil parang nahihiya pa itong lumapit sa akin.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. "How did you know my name?" her forehead furrowed.

I stiffened because of what she told me.

She was right. Hindi ko nga namalayan na tinawag ko siya sa pangalan niya kung hindi niya pa sinabi sa akin. Kahit nga ang mga kaibigan ni Jacob at mga asawa nito ay hindi pa nagpakilala sa akin isa't isa kaya paano ko nalaman ang mga pangalan nila?

"We haven't introduced each other yet, am I right or wrong?"

I was not comfortable with the stares she was giving me. Parang tinitingnan niya ang bawat galaw ko o kung paano ako magsalita dahil hindi nito inaalis ang mga mata sa akin. Kulang na lang ay hindi ito kumurap.

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasagutin ko sa tanong niya. Ayaw ko namang magsinungaling at sabihin na nagpakilala na kami sa isa't isa dahil hindi pa nangyari iyon.

"Hey, Nally, ano ang ginagawa mo diyan kay Zinnia? Kung makatitig ka naman sa kanya parang may ginawa naman siyang masama sayo," sabi ni Cessy. Lumapit nadin sa amin sina Jessie at Betty.

"Hindi niyo ba namamalayan na tinatawag na kayo ni Zinnia sa pangalan niyo?" tanong ni Nally sa kanila.

"For your information, ako lang ang tinawag niya sa pangalan-" Nanlalaki ang mga matang lumingon si Cessy sa akin. "Oh my gosh." Hindi ko akalaing bigla niya akong yayakapin. Hindi lang isang normal na yakap. Isang yakap na mahigpit-higpit.

"Tama nga kami." Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko na umiiyak ito dahil nanginginig ang boses niya. Magsasalita sana ako nang hawakan niya ang pisngi ko. "Diba ikaw si Bunso namin diba? Ikaw si Bunso."

I don't know but a tear dripped from my eye. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Iba ang epekto ng pagkasabi niya sa akin ng 'Bunso,' parang...parang...

Biglang tumunog ang selpon ko sa bag ko.

"I-I'm sorry," I apologized before standing up. Tumalikod na ako at maglalakad na sana nang mapahinto ako dahil hindi ko alam na lahat pala sila ay nakatingin sa amin. Nang tignan ko silang lahat, gaya noong una-una, parang maiiyak sila habang nakatingin sa akin. Nang hindi ko na kaya ang mga titig na ibinibigay nila sa akin ay dali-dali akong lumabas ng silid at sumandal sa pader pagkalabas ko.

Why do I always feel like this?

I took a deep breath before wiping the tear from my cheek and took my ringing cellphone out of the bag.

"Hello Jerry?" Sinubukan kong huwag mautal habang nagsasalita at natagumpayan ko naman.

"Zinnia, may iuutos sana ako sayo. Gusto ko sanang hanapin mo ang mga papeles na naiwan ko diyan. Baka nasa kwarto lang natin, pakihanap na lang."

"Jerry nasa labas kasi ako ngayon kumakain kaya hindi ko agad-agad magagawa ang inuutos mo sa akin," pagsisinungaling ko.

"Ayos lang." Napakunot ang noo ko nang patayin nito agad ang tawag ng walang paa-paalam.

Iyon lang?

Kasi pwede lang naman ako nitong e-text kaysa sa tumawag pa. Hindi niya nga lang man ako kinamusta kung ayos lang ba ako habang wala siya. Kung nakakain na ba ako o ano. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdaman ng lungkot.

"Zinnia." Napalingon ako nang tawagin ako ni Jacob.

"Yes?"

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin bago naglakad sa harapan ko.

"Why are you asking that?" I asked. "Ayos lang naman ako," pagsisinungaling ko ulit dahil sa totoo lang ay litong-lito na talaga ako. Parang lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay nakakonekta sa akin. Parang matagal ko na silang kilala pero hindi ko lang matandaan kung bakit. Dumagdag pa ngayon si Jerry.

Naiinis na ako sa kondisyon kong ito.

Hindi ko masagot-sagot ang mga katanungan sa isip ko na gumugulo sa akin palagi. Kung bakit ganito, ganyan. Kung bakit nararamdaman ko ito sa kanila. Kung bakit...kung bakit...

Naramdaman ko ang daliri ni Jacob sa pisngi ko. "Umiiyak ka." Nang tumingin ako sa mga mata niya ay seryoso itong nakatingin sa akin. "Ayokong nakikita kitang umiiyak lalong-lalo na sa harap ko." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bago ko pa isipin ang gagawin ko, niyakap ko na lang siya bigla at umiyak sa dibdib niya.

Ang bigat-bigat na ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kailan ko kakayanin ito. Hindi ko rin alam kung kailan matatapos ito. Simula nang makilalala ko ang pamilya ni Jacob at pati siya ay parang sila ang bumuo sa pagkukulang na nararamdaman ko kay Jerry.

Kaya ako nagdududa sa pagmamahal niya dahil parang wala lang siyang pakialam sa akin. Inuuna niya palagi ang pagtatrabaho at nakalimutan niya na yata na may asawa siyang palaging hinihintay na mag-text at sasabihin kung ayos lang ba ako o kung ano ang ginagawa ko.

Pero ang pagmamahal na iyon ay nakuha ko naman sa pamilya ni Jacob. Nararamdaman ko ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin sa maikling panahon na magkakilala kami. Ganun din ang nararamdmaan ko sa mga kaibigan ni Jacob, parang tinuturing nila akong matalik na kaibigan nila at minahal pa. Kahit hindi man kami nagkakasama palagi pero kapag nagsama naman kaming lahat gaya nung una naming pagkikita sa kaarawan ni Anja, pangalawa naman nang manganak si Cessy, at ngayon, nararamdaman ko talaga ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin.

Ang pag-ibig ay ang damdaming naranasan natin nang ipakita sa atin ang pagmamahal at pag-aalaga. Hindi lang ito pag-ibig. Ang pag-ibig ay maaaring mangahulugang maraming bagay at maaaring magkakaiba-iba sa bawat tao. Ang katapatan, pag-aalaga, at pagtitiwala ay bumubuo ng pag-ibig. Lahat ay nais na mahalin. Nagbibigay ito sa kanila ng kaligayahan at pinaparamdam sa kanila na bagay sila.

Maraming kahulugan ang pag-ibig. Maaari itong mangahulugan ng pagiging mapagmahal sa isang tao, at ang pagmamahal na ito ay gumaganti. Ang pag-ibig ay isang hanay ng mga emosyon na nararanasan natin. Ang pag-ibig ay maaaring nangangahulugan din ng mga paniniwala o pag-uugali na nagpapakita ng ating pagmamahal sa isang tao. Ang pag-ibig ay isang pakiramdam na kinasasabikan ng lahat. Pinaparamdam nito na masaya at mahalaga tayo.

The love they give me makes me happy somehow and I have nothing more to ask for.

"Kakasabi ko lang na huwag kang umiyak, eh. Ang tigas-tigas ng ulo mo," rinig kong sabi sa akin ni Jacob.

"Sorry." Tumawa ako bago siya pinakawalan. Napangiti ako nang si Jacob na ang pumunas ng mga luha ko.

"Bakit ka ba kasi umiyak?" Nakatitig ito sa mga mata ko habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Wala," sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya. Magsasalita pa sana ito nang inunahan ko na siya, "May pupuntahan pa pala ako."

Kumunot ang noo nito. "Saan?"

"Sa condo ko."

"Anong gagawin mo doon?" tanong ni Jacob ulit.

Lumunok ako bago sinalubong ang mga mata niya. "M-May iniutos kasi si Jerry sa akin." Kita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon nito.

"Uutusan ka niya sa oras na 'to?!" Napaigtad ako nang kaunti dahil nagulat ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. Napatingin din ang ibang tao sa amin dahil sa lakas ng boses ni Jacob.

His face softened when he saw my reaction when he shouted loudly. "Pasensya na," huminga ito ng malalim at nameywang.

"He doesn't know that I live in your house, right?"

Wala talaga akong balak na sabihin kay Jerry at hindi ko alam kung bakit ayaw kong sabihin sa kanya. Tutal wala naman siguro sa kanya dahil palagi naman siyang wala sa bahay kaya hindi niya naman ako makakasama ng matagal.

Maiinip lang ako doon sa condo ko dahil wala naman akong ibang gagawin kundi ang magbasa ng libro at makinig ng mga musika. Iyon lang, wala ng iba. Mag-isa rin ako dahil kami lang dalawa doon ni Jerry ang nakatira.

Pumikit si Jacob ng ilang segundo bago ulit binuksan ang mga mata. "Sasama ako sayo."

"You don't have to come with me. Anja needs you here, so you can't leave," I quickly said to him.

Kaya nga kami pumunta dito kaagad sa Pilipinas dahil kay Anja. Hindi ito pwedeng umalis lang basta-basta para lang samahan ako papunta sa condo ko.

"I can handle myself, Jacob. Huwag kang mag-alala," dagdag ko nang makita ko ang pagtutol sa mukha nito.

"Sasamahan kita dahil gabi na Zinnia. Paano kung mapahamak ka sa daan, ha? Paano kung may mangyari masama sayo dahil wala ako sa tabi mo para protektahan ka, ha?" Tumahimik ako sa sinabi niya.

Alam kong nag-aalala ito pero hindi ko maiwasang mainis sa kanya. Naiintindihan ko namang iniisip lang ni Jacob kaligtasan ko. Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Jacob makinig ka sa akin-"

"Ikaw ang makinig sa akin, Zinnia." Dinuro pa ako nito kaya napaatras ako. "Gusto lang kitang protektahan. Hindi mo ba alam kapag gabi maraming pwede mangyari sayo?"

Nakipagtitigan kami ng matagal sa mata ng isa't-isa. Wala sa amin dalawa ang nag-iwas ng tingin.

"Hindi ikaw ang masusunod," mariing sabi ko sa kanya.

Hinawakan nito ang kamay ko nang magsimula na akong maglakad.

"Let go of me," I pulled my hand away from his grasp but he did not let go of me. "Shall I repeat what I said Jacob?" I said. "Kung hindi mo ako bibitawan, aalis ako sa bahay niyo."

Of course what I said is not true. Hindi ako aalis sa bahay nila pagkatapos ng pagtanggap nila sa akin nang tumira ako sa bahay nila. Besides, I'm happy when I'm with them.

I could see the hesitation in Jacob's eyes to let me go because of what I had told him. When I tried to pull my hand away from him again, he finally let go of it.

"Babalik ako. Pangako."

Tatalikod na sana ako nang tawagin ako nito sa pangalan ko.

"Zinnia." Hindi ko inaasahan na hahakbang ito ng malalaki papunta sa akin at hahalikan ako.

Umungol ako at itutulak sana siya dahil nasa ospital kami at maraming tao ang makakikita sa amin pero mas hinapit niya pa ang katawan ko sa kanya para hindi ako makagalaw.

Sa ganung tagpo kami nakita ng mga kaibigan ni Jacob.

"Wooowww! Wooowww! Ang gandang bungad naman! Wohooooo!" sigaw ni Marcus. Binuksan kasi nito ang pinto kaya makikita ng mga tao na nasa loob kung ano ang nangyayari sa labas. Maayos nga lang dahil nasa bandang gilid sila Tita kaya hindi nila nakita.

Bigla kong tinulak si Jacob dahil doon. Rinig ko pa ang pagpapalakpak nina Marcus at Leo ng malakas. Ang mga asawa nito at si Adrian ay nakangisi lang na nakatingin sa amin dahil sa nakita nila.

Parang kanina lang ang lungkot-lungkot nila ngayon naman ay nakakaloko naman ang mga itsura ng mga ito.

Mga loko talaga.

"Sa nakikita ko ngayon, masayang-masaya ang buhay pag-ibig natin kaibigan, ah?" biro ni Leo kay Jacob.

"Lumayo ka nga, epal ka naman, eh."

"Baka nga kung hindi ko pa nakita ang ginagawa niyong dalawa at lumabas, baka naglalaplapan na kayong dalawa." Ngumiwi ako dahil sa lumabas sa bibig ni Marcus.

Magkakaibigan nga sila.

Pero hindi naman ganun si Adrian, ang tatlo lang talaga ang mga loko at baliw. Tahimik lang at seryosong tao si Adrian.

Hindi ko naman maiwasang isipin at magtaka kung bakit ko nga ba alam ang nga pangalan nila. Maliban na lang kay Jacob dahil nagpakilala kami sa isa't isa. Si Anja naman ay nalaman ko na ang pangalan niya dahil nung birthday niya.

Baka.

"Basta bumalik kaagad, Zinnia," sabi ni Jacob kaya natuon ang atensyon nila sa akin.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Leo.

"S-Sa condo ko."

"Condo daw, J." Siniko ni Marcus si Jacob. "Bakit hindi ka sumama?"

"Marcus tumahimik ka nga," sita ni Cessy, ang asawa nito. Tumahimik naman agad si Marcus at inakbayan ang asawa.

Sinamaan naman ng tingin ni Jacob ang kaibigan. "Umalis ka na Zinnia, baka kung ano-ano pa ang marinig mo dito sa mga baliw na 'to."

"Grabe ka naman sa baliw," bulong ni Leo.

"I need to leave now. Bye." They waved back at me when I waved at them.

"Bye Zinnia."

I smiled at them before I turned around and started walking. Pagkalabas ko pa lang sa ospital, sumakay agad ako ng taxi at nagpahatid papunta sa condo ko.

Nang makarating ako sa tapat ng condominium building ay nagbayad kaagad ako sa taxi driver at lumabas pagkatapos magpasalamat.

See Jacob? Nothing bad happened to me.

Binati ko ang guard na nagbabantay sa gusali bago dumiretso papuntang elevator. Pinindot ko ang 26th floor button kung nasaan ang condo unit ko.

Nagpapasalamat ako dahil may mga kasama akong mga tao sa elavator. Kung sakali mang wala, siguradong matatakot ako dahil ako lang ang mag-isa ang nakasakay. Siguro dahil ako natatakot dahil sa kakapanood ko ng mga horror movies. Lalong-lalo na kapag ang scene ay mag-isa ka lang sa elevator, sa hallway o sa banyo. Hindi ko tuloy maiwasang manginig dahil naiimagine ko palang kung mangyayari sa akin iyon ay hihimatayin agad ako.

Pagdating ko sa 26th floor ay nagpasalamat ako ulit dahil may mga kasama akong naglalakad sa hallway papunta sa direksyon ng condo unit ko. Mga grupo ito ng mga kalalakihan at kababaihan.

Nang makarating ako sa tapat ng condo unit ko ay huminto muna ako at tiningnan ko ang mga likod nila.

Good luck sa inyo. Sana wala kayong makasalubong o makita.

Para akong baliw dahil tumawa ako sa sarili kong iniisip.

Baliw ka na siguro, Zinnia.

Nakangiti ako hanggang sa isarado ko ang pintuan ng condo ko. Pagdating ko sa sala ay nawala ang ngiti ko dahil sa nakita at napahinto sa paglalakad.

He smirked when he saw me. "How's my beautiful wife?" Dahan-dahan itong tumayo. "You look happy, huh?"


Itutuloy.....










































Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1K 67 38
Book 2 of Heartaches To Heartbeats YEARS LATER.... Together. Forever. That is what we promised to each other. But I guess promises are meant to be...
106K 1.9K 55
Hello, everyone! Welcome to my story.. I hope you'll read this one.. Please keep on supporting guys. Thank you. Date Started: September 30, 2018
127K 7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
130K 2.8K 15
--- Sobrang sama ng loob ni Anala sa ina nito ng malamang muling magpapakasal ito sa dating nobyo,mahigit isang taon pa lamang mula ng pumanaw ang ka...