Pretend WIFE (COMPLETED)

By MrsPurin

626K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... More

(Pretend Wife) 2
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 12
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife) 15
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 20
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29
(Pretend Wife) Epilogue

(Pretend Wife) I

54.9K 661 17
By MrsPurin

Laglag ang mga balikat na lumabas si Czarina sa Manila City Hall. Sinubukan niyang makiusap sa mga opisyales ng lungsod upang bigyan sila ng oras ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay sa Sampaloc para sa isang diyalogo. Noong isang araw kasi ay nakatanggap sila ng  notice of eviction. Ayon sa liham, binibigyan na lamang sila hanggang sa katapusan ng buwan upang lisanin ang mga tirahan, kundi ay mapipilitan ang may-ari ng lupa na sapilitan silang paalisin. 

Czarina heavily sighed. Alam niyang malulungkot ang kanyang Itay pag nalaman nito na wala siyang nagawa upang magkaroon ng diyalogo sa may-ari ng lupa. Kinikinita-kinita na niya ang magiging itsura ng kanyang ama. Alam niyang labag sa loob nito na iwan ang lugar. Her father is originally from Davao, pero matagal na panahon na itong nakatira sa Maynila. Sa katunayan, doon na nito nakilala ang kanyang Inay, at sa lungsod ng Maynila na rin nagpakasal ang mga magulang. Doon na rin siya ipinanganak at nagkaisip. And now that she's 24 years old, nanganganib ang lugar na kinalakihan na tuluyan ng ma-demolish. 

Tumingin siya sa langit upang pigilan ang mga luhang nagbabantang tumulo sa kanyang mga mata. Kung siya lang, ayos lang sa kanya na umalis sila sa lugar na yon kahit pa alam niyang sobra siyang malulungkot. Ang hindi niya kayang makita ay ang kalungkutan ng kanyang ama na si Mang Carlito. Alam niya kung gaano kahalaga dito ang kanilang tahanan, dahil naroroon ang alaala ng kanyang namapayapang ina. Bukod pa sa iniisip niya rin ang kanilang mga kapitbahay. Para na kasing pamilya sila roon. All her life, sa kabila ng hirap, naging masaya siya sa lugar na iyon dahil hindi siya itinuring na iba ng mga kapitbahay. 

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya napansin ang kotse na paparating. Napatili ang dalaga when it almost hit her kung hindi lang siya nakaiwas. Ngunit laking gulat niya ng tila wala itong balak na huminto. Pakiramdam ni Czarina lahat ng inis na kanina pa niya nararamdaman ay biglang umakyat sa kanyang ulo. Mabilis niyang tinakbo ang unahan ng sasakyan na bumagal dahil sa traffic sa harap ng City Hall. Hinarang niya ang sariling katawan sa unahan na nakataas pa ang dalawang braso sa gilid. 

"Hoy, ang kapal ng mukha nitong mga 'to! Bumaba ka nga diyan. Hoy!!!!" halos maglabasan ang ugat sa kanyang litid sa sobrang inis. Ang sasakyan naman ay bigla ang pagtapak sa brake. Nakita niyang bumukas ang driver's seat at sumungaw ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa late 40's, ang buhok ay military cut at naka-puting long sleeve na polo. 

"Miss, umalis ka diyan! Magpapakamatay ka ba?" sigaw nito sa kanya na sinenyasan pa siya na tumabi. Lalong nakaramdam ng inis si Czarina. The nerve? Ito pa talaga ang may ganang magalit sa kanya. Nakapameywang siyang nanatiling nakatayo sa harap ng sasakyan. 

"Aba! Ang kapal mo ha! Hindi mo ba alam na muntik mo na akong mabangga? Bumaba ka diyan!" nilakasan niya din ang kanyang sigaw. The guy inside the driver's seat has a prominent voice, parang sa isang militar. 

Saglit nitong pinasok ang ulo sa loob na parang may kinausap, pagkatapos ay muling isinungaw ang ulo. "Bahala ka diyan sa buhay mo! Pag di ka umalis siya, sasagasaan kita. Nagmamadali kami!" bulyaw nito sa kanya at pinaandar ng marahan muli ang sasakyan. Nanlaki ang mga mata ni Czarina. Sasagasaan talaga siya nito? Mas lalo siyang nagalit. Kung akala nito ay matatakot siya sa banta nito, pwes! Bigla siyang humiga sa bumper ng sasakyan. Nagpapasalamat na lamang siya na nakapantalon siya, kung hindi ay baka nasilipan na siya ngayon lalo at nagsisimula ng kumapal ang mga tao na nakikiusyoso. 

Muling huminto ang sasakyan. Narinig niya ang pagbukas ng pinto, at lumabas ang lalaki sa driver's seat. Doon pa lang niya nakita na may katangkaran ang lalaki. Probably around 5'10. May nakakabit sa tenga nito na parang bluetooth headphone. 

"Miss, ano bang ginagawa mo? Bumaba ka diyan." mariin nitong sabi sa kanya. Nakaramdam ng kakaunting kaba si Czarina as his voice is full of authority. But she is known for being stubborn, she won't back down. 

"Hindi ako aalis dito!" sigaw niya na ginalaw galaw pa ang mga binti at kamay na tila isang wiper ng sasakyan. 

Ang lalaki naman ay pinipigilan ang sarili na matawa. Nakita muli ni Czarina na may kinausap ito sa maliit na mouthpiece. Pagkaraan ng ilang sandali ay narinig niyang bumukas ang passenger seat. "Aba! May kasama pala ito." bulong ng dalaga sa sarili. Well, she couldn't care less! Wala siyang pakelam kahit isang gang pa ang mga ito. Her father taught her to stand up for her self lalo pag alam niyang nasa tama naman siya. 

"Sir!" yumukod ng bahagya ang lalaki na nasa kanyang harapan. Napataas ang kanyang kilay, Sir? Ibig sabihin, hindi pa ito ang may-ari ng sasakyan na ito? Nakarinig siya ng pagtikhim sa kanyang kanang bahagi. She immediately tilt her head on the other side para lang matigilan. Laglag ang kanyang eyeballs! Gasssssssssss! Ang pogi!!!!!!! tili ni Czarina sa sarili. She felt like her heart did 2 somersault as she stares at the guy number 2's face. 

Sa tantiya niya ay mas matangkad ito sa lalaki na nasa kanyang kaliwa. The guy in right is perhaps around 6 ft. to 6'2. Moreno ang kulay nito, yet something in his feature is giving away na hindi ito purong Pinoy. Maliit na matangos ang ilong. Ang buhok nito ay alon-alon na maayos na nakasuklay pataas. And deym! The lips and jaw. Parang yung mga karakter sa pocketbook na nabuhay. The prominent jaw is such so damn sexy and the lips, pakiramdam ng dalaga ay nababatubalani siya. Nakasuot ito ng ternong amerikana, which gave him a corporal look. "Gwapo? Hell no!! He is perfection." mariing niyang sabi muli sa sarili. 

"When you are done staring at me, would you mind getting off my car's bumper, Retard? You are causing commotion here because of your crazy acts." narinig niyang sabi ng lalaki. She would find his voice sexy, too, kung hindi lamang siya tinawag nito na retard? Teka! Retard? Retarded? Mabilis na bumaba si Czarina sa bumper ng sasakyan nito. 

"Excuse me? Anong sabi mo? Ako retarded?" nakapameywang nita itong hinarap. Naamoy pa niya ang mamahaling pabango nito. "Syet!" palihim na inamoy ng dalaga ang kanyang sarili. "Bakit ba kasi hindi siya nagpapabango? Bakit ba cologne lang ang meron siya? Diyahe!!" yun ang kanyang mga nasa isip ng malanghap ang  mabangong amoy ng lalaki. 

"Well, tell me, gagawin ba yan ng isang matinong tao? Yang ginagawa mo? Only retards would do such things!" ani nito na hindi man lang nagbago ang ekspresyon. 

"Eh, mas retarded ka pala eh! Muntik nyo na kaya akong masagasaan pero hindi man lang kayo huminto. Sino ngayon ang retarded sa atin...." hindi niya natapaos ang kanyang sasabihin ng biglang ilabas ng lalaki ang wallet sa loob ng pantalon nito. Nakita niyang naglabas ito ng ilang lilibuhin pagkatapos ay inabot sa kanya. 

"Here! Take this. Now, get off our fucking way!" inis na sabi nito at tinalikuran na siya. Saglit na nabigla ang babae. Ang tingin ba nito ay kailangan niya ng pera? 

"Sandali!" sigaw niya. Napatigil ito sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Maging ang lalaki na kanina ay nasa driver's seat ay takang napatingin sa kanya at natigil din sa pagbubukas ng pinto ng passenger seat para sa tinawag nitong "Sir". Sinamantala niya ang pagkakatulala nito at mabilis na nagmartsa papalapit sa mga ito. Sa isang iglap ay hinagis niya dito ang pera na ibinigay sa kanya, at binigyan niya ito ng isang malakas na sampal. 

"Sir Harland..." dadaluhan sana ng lalaking nasa driver's seat ang lalaking tinawag nitong Sir Harland ngunit maagap nitong itinaas ang kaliwang kamay upang pigilan ito. 

"Hindi lahat ng tao kailangan ang pera nyo. Akala ko disente kayo eh, akala ko may pinag-aralan kayo. Pero mali pala ako! Sorry lang naman ang gusto ko, but you chose to humiliate me by giving me your money. Mabangga sana kayo!!" yun lang at tinalikuran na niya ang dalawang lalaki na natigalgal. Mabilis siyang tumakbo na hindi man lang nilingon ang mga ito. Natatakot din siya baka sundan siya ng mga ito. 

Nang masiguradong nakalayo na siya ay hinihingal na huminto si Czarina. Maya-maya lang ay hindi niya maiwasang mapangiti sa kanyang ginawa. Alam niyang mali to curse on people, pero sobra talaga siyang na-insulto. "Sayang gwapo sana!" bulong niya sa sarili na nagpatuloy sa paglalakad.  Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay isa na naman malakas na busina ang kanyang narinig. This time, it's a yellow car. Mabilis siyang umatras upang iwasan ang sasakyan, kaya naman na-out of balance siya at pasalampak na bumagsak sa semento. 

Napamura ang dalaga. Araw ba ng aksidenta ngayon? She seems to be accident prone today. Pakiramdam niya ay sobrang malas niya ngayong araw. Hindi na nga niya nagawang mag-set ng appointment para sa isang dialogue sa may-ari ng lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay, dalawang beses pa siyang muntik ng masagasaan. 

Ngunit hindi katulad ng unang kotse, huminto ang driver ng sasakyan. Patakbo itong lumapit sa kanya. Muli na namang napanganga si Czarina. Araw din ba ito ng mga gwapo? Kasi ang gwapo din ng lalaking bumaba mula sa dilaw na sasakyan. Kung ang lalaki kanina sa itim na kotse looks so formal and clean, ang lalaki naman na papalapit sa kanya looks more casual. Actually, the right term is ruggedly handsome. May naka-sukbit na DSLR camera sa leeg nito, and his hair were unruly. Ang pantalon nito ay sira-sira but it doesn't make him look dirty, in fact it only made him even sexier. (HINT: ALEXANDER DIAZ) Napansin din niya ang ilang tattoo sa katawan nito. 

"Miss, are you okay?" narinig niyang tanong nito. Matutuwa na sana si Czarina kung hindi niya lang nakita ang natatawa nitong mukha. And then she realized, marami pa lang tambak na basura sa kanyang binagsakan, bukod pa sa mukha siyang palaka na nakasalampak doon. 

Tinabig niya ang kamay nito ng tangka siyang tulungan makatayo. Inis niyang pinagpag ang damit. Maging siya ay napangiwi ng maamoy ang sarili. Amoy kanina baboy siya! Lalo tuloy siya nakaramdam ng inis. 

"Miss, okay ka lang ba, I can--" 

"Okay? Wag ka ngang tanga! Ikaw kaya itulak ko diyan sa tambak ng basura, tingnan mo magiging okay ka? May itsura ka pa naman, bobo ka lang! Tabi nga!" aniya. Tinalikuran niya ito, pero bago pa man siya makalayo ay narinig niya ang mahina nitong pagtawa na tila amused na amused sa kanya. 

"Take care, sweetie! I'm Charles, btw." sigaw nito. Hindi na ito nilingon pa ni Czarina dahil nagpupuyos na ang kanyang loob sa sobrang inis. Pakiramdam niya ay siya na ang pinakamalas na tao ngayong araw sa planet earth. 

Continue Reading

You'll Also Like

1K 66 15
Mahirap ang iniwanan Mahirap ang ipagpalit Mahirap ang lokohin Pero may mga tao talagang nakatadhanang dumaan lang sa buhay natin Gawin tayong matat...
268K 4.9K 29
Lianna Edwards, a typical spoiled brat from California but she had a vacation in the Philippines. When she meets a person like Ace, will she be able...
65.9K 1.2K 44
What do you think will happen if Ms. Sungit meets the Mayabang? Yayabang ba si Ms. Sungit? O susungit si Mr. Yabang? Wanna know? Let me tell you thei...
1.2M 16.8K 41
Virginity, an important thing to all women in this earth. Lahat ng babae pinapangarap na ibigay ang virginity nila sa lalakeng mapapangasawa nila. A...