Trapped by Arrangement

De anonsupergirl02

3.3M 43.3K 2.3K

||COMPLETED|| ||General Fiction. Humor. Romance|| |Highest Rank: #3 Romance #1 Humor| ||#1 CEO. #1 Marriage... Mais

Trapped by Arrangement
Chapter 1: She's back
Chapter 2: It's him!
Chapter 3: Brat meets Jerk
Chapter 4: Reason
Chapter 5: Best Friends
Chapter 6: Meeting his family
Chapter 7: Drama
Chapter 8: Engagement
Chapter 9: Preparations
Chapter 10: Bachelorette Party
Chapter 11: Wedding Sh*t
Chapter 12: Ex
Chapter 13: Visitor?
Author's Note: Changes
Chapter 14: Work
Chapter 15: Smile
Chapter 16: Jealous?
Chapter 17: Peace Offering
Chapter 18: Weekends
Chapter 19: His family
Chapter 20: Bonding
Chapter 21: Blue Roses
Chapter 22: Christmas
Chapter 23: New What?!
Chapter 24: Constellation
Chapter 25: Macarons
Chapter 26: The Flight
Chapter 27: Waiting
Chapter 28: Phone Call
Chapter 29: Jerk is back
Chapter 30: Jessica
Chapter 31: Superman is sick!
Chapter 32: La Vacances
Chapter 33: Vacation Starts
Chapter 34: Realization
Chapter 35: Chaos
Chapter 36: Twist
Chapter 37: Gone Mad
Chapter 38: Burden
Chapter 39: Intoxicated
Chapter 40: Divorce
Chapter 42: Suffocate
Chapter 43: Another Twist
Chapter 44: Her Mom
Chapter 45: Darn This Heart
Chapter 46: Accident
Chapter 47: Compromise
Chapter 48: Adieu
Chapter 49: It Ends Here (Her POV)
Chapter 50: It Ends Here (His POV)
Epilogue
Bonus Chapter: Interview
Bonus Chapter 2: Interview + Travel
I have a question.
Update

Chapter 41: Threat

49.4K 633 14
De anonsupergirl02

CHAPTER 41

JANELLE

Kanina pa walang tigil sa pag ring ang cellphone ko. Malamang ay isa na naman ito sa mga media na walang ginawa kundi magtanong ng magtanong sa akin. Gusto daw nilang kunin ang side ko tungkol doon sa issue. Ilang linggo na rin nila akong hindi tinatantanan. Ano b'ang gusto nilang marinig mula sa akin?

Kahit na madaming media ang nag-aabang sa harap ng building ng kompanya namin ay hindi naman ako natinag. Araw-araw pa rin akong pumapasok sa trabaho, kaysa naman magmukmok ako sa bahay at mag internet maghapon, lalo lang akong mabubwisit tungkol sa mga articles na 'yan. Maski si Orion ay hindi rin nagpapa-interview, kahit na si daddy ay walang binibitawang statement about that. Speaking of my dad, hindi ko pa rin siya nakaka-usap. Ilang linggo na rin simula nang huli kaming magka-usap. Sana naman ay okay lang siya ngayon.

Narinig ko ang pagkakagulo ng empleyado galing sa labas ng opisina ko. Patayo na sana ako para sana sigawan silang lahat nang bumakas ang pinto ng opisina ko tapos ay bumungad sa akin ang mukha ng babaeng pinaka kinamumuhian ko ngayon. "Sorry Miss Janelle, pinipigilan ko po siya kanina pero ayaw magpatinag eh" Sumulpot si Carla na halatang nag-aalala sa sitwasyon.

"It's okay. Iwan mo muna kami" Mahinahong utos ko, tumango siya at agad na lumabas ng opisina ko. I stood up and crossed my arms. "Did Satan brings you here?" Matapang kong tanong sa kanya-- kay Jessica.

"I'm just here to say--" Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.

"I don't care about what you're going to say. You know what, ang landi mo rin talaga eh 'no? Ang lakas ng loob mong magpakita dito ngayong alam mo naman ang nangyayari sa labas. Gusto mo ba talagang ipaglandakan sa buong pilipinas at buong mundo na may relasyon kayo ng asawa ko?" Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, aba'y dapat lang. Ang kapal lang talaga mukha niya kung sasagot pa siya. Umalis ako sa pagkakapwesto ko para lumapit sa kanya "You're so pathetic, Jessica. Una si David tapos ngayon naman ay si Orion?" Sinabi ko iyon habang naka halukipkip at dahan-dahang naglalakad pa-ikot sa kanya. Tumigil ako sa harap niya "Nakuha mo si David sa'kin dati pero ngayon..." Sinadya kong bitinin ang sasabihin ko "Hindi ako papayag na makuha mo si Orion" Matapang ko siyang tinitigan sa mata. "Kahit na magmakaawa pa siyang pirmahan ko ang divorce papers hinding hindi ko pipirmahan 'yon. Kahit na lumuhod ka pa sa harap ko ay hinding hindi ko ibibigay ang lalaking pinaka gusto mo. Hindi ako papayag" Nakita ko sa itsura niya ang kaba. Piinagpapawisan na rin siya kahit na ang lakas ng aircon sa loob ng opisina ko.

"And by the way... remember what I've told you before? That I will make your life miserable?" Ngumisi ako tsaka inilapit ang mukha ko sa kanya. "Pababagsakin kita... at bakit hindi ko kaya idamay ang pamilya mo?" Inilayo ako ang mukha ko sa kanya tsaka ako naglakad ulit palapit sa desk ko, sumandal ako dito. Hindi pa rin nag-iiba ng pwesto si Jessica, ramdam ko rin ang takot na bumabalot sa buong pagkatao niya.

"Your dad has a small business, right? Pabagsakin ko kaya?" Mabilis siyang napatingin sa akin, kita ko sa mga mata niya ang takot and I'm loving it. Ganyan nga Jessica, matakot ka.

"Not my family, Janelle. Sa akin ka lang naman galit hindi ba? Ako na lang" Lakas loob niyang sagot sa'kin.

Kumilos ako papunta sa swivel chair ko "Well..." Sabi ko habang kunwari ay nag-iisip ako. "Pag-iisipan ko" Sabi ko tapos ay umupo na ako. "You may go" Utos ko sa kanya. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim bago tumalikod. Paalis na sana siya ng bigla ulit akong magsalita.

"Wait." Sabi ko kaya naman natigilan siya. "Pwede ba pagkalabas mo ng opisina ko ay huwag na huwag mong susubukang pumunta o magpakita kay Orion. You know, kung talagang mahal mo siya at may malasakit ka ay hindi ka na gagawa pa ng eksenang ikasisira pa lalo ng pangalan niya. 'Yun lang, thanks" Pagkatapos kong sabihin 'iyon ay lumabas na rin siya ng opisina.

Mabilis kong inihagis ang notebook na nasa desk ko dahil sa sobrang inis. Kaninang kanina pa ako nagpipigil ng galit! Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa harap ko! Bitch! Now I've made my decision. Kahit na anong mangyari ay hindi ko papakawalan si Orion. Hindi ako papayag na maging masaya si Jessica pagkatapos ng lahat ng nalaman ko. She'll suffer from this! Magsisisi siyang ako ang kinalaban niya!

Huminga ako ng malalim. I composed myself. Kinuha ko ang compact powder ko at tinignan ang sarili ko sa salamin nito kung maayos ba ang itsura ko. Nang makitang maayos naman ang sarili ko, mabilis akong tumayo at lumabas ng opisina ko. Halatang nagulat ang mga empleyado sa paglabas ko. Sumalubong agad sa akin si Carla na may takot sa itsura.

"Ma'am sorry hindi ko po napigilan--" Sabi niya pero agad ko siyang inunahan.

"Where is she? Umalis na ba ang babaeng 'yon?" Umirap ako tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Nakita kong nakasunod lang siya sa akin.

"U-umalis na po"

Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa harap ng opisina ni Orion. Agad akong hinarang ng secretary niya. "Sorry miss Janelle pero busy po si sir--" Mabilis ko siyang tinitigan ng masama, napayuko na lang siya sa ginawa ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng humarang ulit siya. She pulled my arm, dahilan para mag-init lalo ang ulo ko.

"You'll let me go inside or I'll fire you? Now you choose?" Pananakot ko sa kanya, yumuko na lamang ulit siya, malamang ay dahil sa takot. Binuksan ko ang pinto tsaka pumasok sa loob, padabog ko itong isinara para makaagaw ng pansin sa taong nasa loob ng kwartong ito. I crossed my arms. Naabutan ko siyang busy sa mga paper works niya. Tumingin tingin ako sa paligid, mukhang wala naman ang Jessica na iyon dito.

Mabilis niyang ibinaba ang folder na hawak niya "Don't you know how to knock?" He said in a cold tone.

"Ohh, do I need to?" Pang-iinis na tanong ko. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo niya sa swivel chair. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin.

"Why are you here in the first place?" He asked. I rolled my eyes.

"Just checking on you. Malay ba natin kung gumagawa ka ng kung anong himala dito—"

"What the hell is your problem?!" Nagulat ako sa pagtaas niya ng boses. Why? Is he guilty? Inirapan ko siya tsaka tinalikuran. 'Yun lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako pumunta dito eh, para malaman kung nandito ba ang malanding iyon. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng maramdaman ko ang mahigpit na hawak sa braso ko.

Marahas ko siyang nilingon, nakita kong seryoso ang titig niya sa akin. "We shouldn't fight here" Halata ko sa tono ng boses niya ang galit, bubuksan na sana niya ang pinto nang mabilis kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya natigilan siya.

"And where do you want us to fight? In front of them?!" Inis kong tanong sa kanya. Ito na naman ang mga luha ko, gusto na naman nilang lumabas mula sa mga mata ko. Tinitigan niya ako, 'yung titig na nakapagpakaba ng husto sa'kin. Darn it, I know he hates me so much!

Hindi siya nagsalita, hinigit niya ang braso ko. The next thing I knew, he was already dragging me out of that building. He brought me to the basement kung nasaan ang kotse niya. Narinig ko ang pagtunog ng itim niyang Porsche, mabilis siyang pumwesto sa kanang bahagi nito para pagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako tapos ay sinamaan ko siya ng tingin pero binawi ko rin agad iyon tapos ay tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko ang pagsara ng pinto sa driver's seat, pumasok na siya.

Pinaandar niya ang kotse, malayo na kami sa opisina ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pinadalhan ng message ang isang kaibigan. I need to escape from this. Minutes later he finally stopped the car at the side of the road. I have no idea on where we are right now. Puro puno lang ang nakikita ko sa paligid at konting sasakyan na dumadaan.

"You wanted to fight? You can start now" Narinig kong sabi niya, halata rin sa boses niya ang pagka-inis. Pero imbis na sumagot ako sa kanya ay nanahimik na lang ako. I'm too tired to argue with him right now. Mas gusto ko pa ang umuwi at matulog na lang, or maybe go out of the country para makapagbakasyon at makapagpahinga mula sa gulo dito sa pilipinas. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas kung saan nakikita ko ang madadaming puno.

"Now why don't you speak?!" Halos pasigaw niyang sabi sa akin kaya automatic na napalingon na ako sa kanya. Kita ko sa itsura niya ang pagpipigil ng galit.

"FYI lang Orion. Kaya ako pumunta sa opisina mo is to check out kung nandoon ba ang Jessica mo. She came in to my office. Ang lakas ng loob niyang pumunta sa opisina. Can you tell her to stay the hell out of my life 'cause I hate her so much!" I snorted. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"She came... to your office?" Kumunot ang noo niya. Nagulat ako sa reaksyon niya. He didn't know.

"You didn't know?" Pagkukumpirma ko.

"How do I know?" He replied back. Nag-iwas na lang ulit ako ng tingin. Gusto ko na lang bumaba ng kotse niya. I don't want to stay here any longer. Tangkang lalabas na sana ako ng kotse nang mabilis niya akong pigilan. "Where are you going?" Mahigpit na hinawakan niya ang braso ko.

Marahas akong lumingon sa kanya "Isn't it obvious? Bababa na ako, magpapasundo na lang ako kay David" He loosen his grip on my arm. Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko pero parang may lungkot sa mga mata niya? Well I'm not really sure.

Tumingin siya sa ibang direksyon, kung kanina ay sa akin siya nakatingin, now he's looking straight on the road. Sumandal siya sa upuan bago huminga ng malalim. "Do you still love him?" Tanong niya na hindi man lang lumilingon sa akin. Darn it. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko ay sinasaksak ang puso ko? Ano ba ang dapat kong isagot sa tanong niya? Should I lie or tell him the truth? Hindi ako nakasagot agad. Pero mas pinili ko ang una.

"I-I'm still in love with him" I lied. Hindi ko alam kung bakit ba ako naduduwag na aminin sa ang totoong nararamdam ko para sa kanya.

Maybe because I know I'll lose him at the very moment I tell him the truth. Remember, Rule no. 6: Neither of us can fall in love with each other and if that happens... we need to immediately divorce. Maybe I'm selfish sa gagawin ko. Pero ayokong mawala ulit ang taong mahal ko. I swear Jessica will never have him back. Kung nakuha niya si David, this time hinding hindi ako papayag na sumaya siya at makuha si Orion.

Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya. "That's why you want us to Divorce immediately" Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Kung alam lang niya ang totoong nararamdaman ko.

I smiled bitterly "I changed my mind, Orion" Seryoso kong sabi. Mabilis siyang lumingon sa akin. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na para bang nagtatanong kung ano ba ang tinutukoy ko. "I don't want divorce anymore" I paused because I think anytime I'll burst out in to tears. Humugot ako ng lakas ng loob para ituloy ang sasabihin "I won't let Jessica to be happy. You are her happiness..." I paused again. "I told you, I will make her life miserable. And this is my first step. Hinding hindi kita hihiwalayan kahit na magmakaawa ka pa na pakawalan na kita. I hate her so much. Ayoko siyang maging maligaya. She'll suffer and I mean it. Hinding hindi ka mapupunta sa kanya" Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko ay mabilis akong nakababa ng kotse niya.

Narinig ko ang pagsara ng pinto. "Janelle!" Tawag niya. I knew it, bumaba rin siya para sundan ako. Tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha ko. "Janelle!" Narinig ko ulit ang pagtawag niya sa pangalan ko. I stopped walking, pero hindi ko magawang lumingon pabalik sa kanya. I don't want him to see me crying.

Nararamdaman ko ang paglapit niya sa akin, sakto naman na may humintong pamilyar na itim na kotse sa harapan ko. He finally arrived. Bumaba siya mula sa sasakyan. I looked at him with my 'help-me-escape-here-look'. Tinignan niya ako bago tumingin sa likuran ko, tapos ay ibinalik niya ang tingin sa'kin at mabilis na tumakbo palapit sa pwesto ko. Nag-aalalang tinignan niya ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Ganun na ba ako nagmumukhang kawawa?

"What are you doing here, David?" Narinig ko ang kalmadong tono sa boses ni Orion.

"I'm here to pick her up" Iyon lang ang naging sagot ni David tapos ay inalalayan ako papunta sa kotse niya.

Malayo na kami ni David kung saan niya ako sinundo kanina pero wala pa rin akong tigil sa pag-iyak. I'm such a cry baby. Bakit ba pagdating sa love na iyan ay napaka hina ko? Nakakatawang isipin na ang masungit, mataray, selfish at spoiled brat ay mahina pagdating sa bagay na 'to. Para akong bata na ngawa ng ngawa dahil hindi nabili ng daddy niya ng gusto niyang Barbie doll.

"Do you want to go home now?" Tanong ni David habang patuloy pa rin sa pagda-drive. Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Janelle... mind to share what happened?" Tanong niya.

"For what? Para mag-iiyak ako dito lalo? Is that what you want?" Sabi ko sa gitna ng paghikbi.

"I'm willing to listen" Sabi niya pagkatapos ay inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung nasaan kami, basta ang alam ko lang ay malayo na kami sa lugar kung saan ako dinala ni Orion kanina.

"I'm so weak when it comes to him" Bigla ko na lang nasabi, siguro ay dahil na rin hindi ko na kayang sarilinin pa ang nararamdaman ko.

"Sa'kin ka na lang kasi ulit" Sabi niya habang nakangisi. Alam ko namang hindi siya seryoso sa sinabi niya. He was just joking to lighten up the atmosphere. Sinamaan ko na lang siya ng tingin pero hindi siya natinag at nagawa pang tumawa sa kabila ng kalagayan ko ngayon.

Continue lendo

Você também vai gostar

4.1M 87.7K 56
COMPLETED WARNING: CONTAINS MATURE SCENES, EXPLICIT LANGUAGES, INTENSE SEXUAL OR GRAPHIC VIOLENCE, NOT SUITABLE FOR MINOR READERS. Except: Sini...
1.1M 22.1K 42
In just a day, Your husband asked for annulment... Then you found out na may brain tumor ka... And lastly you are 5 months pregnant. Ano nga ba ang...
3.6M 68.9K 69
Si Megan Montereal ay isang normal lang na dalaga. college student, mayaman, maganda, matalino at syempre friendly. May crush siya kay Rafael Dela Cr...
1M 13.6K 26
Story ito ng isang asawa na pinagmamalupitan ng kanyang naging asawa , naging ina at pati na ang kapatid . Lumipas ang mahabang panahon ganun parin a...