Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

6 - Answer My Question

1.3K 21 4
By BlueRigel

Chapter 6

Answer My Question

Bes, pasok tayo ng maaga bukas… mga 6:30 nasa school na tayo. Pwede ka ba? Need lang kita.

To: Bes Kate Sent: 7:30pm

Home, menu, messaging, sent items, paulit-ulit. Tinititigan ko lang ‘yung cellphone ko, 8 na at wala pang reply si Bes. Usually nag-rereply naman agad ‘yan, why now. Nakapagdinner na kami nila mama nung dalang yellow cab ni Nick.

“Ano nga ba ‘yung nangyari kanina?” Napapangiti na lang ako sa kisame habang nakangiti.

*ding*

1 New Message from Bes Kate, hay sa wakas! Bago ko pindutin ‘yung open, pumikit muna ako. “Sana pumayag siya.” Kailangan na niyang malaman ng maaga kaysa naman malaman pa niya sa iba.

SNR bes, nag-sine kasi kami ni Dy. Dinaanan niya ako dito sa bahay after niya diyan. Anong problema? Okay ka lang ba? Text back ASAP. So sorry for the late reply, I hope you’re fine.

Sinulit niya talaga ang day off niya. Dapat lang, naku ‘pag nalaman ni bes na nagpunta siya dito tapos hindi man lang siya pinuntahan, boom! Workaholic kasi si Daryl, kaya minsan once a week lang sila magkita ni Kate, malas kung buong week hindi siya available.

Ayiiieee. Naks naman! Nag-date pala ‘yung love birds ko. Okay lang naman ako, may kailangan lang akong ipakita sa’yo bukas and I need your diyosa powers.

To: Bes Kate Sent: 8:14pm

Sure thing my goddess! Let’s have our beauty rest na. Sleep well. Sweet dreams. :*

From: Bes Kate Received: 8:16pm

Gracias mi diosa! Dy Dreams! xx

To: Bes Kate Sent: 8:18pm

Ganyan kaming mag-best friend. Kapag kailangan namin ang isa’t isa, wala ng tanung-tanong pa, oo agad. Kaya nga napakathankful ko kay Lord at shinare niya sa akin si Katherine.

Ang aga ko sa LRT, kahit pala mga 6 ka makasakay masikip pa rin pagdating pa lang sa Katipunan. Mabuti na lang at sa Santolan ako sumasakay, first station kaya eto nakaupo ako.

Anonas na, naku si lola, wala na siyang mauupuan. May katabi akong estudyanteng lalaki, fit naman ang katawan niya at nakita naman niyang pumasok si lola, ayaw man lang ibigay ‘yung upuan. “Dito na po kayo Nay,” kinalabit ko si nanay at tumayo ako. “Salamat iha,” ngumiti si nanay.

Dalawa ang bag ni nanay, tsk. Hindi ka man lang makonsensya kuya at may payuko-yuko ka pang nalalaman. Isaksak mo sa ear drums mo ‘yang iPod mo. Wala na ba talagang mga gentleman ngayon? Sana lang at may magandang dahilan ka kung bakit ayaw mo tumayo. Bahala na si Lord sa’yo.

Balance-balance din, Cee. Naku, kapag nakatayo ka sa LRT at wala kang mahawakan, dapat expert ka sa balancing. Heto at magkalayo ang dalawang paa ko para kapag huminto, madali na lang ibalance. Nakaabante naman ng onti ‘yung kanang paa ko in case lumiko ‘yung tren.

“Arriving at Pureza station, paparating na sa Pureza station.” Andito na sa wakas, onting excuse me para makadaan at kapag walang balak tumabi ‘yung nasa may pinto, konting push ng makaramdam naman.

Magtatrike pa ako mula Pureza bago makarating ng school, medyo malayo rin. Pero kapag hapon, nilalakad na lang namin para makatipid.

Time check, 6:30, sakto lang. Andito na ako sa may linear park, tabi ito ng ilog Pasig. Binabaybay ng isang mahabang batong upuan ang hindi kataasang bakod na naghihiwalay sa PUP at sa ilog. Sa mga ganitong oras, kaunti pa lang ang mga nakatambay dito, syempre lahat ng papasok ng ganito kaumaga eh para sa mga may klase ng 7 or 7:30, pero mamayang magtatanghali, wala ka ng mapupwestuhan dito.

Mahaba ito, lalakarin ko pa ng onti hanggang makarating ako dun sa may bandang PUP Lab High School. Medyo natatakpan kasi ng mga puno sa gawing ‘yun. Syempre ‘pag kinikilig na ako gusto ko si bes lang makakakita. Hindi para sa publiko ang ka-cute-tan kong kiligin ha!

“Hi bes!” Niyakap ko siya ng mahigpit pagdating niya.

“Hala siya, anong meron ha!” Hindi naman kasi uso sa amin ang hugging at beso-beso, kapag may something lang.

“I need to tell you something.” Seryoso kong sinabi ng eye to eye habang umuupo kami. Kitang-kita ko sa mata at face reaction niya na hindi na siya makapaghintay sa mga susunod ko pang sasabihin.

“Ano bes? Tao? Bagay? Hayop?” Pinoy henyo ang peg mo ‘te? Excited much, mabanatan nga “puso…”

Nga-nga, ang cute ni Kate. Haha. Hala, pataas na ng pataas ‘yung ngiti niya. Puso pa lang, kilig agad? Wala pa nga akong pinapasabog e!

“Wooohh!! Sino bes? Ano, crush ba? Love na?” Tinamaan nga naman ng kwentuhang-puso, hindi na mapakali ‘tong si Kate.

“Ligaw na.” Pabulong ng onti.

“Aysus!!! Namumula ka bes!!! Sino ‘yan ha? Kilala ko ba? Na-eexcite ako para sa’yo. Hindi ka na tatandang dalaga.” Aba, ‘wag ko na kayang ikuwento? “Joke lang… Simangot ka naman agad diyan. Ay maryosep, spill it out! Answer my question, who’s the guy?”

“Si Nick.” Ayan na nga ba sinasabi ko eh, tsk. Biglang nawala ‘yung excitement sa mukha niya, patay ako neto. Isa kasi sa mga crush niya dati si Nick, tapos ayaw niya papaagaw mga ‘asawa’ niya. Kaya nga tinatanggal ko mga poster ko sa kwarto ‘pag pupunta siya dun, arbor ang ending. “Magsalita k ngaaaaaa! May Daryl ka naman eeee. Alam ko namang crush mo siya dati… May Daryl ka na bes, ajujujujujuju.” Sabay akap ko sa kanya at pinatong ko ang ulo ko sa kanang balikat niya.

“Hala siya, ano ka ba Caroline!” Naiiyak na ako, ayan na, teary eyed na… Tsk.

“Caroline, alam mo namang since April 10, 2012 stick to one na ako ‘di ba?” Paliwanag niya. Tinanggal ko ‘yung ulo ko sa balikat niya at sinabi kong “eh tuwing umaga kaya laging mong sinasabi ‘napakagandang panaginip, I went to Eastwood with my husband Zac.’”

“Sira ka talaga. Ano ka ba?!” Pinagtatawanan na nga niya ako, nakikita ko sa ngiti niya eh. Seryoso pa rin akong sumagot, “sira?” ‘Yun ang sinabi niya sa akin kanina di ba?

“Baliw!” Tinulak ba naman ako sa noo. “Tama ka naman. What I mean is, when it comes to real people,” bakit kailan pa naging fake si Zac? “ang mga lalaking nakikita ko in person, crush, oo. Landi-landi rin minsan di ba? Pero duh, may Daryl na ako at wala na akong hahanapin pang iba.” Ahhhh. Ang slow ko talaga, buffering ba.

“So ano, kailan pa siya nanliligaw? Grabe, hindi man lang na-detect ng radar ko.” Tanong ni Kate sa akin. Patay, baka magalit kung sabihin kong nadelay ako ng 1 day bago ko i-announce sa kanya. “Kahapon.” Pumikit ako, ayoko makitang mag-turn into a bad diyosa ‘yung beautiful diyosa ko…at sinundan ko agad ng paliwanag para hindi agad mag-init “ano, kasi…hindi ko agad nasabi kasi…hindi ako sure, kasi ‘di ba, kaibigan natin siya…hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nanligaw na siya, eh tayo-tayo lagi magkakasama. Ewan, hindi ko talaga maintindihan bakit hindi ko agad nasabi sa’yo. Siguro kasi—“ Kung may nakakarinig siguro sa akin ngayon, baka akala nasa prisinto kami at ganito ako magpaliwanag.

“Siguro kasi first time mo?” Bakit mas alam pa niya ‘yung sagot? “Siguro?” Patanong kong sagot.

“Wala sa akin ‘yung na-late mo sabihin…isang araw lang eh. Kung isang buwan siguro baka initsa na kita sa ilog.” Natawa na lang kami. “I’m just so happy for you Caroline, my best friend.”

“I super love you talaga Kate! Siguro kaya tipid si Lord magbigay ng friend sa akin kasi ikaw pa lang, complete package na!” Asus, kinilig ang diyosa.

Siyempre after nun, todo kwento ako sa mga nangyari. Kilig to the bones naman kami pareho.

“Seven twenty na pala, kapag chikkahan nga naman o.” Malapit na magstart ang 7:30 class namin, buti na lang napansin ko. “At kapag kinikilig…” Dagdag ni Kate na kinikilig pa hanggang ngayon.

Kahit naglalakad, tuloy-tuloy pa rin ang question and answer portion niya sa akin. Malapit na kami sa classroom, hays, nakakahingal, 4th floor, east wing.

Sakto ‘yung dating namin, kapapasok lang ni ma’am pagkaupo namin. Hinahanda na nila ang projector. Sosyal, projector pa. Magkano manila paper, dose lang ba? Eh ang renta ng projector, 90 isang oras.

Isa-isa ng tinawag ni ma’am ang mga mag-rereport “Alcantara, Dela Cruz, Javier, Ramirez, konting bilils.“ Oo nga pala, grupo nila Nick at kuya Dan ngayon, Alcantara at Javier.

Wow ha, never pumayag mag-report si Nick nang naka-powerpoint, ngayon lang. Na-excite tuloy ako, baka may movie silang ipapalabas. Ayy, oo nga pala, awit at korido ang topic nila ni kuya.

Akala mo naman kung ano lang binabangga nitong si Kate, after kiligin ‘yan syempre may after shock. Ayan, bangga nang bangga sa akin, sabay bulong ng “ayiie.” Hayaan ang bata…wag lang may makarinig.

Nagsalita na si kuya “Magandang umaga po sa inyong lahat, ang aming ulat ay tungkol sa awit at korido. Ano nga ba…” Ang galing talagang magsalita ni kuya Dan, kapag siya ang reporter, lahat nakikinig.

Ayan, nakapag-report na lahat, si Nick na lang. Siya pala ang huling reporter. Teka, bakit hindi siya tumitingin sa akin? “Uy bes, bakit dun lang sa kabila tumitingin si Nick? Siya pa man din ‘yung tipong nakikipag-eye to eye kapag nag-rereport na akala mo kung sinong prof. Woops. No offense, joke lang.” Oo nga e, bakit kaya, “ewan ko diyan.”

Tapos na siya mag-report, nagpalakpakan lahat. Syempre hindi ako pumalakpak ng malakas, ano bang problema nito at hindi tumitingin dito? Tsk.

“Wait lang! Hold your applause!” Tinaas ni kuya Dan ‘yung dalawang kamay niya na pinapahinto nga kaming pumalakpak. Hindi pa ba tapos? Gusto ko ng tanungin si Nick kung bakit hindi siya tumitingin dito, kainis kasi. “Bago namin tuluyang tapusin ang aming ulat, may kaunting presentasyon muna kaming inihanda para sa inyo.” Naks naman, daming alam. Dagdag grade din ‘yan. Haha!

May nag-appear sa projector “Ang musika ay napakagandang biyaya sa atin ng MayKapal… Ang mga tao ang nagdadagdag ng mga letra sa isang musika upang maipahayag nila ang nilalamang mensahe ng kanilang mga puso.”

Nag-umpisa ng magtambol sa beat box si Jer, at nag-strum na ng gitara si – “kailan pa natutong mag-gitara si Nick, ha Kate?” Hindi naman ‘yan marunong mag-gitara.

“Aysus, I don’t care, kinikilig ako…dream guy mo ‘yung marunong mag-gitara di ba? Oh, ayan na!” Kinurot ko ‘yung braso niya, mamaya may makarinig! “Awch.”

[TIP: I-full text niyo po ang pagbabasa kung nasa computer po kayo nagbabasa. Then i-play niyo po 'yung Fall by Justin Bieber na nasa right side while reading every single moment... Ilang ulit ko po 'yang tyinempo sa lyrics para tumugma maigi sa imaginations niyo. sana magustuhan niyo <3]

Dan:

Whoa, ooh

Well, let me tell you a story

About a girl and a boy

May lumabas na drawing ng human stick na babae na may question mark sa paligid ng ulo niya at biglang nag-pop ang human stick na lalaki sa tabi niya, may pangalan – Nick. Hala, bakit sa akin nakatingin si kuya.

“Yiiieee!” Nagtilian ang buong klase. “Oh no…” Pag-aalala ko na may binabalak sila, “oh yes,” naman ‘tong si Kate. Halalalalalaaaaa!

“Filipino subject ‘to ah! Bakit English ‘yan???” Mahina kong sinabi… “Oo nga! Ano ba ‘yan!” Sagot ni Peter sa may likod ko, nasa harap kami ngayon. Usually, last row kami, kaso kapag may powerpoint presentation, nakaharap sa likod o pader ng room ‘yung mga upuan namin dahil doon nakatututok ‘yung projector. “Ssshhhh!” Hala, si ma’am pa ‘tong nagpatahimik eh siya ata ang prof na ayaw magpasalita ng kahit anong English word sa klase niya kahit ang salitang ‘so’ bawal!

Nag-transition na ‘yung presentation into lyrics ng kanta. Diretso pa rin sa pagkanta si Dan…

Dan:

He fell in love with his best friend

When she's around, he feels nothing but joy

But she was already broken, and it made her blind

But she could never believe that love would ever treat her right

Nang biglang kumanta na si Nick… “Did you know that I loved you or were you not aware?” Sa labas siya ng classroom tumitingin, oy andito ako! Bipolar ko rin minsan eh, gusto-ayaw, ayaw-gusto. Mula sa pagkakatingin niya sa labas, tumingin siya sa gitara, then tumingin siya sa akin “you’re the smile on my face,” anong ngiti ‘yan Nick?? “I smell something fishy…” Tukso ni Kate. “iiiihhh…” Bulong ko sa kanya. “and I ain’t going nowhere.

Nick:

I'm here to make you happy, I'm here to see you smile

I've been wanting to tell you this for a long while

Napapangiti ako shet! Nakakatunaw naman ‘yung tingin ni Nick, ayayay! Ang gwapoooooo, maaay gulaaaaayyyy………… WAIT! Nagpagupit siya! Oo, tama, hala…lakas maka-ohohMario Maurer ng semi-mohawk niya at naka-all black ngayon at walang kahit anong bahid ng highlight.

Dan and Nick:

What's gonna make you fall in love?

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

“Well prepared ang lolo mo, nagpa-bench fix pa ata!” Sabi ni Kate sa akin. Nakangiti ako at pinilosopo ko pa siya “Penshoppe si Mario Maurer.”

Dan and Nick:

Don’t have to be scared at all, oh, my love

‘Yung bangga ni Kate, may vibrate ng kasama ngayon. “Caroline….maiihi na hata hako sa kiliiiiiiiiggg!” Hala ka Kate!

Dan and Nick:

But you can't fly unless you let yourself,

You can't fly unless you let yourself fall

In fairness, ang ganda ng blending nila ha.

“Yiiiieee!!!” Napansin na ata ng lahat na sa akin na lang nakatitig si Nick habang kumakanta. Pinagpapawisan ako, pero ang lamig ng buong katawan ko.

Nakita kong nag-faflash ang mga pictures ng barkada namin. “Yiiee! NickLine!” Sinisigaw ng mga kaklase namin. Hala, may love team na kame!?

Nick:

Well, I can tell you're afraid of what this might do

Cause we got such an amazing friendship and that you don't wanna lose

“Ayiiee bes, pati si ma’am kinikililg oh!!” Napalingon ako, at oo nga, terror teacher expressing a big damn smile. Parang nag-iispark pa ata ‘yung mata ni ma’am. Haha.

Binitawan niya ‘yung gitara at inabot kay kuya, beat box na lang ang background niya habang kumakanta. Papalapit siya sa akin… “Well, I don’t wanna lose it either,” nang papalapit. “I don't think I can stay sitting around while you're hurting babe,” inextend niya ‘yung kamay niya at hinihintay niya atang kunin ko “so take my hand.

Inabot ko ang kamay niya, at tumayo ako dahil niyaya niya ako sa harap. Kinuha pa niya ‘yung isa kong kamay at patuloy pa ring kumanta. Kinuha ni Roman ‘yung gitara at siya na ang nagpatuloy.

Nick: Well, did you know you're an angel who forgot how to fly?

“Okay ba?” Sinasayaw na niya ako ngayon, halaaaa nakakahiya, hindi ako marunong sumayaw.

Nick: Did you know that it breaks my heart every time to see you cry

“Ang dami mong alam…nakakahiya kaya.” Hindi ko na alam, halo-halo na ang nararamdaman ko. Kilig, hiya, saya…saya na parang ngayon ko lang naramdaman.

Nick:

Cause I know that a piece of you's gone

Every time he done wrong I'm the shoulder you're crying on

And I hope by the time that I'm done with this song that I figure out

“Para sa’yo, mawawala sa diksyonaryo ang salitang hiya. Sa puso ko, ikaw ang kahulugan ng salitang love.” Hindi na ako makasagot, grabehang speech na naman itech.

Dan:

What’s gonna make you fall in love?

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

Don't have to be scared at all, oh, my love

“Alam kong hindi ka pa handang maging tayo, and I respect that.” Ang gentleman naman niya. Pwede na nga akong um-oo ngayon eh! Kaso walang 30 tuwing February, hindi magandang monthsary ‘yun. Joke, siyempre sasagot lang ako kapag tinanong niya na ako.

Dan:

But you can't fly unless you let yourself,

You can't fly unless you let yourself fall

“And by the way, I’ve already asked tito Robert’s blessing regarding my panliligaw.” ANO RAW?! Nagpaalam siya kay papa?

Dan: I will catch you if you fall

“Ano?! Kelan ka nagpaalam?” Kahapon??

Dan: I will catch you if you fall

“Syempre ready ako, ayos lang daw. Paano ba ‘yan? Okay na lahat.” Nangingiti na lang ko, kakaiba ka talaga.

Dan: I will catch you if you fall

“Pero kailan mo kinausap si papa?”

Dan: But if you spread your wings, you can fly away with me

“Secret.” Tsk, ang bilis mo. Dami mo ng points sa akin ha! “I did this kasi gusto ko lang malaman ng lahat na mahal kita at bawal ka na nilang angkinin.”

Dan:

But you can't fly unless you let your...

You can't fly unless you let yourself fall

Baliw talaga ‘to. Lahat pala ha, eh di dapat dun sa freedom park tulad nung kay Kelly at Mickey. Joke.

Dan:

What's gonna make you fall in love?

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

“Sira! Ang selfish mo. Sa beauty kong ‘to, meron pa akong ibang manliligaw pwera sa’yo!” Pagselosin ko nga.

Dan:

Don't have to be scared at all, oh, my love

But you can't fly unless you let yourself,

“So I have a competition…sino?” Serious na ‘yung mukha niya tapos nilayo niya ‘yung mukha sa akin tapos kinagat niya ‘yung labi niya na parang “tsk, ako lang dapat,” ayiieee, ang cute.

Dan:

You can't fly unless you let yourself fall,

What's gonna make you fall in love?

I know you got your wall wrapped all the way around your heart

“More!! More!” Nagsisigawan sila. “Sagutin na ‘yan!”

Don't have to be scared at all (don't have to be scared, don't have to be scared at all), oh, my love

But you can't fly unless you let yourself,

You can't fly unless you let yourself fall

“Si Zac, si Ian.” Natatawa ako, sarap niyang asarin. “Tsk. Akala ko naman kung sino. Wala naman silang kalaban-laban sa akin, sure win na ako.” Kumanta na ulit siya, “I will catch you if you fall,” sabay inikot niya ako, “I will catch you if you fall,” at sinalo… “I will catch you if you fall.” Sheeett, natutunaw ako…freezer please! “If you spread your wings, you can fly away with me. But you can’t fly unless you let your…let yourself fall.

“Unkaboggable!! Wooh!” Sumigaw si Peter at nagpapalakpakan na sila.

“Caroline, will you let yourself fall? Will you let me make you fall? Pwede ba kitang maligawan?”

Second time niya ng tinanong ‘yan, gusto talaga niyang malayang makapanligaw, grabeness, to the highest levels of of all levels on earth. This time, hindi lang simpleng oo ang nasabi ko “sure, why not?” Tinabig ko ng daliri ko ang matangos niyang ilong. Naman kasi, nangangawit na ako dito, itayo mo na ako. Bago pa niya ulit ako manakawan ng halik, tumayo na lang ako sa sarili ko.

“Class dismiss.” Hanep din itong si ma’am noh?

Continue Reading

You'll Also Like

63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
27.3M 697K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
88.2K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...