The Guy Next Door (Completed)

By TabinMabin

2.3K 212 11

Competitive in nature si Patricia at ginawa niya ang lahat para makapasok sa university na papasukan ng crush... More

The Guy Nextdoor
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63

Epilogue

78 5 10
By TabinMabin

Patricia

"Go, Patricia!"

Malakas na sigaw ng mga tao sa kaliwang bleacher kung saan nakaupo ang mga ka-block at mga kaibigan ko. Sobrang ingay sa gym dahil sa ginaganap na volleyball. Laro-laro lang ito sa pagitan ng pinagsamang cooking at music club laban sa volleyball club.

Nahila lang ako ni Kate sa larong ito at sa totoo lang ay kinakabahan ako sa bawat galaw ko. Marunong naman ako mag-volleyball pero ayoko namang ako ang maging dahilan ng pagkatalo namin. Isa pa, sobrang galing ng mga kalaban dahil nasa volleyball club ang mga ito kaya hindi puwedeng tatanga lang ako rito't hindi ibibigay ang best ko.

Hindi ko nga maintindihan sa mga kalaro ko kung bakit sobrang dami ng inimbitahan nila. Para tuloy may seryosong laban na nagaganap rito sa gym.

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang likod ng braso ko at hinawi ang buhok kong naka-ponytail dahil nawawala ito sa ayos. Para akong naligo sa sobrang pawis ko tapos ang ipinahiram pang mga damit sa amin ng volleyball club, silk kaya mas nakadagdag sa init.

"Patricia!" sigaw ng kakampi ko na nasa likuran.

Nakatutok ang mga mata ko sa bolang papunta sa direksyon ko at tinalon ito para mag-spike. Nang makapuntos ako, nanglaki ang mga mata ko dahil hindi makapaniwalang ako ang makakagawa ng winning point.

Tumunog ang buzzer at kasabay nito ay naghiyawan ang mga taong nasa bleachers. Sinugod ako ng mga kakampi ko at ang mga taong nasa bleachers ay nagtakbuhan papunta sa gitna para lapitan kami. Hindi naman ako ang MVP kaya nagtataka akong ako ang pinagkakaguluhan nila pero hinayaan ko na lang at dinama ang pagkapanalo namin.

"Grabe. Ang lakas ng hampas, eh!" Pumunta si Keera sa tapat bago tumalon at nag-spike sa ere kaya natawa kami ni Patch.

Naglalakad kami papunta sa likuran ng gym dahil may cr duon para magpalit ng damit at para makapaghugas ng braso dahil pulang-pula na ito dala ng ilang beses na pagtama ng bola. Si Kuya Gavin ang may dala ng bag ko dahil basang-basa ako ng pawis.

"Hintayin na lang namin kayo rito." ani Axel nang makarating kami sa tapat ng banyo. Kinuha nito sa balikat ni Kuya Gavin ang bag ko saka ito ibinigay sa akin. "Bilisan niyo para makakain na tayo."

Sumama sa loob ang dalawa kaya nakapagpatulong ako sa pagpupunas ng tissue sa likuran ko. Nang makapagpalit na ako ng damit ay ipinlastic ko ang mga pinaghubaran ko't inilagay ito sa bag. Kaagad rin naman kami lumabas ng univ nang makapag-ayos na ako saka kami dumiretso sa Jollibee.

Dala naman ni Kuya Gavin ang kotse ng pamilya niya kaya ito na ang ginamit namin sa pagpunta sa kakainan at habang nasa byahe, naka-receive ako ng message mula kay Tyron.

"Nasaan ka?"

"Pupunta kami ng Jollibee nina Axel."

"Jollibee? Iyong pinakamalapit sa univ niyo?"

"Yep."

"Punta ako. Wait for me."

Hindi na ako nag-reply at ipinaalam na lang sa mga kaibigan ko na sasama si Tyron sa amin. Um-oo naman ang mga ito at nagpatuloy sa pag-uusap-usap. Saglit lang ang binyahe dahil malapit lang naman ang pupuntahan namin at nang maiparada na ang sasakyan, parang mga batang nakawala sa kulungan ang mga kasama ko dahil nag-unahan ang mga ito pagka-park na pagka-park ni Kuya Gavin sa kotse.

Sa labas ng Jollibee kami kumain dahil punuan sa loob at may mga bakanteng upuan naman sa labas. Sina Kuya Gavin, Axel at Keera na ang um-order at naiwan kami ni Patch sa labas. Saktong pagkabalik nina Kuya Gavin ay siya ring dating ni Tyron.

Nakipag-apir muna ito sa barkada bago umupo sa tabi ko. Nakangiting hinawi nito ang buhok ko't inipit sa likod ng tainga ko kaya nakatikim siya ng mura dahil sa pagiging sweet sa akin.

Marami na rin ang nangyari sa nagdaang ilang buwan. Isang buwan na lang rin, graduation na kaya lahat kami ay nakahinga ng maluwag at nakakapaggala na kahit papaano.

Naging mahirap pero worth it naman ang mga pinagdaanan namin sa loob ng university na pinasukan namin at sobrang proud kami sa isa't-isa dahil sabay-sabay kaming makaka-graduate. Hindi nga lang iyon dahil ako at si Patch ay ga-graduate na cum laude.

Hindi ko rin maiwasang ma-miss ang ex ko dahil tuwing magkakasama kaming magkakabarkada ay hindi nawawala ito. And speaking of him, nawalan na ako ng balita sa kaniya.

It's true na nakakausap niya pa ang mga kaibigan namin pero ako, hindi ako nakikibalita dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan kahit na para sa kaniya naman kung bakit ko siya sinaktan. Gusto nilang ipaalam sa akin ang mga nangyayari kay Lie Jun pero tumatanggi ako. Isang beses nga lang yata ako nagtanong patungkol sa kaniya simula nang mawala siya.

Tinanong ko kasi si Patch kung kumusta si Lie Jun at masaya naman akong ang sagot sa akin ay nasa mabuti siyang kalagayan.

That day he left, tanda ko pa na wala ako sa sarili pero ginusto ko pa rin magpaliwanag sa mga kaibigan ko at laking pasasalamat ko na naintindihan nila ako. Paulit-ulit rin ang paghingi ko ng tawad kay Tyron dahil sa pagdawit ko sa pangalan niya. Gusto niya raw nga itong bawian dahil nagka-blackeye siya dahil sa pagsapak nito sa kaniya.

Even si Ate Nora na tumatayong tiyahin ni Lie Jun, hindi ko na rin nakakausap. Pumupunta ito sa bahay namin ay mukhang nagbibigay ng update sa mga magulang ko pero tulad ng parati kong sinasabi, hindi ako nakikibalita dahil pakiramdam ko talaga wala akong karapatan.

Plano ko kasing kausapin ito at sa kaniya mismo magtanong kung ano ang naging buhay niya sa China. Gusto ko siyang makausap ng matagal kaya araw-araw, hinihiling ko n asana, pagkabalik nito't nagkaayos na kami, magkuwento ito sa akin.

Nangako rin ako sa barkada na makikipag-ayos ako rito sa oras na umuwi ito ng Pinas kaya masaya sila sa naging desisyon ko. Gustong-gusto kasi ng mga ito na kami ang magkatuluyan. Ang nakakatuwa lang, kami-kami lang rin ang nakakaalam na wala na kami ni Lie Jun. Even sa media, hindi nakarating ang balita na wala na kami nito kaya kapag may guesting ako't tinatanong ako patungkol sa kaniya, paulit-ulit ko lang sinasabing nasa maayos kaming kalagayan at ayos lang kami. Oo, hindi pa kami ganuon ka-mainstream talaga pero marami-rami na rin talaga ang nakakakilala sa amin.

And speaking of Tyron, na ngayo'y nakikipagtawanan sa mga kaibigan ko, tulad ng inaasahan ng mga kaibigan ko, umamin na ito 3 months after umalis ni Lie Jun. Matagal-tagal na rin daw itong may gusto sa akin pero hindi lang makaamin o makaporma dahil alam na may boyfriend ako.

Kung hindi pa nga raw ito tinulak ni Sharon na umamin sa nararamdaman nito, hindi pa ito aamin. Alam kong malungkot rin ito dahil sa desisyon ko. Alam naman kasi nito na mahal ko pa rin ang dati nilang katrabaho. Tanggap naman niya pero sinusubukan niya pa rin kuhanin ang loob ko kahit na hindi ko siya pinayagang mangligaw.

At mariin ko rin siyang pinakiusapan na kung gusto niya magbigay, sana sa hindi makikita ng mga tao dahil ayokong kumalat naman ang tsismis patungkol sa amin.

We've been interviewed once at tinanong kung may may crush ba ito sa akin dahil ilang picture at video na raw ang kumakalat na sobrang lapit namin sa isa't-isa at nasa mental script na naming sumagot na we're just good friends and she has a / I have a boyfriend.

Wala naman akong magawa sa nararamdaman niya dahil hindi pa ako nakaka-move on sa ex ko. Gustuhin ko man mawala ang lungkot niya by means of being his girlfriend, hindi puwede dahil ayoko naman manggamit ng tao at bumitaw sa totoong mahal ko.

Graduation day came. Sobrang ingay sa venue dahil sa sobrang saya na bumabalot sa bawat isa. Kahit saan ka tumingin ay puro nakangiting estudyante ang bubungad sa iyo habang masayang nag-uusap at masayang kumukuha ng videos at pictures.

Nang magsimula na ang program, nakangiting pinatahimik ng nagsasalita sa stage ang mga tao. Maging ang mga magulang na nakaupo sa mga upuan na nasa second floor na panay ang picture sa mga anak nila ay tumigil rin sa ginagawa.

Mahabang speech ang binitawan ng head ng univ namin at nag-iwan ng uplifting messages sa amin. At matapos ito, sinabi na may special guest na mag-s-speech before magsimula ang bigayan ng diploma kaya nagkani-kaniyang tanungan ang mga estudyante at nagbigay ng kani-kaniyang speculation kung sino ang nasabing special guest.

May nagsimula muna ulit at isang dean naman this time na bigay rin ng messages para sa amin bago ito saglit na tumingin sa kaliwa.

"Before I return to my seat, I'd like to call in our special guest." Ipinihit nito ang katawan bago nakangiting itinaas ang mga kamay hanggang sa level ng dibdib nito. "Let's welcome a very talented rising personality in China who's great at modelling and gave us a very outstanding grade results despite being home-schooled. May I call in Mr. Wang, Lie Jun to come here to the stage?" Paatras itong umalis sa harap ng podium habang pumapalakpak at nang makaupo ay saka ko pa lang nakita ang isang pares ng pa ana lumabas mula sa gilid ng stage.

Para itong nag-slowmo sa mga mata ko nang unti-unti itong lumabas mula sa pinagtataguan at kahit na nakakabinging sigawan ang bumalot sa buong venue, para akong walang marinig dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Siya?" Hindi ko pinansin si Patch na nasa tabi ko nang magsalita ito.

Hindi ko maialis ang tingin rito. Napahawak na rin ako sa dibdib ko para sa pag-aasam na pakalmahin ang pagtibok ng puso ko dahil sobrang bilis nito.

It's been a year since I last saw him and it's been a year since I did something to make him loathe me. He left because of me. We were not able to reach our dream of graduating together because of what I told him.

Naramdaman ko ang tinging ibinabato ng ilang estudyante sa akin dahil alam ng mga ito na boyfriend ko ito but still, hindi ko pa rin maialis ang tingin rito.

Nagbulungan na rin ang mga estudyante sa paligid namin habang nakatingin sa kaniya. Sinasabi ng mga ito kung gaano siya ka-gwapo at ang iba pa ay pinag-uusapan ang mga naging balita na umikot sa kaniya habang nag-aaral pa rito.

Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya habang naglalakad papunta sa podium para sa gagawin niyang speech. He looks dashing while wearing that all black americana suit. He also looked mature dahil nakataas na ang buhok niya, hindi tulad noon na mukha siyang bata dahil sa bangs niya.

Napahawak sa kamay ko ang kaibigan ko. Kahit ako ay nagulat dahil hindi ko alam na siya ang magsasalita ngayong graduation ko.

May hinawakan siyang papel sa podium bago itinapat ang mic nito sa harap ng bibig niya saka nagsimulang magsalita. Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses niya. Ang tagal-tagal ko nang gusto marinig ito at medyo lumalim ito ng kaonti. Habang nagsasalita ay inililibot niya ang paningin. Bago ko pa man itago ang mukha ko sa pamamagitan ng pagtungo, nagtama ang mga paningin namin.

Nanatili siyang nakatitig sa akin the whole time na nagsasalita siya kaya ang ginawa ko, bumitaw ako sa kaibigan ko't umalis sa pagkakaupo. Nakayuko ako sa pag-aasam na hindi niya ako makita, kahit na nakita niya naman na ako, at para na rin hindi ako makaharang sa view ng nasa likuran. Akmang aalis na ako nang magsalita ulit siya.

"Miss, please sit down." Nailibot ko ang paningin ko sa pag-aasam na hindi ako ang tinutukoy niya pero ako lang ang bukod-tanging estudyante na nakatayo. Itinuro ko pa ang sarili ko na parang tanga kaya napataas ang isang kilay niya. "Yeah. You."

Na-miss ko iyong ugali niya na pagtaasan ako ng kilay.

"M-Mag-C-CR lang. Hindi ko na kaya kasi."

Napuno ng tawanan ang buong venue at tatanggapin ko ang kahihiyang ito dahil mas gugustuhin ko pa makaalis rito kaysa malusaw sa mga titig na ipinapako niya sa akin.

Nakatungong nag-excuse ako sa mga madaraanan ko hanggang sa makalabas ako ng venue. Pagkasara ko ng pinto ay siyang pagtulo ng mga luha ko.

Kung tignan niya ako kanina, parang hindi niya ako minahal ni minsan.

Siguro kasi hindi niya na ako mahal at kasalanan ko kung bakit.

Wala halos makikitang tao sa hallway at ingay na nagmumula sa loob ng venue lang ang maririnig habang nakasandal ako sa pintuan. Tumayo ako ng tuwid at pilit na pinakakalma ang sarili ko sa pamamagitan ng paglalakad ng pabalik-balik habang ipinapaypay ang mga kamay ko sa mukha ko.

Matapos ang ilang minuto, kahit kinakabahan, bumalik ako sa loob dahil hindi naman puwedeng hindi ko kuhanin ang diploma at recognition ko.

Nang matapos ang ceremony, nakipagkita kaagad ako sa pamilya ko at hindi man nila banggitin, alam kong pati sila ay nagulat rin sa pagbabalik ni Lie Jun. Iniwasan naming buksan ang topic patungkol rito at nagsiya lang buong araw. Pagkauwi nga namin ay nakita ko pa na may tarpaulin sa harap ng bahay na may malaking congratulations sa gilid ng pagmumukha ko.

Kinabukasan, tawag ng barkada ang gumising sa akin. Nag-send sila ng group video call request at kahit mukha pa akong bruha dahil hindi man lang ako nakapag-ayos since literal na kagigising ko lang, in-accept ko pa rin ang request nila.

"Anong plano mo?" excited na tanong ni Keera. "Huwag mo sabihing nakalimot ka kaagad."

"Guys, na-shook talaga ako kahapon. Nakakaloka," nakangiting sinabi ni Patch habang yakap-yakap ang stuffed toy niya.

"Kahit kami, gagi. Wala naman kasi siyang sinasabi na uuwi siya para sa speech." Tinitigan ko si Axel nang magsalita siya habang ngumunguya. Wala talagang manners ito minsan. Para tuloy siyang kambing.

"Ang sabi niya lang, uuwi siya pero matatagalan siya ruon. Hoy, Patricia," pagkuha ni Kuya Gavin sa atensyon ko. "Baka ngayon ka pa mag-inarte. Baka sabihin mo na naman, ayaw mo ng update."

"Update? Nandito na nga siya, iiwas pa ba ako sa mga sasabihin niyo patungkol sa kaniya?"

"Iyong usapan, Patricia, ha?"

"Guys— Guys, wait." Napatigil sa pagsabat si Axel nang magsalita si Patch. "Hindi ko na nga binrought up kasi... alam niyo naman, hindi ba?"

"Patch, kaninong team ka ba?" sabay na tanong ni Axel at Keera.

"Hindi naman kasi birong bagay iyong masisira kung magkataon. Hayaan na lang kaya muna natin siya? I mean... that'll be the best for the both of them. May masasaktan kasi talaga."

"T-Teka. Ano bang pinag-uusapan niyo?"

"Nako, Pat-Pat, hindi na namin sasabihin. Hahayaan na lang namin na ikaw ang makatuklas. Iyan kasi, ayaw pa magpa-update. Wala ka tuloy alam."

Isinuklay ko ang kamay ko sa buhok ko saka ako lumabas ng kwarto habang nakatapat ang cell phone sa akin. Para tuloy akong vlogger. Pagkapunta ko sa kusina, nagsalubong ang mga kilay ko dahil may mga gamit inilalagay sina Mama at Papa papunta sa isang malaking box na nasa lapag.

"Ano pong ginagawa niyo?"

Napatingin silang dalawa sa akin saka ako nilapitan ni Mama at humalik sa pisngi ko. "Nag-aayos na kami. Hindi ba, napag-usapan na natin na kapag nakapagtapos ka na, lilipat na tayo duon sa isang bahay?"

"Oo nga pala."

Bakit ko nga ba nakalimutan iyon? Sabagay, last month pa nang pag-usapan namin ang tungkol sa paglipat namin duon sa bahay na napanalunan ko sa talent competition noon.

"Ang aga niyo na namang ginugulo si Patricia, ha?" biro ni Mama matapos iharap sa kaniya ang cell phone ko.

"Hi, Tita. Good morning." bati ng mga ito.

"Punta kayo rito. Tulong kayo. Lilipat na kami bukas."

"Patricia, ang layo." ungot ni Keera at Patch.

"Sige na. Ngayon na nga lang ako ulit hihiling. Besides, mawawala na ako rito."

"May pagkain ba?" tanong ni Axel kaya namura siya ng mga kaibigan namin at ako naman, napaikot na lang ng mata bago ko inilapit kay Mama ang cell phone ko.

"Ikaw magtanong." ani ko.

"Tita, pinapupunta kami ni Patricia. May pagkain ba?"

"Basta tumulong kayo. Ako bahala sa pagkain niyo."

Nagpaalam ako saglit kay Mama para lumabas. Hindi ko pinatay ang video call dahil na rin sa utos nila. Naririnig ko ang pagtatanong nila kung bakit ako lumabas na mukhang bruha pero hindi ko na pinansin. Pumunta na lang ako sa tapat ng bahay at pinagmasdan ito habang nakangiti.

Marami kasi akong alaala na nabuo rito at lahat ng pangyayari na naganap rito ang tumulong sa pagbuo sa kung sino ako ngayon. Nang matignan ko na ang kabuuan ng bahay ko ay bumuntong-hininga ako saka ako naglakad sa katabing bahay.

Itinapat ko ang cell phone sa bahay ng dati kong boyfriend na may maliit na ngiti sa mukha. "Guys, look."

"Bahay ni Jun?" narinig kong tanong ni Kuya Gavin. "Nga pala, Patricia. Makikipagkita kami sa kaniya mamayang hapon."

Hindi na ako sumagot at pinagmasdan na lang ang kabuuan nito. I suddenly miss him habang tinitignan ito. Ang dami kasi naming pinagdaanan pero nauwi lang sa hiwalayan.

At tulad ng pangako ko sa mga kaibigan ko, susubukan ko siyang kuhanin ulit at ipaliwanag kung bakit kinailangan ko gawin ang mga ginawa ko kahit na alam kong masasaktan siya.

Sana lang tanggapin niya pa rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...